You are on page 1of 4

OUR LADY OF THE HOLY ROSARY SCHOOL

Member, Association of LASSSAI Accredited Superschools (ALAS)


Rosaryville Cmpd., Mulawin I, Tanza 4108 Cavite
Tel. No.: (046) 432 9658 Email: olhrs.edu@gmail.com

Ikalawang Markahan
Distance Learning Packet Blg. 3
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
November 1-5, 2021

Mga gawain ngayong linggo: Gawain Blg. 4 at Maikling Pagsusulit Blg. 3


Interactive Activity:

Araw Aralin/ Learning Mga Gawain


Sanggunian Competencies

Unang Araw Makrong 1. Naipapaliwanag ang Dumalo sa synchronous na


Kasanayan sa kahulugan at talakayan gamit ang MS Teams.
12P (ABM) - Lunes Akademikong kahalagahan ng
(S) Komunikasyon pagbabasa. Aralin:
(5:05pm-5:50pm) Makrong Kasanayan sa
Kasanayan sa 2. Naipapakita sa klase Akademikong Komunikasyon
Pagbabasa ang aktwal na gamit ng
iba’t ibang uri ng Kasanayan sa Pagbabasa
Ang Guru, pagbabasa.
Mindshapers Inc. (Uploaded PDF file)
3. Nagagamit sa aktwal
na pagbabasa ang mga
hakbang at teknik sa
pagbasa.

Ikalawang Araw 1. Sagutan ang Gawain Blg. 4 sa


1. Naipapaliwanag ang Schoology.
12P (ABM) - kahulugan at
Martes (AS) kahalagahan ng 2. Sagutan ang Gawain Blg. 3 sa
(3:50pm-4:20pm) pagasalita. Schoology.

2. Naipapakita sa harap
ng klase ang iba’t ibang
katangian at
kasangkapan ng isang
mahusay na
tagapagsalita.

3. Naiuugnay ang
kahalagahan ng 3K sa
pagsasalita sa iba’t
ibang gawaing
panlipunan.

Ikatlong Araw Makrong 1. Naipapaliwanag ang 1. Dumalo sa synchronous na


Kasanayan sa kahulugan at talakayan gamit ang MS Teams.
12P (ABM)- Akademikong kahalagahan ng
Biyernes (S) Komunikasyon pagbabasa. Aralin:
(5:05pm-5:50pm) Makrong Kasanayan sa
Kasanayan sa 2. Naipapakita sa klase Akademikong Komunikasyon
1
Pagbabasa ang aktwal na gamit ng
iba’t ibang uri ng Kasanayan sa Pagbabasa
Ang Guru, pagbabasa.
Mindshapers Inc.. (Uploaded PDF file)
3. Nagagamit sa aktwal
na pagbabasa ang mga 2. Balik-aralan Kasanayan sa
hakbang at teknik sa Pagbabasa PDF uploaded (Week
pagbasa. 2), Maikling Pagsusulit Blg. 3 sa
susunod na linggo.

Maikling Pagsusulit Blg. 1

Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod.

1. Isang mental na gawain na nangangailangan ng paningin, maayos na pandinig, wastong pagbigkas at iba
pang kaalamang panglinggwistika.
2. Uri ng pagbabasa na nangangailangan ng malalim na pagkilatis sa nilalaman, gramatika, pagbabantas,
organisasyon at paraan ng pagpapahayag.
3. Kadalasang ginagawa kung ang layunin ay hindi lamang maunawaan ang binabasa kung hindi makabisado
rin ang mahahalagang detalye.
4. Pang-unawa sa kaisipang nakapaloob sa mga nakalimbag na simbolo.
5. Ang pagbabasa ng ginagawa upang matuto at makakuha ng bagong kaalaman sa iba’t ibang larangan.
6. Ang mabilisang pagtingin at pagpansin sa mga impormasyong natatagpuan habang nagbabasa.
7. Kakayahan ng mambabasa na maiugnay ang kanyang sariling kaalaman at karanasan sa nilalaman ng
teksto.
8. Ang mata at isip lamang ang kailangang gamitin upang malinang ang konsentrasyon ng mambabasa sa
pag-unawa sa binasa.
9. Layunin ng ganitong pagbasa ng mabatid ang pangkalahatang pananaw o di kaya ay nilalaman sa isang
tekstong babasahin gamit ang sapat na kasanayan sa kagyat na pag-unawa at binabasa.
10. Pagbabasa na nakatuon sa pagsusuri sa iba’t ibang elementong napapaloob sa teksto at ang kasanayan
sa paglalapat ng teorya at prinsipyo at uibang salik sa pagsusuri sa isang binasang teksto.

Gawain Blg. 3
Basahin ang tula at sagutin ang mga katanungan sa ibaba nito.

