You are on page 1of 3

MGA PRINSIPYO NG SINING

PRINSIPYO NG DESINYO

Kung ang isang artist ay nakahanda na sa pagsasagawa ng kanyang gagawing sining. Hindi
maikakaila na marami pang paghahanda ang kanyang gagawin o iisipin kabilang na ang laki
o haba ng sining na gagawin. Iisipin din niya ang mga hugis na ilalahok sa sining. Gayundin
ang mga kulay, ang liwanag at dilim na makikita kahit ang gagawing linya. Tinatawag ang
pag-oorganisang ito na komposisyon lalo na sa dalawang dimensyong sining. Pero sa
kasaklawan ng lahat ng sining tinatawag namang desinyo.

Ang isang artist ay nagsasagawa ng pagdedesinyo ng sining sa pamamagitan ng


pagkokontrol at pag-oorder gamit ang mga elemento ng sining. Minsan iniisip rin niya kung
ano ang pagsasama-samahin at ano ang hindi. Kung ano ang mainam at hindi. Minsan
inilalarawan nga ito bilang kung ano ang pasok sa panlasa (taste). Kung hindi katanggap-
tanggap sa ating paningin halimbawa ang isang desinyo ay sinasabihan natin na walang ka-
taste-taste. Sadyang may mga nilalang na mahusay sa pagsasama o may malalim na
pagtingin sa prinsipyo ng desinyo.

Kung ikukumabayn ang iba’t ibang elemento sa isang organisadong buo, gumagamit sila ng
mga prinsipyo at pamantayan. Ang prinsipyong ito ng sining ay ang
balanse, empasis, kaisahan (harmony), barayti, gradyasyon, galaw, ritmo, at
proporsyon. Tandaang kung walang prinsipyo ng pagkakaisa ang likha ay maaaring
magkawatak-watak at lalabas na hindi magtatagumpay sa paningin ng manonood.

BALANSE

Hindi maikakaila sa atin na tayo ay naghahangad ng balanse sa buhay. Hindi pwede na puro
na lamang trabaho at walang pagpapahinga. Hindi rin pwede sa isang bata puro nalang pag-
aaral at walang paglalaro. Napakahalaga ng pagbabalanse kahit sa isang tao na naglalakad,
o tumatakbo dahil kung walang pagbabalanse sa katawan ay tiyak na matutumba ang isang
tao. Sa sining ang usaping pagbabalanse ay nangangahulugang distribusyon ng bigat
(weight) sa aktwal o tiyak na bigat ng mga elemento ng komposisyon. Tumutukoy sa
pamamaraan ng pagkukumbayn ng mga elemento para magdagdag ng damdaming
ekwilibriyum o stabilidad sa gawang sining. Tinatawag na Simetrikal- ang dalawang hati ng
gawa ay identikal. Asimetrikal naman ang higit na impormal at isinaalang-alang ang kalidad
ng hyu, intensidad, at balyu bilang karagdagan sa sukat at hugis. Radyal na balance - ay
makikita kung ang sang bagay ay nakaposisyon sa sentral na punto. Ang petals ng daisy na
nagraradiate mula sa gitna ng bulaklak ay isang magandang halimbawa.

EMPASIS

Ang isang artist ay gumagamit ng desinyong prinsipyo na tinatawag na empasis para kunin
ang ating atensyon sa isa o marami pang bahagi ng isang komposisyon sa pamamagitan ng
pagpapatingkad ng mga hugis, linya, kulay, at iba pang mga anyo sa sining. Isang paraan
ng pagkokontras, at pagsasama ng mga elemento upang bigyang-diin ang kaibahan sa
pagitan nito. Ipinopokus ang mga manonood ng sining sa pinakamahalagang bahagi ng
desinyo. Ang artist ay umiiwas sa paggawa ng sining na parepareho ang kulay, balyu, linya,
at hugis, anyo, tekstura at ang easpasyong relasyon na madalas na nagagamit. Alam nila
na ang likhang sining na iyon ay monotonous at di-kanais-nais. Kung ang empasis ay nasa
isang maliit at malinaw na itinakdang bahagi ay tinatawag itong pokus na punto (focal
point). Samantala kung ang isang bahagi naman ng komposisyon ay hindi pinapatingkad o
sinadyang hindi masyadong nakakabighaning tingnan, para ang bahagi na binibigyang diin o
empasis ay siyang mangingibabaw. Ang maaring magamit upang maihaylat ang empasis ay
ang contrast, posisyon, intensidad, kulay at iba pa. Makikita sa pinta ni Nicolas Poussin sa
The Holy Family on the Steps kung paanong binigyan niya ng empasis ang pinakasentrong
bahagi, ang pinakalakas na lokasyon sa anumang biswal na larang.
HARMONYA

