You are on page 1of 5

Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademik

1
Portfolio

Portfolio

Mga Batayang Kasanayang Dapat na Matamo:


 Nakikilala ang portfolio at ang pinaggagamitan nito
 Nalalaman ang kahalagahan ng paghahanda at paggamit ng portfolio para
sa sariling kaunlaran
 Naiisa-isa ang mga bahagi at kinakailangan sa pagbuo at paghahanda
portfolio
 Nakabubuo ng isang malikhaing portfolio ng mga sarili o orihinal na
sulating akademik na naaayon sa istruktura at teknik

This is a subheading (for sub topics – Heading 2)


SIMULAIN PARA SA IYO:

1. Ano ang pakahulugan mo sa salitang portfolio?

2. Noong nasa ikapito hanggang ikasampung baitang ka ay nakagawa ka na


ba ng portfolio? Kung oo ibahagi sa klase kung paano mo ginawa at ano
ang mga nilalaman.

Course Module
Talakayin at unawain:

PORTFOLIO
Ang portfolio ay katipunan ng iyong mga personal na gawa, mga nakamit o
napagtagumpayan, mga kaalaman o mga bagong kaalaman. Ginagamit ito sa
iba’t ibang larangan gaya ng mga taong nasa sining, ang mga taong
propesyonal at maaari ring gamitin sa pag-aaplay ng trabaho. Kaya naman
ang nilalaman nito ay nagbabago lagi o mas nadadagdagan upang maipakita
ang pag-unlad ng isang indibidwal sa kaniyang piniling larangan.
Mahalagang bumuo ng isang portfolio sapagkat ito ay repleksyon ito ng isang
tao bilang isang propesyonal (The Florida State University, 2013). Ibig
sabihin ipinakikita ng portfolio kung anong pananaw at atityud ng isang tao
sa kaniyang gawain at propesyon. Kaya naman masasabi ring ito ay patunay
ng isang indibidwal ukol sa kaniyang personalidad tungo sa kaniyang mga
natamo at mga nagawa.

Ano nga ba ang pinaggagamitan ng portfolio?


Ginagamit ito para sa sarili. Halimbawang mag-aaplay ng trabaho ay may
mga ebidensya ang isang tao para sa kaniyang natamo. May mga taong nasa
trabaho narin ang gumagawa ng portfolio. Para magkaroon ng reperensiya
ang mga nasa katungkulan ukol sa kanilang taong nasasakupan at
naninilbihan sa kanila. O kaya naman ay dokyumentasyon ng mga nagawa at
proyekto ang portfolio ng mga indibidwal sa kanilang propesyon. Maaari ring
ito ay batayan ng isang taong tinitignan ang kaniyang pagbabago at
pagkatuto niya sa mga bagong natuklasan.
Maaari rin itong gamitin sa pag-aaral. Sa pagkakataong kailangang tipunin
ang mga nagawa ng isang estudyante ang kaniyang nagawa (takdang-aralin,
proyekto, aktibidad at iba pa).
Hindi tulad ng ibang sulatin, na may sinusunod na pormat, ang portfolio ay
maaaring gawin sa anumang istruktura. Ang nilalaman ng portfolio ay
depende sa mga nagawa, ilang deskripsyon sa sarili at sa mga nagawa at ilang
dagdag na nilalaman. Kaya naman madalas umaabot ito mula anim na pahina
pataas.

Mga nilalaman at paghahanda ng portfolio


Walang istandardisadong anyo ang portfolio tulad ng mga itinuturong
istruktura sa pagsulat ng mga akademikong sulatin. Nakasalalay ang anyo
nito sa taong gagawa nito. Ngunit minsan, may mga taong magbibigay ng
isang pormat na dapat sundin upang maging gabay sa mga taong unang
pagkakataon pa lamang nilang gumawa ng isang portfolio.
Sa paggawa ng portfolio ng mga propesyonal ay madalas ang mga
sumusunod ang nilalaman:
 Mga personal na detalye (pangalan, edukasyon, posisyon at iba pa)
 Mga nilalaman ng portfolio
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademik
3
Portfolio

