You are on page 1of 19

Science 3

Science 3
Ikalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 18
Pangangalaga at Pag-iingat sa
Kapaligiran
Agham – Ikatlong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 18: Pangangalaga at Pag-iingat sa
Unang Edisyon, 2020 Kapaligiran

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Dyanarra Claire V. Franco


Editors: Melinda P. Iquin at Marites R. Borras, Ephraim Villacrusis
Tagasuri: Content: Dr. Louie B. Dasas, Liza A. Alvarez
Tagaguhit: Ruben F. Nazareno
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara, Janeth D. Morte
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera
Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta Ed.D.
Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham - Ikatlong Baitang ng
Modyul tungkol sa araling Pangangalaga at Pag-iingat sa Kapaligiran!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham - Ikatlong Baitang ng


Modyul ukol sa Pangangalaga At Pag-Iingat Sa Kapaligiran!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan
pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN

Tinalakay sa nakaraang modyul ang mga pangangailangan


ng mga may buhay sa mga bagay na matatagpuan sa kapaligiran
tulad ng hangin, tubig, lupa, at sikat ng araw. Para sa modyul na
ito, tatalakayin naman kung paano mapangangalagaan at
maiingatan ang kapaligiran nang sa gayon ay patuloy na
makapagbibigay ang kapaligiran ng mga pangangailangan ng
mga halaman, tao, at hayop.

Sa pagtatapos ng modyul, may kakayahan ka nang:

1. mapagtanto na dapat pangalagaan at pag-ingatan


ang kapaligiran;
2. maitala ang mga kayang gawin para mapangalagaan
at mapag-ingatan ang kapaligiran; at
3. makagawa ng isang pangako para sa pangangalaga
at pag-iingat sa kapaligiran.

PAUNANG PAGSUBOK

Bago umpisahan ang pag-aaral ng modyul, sagutin muna


ang sumusunod na pagsubok upang malaman kung gaano
kalawak na ang iyong kaalaman ukol sa paksa ng modyul na ito.

Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel.

1. Ang grupo ninyo ay nagkasundong magtanim ng gulay sa mga


bakanteng lalagyan sa inyong mga bahay. Ano kaya ang
maaaring idulot nito?

A. Mapapagod ka sa pagtatanim.
B. Magiging luntian ang kapaligiran.
C. Magkakaroon ng pagkain at kabuhayan.
D. Magkakaroon ng pagkukunan ng pagkain.
2. Ano ang mangyayari kapag ang mga tao ay patuloy na
magsusunog ng mga puno?

A. Mauubos ang mga puno.


B. Masisira ang balanse ng kalikasan.
C. Patuloy na lalala ang pagbabaha.
D. Mawawalan ng tirahan ang mga hayop.

3. Ano ang mangyayari kapag nagtatapon ng basura sa ilog?

A. Magiging madumi ang tubig.


B. Malalason ang mga isda sa ilog.
C. Mababawasan ang basura sa lupa.
D. Patuloy na lalala ang polusyon sa ilog.
4. Ano ang mangyayari kapag patuloy kang nagtatapon ng
basura sa kanal?

A. Lilinis ang kalsada.


B. Maitatago ang basura.
C. Magbabara ang kanal.
D. Mawawalan ng kalat sa paligid
5. Nakita mo na ang iyong kasama sa bahay ay nagtapon ng
basura sa sahig, ano ang gagawin mo?

A. Ipapahiya ko siya para madala.


B. Makikipag-away sa kasama sa bahay.
C. Magtatapon na rin ako ng basura sa sahig.
D. Kakausapin ko siya upang ilagay ito sa tamang basurahan.

BALIK-ARAL

Panuto: Tukuyin ang mga may buhay na nangangailangan ng mga


matatagpuan sa kapaligiran at isulat ang kahalagahan nito sa
mga may buhay (halaman, tao, hayop).

