You are on page 1of 3

Walang Ligo

Hook:
Hirap maligo dahil malamig? O simpleng tinatamad lang? Ibahin mo si Kailash Singh na piniling
hindi maligo sa loob ng 37 taon sa paniniwalang mabibiyayaan siya ng anak na lalaki. Buong
pamilya niya, pinipilit na siyang maligo ngunit hindi siya matinag dahil ito daw ay kagustuhan
ng diyos para sa kanya. Mayroon na siyang pitong babaeng anak at wala pang lalaki. Kaya wala
pa rin siyang ligo.
BUMPER:
Awe Republic Logo Opening

CONTENT:

**Show title: Ang Pangarap ni Kailash Singh


Wala ibang gusto si Kailash kung hindi ang magkaroon ng anak na lalaki. Sa bansang gaya ng
India na may paniniwala pa ring isang malaking swerte at ginhawa sa buhay ang hatid ng anak
na lalaki, katulad niya rin ang maraming ama na gagawin ang ano mang ipayo sa kanila matupad
lamang ito. Isang particular na payo kay Kailash ay nagmula mismo sa isang mangangaral, sinabi
nito sa kanyang ayon sa kalooban ng diyos sa kanya, magiging lalaki ang kanyang anak kung
hindi siya maliligo.
Taos pusong sinunod ito ni Kailash. Ang tanging bahagi ng katawan niya na nadadampian ng
tubig ay ang kanyang labi kapag umiinom at kamay naman kapag naghuhugas.
**Show title: Simula ng Kalbaryo
Nagsimula ang panata ni Kailash ilang buwan lang matapos siyang ikasal. Magsasaka si Kailash
at buong araw siya kung magtrabaho. Sa India, na halos maikukumpara mo ang init sa Pilipinas.
Natural lamang na karamihan sa atin, maligo nang higit sa isang beses. Kahit nanlalagkit sa
pawis at dumi, ininda ito ni Kailash alang-alang sa kanyang kagusuthan.
Hindi naging madali ang pagtanggap ng kanyang asawa na nagbantang hindi tatabi sa kanya o
makikipatalik. Sa pangako ni Kailash na magiging tapat at mabuting asawa, naging mapagtiis
siyang misis. Nagbunga ang kanilang pagsasama ng pitong babaeng anak. Sapat na sanang
batayan ito upang ihinto ni Kailash ang kanyang nasimulan ngunit patuloy pa rin siyang umaasa.
MIDDLE ENGAGEMENT:
Bago tayo magpatuloy, ano-ano ang mga dahilan mo para hindi maligo? Gaano ka katagal hindi
naligo at bakit naman? I-share mo ito sa ating comment section down below!

**Show title: Pangungumbinsi kay Kailash


“I haven’t washed for 37 years. After so many years, I am living a happy life.”
Walang nakikitang problema si Kailash sa kanyang naging pamumuhay. Simpleng magsasaka,
nagpapastol ng mga baka malapit sa Ganges River. Pag-uwi niya, magpapahinga at kakain.
Ilang beses na siyang pinilit ng asawa. Nagmakaawa at pinagsalitaan niya na ng masama ay wala
pa ring talab. Noon una’y nga, hindi nila lahat matiis ang matinding amoy ng kanilang padre de
pamilya. Hinabol na nila siya noon ng hose ng tubig, tabo at timba ngunit nagwawala ang
matanda. 69 na taong gulang na si Kailash noon. Sa gabi, may fire bath si Kailash kung saan
ayon sa kanya, nag-aalis ng amoy at dumi sa katawan niya.
'He says he'd rather die than take a bath and only a son could change his mind. It has been so
many years now I've got used to it.
Sabi ng asawa ni Kailash. Pati mga anak niya, apektado din sa desisyon ng kanilang ama. Ang
pinakabata niyang anak na si Pooja ay sumikat nang hindi inaaasahan. Naging popular siya nang
malamang nasa tatlong dekada nang hindi naliligo ang kanyang. Tinatanong siya gaya ng paano
niya ito natitiis? O kung paano iyon natatagalan ng kanyang tatay?
'I have no son, so I will never wash again,' 'Maybe when I am born again I will wash.'

**Show title: World’s Smelliest Man


Hindi nag-iisa si Kailash sa recognition ng world’s smelliest man, kamakailan lang ay naamoy
naman ng mundo si si Amou Haji ng Iran. 60 taon na siyang hindi naliligo. Ang dahilan?
Magkakasakit daw siya kapag siya ay naging malinis.
Kaiba kay Kailash, walang pamilya ang 80 anyos na si Haji. Isa siyang tunay na Nomad sa
makabagong panahon na pagala-gala lamang sa disyerto sa labas ng isang village. Isa pang
natatangi kay Haji ay ang commitment niya sa paggiging dugyot.
Mga hilaw na bangkay ng patay na hayop ang kanyang kinakain. Ang sigarilyo niya ay mula sa
tae ng baka at kalabaw. Umiinom siya ng limang litro ng maruming tubig mula sa kalawanging
lata. At kung kailangan niyang gupitan ang kanyang buhok? Sinusunog niya ito sa apoy.
Ayon sa mga local, nagkaganito raw si Haji dahil sa sunod-sunod na dagok sa buhay. Kaya pinili
na lamang itong mag-isa at mamuhay malayo sa karamihan.
Sadyang iba-iba talaga ang pinananiwalaan ng mga tao. Sa kagusuthan nilang magawa ang isang
bagay, humahantong tayo sa mga extremes na desisyon. Sa isang banda, may point din naman
si Kailash. May mga taong araw-araw naliligo at malinis ngunit hindi masaya at kuntento.
Ano nga ba ang tunay na kalinisan, ano pa’t ang kalooban nating naniniwala sa isang malinis na
hangarin.

You might also like