 Introduksiyon (ukol sa trabaho, gawain o responsibilidad)


 Repleksiyon (sa trabaho, nagawa, naging responsibilidad at paano
isinasagawa, napaunlad)
 Mga gawain at natamo
 Mga dokyumentasyon na nagpapatunay ng mga natamo tulad ng
parangal, sertipikasyon at iba pa.
Sa paaralan naman, hindi ito nalalayo sa mga gawa ngmga propesyonal.
Narito ang mga madalas na inilalagay sa portfolio.
 Personal na impormasyon
 Introduksiyon
 Repleksyon
 Mga nagawa
 Ebidensya

Maaaring isama sa portfolio ang mga iba pang patunay na tulad ng


ebalwasyon ng mga taong naging bahagi ng iyong napagtagumpayan,
workshop, kumperensya, mga naging proyekto at iba pang mahahalagang
impormasyon na may kinalaman o kaugnayan sa kalidad ng ginawa.
Sa pagbuo at paghahanda ng portfolio ay isaalang-alang ang mga sumusunod:
 Ang malinaw na istrukturang dapat na mabuong portfolio.
 Maglista ng mga nagawa ukol sa propesyon at iba pang gagawin.
 Kolektahin na ang mga dokumentong magpapatunay sa mga
kahusayang nagawa.
 Laging maging totoo sa lahat ng inilalagay sa portfolio.
 Ilagay ito sa presentableng lalagyan upang maging kaaya-aya sa mga
mambabasa.
 Siguruhing naisama ang mga sarili at mahahalagang dokumentong
nakolekta at kinakailangan sa portfolio.
 Wasto ang gramatika, baybay at mga pahayag.
 Naisaayos nang wasto at magkakaugnay ang mga nilalaman.

Suriin:

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.


1. Sa iyong palagay, bakit kaya walang istandardisadong anyo ang portfolio?

Course Module
2. Sa iyong pananaw, kailangan na nga ba ng mga istandardisadong anyo
ang portfolio sa paaralan at trabaho? Bakit?

3. Ano ang pangunahing suliranin sa pagbuo ng portfolio? Bakit?

4. Sa mga propesyonal, ano ang kapakinabangan ang dulot ng portfolio sa


mga mambabasa ng portfolio? Sagutin gamit ang tsart sa ibaba.

5. Ano-ano ang mga mabubuting dulot ng paggawa ng portfolio? Sagutin


gamit ang tsart sa ibaba.
Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan - Akademik
5
Portfolio

Gawain:
Pasulat
Mag isip ng pormat sa pagsasaayos ng portfolio sa isang larangan at
ipaliwanag kung bakit iyon ang naisip na istruktura ng paghahanda at
paggawa ng portfolio. Pagakatapos ay italakay ito sa klase.
Kaugnayan sa Media
Lahat ng mga naisulat na akademikong sulatin na nagawa sa kursong ito ay
gawan ng portfolio batay sa pormat sa ibaba. Ipahard bound ito.
I. Pamagat ng portfolio
II. Pasasalamat
III. Mga impormasyon o pagkakakilanlan sa gumawa ng portfolio
IV. Introduksiyon
V. Nilalaman
a. Paliwanag sa kursong kinukuha ngayon (kung may silabus ay
maaaring isama at ipaliwanag ang nilalaman at kahalagahan)
b. Mga nagawa o natapos sa kursong ito (mga akademikong sulating
nagawa)
c. Repleksiyon sa mga araling natutuhan
VI. Kongklusyon sa mga gawaing napagtagumpayan
VII. Rekomendasyon o Suhestiyon

References:
Preparing a Portfolio. Retrieved from:
www.career.fsu.edu/.../Preparing+a+Portfolio.pdf
Florante C. Garcia, PhD., 2016, Filipino sa Piling Larangan (Akademik), SIBS
Publishing House, Inc. Quezon City

Course Module

You might also like