You are on page 1of 11

Modified 

In‐School Off‐School Approach Modules (MISOSA) 
Distance Education for Elementary Schools 

H  SELF‐INSTRUCTIONAL MATERIALS 





I  PAG‐AASAHAN 
NG BAWAT  
 
REHIYON 
4  Department of Education 
BUREAU OF ELEMENTARY EDUCATION 
2nd Floor Bonifacio Building 
DepEd Complex, Meralco Avenue 
Pasig City 
Revised 2010 
by the Learning Resource Management and Development System (LRMDS), 
DepEd ‐ Division of Negros Occidental 
under the Strengthening the Implementation of Basic Education 
in Selected Provinces in the Visayas (STRIVE). 

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:

“No copyright shall subsist in any work of the


Government of the Republic of the Philippines. However,
prior approval of the government agency or office wherein
the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit.”

This material was originally produced by the Bureau of Elementary


Education of the Department of Education, Republic of the Philippines.

  This edition has been revised with permission for online distribution 
through the Learning Resource Management Development System (LRMDS) Portal 
(http://lrmds.deped.gov.ph/) under Project STRIVE for BESRA, a project supported 
by AusAID.  
GRADE IV

PAG-AASAHAN NG BAWAT REHIYON

ALAMIN MO

Napag-aralan mo na ang iba’t ibang rehiyon sa bansa, nakita mo ba kung


paano nagtutulungan ang mga rehiyon ng bansa? Hindi lamang nagtutulungan
ang mga rehiyon. Sa modyul na ito matututuhan mo ang tungkol sa:

• paraan ng pag-aasahan ng mga rehiyon


• paano nakatutulong sa pag-unlad ng bansa ang pagpapabuti sa
produkto ng mga rehiyon

PAGBALIK-ARALAN MO

Buuin mo ang tsart ng mga rehiyon. Punan mo ng impormasyon ang


sumusunod na tsart.

MGA REHIYON SA LUZON

Anyong Anyong Likas na Hanap-


Rehiyon Produkto
Lupa Tubig Yaman buhay
1. NCR
2. Rehiyon I
3. Rehiyon II
4. CAR
5. Rehiyon III
6. Rehiyon IV
7. Rehiyon V

1
MGA REHIYON SA VISAYAS

Anyong Anyong Likas na Hanap-


Rehiyon Produkto
Lupa Tubig Yaman buhay
1. Rehiyon VI
2. Rehiyon VII
3. Rehiyon VIII

MGA REHIYON SA MINDANAO

Anyong Anyong Likas na Hanap-


Rehiyon Produkto
Lupa Tubig Yaman buhay
1. Rehiyon IX
2. Rehiyon X
3. Rehiyon XI
4. Rehiyon XII
5. CARAGA
6. ARMM

Naibigay mo ba ang mga kailangang impormasyon?


Paano nagiging magkakatulad ang mga rehiyon?
Paano sila nagkakaiba?
Paano natutugunan ang pangangailangan ng isang rehiyon?

PAG-ARALAN MO

Basahin mo ang sumusunod:

Hindi kayang tustusan ng bawat rehiyon ang lahat ng kanyang kailangan.


Ang mga produktong hindi kayang gawin ng rehiyon ay iniasa nito sa ibang
rehiyon. Sa pamamagitan ng kalakalan, ang produktong wala sa isang rehiyon
ay nakukuha nito. Ang mga produkto namang ginagawa ng rehiyon ay
naipamamahagi nito sa mga rehiyong nangangailangan. Sa ganitong paraan
nagaganap ang pag-aasahan ng mga rehiyon.

2
Halimbawa nito ay ang Rehiyon III. Maraming bigas ang Rehiyon III,
subalit wala itong produktong mantikilya, toyo at gatas. Ginagawa naman ang
mga produktong ito sa mga pabrikang nasa NCR. Sa pamamagitan ng
kalakalan, naipagbibili sa Rehiyon III ang produkto ng NCR at ang NCR naman
ay makabibili ng bigas sa Rehiyon III. Kung kailangan ng Rehiyon XI ang asukal,
makabibili ito sa Rehiyon VI o Rehiyon VIII. Makabibili naman ang Rehiyon VI ng
mga prutas mula sa Rehiyon XI.

Sa pamamagitan ng kalakalan, napupunan ng isa’t isa ang mga kulang na


produkto ng bawat rehiyon. Dahil dito, kailangang pagbutihin ng mga rehiyon
ang kanilang produksiyon. Kung sapat lamang sa pangangailangan ng isang
rehiyon ang produkto nito, hindi ito makapagbibili sa iba. Kailangang mapalalaki
o maparami ang produksiyon ng rehiyon upang makatulong ito sa ibang rehiyon.

Saan-saang rehiyon maaaring ipagbili ang mga produktong ito?

Hindi lamang sa kalakalan nagtutulungan at nag-aasahan ang mga rehiyon.


Nagtutulungan at nag-aasahan din sila sa pagtugon sa mga pangangailangang
pangkalusugan, pagpapahusay ng edukasyon at pagkakataong
maghanapbuhay.

