You are on page 1of 5

Huwaran o Pattern ng mga Akademikong Pagsulat

Upang maging malinaw din ang daloy ng iyong mga ideya sa akademikong pagsulat,
narito ang mga huwaran o pattern na maari mong gamitin sa pagbuo ng iyong sulatin:

 Depinisyon
- ito ay pagbibigay katuturan o kahulugan sa isang konsepto o termino

Halimbawa: ang depinisyon ng “kalayaan,” mga salitang kasingkahulugan nito at


etimolohiya o pinanggalingan ng salitang ito.

 Enumerasyon
- ay ang pag-uuri o pagpapangkat ng anumang nabibilang sa isang uri o
klasipikasyon

Halimbawa: pag-iisa-isa ng mga uri ng turista at paglalarawan sa bawat isa.

 Pagsusunod-sunod
- ay kronolohiya ng mga pangyayari o proseso

Halimbawa: kronolohiya ang mga pangyayari sa Pilipinas mula 1896 hanggang


1898; proseso ng pagluluto ng adobo, pagkakasunud-sunod ng mga
pangyayari na nagdulot sa paglubog ng barkong MV Doña Paz noong
1987

 Paghahambing at Pagtatambis o Pag-iiba


- pagtatanghal ng pagkakatulad at pagkakaiba ng mga tao (Benigno Aquino at
Gloria Macapagal Arroyo), lugar (Coron at El Nido), pangyayari (EDSA I, EDSA II,
EDSA III) konsepto(katarungan at hustisya) at iba pa

 Sanhi at Bunga
- paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnay na epekto nito

Halimbawa: pagsusuri sa sanhi at bunga ng lumalaking populasyon ng bansa

 Problema at Solusyon
- paglalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito

Halimbawa: ang suliranin ng bansa sa polusyon sa anyong-tubig nito at mga


kongkretong lunas dito

 Kalakasan at Kahinaan
- paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay,
sitwasyon o pangyayari.
Halimbawa: mga kalakasan at kahinaan ng programang K to 12 sa sistema ng
Edukasyon sa Pilipinas

* Maaring gumamit ng higit sa isang huwaran o pattern sa isang akda, lalo na kung ito
ay may kahabaan, katulad ng kritikal na sanaysay o papel pananaliksik.
Halimbawa, sa papel ni Juana, maaaring ito ang kanyang ginamit: (1) kronolohikal na
pagtalakay sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino; (2) paglalarawan ng kasalukuyang
estado ng pelikulang Pilipino (3) enumerasyon ng mga pelikula sa MMFF na tinangkilik
ng mga manonood; at (4) mga problema sa pelikulang Pilipino at mga mungkahing
solusyon para rito.

Ang mga Akademikong Sulatin ay may mga anyo din. Ang mga sumusunod ay
ilan sa mga ito:

 Kritik
- ito ay isang detalyadong pagsusuri ng mga kalakasan at kahinaan, katotohanan at
iba pang aspekto ng isang akdang iskolarli, pampanitik an o likhang-sining

Halimbawa: rebyu ng pelikulang Kita-Kita, rebyu ng painting ni Fernando Amorsolo

 Manwal
- ito ay isang kalipunanan ng mga panuto sa paggamit ng isang kasangkapan,
pagpapairal ng isang proseso, at iba pa

Halimbawa: manwal sa paggamit ng isang smartphone, manwal sa mga hakbang


na dapat sundin bago pumasok sa mga gusali ngayong hindi pa
nasusugpo ang Covid19

 Ulat o Report
- ay kalipunan ng mahahalagang datos na ibinabahagi sa isang pangkat o
organisasyon

Halimbawa: ulat ng isang pangulo ng mga programa at proyektong naisakatuparan


niya sa kanyang panunungkulan

 Sanaysay (Essay)
- ay isang akdang naglalaman ng sariling pananaw ng may-akda tungkol sa isang
paksa

Halimbawa: sanaysay na impormatibo, naratibo, deskriptibo o argumentatibo.