Mga Nasa Nangangailangan Kahalagahan


Kapaligiran
1. tubig

2. gulay

3. lupa

4. hangin

5. sikat ng
araw

ARALIN

Tignan ang iyong kapaligiran. Malinis ba o marumi ito? Paano


mo mapangangalagaan at mapag-iingatan ang kapaligiran?
Bakit kailangang pangalagaan at pag-ingatan ng mga tao ang
kapaligiran? Ito ay aalamin natin sa aralin na ito.
Tingnan ang larawan.
Napakagandang pagmasdan ang
luntiang kapaligiran. Nagpapamalas
ito ng yaman ng kalikasan. Ito ang
pangunahing pinagkukunan ng ating
mga pangangailangan. Nagbibigay
ng sariwang hangin ang mga puno.
Nagsisilbi rin itong tahanan ng ibang mga hayop. Paano kaya kung
lumabis ang pagkuha natin ng pangangailangan at hindi ito
napangalagaan ng tama?
Nagpapakita ba ang larawan ng
tamang pangangalaga at pag-
iingat ng kapaligiran? Ipinakikita sa
larawan na ito ang pagputol ng puno
na nakapamiminsala ng kapaligiran.
Ang patuloy na pagputol ng mga
puno, at pagsunog ng kagubatan ay magiging sanhi ng
pagkaubos ng mga puno. Walang pipigil sa pagbaha at pagguho
ng lupa. Mawawalan din ng tirahan ang ilang mga hayop na nasa
kagubatan.
Paano nga ba mapangangalagaan
at mapag-iingatan ang kapaligiran?
Pagmasdan ang larawan, malinis ang
anyong-tubig, ang karagatan.
Maaaring marami pang yamang-
dagat ang makukuha rito upang
maging pagkain at mga produkto na
kapaki-pakinabang sa mga tao.
Ang malinis na tubig ay isa sa pangunahing pangangailangan ng
tao, halaman, at hayop. Maraming gamit ang tubig at ang
pinakaimportante rito ay ang gamit nito bilang inumin.
Maaari rin itong pagkuhanan ng pagkain tulad ng mga
lamang dagat gaya ng isda, talaba, tahong at iba pa. Kaya kung
hindi pangangalagaan ng mga tao ang anyong-tubig,
magkukulang ang pagkukunan natin ng tubig at pagkain.
Kapag marumi ang tubig at
ginagawang tapunan ng basura at
inabuso ang pangingisda,
mawawalan ng kakayahan ang
anyong-tubig upang makapagbigay
ng pangangailangan sa mga
halaman at hayop na naninirahan
dito. Magiging kabawasan din ito sa mga pinagkukunan ng mga
tao ng pagkain at kabuhayan.
Ano ang dapat gawin upang maiwasan ito? Palitan ang mga
puno at halaman na pinutol, itapon sa tamang tapunan ang
basura, at magtanim ng mga puno at halaman.
Ang hangin ay isa sa
pangunahing pangangailangan
ng tao, hayop, at halaman.
Mawawalan ng buhay sa
mundo kung walang hangin.
Kaya mahalaga na panatilihing
malinis ang kapaligiran. Magtanim ng maraming puno at halaman,
linisin ang kapaligiran upang magkaroon ng malinis na hangin.
Ang maruming hangin ay
nagdudulot ng sakit sa mga
halaman, tao, at hayop. Bakit
dumudumi ang hangin? Ito ay
dahil sa mga usok na nagmumula
sa pabrika, tambutso ng mga
sasakyan, pagsunog ng basura,
at kakulangan sa mga puno at
halaman sa kapaligiran na may kakayahang maglinis ng hangin.
Ang pangangalaga sa hangin ay
maaaring gawin sa
pamamagitan ng pagtatanim ng
mas maraming puno at halaman.
Idagdag pa ang tamang
paggamit ng mga sasakyan
upang hindi maging mausok ang
mga tambutso nito. Pag-iwas din
sa pagsusunog ng mga basura.
Sa kapaligiran tayo kumukuha ng pangunahing
pangangailangan. Responsibilidad ng mga tao ang
pangangalaga at pag-iingat sa kapaligiran. Ikaw bilang bata, ano
ang kaya mong gawin upang mapangalagaan at maingatan ang
kapaligiran. Sa sarili nagsisimula ang pagbabago. Maliit man na
bagay kapag pinagsama-sama ay malaki din ang epekto ng
pagbabago.
MGA PAGSASANAY

Gawain 1: Berdeng Mundo

Panuto: Kulayan ng BERDE ang Mundo kung tamang


pangangalaga sa kapaligiran ang pahayag at kulay
KAYUMANGGI kung hindi.

1. Ikaw ay nagtatanim ng mga halaman sa mga


nareresiklong lalagyan sa inyong bahay.

2. Sinaway mo ang mga kaibigang nagsusunog ng basura at


nag-aaksaya ng tubig sa inyong bakuran.

3. Hinahayaan ng iyong tatay na mausok ang tambutso ng


kanyang traysikel tuwing namamasada siya.

4. Regular na sumasama ka sa iyong tatay tuwing may


“Clean Up Drive” sa inyong lugar.

5. Sa batang edad, nakasanayan mo na ang magbukod-


bukod ng mga basura sa tatlong uri, ang nabubulok, hindi
nabubulok ,at ang nareresiklo.

Gawain 2: Tayo’y Umawit

Panuto: Awitin ang kantang “Masdan Mo Ang Kapaligiran” at


matapos awitin, basahin ang mga salitang may salungguhit.
Matapos basahin ang mga salita, itala sa tapat nito ang mga
paraan kung paano ito mapangangalagaan.
hangin - ___________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

ilog - __________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

dagat - __________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

mga puno - ___________________________________


__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

kalikasan __________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________

kapaligiran - __________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
__________________________________________________________
Gawain 3:

Panuto: Pag-ugnayin ang dalawang sitwasyon upang malaman


ang magiging epekto ng mga gawain. Pagtambalin ang Hanay A
(Sanhi) sa Hanay B (Bunga) sa pamamagitan ng magkaparehong
kulay.