Ang harmonya ay isang prinsipyong sining na nagpapakita ng pagiging kohesib sa


pamamagitan ng pagpapatingkad ng mga similaridad sa magkahiwalay pero magkaugnay na
bahagi. tumutukoy sa paraan ng paggamit ng parehong elemento sa gawang-sining para
bigyang diin ang kanilang pagkakatulad. Natatamo ito sa pamamagitan ng mga paulit-
ulit, pahapyaw at gradwal na pagbabago. Nakukuha ito kung ang mga elemento ng likhang
sining ay nagsama-sama nang may kaisahan na pamamaraan. May mga tiyak na
elementong nauulit, pero nakikita at nadaramang magkaparehong nakakaugnay sa bawat isa
para sa kabuuan. Sinasabing ang harmonya ay hindi isang monotony pero hindi rin ito dapat
nagakakagulo. Pinakaangkop na pagkakapareho ng dalawa. Pakatandaan na ang tungkulin
ng harmonya ay ang paglilinang ng kaisahan (unity) lalong lalo na ang harmonya ay
gumagamit ng mga elementong linya, kulay, hugis, anyo, balyu, espasyo at iba pa bilang
tulay sa pagkakaroon ng kaugnayan sa bawat isa sa halip na hiwalay. Halimbawa nito ay ang
pagkakaroon set ng mga kulay na magkakaugnay batay sa mga espesipikong iskemang
nakakabuo ng harmonya.

Makikita sa halimbawa ang isang pinta ni Monet na may pamagat na The Japanesse Bridge
kung saan inilalarawan nito ang pagkakaroon ng harmonya. Ginamit ng pintor ang halos mga
kulay berde at asul, ang mga kaugnay na kulay nito. Kabilang ito sa mga analogous na mga
kulay.

BARAYTI

Kung mababalikan ang harmonya ay ang pagkakaroon ng kaisahan o ugnayan at nakabubuo


ng kabuuang koherent. Sa barayti naman ay tumutukoy sa kapamaraanan ng paghalo-halo
ng mga elemento na sumasaklaw sa paraan para makabuo ng masalimuot at kumplikadong
relasyon. Nakukuha ito sa pag-iiba-iba at pagbabago. Sinasabing nakakuha ng interes ang
barayti. Tandan na ang isang pader na pinintahan lamang ng kulay berde, tiyak mayroon
itong kaisahan sapagkat parehong kulay lamang ang makikita pero walang barayti na
madarama. Pero kung papipintahan mo ito sa dalawampung bata nang kung ano-ano
magkakaroon ka naman ng napakaraming barayti. Sa pinaka-esensya ng pagkakaroon ng
barayti, hahanap lamang ng tamang punto sa isang spektrum- isang punto na nagkakaroon
lamang ng tiyak na kaisahang biswal na napapatingkad sa sapat lamang na
barayti. Sapagkat kung sobra naman sa dami ay walang kaayusan ang makikita.

Makikita sa pinta sa ibaba ang likha ni Jacob Lawrence na may pamagat na Going
Home. Ang pinta ay kakikitaan ng kaisahan at barayti. Bumuo siya ng biswal na ugnayan
gamit ang mga hugis, linya, at kulay. Makikita rin natin ang mga pulang bagay sa pinta na
iba-iba ang hugis.

REPETASYON AT RITMO

Mahalaga ang ritmo sa buhay ng tao at sa pag-inog ng mundo dahil kung wala ito maaaring
maging magulo o hindi naman kaya ay mawawalan ng kahulagan ang pagkalalang ng mga
tao at bagay na ating nakikita. Ang ritmo ng panahon na ating sinasabi, ang ritmo ng buwan,
ang ritmo ng araw and ritmo ng dagat ay iilan lamang sa mga pangyayari na iniuugnay sa
salitang ritmo. Sa sining, ang artist ay maaaring gumawa o gumamit ng ritmo sa
pagpapaunlad ng bawat elemento sa kanilang komposisyon gamit ang maynor at medyor na
baryasyon nito. Sa tulong ng repetasyon ay nagagawa ang mga biswal na elemento para
magkaroon ng ritmo. Ito ay ginagawa sa maingat na paglalagay ng paulit-ulit na elemeto sa
gawang sining para sa pagbuo ng biswal na tempo at beat. Nagagamit ito ng mga
manonood para tumalon ang paningin mula sa isa patungo sa susunod.
Sa pinta ipinakita ang guhit ni Raphael na may pamagat na Madonna of the
Chair. Nakahaylat rin sa pinta ang makailang beses na pag-uulit ng kurbada sa gilid. May
kurbada sa kanyang siko, sa kanyang braso at sa kanyang ulo na nag-uugnay rin sa
nakakurbadang bahagi ng katawan ng batang Hesus. Ang mismong kurbada ay nagpapakita
ng daloy at tuloy-tuloy.

You might also like