 Balita
- ay isang artikulong naglalaman ng mahahalagang pangyayari na ngayon lamang
naganap at mahalagang malaman ng madla

Halimbawa: balita sa pahayagan tungkol sa bagong anunsyo ng pangulo tungkol sa


community quarantine

 Editoryal
- ito ay isang artikulong nagpapahayag ng sariling pananaw ng patnugot tungkol sa
isang napapanahong isyu

Halimbawa: editoryal tungkol sa pagsasara ng ABS-CBN

 Encyclopedia
- ito ay isang sangguniang aklat na naglalaman ng masusing impormasyon tungkol
sa isang paksa

 Tesis
- ay isang saliksik na ginagawa ng Isang mag-aaral sa kolehiyo o antas masterado
bilang bahagi ng mga kahingian sa kanyang programa

Halimbawa: tesis tungkol sa mga bias ng paggamit ng flipped classroom sa


pagtuturo ng gramatika.

 Disertasyon
- ay isang saliksik na ginawa ng mag-aaral sa antas doktorado bilang ambag niya
sa larangan; inaasahan dito ang pagbuo niya ng sariling teorya

Halimbawa: disertasyon na nagbubuo ng sariling teorya sa pagsasalin ng wika

 Papel-Pananaliksik
- ito ay isang saliksik na binubuo ng ilang pahina na inilalathala sa isang dyornal o
binabasa sa isang kumperensiya

Halimbawa: papel-pananaliksik na inilalatahala sa mga dyornal gaya ng Daluyan,


Malay, Kritika at Kultura, Hasaan, at iba pa

 Rebyu ng mga pag-aaral


- ito ay pagsusuri ng iba’t ibang saliksik o pag-aaral upang matukoy ang mga
karaniwang tema ng mga ito, mga kaalamang hindi nagtutugma sa mga ito at mga
paksang hindi pa gaanong nagagawan ng pag-aaral ng mga ito; ginagamit din itong
batayan ng paghahambing sa isang kaalaman

 Pagsasalin
- ito ay pagtutumbas ng isang teksto mula sa orihinal na lengguwahe papunta sa
pagsasalinang lengguwahe na may pagsasaalang-alang sa nilalaman, estruktura,
estilo, at kultura

Halimbawa: pagsasalin ng nobelang Ingles (Romeo and Juliet) ni William


Shakespeare sa wikang Filipino

 Anotasyon ng bibliograpiya
- ito ay tala ng mga sanggunian (sa libro o sulatin) na nagbibigay ng isang talatang
paglalarawan o pagtataya sa bawat isa

 White Paper
-isa itong papel na masusing tumatalakay sa isang suliranin at sa solusyong
makatutugon dito; Ginagamit ito upang mahikayat ang mga mambabasa na
tangkilikin ang solusyon, produkto, o serbisyong inihahain.
 Korespondensiya Opisyal
- ay isang dokumentong naglalaman ng opisyal na impormasyon na gamit sa
komunikasyon sa loob at labas ng isang kompanya, organisasyon, o institusyon

Halimbawa: liham aplikasyon, liham kahilingan, memorandum, adyenda ng pulong

 Autobiography
- ito ay talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat

Halimbawa: autobiography ni Helen Keller

 Memoir
- ito ay isang salaysay na nakatuon sa tiyak na yugto ng buhay ng tao

Halimbawa: Memoir ni Dr. Jose Rizal tungkol sa pagkakulong niya sa Dapitan

 Konseptong Papel
- ay isang papel na nagpapaliwanang ng panukalang saliksik o panukalang
proyekto, lalo na kung hinihingan ito ng pagsang-ayon o ng pondo

 Mungkahing Saliksik
- ay isang panukalang saliksik na nagsasaad tungkol sa research na gustong
gawin,
mga dahilan at benepisyo ng paggawa nito

* Tandaan, ano man ang huwaran o anyo ng isang akademikong sulatin, ang mga
katangian nito ay nanatiling pare-pareho lamang.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga katangian na ito:

 Pormal ang tono


 Karaniwang sumusunod sa kumbensiyon sa pagbabantas, gramatika at
baybay
 Organisado at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya
 Hindi maligoy ang paksa
 Pinahahalagahan ang kawastuhan ng mga impormasyon
 Karaniwang gumagamit ng mga simpleng salita upang maunawaan ng
mambabasa
 Hitik sa impormasyon
 Bunga ng masinop na pananaliksik

You might also like