You are on page 1of 3

Mayaman ang Congo ngunit Naghihirap ang mga Congolese

HOOK:

Mayaman ang Congo, ngunit naghihirap ang mga tao rito. Aabot sa 24 trillion dollars ang halaga ng mga
natural resources nila gaya ng cobalt, gold, diamonds lalo na ang cotan na source ng tantalum na gamit
sa mga cellphone at computers. Sa kabila nito, 80 million na Congolese ay nabubuhay lamang sa less
than a dollar araw-araw o singkwenta pesos na pagkakasyahin sa buong pamilya.

Kurapsyon, maling pamamahala, gera, kolonyalismo at pang-aalipin na naka-ugat sa madilim na


kasaysayan ang mga itinuturong dahilan kung bakit ang pinakamayaman na bansa pagdating sa natural
reserves ay siya ring isa sa pimakamahirap.

Saan nagsimula ang paghihirap na ito ng Congo?

At paanong ang natural na yaman ng kanilang bansa, ay isa ring sumpa para sa kanila?

BUMPER:
Awe Republic Logo Opening

CONTENT:

**Show title: Ang Madilim na Kasaysayan ng Congo


Gaya ng Pilipinas, daan taon din inalipin ang naging kolonya ng ibang bansa ang Congo. Ngunit
nag-iisa lang ang kaso ng Congo sa kasaysayay dahil hindi ito sinakop, sa halip, ay binili ni King
Leopold II ng Belgium ang kanilang teritoryo at ginawa niya itong sariling pag-aari. Ang dating
malayang lupain ay ginawang private owned at tinawag na  Congo Free State.
Layunin ng hari na gawing sibilisado at moderno ang mga katutubo sa pamamagitan ng
pagsasamoderno ng kanilang buhay at pagpapakila ng mga kaugaliang kanluranin. Sa kabila ito
ng katotohanan na may sarili ng kultura at tradisyon ang mga katutubo at maling-mali ang
pangongolonya at ipilit ang tradisyon ng ibang bansa sa iba.

**Show title: Ang Pang-aalipin sa Congo


Hindi ito ang ginawa ni King Leopold, dahil walang konsepto ng titulo ang mga Congolese,
ginawa niyang pag-aari ang lahat ng lupain. Inalipin ang mga katutubo. May quota ang lahat para
sa ivory na mula sa mga tusk ng elepante. Gayundin ang mga goma o rubber dahil sa bicycle
mania at pagkakaroon ng kotse sa Europa. Para masiguradong magtatrabaho lalo na ang mga
kalalakihan. Bihag ng mga tao ng hari ang kanilang mga asawa at anak na nakaranas ng
pangmomolestiya sa kamay ng mga sundalo.
Ang mga hindi nakakaabot sa takdang dami ng dapat na makuhang resources ay pinuputulan ng
kaliwang kamay. Marami sa mga Congolese ang nagkasa ng rebelyon ngunit walang
nagtagumpay dahil moderno ang mga armas ng kanilang mga colonial masters.
Tinatayang nasa 10 million Congolese ang namatay dahil sa sakit, gutom, malnutrisyon, torture
at pang-aabuso. Nasa 1 billion us dollar naman ang nanakaw ni King Leopold mula sa natural
resources ng Congo.

MIDDLE ENGAGEMENT:
Bago tayo magpatuloy, sa tingin mo ba ay isa ring maunlad na bansa ang Pilipinas kung hindi
tayo inalipin at sinakop ng iba’t ibang bansa? Totoo rin kayang “mayaman ang Pilipinas, ngunit
naghihirap ang mga Pilipino”?