3
Marami ang nagpupunta sa National Capital Region upang magpagamot
dahil malalaki ang pagamutan pampubliko rito. Ang mga pagamutan sa National
Capital Region ay nakatutulong nang malaki sa pagsugpo ng mga
nakahahawang sakit at sa pagpapahaba ng buhay ng mga mamamayan sa iba’t
ibang rehiyon.

Naniniwala ang marami na sa National Capital Region pa rin matatagpuan


ang mahuhusay na mga pamantasan at kolehiyo. Iba’t ibang kurso ang itinuturo
rito. Dumadagsa sa NCR ang mga estudyanteng ibig magpakadalubhasa sa
kanilang pinag-aralan.

4
May mga rehiyong nagbibigay ng iba’t ibang pagkakataon sa tao upang
makapaghanapbuhay. Dito dumarayo ang mga walang hanapbuhay.
Karaniwang may mga pabrika sa mga rehiyong ito. May mga naniniwala pa rin
na maraming trabaho ang mapapasukan sa NCR. Sa mga dumarayo, may
nagtatagumpay at ang iba ay nabibigo.

Bagamat iba-iba ang likas na yaman at kultura ng mga rehiyon,


nagkakaisa ang mga ito. Sa dakilang mithiing magtulung-tulong sa pag-unlad ng
kabuhayan ng bansa, nakasalalay ang matatag na kabuhayan ng Pilipinas sa
pagtutulungan at pag-aasahan ng mga rehiyon.

Mahalaga rin pagbutihin ng mga rehiyon ang uri ng mga produkto ng mga
ito. Kung mataas ang uri ng mga produkto ng rehiyon, maipagbibili ito hindi
lamang sa mga rehiyon, kundi maging sa mga pamilihan sa ibang bansa. Sa
gayon, makikinabang din ang buong bansa.

Ngayon, alam mo na kung paano nag-aasahan ang mga rehiyon.

5
PAGSANAYAN MO

Pag-aralan ang mapang pangkabuhayan at sagutin ang mga tanong sa


ibaba.

Isulat sa sagutang kuwaderno ang iyong sagot.

1. Anong produkto ang makukuha ng Cavite mula sa Rizal?


2. Anong produkto ang maaaring ipagbili ng Pampanga sa Bulacan?
3. Anu-anong produkto ang bibilhin ng Nueva Vizcaya sa Tarlac?
4. Ano ang produktong iaalok ng Batangas sa Pangasinan?
5. Kung bibili ng produkto ang Rizal sa Pampanga, anong produkto ito?

Ipakita ang sagot mo sa iyong guro.

6
TANDAAN MO

Mahalaga ang pag-aasahan ng mga rehiyon upang


matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan sa
bawat rehiyon.

ISAPUSO MO

Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Pangatwiranan mo ang iyong sagot.

1. Ano ang iyong maitutulong sa pagpapanatili ng magandang pag-aasahan


ng mga rehiyon?

2. Kung pagbibigayin ka ng mungkahi sa pagpapanatili ng magandang pag-


aasahan ng mga rehiyon, ano ang iyong imumungkahi? Bakit mo ito
imumungkahi?

GAWIN MO

Awitin mo ang “Sa mga Rehiyon” sa himing ng “Planting Rice.”

7
Sa mga Rehiyon

1. Mga rehiyon sa ating bansa


Iba-iba ang likas-yaman
Paboritong produkto
Nandito makinig kayo.

Bawang ang sa Region 1


Tabako sa Region 2
Palay naman sa Region 3
Niyog, prutas sa 4 at 5.

2. Region 6 yamang-dagat
Mangga’t gitara sa Region 7
Maraming banig sa Region 8
Yamang-dagat din sa Region 9.

Orchids, prutas sa Region 10


Gayundin sa Region 11
Rambutan, durian, marang
Lasa nila’y di malimutan.

PAGTATAYA

Basahin ang bawat pangungusap.

Isulat sa sagutang kuwaderno ang T kung Tama at M kung Mali.

1. Ang pangunahing hanapbuhay at produkto ng isang rehiyon ay


batay sa uri at dami ng likas-yaman.

2. Kung may likas na yaman ang rehiyon natitiyak ang pag-unlad nito.

3. Magkakatulad ang katangiang pisikal ng mga rehiyon.

4. Natutugunan ang mga pangangailangan ng rehiyon sa


pamamagitan ng kalakan.

5. May mga rehiyong magkakatulad ang pangunahing hanapbuhay at


produkto.

8
KARAGDAGANG GAWAIN

Maglibot sa inyong pamayanan. Alamin kung saan-saan nanggagaling


ang mga produkto rito. Alamin din ang mga produktong ipinagbibili sa ibang
lugar. Pagtalakayan ito sa isang maliit na grupo o pangkat.

Binabati kita at matagumpay mong


natapos ang modyul na ito! Maaari mo
na ngayong simulan ang susunod na
modyul.

You might also like