You are on page 1of 4

ART APPRECIATION

General Education Curriculum Training


Sorsogon State College Magallanes Campus
May 1 – 4, 2018

Day 3: May 3, 2018

Activity: Modern Art Concept

Prepared by: JERMEL DICHOSO-GRULLA

Trainers: Mr. Oscar T. Don Jr.

Ms. Ritzi M. Castro

1
OUR LADY OF MT. CARMEL PARISH CHURCH

Ang Our Lady of Mt. Carmel ay ang simbahan ng Parokya ng Magallanes,


Sorosogon. Ito ay matatagpuan sa sentro mismo ng bayan at kasalukuyang
pinangangasiwaan ng kora paroko’ng si Padre Jeol Vilan na nagmula sa bayan ng
Juban, Sorsogon. Mula mismo sa pangalan, malalaman na ang patron saint nito ay ang
Our Lady of Mt. Carmel na isineselebra ang kapistahan tuwing ika-16 ng Hulyo ng
bawat taon.

Taong 1864 pa ng itayo and pinakaunang simbahan dito. Dahil sa nipa at iba
pang natural na mga materyal tulad ng kahoy ang orihinal na ginamit sa pagtayo ng
simbahang ito, hindi na natin makikita pa ang orihinal nitong hitsura. Sa ngayon,
makikitang ito ay gawa na sa konkreto at iba pang mga makabagong kagamitan tulad
ng bakal. Ang altar ay kaaya-ayang tingnan dahil sa makintab nitong anyo dahil sa gold-
leaf na ginamit sa paggawa ng mga detalyadong dekorasyon na nakapalibot sa
nakapakong imahen ni HesuKristo at ng dalawang Pilipinong santo na sina San
Lorenzo Ruiz at San Pedro Calungsod.

Sa labas ng simbahan makikitang may rebulto ni San Lorenzo Ruiz na umaabot


sa pitong talampakan ang taas. Ito ang pinkaunang rebulto ni San Lorenzo Ruiz sa
buong rehiyon ng Bikol.

Ang simbahan ay isang ehemplo ng modern art dahil sa ito ay gumamit nan g
mga makabagong kagamitan tulad ng konkreto. Maging ang altar ay ginamitan nan g
gold leaf bilang panggagaya sa tootong ginto na siyang madalas na ginagamit nung
mga sinaunang panahon a paggawa ng mga detalyadong dekorasyon sa simbahan
para ito ay magkaroon nag napakagandang resulta at tanawin.

Pinagkunan ng impormasyon:
Mrs. Carmen Lagata-Hermida (Mangagawa sa Simbahan)

2
TINAKOS ISLAND

Sa pier ng Munisipyo ng Magallanes na matatagpuan sa Barangay Bacolod,


makikita ang isa sa mga paboritong pasyalan ng mga turista, lokal o banyaga man – ito
ay ang isla na kung tawagin ay “Tinakos”.

Ang “tinakos”, ayon sa isinagawang pagtatanong, ay lokal na dayalekto na ang


ibig sabihin ay bumaligtad. Ito ang naging pangalan ng isla dahil ayon sa kwento, ang
hugis ng isla ay maihahalintulad sa bumaligtad na barko.

Ayon pa sa isinagawang interview, maliban sa hugis, ang isla ay inihahalintulad


sa isang bumaligtad na barko dahil sa ang baybaying nakapaikot dito ay parang “deck”
ng barko. Ang sa ilalim naman ng isla ay mukhang pinagtagpi-tagping planadong yero
katulad din ng yerong nakapalibot sa isang totoong barko.

Malaki ang naitutulong ng Isla ng Tinakos sa turismo ng Magallanes dahil sa


pagiging tourist destination nito. Ito ay kilalang diving site dahil sa mga magagandang
koral na makikita sa ilalim ng dagat na nakapaikot sa isla.

Mga pinagkunan ng impormasyon:


Prof. Sheryll A. Gregory
Mr. Elden G. Orgela

3
GIBALON SHRINE

Isa sa mga pilgrim sites sa lalawigan ng Sorsogon ay ang Gibalon Shrine na


matatagpuan sa Siuton, isa sa tatlumpo’t apat na barangay sa bayan ng Magallanes. Ito
ay isang shrine na itinayo at pinasinayaan nung taong 2000 sa pamamagitan ng isang
concelebrated mass na pinangunahan ng namayapa ng si Msgr. Jesus Y. Varela.

Ang pagpapatayo at pagpapasinaya sa Gibalon Shrine ay isinagawa bilang pag-


alala sa pinakaunang misa na isinagawa sa Luzon noong taong 1569. Ngunit ayon sa
ilang kwento, hindi sa Magallanes isinagawa ang pinakaunang misa sa Luzon kundi sa
isang barangay sa Bayan ng Bulan na matatagpuan din sa probinsiya ng Sorsogon.

Maliban sa may iba pang umaangkin na hindi sa Magallanes naganap ang


pinakaungang misa sa Luzon, nagkakaroon din ng pagkalito sa Gibalon at Ibalong,
isang festival na isinasagawa naman sa probinsiya ng Albay.

Mga pinagkunan ng impormasyon:


Ms. Brenda Lou D. Dellosa
Mr. Vladimir Paul Q. Palla
Ms. Caryl L. Gamis
Mr. Marlon Peter J. Gamis

You might also like