Hanay A Hanay B

1. Pagtatanim ng mga
A. Pagdumi ng
puno at halaman.
hangin.

B. Pagdami ng mga
2. Pagsusunog ng mga isda at iba pang
basura at plastik. yamang-tubig sa
mga karagatan.

3. Paglilinis ng paligid at
tamang pagtatapon ng C.Malinis at
mga basura matabang lupa na
mainam
pagtaniman.

4. Tamang paraan ng
pangingisda. D. Malinis at malusog
na kapaligiran na
malayo sa sakit.

5. Pagreresiklo at
E. Mapipigilan ng
paggawa ng “compost
mga puno ang
pit.”
baha at pagguho
ng lupa.
PAGLALAHAT

Panuto: Isulat kung ano ang kaya mong gawin upang


mapangalagaan at mapag-ingatan ang sumusunod bilang isang
“Responsableng Batang Pasigueño.”

Sa Kapaligiran (Sa Pamayanan)

Sa Tubig (Ilog Pasig)

Sa Hangin

PAGPAPAHALAGA

Panuto: Sumulat ng isang “Pangako” para maging bahagi ka ng


solusyon sa pag-iingat at pangangalaga ng ating kapaligiran.

Ang Aking Pangako sa Aking Kapaligiran


________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
____
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang mangyayari kapag hindi tayo nagtanim ng halaman sa


ating komunidad/kapaligiran?

A. Magiging marumi ang hangin.


B. Gaganda ang kapaligiran.
C. Lalaki ang espasyo ng lugar.
D. Magiging limitado ang pagkukunan ng pagkain.
2. Ano ang mangyayari kapag hindi pinalitan ang mga pinutol na
puno sa kagubatan?

A. Luluwag ang paligid.


B. Makakalbo ang ating kagubatan.
C. Mawawalan ng tirahan ang mga hayop.
D. B at C
3. Ano ang mangyayari kapag ang mga pabrika ay nagtapon ng
kanilang mga kalat at dumi sa ilog o dagat?

A. Lilinis ang pabrika.


B. Matutuwa ang mga tao.
C. Magiging madumi ang tubig.
D. Maraming isda ang mabubuhay.
4. Ano ang mangyayari kung ang mga tao ay hindi marunong
magtapon ng kalat sa tamang basurahan?

A. Lilinis ang hangin.


B. Aaliwalas ang paligid.
C. Magkakaroon ng polusyon.
D. Matutuwa ang mga tao at patuloy na magkakalat.
5. Nakita mo na makalat ang tapat ng iyong bahay, ano ang
gagawin mo?

A. Pababayaan ko lamang ito


B. Pagagalitan ko ang katapat na bahay.
C. Wawalisan ko ang tapat ng aming bahay.
D. Iuutos ko sa aking nanay at tatay ang paglilinis.
Paunang Pagsubok: Gawain 1: Gawain 2:
1. B 1. 1. Paglilinis ng paligid at pagtatanim
ng mga halaman.
2. B 2. 2. Huwag tapunan ng mga basura.
3. D 3. 3. Tamang pangingisda at huwag
tapunan ng basura.
4. C 4. 4. Iwasang putulin o sunugin at
palitan ang mga nawalang puno.
5. D 5. 5. Magtanim ng mga halaman at
magtapon sa tamang tapunan.
6. Linisin at alagaan ang kapaligiran.
Gawain 3: Panapos na Pagsusulit:
1. E 1. D
2. A 2. D
3. D 3. C
4. B 4. C
5. C 5. D
Balik Aral:
halaman, tao, hayop –ginagamit na inumin, panglinis,at
paliligo
hayop, tao –pagkain
halaman – pinanggagalingan ng sustansya
tao, halaman, hayop – kailangan para mabuhay
halaman, tao, hayop – kailangan para mabuhay
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian

Franco, Aurora A, Ed.d., et al. Exploring the World of Science 3.


Adriana Publishing Co., Inc. at Division of Adriana Printing Co., Inc.
Philippine Copyright © 2014.

Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Kagamitan ng Mag-aaral 3.


Kagawaran ng Edukasyon at Rex Bookstore Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2015

Sanggunian

Franco, Aurora A, Ed.d., et al. Exploring the World of Science 3.


Adriana Publishing Co., Inc. at Division of Adriana Printing Co., Inc.
Philippine Copyright © 2014.

Sacatropes, Arthur DC., et al. Science Kagamitan ng Mag-aaral 3.


Kagawaran ng Edukasyon at Rex Bookstore Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Pasig, 2015
Elektronikong Sanggunian:
https://pixabay.com/photos/forest-tree-logs-six-collection-4081285/

https://www.google.com/search?q=kapaligiran+lyrics&rlz=1C1CHBD_enPH889PH889&oq=kapaligiran+lyrics&aqs=chr
ome..69i57.129750j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

You might also like