You are on page 1of 2

Gawain: Bayan at Ekokritisismo

Pagganyak (Activity)

Maglahad ng sampung (10) mga batas na may kaugnayan sa pangangalaga sa kalikasan. Pagkatapos
itong mailahad batay sa iyong obserbasyon ay lagyan ng iskor ang batas mula 1-10 na nangangahulugang
ang 1 ay ang pinakabamababa at ang 10 naman ay ang pinakamataas kung nasusunod ba ng lipunan ang
mga panukalang batas na ito. Sagutan din ang mga katanungan sa pagsusuri nang naka-pdf at ipapasa sa
VLE.

BATAS TUNGKOL SAAN ISKOR


Executive Order
1. 2870 (Revitalization
Responsableng pagmimina 5
of the Mineral
Industries)
R.A. 9275 (Clean Inaalagaan ang katubigan ng bansa laban sa mga polusyon
2. 4
Water Act of 2004) mula sa industriya at mga komunidad
P.D. 856 Code on
3. Sanitation in the “Tapat ko, linis ko” 6
Philippines
4. P.D. 865 Multa sa maling pagtatapon ng basura 6
R.A. 9003
(Ecological Solid
5. Segregasyon (Nabubulok, Di-nabubulok, resiklo) 7
Waste Mangement
Act of 2004)
R.A 6969 (Toxic
Substances and
Ninanais na mapangalagaan ang kalusugan at kapaligiran
6. Hazardous and 6
laban sa banta ng kemikal na mula sa Pilipinas o sa labas nito
Nuclear Waste
Control Act of 1990)
Executive Order No. Ipinagbabawal ang anumang gawain sa mga pook na may
7. 7
2151 tanim na bakawan bilang tirahan ng mga buhay-ilang
Executive Order No. Pagbabawal sa paggamit ng dinamita, nakalalasong bagay,
8. 6
704, Section 33 kuryente, at iba pang hindi legal na paraan ng pangingisda
Nakasaad na lahat ng mga yamang-mineral sa pampubliko
R.A. 7942 (Mining
9. at pambribadong lupa, at kagubatan ay bukas sa mga 5
Act of 1995)
usaping pinansyal o teknikal
P.D. 705 Binagong
Binigyang kahulugan ang kagubatan, ang paggamit, kontrata,
10. Forestry Code ng 6
lisensya, atbp. kasama na ang mga illegal loggers
1975

Pagsusuri (Analysis)
1. Ano ang kaugnayan ng bayan at ng kalikasan?

Malaki ang bahagi ng bayan o ng lipunan pinamamahalaan upang maiwasan ang peligrong dulot ng
pagkasira ng kalikasan. Ang pamahalaan ay gumagawa ng hakbang upang mapangalagaan at
maprotektahan ang kalikasan. Kailangan ang mga batas pangkapaligirang ihinahain ng pamahalaan ng
bayan bilang bahagi ng kaunlaran ng isang lipunan upang lubos na mapangalagaan ang kapakanan ng
mga likas na yaman ng bansa. Nakasaad rin sa panimula ng Saligang-Batas ang katarungang panlipunan
at karapatang pantao, mga konsiderasyong pangekolohikal at ibang mga batas na tumatalakay sa
pangangalaga nating mga Pilipino sa yamang taglay ng ating bansa, na patunay lamang ng ugnayan ng
bayan at ng kalikasan.

2. Batay sa iyong obserbasyon, paano pinangangalagaan ng bayan ang kalikasan?

Ang pamahalaan ng bayan ay nagsasagawa ng malalaking paglilingkod pangkalusugan, edukasyon,


panlipunan, pagpapatupad ng repormang pangsakahan at maayos na paggamit at pananatili ng likas na
yaman ng bansang Pilipinas.

Halimbawa na lamang ay ang environmental accounting na naglalayong subaybayan ang paggamit sa


mga likas na yaman, pagkasira at pagkawala man nito, sa isang takdang panahon. Ang mga datos na
malilikom ng environmental accounting ay magagamit ng mga taga-pagplano ng kaunlaran pati na rin ng
mga mambabatas ng ating bayan. Sa pagpaplano ng pang-ekonomyang kaunlaran, malalaman natin
kung anu-anong likas na yaman ang dapat isaalang-alang, mga pang-ekonomiyang aktibidad na dapat
payabungin o di kaya‘y bigyan ng karampatang aksiyon. Ang mga datos pangkalikasan ay ang mga
sangkap para sa environmental accounting. Ang mga ito ay ang mga mahahalagang pundasyon para sa
mga pangkalahatang patakaran pangkalikasan. Nangangahulugan din ito na ang environmental
accounting ay magagamit sa paggawa ng mga batas at iba pang patakaran upang makamtan natin ang
likas kayang kaunlaran.

Ipinasa ni:

KAREN P. BUENAVISTA
Pangkat M14

Ipinasa kay:

PROF. CHRISTOFFERSON T. DEL SOL


Guro sa FIL102

You might also like