**Show title: Ang Paglaya ng Congo


Ang mga demonstrasyon at protesta sa ibang panig ng Europe tungkol sa pag-abuso ng
karapatang pantao ni King Leopold II ang nag-udyok sa kanya upang ilagay sa ilalim ng
Belgium ang Congo noong 1908. Ang mga pang-aabuso ng Hari ay kilala sa bilang
pinakamalaking human rights abuse nang panahon na yun dahil hindi lamang iilang tao ang
nakaranas nito kung hindi isang buong bansa.
Ngunit hindi pa rin nagbago ang kapalaran ng Congo. Napasailalim lamang sila sa ilalim ng
bagong mga panginoon. Hindi pa rin bumuti ang kanilang kundisyon ng kanilang pamumuhay at
pawang ginawa lamang legal ang pang-aalipin sa kanila.
Noong World War I, ang mga brass casings ng mga bala ng allied forces ay copper mula sa
Congo. Pati na ang dalawang Nuclear bomb na ibinagsak sa Hiroshima at Ngasaki na tumapos
sa WWII, galing din sa Congo ang Uranium.
June 30, 1960 nang tuluyang nakamit ng Congo ang kanyang kasarinlan. Nagkaroon ng bagong
mukha ng pag-asa sa pagkatao ng unang Prime Minsiter ng Democratic Republic of Congo na si
Patrice Lumumba. Hindi fan si Patrice ng kanilang Belgian colonizers. Progresibo ang kanyang
mga pananaw at ang nais niya ay lubos na Kalayaan. Una ay ang pagpapaalis ng mga Belgian
troops na sa mineral-rich province ng Congo na Katanga.
Dahil dito, nagsabwatan ang CIA at Belgium upang ipapatay si Patrice Lumumba sa dahilang
gagawin niyang communist country ang Congo. Kahit na ang tunay na dahilan ay hindi na nila
mananakawan ng natural resoruces ang Congo kapag hindi na nila nahawakan.
**Show title: Kurapsyon at ang Sumpa ng Cotan
Napasailalim ng diktadurya ni Mobuto Seseko ang Congo sa loob ng tatlong dekada.
Nakinabang siya sa yaman kasama ang kanyang mga cronies o mga kaalyado sa pulitika.
Hinayaan lamang siya ng Amerika na gawin ito ang pagpatay sa mga lumalaban sa kanya
at nakawan ang bansa hangga’t nakikinabang din sila sa likas na yaman nito.
Dumating ang pag-usbong ng teknolohiya at isang napakahalagang mineral na ginagamit sa
motherboards ng computer at cellphone ang madaling mamina sa Congo, ang tantalum na mula
sa mga mineral na cotan. Congo ang tinuruting na Saudi Arabia ng Cotan. Nagkaroon ng Cotan
Rush sa congo. Ang mga commoners ay nagbitbit ng pala at naghukay saka ibinenta sa tao na
magbebenta naman sa mga kumpanya. Dahil dito, bumaba ang value ng tantalum dahil sa dami
ng supply nito.
Hindi rin makapag-invest ang ibang bansa dahil masasayang lamang ang pera nila dahil sa
talamak na kurapsyon at hindi matapos-tapos na armadong pakikibaka mula sa mga rebelde. Sa
pagbebenta din cotan din kumukuha ng pambili sa mga armas ang mga warlords na mas nagiging
bayolente dahil sa pagnanakaw rin at pagpatay sa mga taong-bayan.
Ang magkabilang panig ng pamahalaan, warlords at ibang bansa ay pawang walang interes sa
kapakanan ng mga Congolese kung hind isa kung ano lamang ang pwede nilang makuha sa
lupain nito. Paunti-unti, nagkakaroon ng pagbabago sa pananaw ng mga Congolese na
pinagkaitan ng karapatang matuto sa pamamagitan ng libreng edukasyon at pagbabawal sa
kanilang bumuto. Nagkakaroon ng mga maliliit na demonstrasyon at pagtutol sa panig nila. Ang
Congolese ay para sa Congo. Ang yaman ng kanilang bansa ay para lamang dapat sa kanila.
Matagalan man bago nila tuluyang makamit ang tunay na kalayaan, alam nating sa kasaysayan,
nagpupunyagi ang mga maliliit kapag nagsama-sama, at tiyak na may magandang bukas basta
hindi sukuan ang laban sa katarungan.

You might also like