Ang mga walang pangalan

Alay kay Leonor Alay-ay, drayber


--Jose F. Lacaba

Nalalaman na lamang natin


ang kanilang mga pangalan
kung sila’y wala na.
Subalit habang nabubuhay,
sila’y walang mga pangalan,
walang mukhang madaling tandaan.
Hindi sila naiimbitang
magtalumpati sa liwasan,
hindi inilalathala ng pahayagan
ang kanilang mga larawan,
at kung makasalubong mo sa daan,
kahit anong pamada ang gamit nila
ay hindi ka mapapalingon.

Sila’y walang mga pangalan,


2
walang mukhang madaling tandaan,
subalit sila ang nagpapatakbo
sa motor ng kilusang mapagpalaya.
Sila ang mga paang nagmartsa
sa mga kalsadang nababakuran
ng alambreng tinik,
sila ang mga bisig na nagwagayway
ng mga bandila ng pakikibaka
sa harap ng batuta at bala,
sila ang mga kamaong
nagtaas ng nagliliyab na sulo
sa madilim na gabi ng diktadura,
sila ang mga tinig na sumigaw
ng “Katarungan! Kalayaan!”
at umawit ng “Bayan Ko”
sa himig na naghihimagsik.
Sa EDSA sa isang buwan ng Pebrero,
sila ang nagdala ng mga anak
at nagbaon ng mga sanwits
at humarap sa mga tangke
nang walang armas kundi dasal,
habang nasa loob ng kampo,
nagkakanlong, ang mga opisyal
na armado ng Uzi.

Wala silang mga pangalan,


walang mukhang madaling tandaan,
itong mga karaniwang mamamayan,
pambala ng kanyon at kakaning-itik,
na matiyagang kumilos at
tahimik na nagbuklod-buklod at
magiting na lumaban
kahit kinakalambre ng nerbiyos,
kahit kumakabog ang dibdib.

Wala silang mga pangalan,


walang mukhang madaling tandaan,
subalit sila’y
naglingkod sa sambayanan
kahit hindi kinukunan ng litrato,
kahit hindi sinasabitan ng medalya,
kahit hindi hinaharap ng pangulo.
Sila’y naglingkod sa sambayanan,
walang hinahangad
na luwalhati o gantimpala
kundi kaunting kanin at ulam,
kaunting pagkakakitaan,
bubong na hindi pinapasok ng ulan,
damit na hindi gula-gulanit,
ang layang lumakad
sa kalsada tuwing gabi
nang hindi sinusutsutan ng pulis
para bulatlatin ang laman ng bag,
isang bukas na may pag-asa’t aliwalas
para sa sarili at sa mga anak,
isang buhay na marangal
kahit walang pangalan,
kahit walang mukhang madaling tandaan.
3
1. Tungkol saan ang tula?
2. Anong uri ng mga tao ang tinutukoy sa tula? Sino-sino kaya sila sa lipunan?
3. Bakit tinatawag na “walang pangalan” ang mga tao sa tula? Ano ang ibig sabihin nun?
4. Ano makasaysayang pangyayari ang nagaganap sat ula?
5. Ano lamang ang nais sa buhay ng mga taong walang pangalan?

A. Kalikasan at Kahulugan ng Pagbasa

Ang pagbasa ay pagkilala at pagkuha ng mga kaisipan sa nakalimbag na simbolo o sagisag.


Ang pagbasa bilang isang mental na gawain ay nangangailangan ng malinaw na paningin, maayos na
pandinig, wastong pagbigkas at pag-unawa sa mga salita, parirala, pangungusap, talata at iba pang
kaalamang panglinggwistika.
Ang kasanayang ito ay isang receptive skill dahil an gisang toang nagbabasa ay sumusubok na tumuklas ng
iba’t ibang karunungan na maaari niyang mapakinabangan sa kanyang buhay,

B. Kahalagahan ng Pagbabasa

1. Pagtuklas ng kaalaman.
2. Para sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.
3. Kasiyahan at kaaliwan.
4. Nararating ang mga lugar na hindi pa napupuntahan at nakikilala ang mga taong hindi pa nakikita.
5. Impluwensya sa saloobin hinggil sa pangyayari sa lipunan, mga prinsipyo at pananaw sa buhay at maging
interes at gawain sa buhay.
6. Paglutas ng suliranin o maging ito man ay tungkol sa lipunan. Nakakataas din ng pagbabasa ang kalidad ng
buhay ng tao. Sa pagbabasa, nakatutuklas din ng iba’t ibang paraan kung papaano higit pang mapapaunlad
ang sarili.

C. Mga Uri ng Pagbasa

1. Skimming
2. Scanning

D. Batay sa Layunin

1.Pagbasang Nakapagtuturo
2. Pagbasang Nakalilibang

E. Apat na Hakbang ng Pagbasa

1. Persepsyon
2. Komprehensyon
3. Reaksyon
4. Asimilasyon

E. Mga Teknik Tungo sa Interaktib na Pagbasa

1. Pagtatanong
2. Paghuhula
3. Paglilinaw
4. Pag-uugnay
5. Paghuhusga

Inihanda ni: Sinuri ni:

G. Rommel A. Pamaos Bb. Diana C. Soriño


Guro, Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan Koordineytor, Pang-Akademiko

Checked by:
Checked by:

You might also like