You are on page 1of 15

INTRODUKSYON SA

AKADEMIKONG
PAGSULAT
01
INAASAHANG
PAGKATUTO:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito,
ikaw ay inaasahang:
⚫ Nauunawaan ang ilang pananaw sa pagsulat
⚫ Nabibigyang-kahulugan ang akademikong
pagsulat
⚫ Naihahambing ang akademikong pagsulat at
personal na pagsulat
⚫ Nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin
ayon sa layunin, anyo at katangian

2
Bago tayo dumako sa akademikong pagsulat, ano muna ang pagsulat? Ano ang
pagsulat para sa iyo? Ito ba ay pagsulat ng kahit ano na iyong maibigan? O pagsulat ng
mga gawain sa paaralan? Alin man dito ang iyong sagot, narito ang mga batayang
kaalaman tungkol sa pagsulat.
1. Ang pagsulat ay ang masistemang paggamit ng mga
gramatikong marka na kumakatawan sa espesipikong
lingguwistikong pahayag (Rogers, 2005).
- Ibig sabihin, may natatanging simbolo (mga titik, bantas
at iba pang marka) para sa
bawat ponema o tunog at ang mga simbolong ito ang
ginagamit sa pagsusulat ng
mga pahayag.

2. Ang pagsulat ay sistema ng permanente o


malapermanenteng pananda na kumakatawan sa mga
pahayag (Daniels & Bright, 1996).
- Permanente dahil nakasulat o nakaukit ang mga pananda
sa papel, kahoy o bato,
at iba pang materyal.
03
3. Masistema ang pagsulat dahil bawat pananda ay may
katumbas na makabuluhang tunog at isinaayos ang mga
panandang ito upang makabuo ng mga makabuluhang salita
at pangungusap.

4. Ang pagsulat ay nakadepende sa wika.


- Kung walang wika, walang pagsulat.

5. Ang pagsulat ay pagrerekord at pagpepreserba ng wika.


-Ang tekstong naisulat sa isang panahon ay sumasalamin ng
wika sa panahong
iyon.

6. Ang pagsulat ay simbolong kumakatawan sa kultura at tao.


- Paraan ito ng kodipikasyon ng kanilang mga kaalaman,
batas, tradisyon, paniniwala,
sining, panitikan at iba pang bumubuo sa paraan ng kanilang
pamumuhay.
04
7. Komunikasyon ang isa sa mga pangunahing layunin ng
pagsulat (Fischer, 2001). -Nagsusulat ang isang tao upang
magpabatid ng impormasyon o magpahayag ng damdamin o
saloobin. Kung walang mga batas, mga balita, liham, e-mails,
text messages at iba pang tekstong nakalathala, maaaring
hindi ganito katibay ang ugnayan nating mga mamamayan at
kaayusan ng ating lipunan .

8. Ang pagsulat ay pundasyon ng sibilisasyon (Goody, 1987).


- Dahil sa mga batas na naisulat, nalikha ang mga
pamahalaan at nabigyang depinisyon ang
saklaw ng kapangyarihan nito. Natukoy ang mga karapatan at
tungkulin nating mga
mamamayan. Nailatag din ang mga parusang maipapataw sa
mga taong
nakagawa ng pagkakamali upang matiyak ang kaayusan at
kapayapaan ng ating
lipunan. Dahil din sa pagsulat, nailathala ang mga kaalaman
na ginagamit sa mga
eskwelahan o mga institusyon.
05
Ang Akademikong Pagsulat ay isang uri ng pagsulat na gumagamit ng pormal at maingat na wika.
Sumusunod ito sa mga pamantayan ng wastong gramatika at estruktura. Nangangailangan ito ng mapanuri at
lohikal na pag-iisip, paghahanap ng impormasyon, pag-oorganisa ng mga ideya, pagpapahalaga sa orihinalidad
at paggawa ng sintesis.

Malaki ang kaibahan ng akademikong pagsulat sa personal na pagsulat, dahil ang huli ay maaring gumamit ng
wikang impormal, magaan ang tono at kumbersasyonal. Madalas ding maligoy ang paglalahad ng personal na
sulatin at karaniwang hindi nangangailangan ng literal na pagbasa.
06
ARALIN 2: PAGKILALA SA IBA’T IBANG AKADEMIKONG SULATIN

Pangunahing layunin ng Akademikong Pagsulat:


1. Magpabatid
- ito ay nagbibigay impormasyon o nagpapaliwanag tungkol sa isang tao, bagay o
pangyayari.
2. Mang-aliw
- nagbibigay din ito ng impormasyon ngunit mas nangingibabaw ang pagbibigay aliw o tuwa sa mga
mambabasa.
Sa mga disiplinang nag-aaral ng panitikan, sining at kultura, tanggap na ang mga
personal o malikhaing akda bilang akademikong sulatin, dahil na din siguro ang mga
ito ay pinag-aaralan sa akademya.
3. Manghikayat
- ito ay may layuning mangumbinsi o mang-impluwensiya ng mga mambabasa na
pumanig sa isang paniniwala, opiyon o katwiran.
07
08
09
010
011
012
013
014
015

You might also like