You are on page 1of 27

Our Lady of The Pillar College – San Manuel, Inc

District No. 3, San Manuel, Isabela

BASIC EDUCATION DEPARTMENT

School Year 2021-2022
Third Quarter Period

FILIPINO 8
Modyul 3

Inihanda ni:

JOSEPH ALFONSO M. ARQUERO, LPT

Guro sa Filipino
arquerooteptotep@gmail.com
09554134005

PANIMULA

OLPCC VISION:

1|Page
OLPC-C, a Catholic College, as an evangelizing arm of the Local Church,
envisions a totally transform Christian Community.

OLPCC MISSION:

Thus, OLPCC as a sharer in the life and mission of the local church
commits to:

a. Provide equal opportunity and access to quality education integrating

Gospel and Filipino cultural values, respective and relevant to the needs
of times.
b. Create in the school community an atmosphere and opportunities for
individual transformation that lead to Christian Community living.
c. Reach out to people to people enriching their faith- life experience
needed in building just and humane society.
PILLARICAN PHILOSOPHY OF EDUCATION:

Pillarican education is a life long journey towards the total human

transformation through integral Evangelization so that everyone will
become a pillar of peace, justice, love of humanity with preferential option
for the poor and deep concern for the environment.

Core Values: P –People oriented with preferential option for the poor

I – Insistent passion for excellence

L- loyal to the school and teamwork oriented

L- life long learners

A- Accountable and Christ- oriented and

R- Responsible Filipino citizen with social and environmental consciousness

Tala ng Guro:
1. Ang modyul ng pagkatuto na ito ay idinisenyo at hinihikayat ka na gawin ang independent at self-regulated na pag-aaral at
bubuo sa kasanayan sa ika-21 siglo.
2. Iskedyul at pamahalaan ang iyong oras upang mabasa at maunawaan ang bawat bahagi ng modyul. Basahin ito nang paulit-ulit
hanggang sa maunawaan mo ang punto.
3. Pag-aralan kung paano mo mapamamahalaan upang gawin ang mga aktibidad ng paksang ito bilang pagsasaalang-alang sa
iyong iba pang mga module mula sa ibang mga paksa. Maging mahusay sa kamalayan sa iskedyul ng pag-aaral.
4. Bago mo simulang gawin ang iyong gawain, basahin at unawain ang mga tool sa pagtatasa na ibinigay. Huwag pumalagi sa
mababang mga pamantayan, i-target ang pinakamataas na satandard sa paggawa ng iyong gawain. Alam kong kaya mo.
5. Malaya kang mag-browse at magbasa ng iba't ibang mga materyales kahit bago gawin ang gawain sa bawat yunit ng modyul.
Gayunpaman, kailangan mong tiyakin na hindi mo makaligtaan ang anumang bahagi ng modyul at bawat aktibidades sa bawat
yunit. Para sa mga tanong sa sanaysay, huwag mangopya at huwag mag-patch sumulat. “Patch Plagiaraizing”. Isulat nang
maayos at mahusay.

6. Gumamit ng rubrics upang gabayan ka sa paghahanda at pagsusuri ng mga output.

7. Sundin nang mahigpit ang naibigay na oras ng mga aktibidad. Laging paalalahanan ang iyong sarili sa mga huling oras. Basahin
nang maaga. Subukang asahan ang posibleng mga salungatan sa pagitan ng iyong personal na iskedyul at aming iskedyul.
8. Ang mga pagsusuri ng Summative Assessment tulad ng unit test, pagsusulit, ay isasagawa gamit ang aming Learning
Management System (Aralinks). Ito ay i-e-iskedyul ng isang linggo bago upang magkaroon ka ng oras upang magrebyu.
9. Anumang mga query at puna tungkol sa ating mga paksa ay mabibigyang pansin sa oras ng konsultasyon sa pamamagitan ng
google meet o zoom, Lunes at Biyernes, 2; 30-3; 30 PM. para sa kagyat na tugon, maaari kang magpadala ng mensahe sa akin sa
pamamagitan ng numero ng telepono na ibinigay sa takdang pahina.

2|Page
10. Sa huli, ikaw ang mag-aaral; samakatuwid, gagawin mo mismo ang modyul. Susuportahan ka ng iyong mga miyembro ng
pamilya at mga kaibigan sa bahay ngunit dapat mong gawin ang mga aktibidad. bilang Pillarican, we always demonstrate our core
values of Insitent Passion for Excellence, Life Long Learners and Accountable and Christ-Orriented.

ARALIN 1: PANITIKAN: MGA DAPAT IPABATID SA MGA SOCIAL MEDIA

USER
GRAMATIKA/RETORIKA: MGA SALITANG GINAGAMIT SA IMPORMAL NA
KOMUNIKASYON
SIMULAN NATIN
Ang mga kabataan sa kasalukuyang panahon ay nabubuhay n asa panahon ng digital age – kung saan sa bawat clik nila
ng mouse o touch screen ng iPad, loptop, cell phone ay agad nilang nakukuha o nababasa ang mahahalagang impormasyong
kanilang kinakailangan. Bilang panimulang Gawain, sagutin ang mga tanong na makikita sa ibaba. Isulat ang iyong mga sagot sa
linyang nakalaan.
1. Mayroon ka bang Facebook o Twitter account?___________ Kung mayroon, gaano kadalas mo ito bisitahin sa
loob ng isang araw?________________________________________________

3|Page
Bilang pagsusuri sa iyong mga nagging sagot sa itaas, masasabi mo bang Malaki ang impluwensya ng
teknolohiya at social media sa iyong buhay? Bakit oo o hindi?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Layunin: Matapos basahin ang mga aralin, ikaw ay inaaasahang:

 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal,
banyaga) (F8WG-IIIa-c-30);
 Nagagamit ang iba’t ibang estratehiya sa pngangalap ng mga ideya sa pagsulat ng balita, komentaryo, at iba pa
(G8PU-IIIa-c-30); at
 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto ayon sa nabanggit na mga batayan (F8PB-IIIa-c-29)

Mga Gabay na Tanong

1. Ano ang Gawain o katayuan ng taong nagbabahagi o nagsulat ng talumpating binasa? Masasabi mo bang may Karapatan
siyang magsalita o magturo sa tamang paggamit ng social media?
2. Batay sa nilalaman ng kanyang talumpati, paaano raw umunlad ang paggamit ng social media sa bansa?
3. Sa iyong palagay, bakit paboritong gawin ng mga kabataan sa kasalukuyan ang magpost ng selfie o groufie sa social
media? Sang-ayon ka bas a gawaing ito? Ipaliwanag.
4. Bilang isang kabataang nitizen, paano mo magagamit ang social media sa paglulunsad ng social awareness?
MGA DAPAT IPABATID SA MGA SOCIAL MEDIA USER
Pananalita sa Social Media for Social Change Forum ng Kabataan Partylist para sa pagdiriwang ng World Social Media Day
Infinitea Maginhawa, June 30, 2013

Magandang hapon po at happy social media weekend sa inyong lahat. Kahapon ay nagkita-kita na ang ilan sa atin.
Dumalo ako sa #fwdPH ng TweetUp Manila, at ikinagagalak kong maging bahagi ng social media forum ng Kabataan Party, na
matagal nang nakakapartner sa iba’t ibang gawain ng ngayo’y lulubog-lilitaw kong Tinig.com, at ng inactive na ring Bloggers
Kapihan — na sana’y maibalik natin ngayong taon.
Ngayong araw, nagsasalita po ako hindi bilang empleyado ng kompanyang aking pinagtatrabahuhan kundi bilang isang
matagal-tagal na ring blogger at isa sa mga naunang sawsawero sa mundo ng social media.
May sampung taon na mula nang maadik tayo sa Friendster. Naaliw tayo sa pagba-browse ng latest pictures ng mga
kaibigan natin. Para sa mga kaedaran ko rito, hinanap natin at inalam kung ano na ang hitsura ng mga kaibigan at mga crush natin
noong elementary. Excited tayong naghintay, at minsa’y nangulit pa — na bigyan ng testimonial ng Friendster friends natin.
Hanggang sa nailang na tayo sa kakaibang themes sa Friendster at nakilala natin ang Facebook. Kalaunan, dumating na rin ang
Twitter. Sinundan pa yan ng Google Plus, Instagram, Pinterest, Vine, at iba pa.
Unti-unti na ring nag-evolve ang paggamit natin sa social networking services na ito, na ang nilalaman ay tinatawag natin
ngayon collectively bilang social media. Mula sa pagiging personal journal na venue para makapagpahayag ng mga angas natin sa
buhay — na siya pa rin namang pangunahing gamit nito para sa marami sa atin — nadagdagan na ito ng iba’t iba pa. Ginagamit
na rin ng businesses at brands ang social media para mai-promote ang kanilang produkto; ng celebrities para maka-connect sa
kanilang fans; ng mga politiko para sa pangangampanya. Pero alam kong bago pa man mauso itong huli, mayroon nang  Kabataan
Cyber-Fever noong 2007 ang Kabataan Party. Hindi pa sikat sa atin ang Twitter noon.
Gayunman, sa kabila ng dumaraming gamit ng social media, hindi tayo dapat magkaroon ng ilusyong may napakatindi
na itong impact sa ating buhay.
Nariyan pa rin ang digital divide. Tingnan ang kasalukuyang estimates: out of around 97 million Filipinos, nasa 33
million pa lang ang may Internet access. Sa 33 milyong online, around 30 milyon ang may Facebook, 10 milyon lang ang may
Twitter, at hindi pa natin alam kung ilan ang may Google Plus.
At sa nakalipas na eleksyon, nabigo ang social media na iluklok sa puwesto sina Teddy Casiño, Risa Hontiveros, Bro.
Eddie Villanueva, Jun Magsaysay, Dick Gordon, at iba pang mga kandidatong matunog sa online social networks. Dinaig sila ni
Nancy Binay, na tila hindi ganoon kaningning ang bituin sa online communities.
Sa kabila nito, hindi maitatangging kailangan nang paghandaan ang pagdating ng panahong halos lahat ng Pilipino ay
nasa social media na. Kung paanong ngayon, halos lahat ng mga Pilipino ay may cellphone na, maaaring dumating ang panahong
halos lahat ng Pilipino ay online na.
Isa sa magiging dahilan nito ang patuloy na pagdami ng smartphones. Ayon sa GFK, isang research firm, nakapagtala
ang Pilipinas nang 146% increase sa sales ng smartphones mula April 2012 hanggang March 2013.
Samantala, habang nagpapatuloy ang kampanya para sa Better Internet sa bansa, unti-unti rin namang bumababa ang
halaga ng access sa Internet.

4|Page
Kabilang sa paghahanda sa pagdating ng panahong halos lahat ng Pilipino ay online na ay ang pagsisikap na maipakilala
natin — ng mga mamamahayag, ng netizens, ng political at community leaders — sa madla kung ano-ano ba ang magiging
pakinabang natin sa existing social networks na ito.
Sa tingin ko, dalawang level ito: pagtuturo sa mga individual at pagtuturo sa mga institusyon.
Kailangang simulan sa napaka-basic gaya ng ano-ano ba ang kailangan para magkaroon ng Twitter o Facebook?
Ano-ano ang gamit ng mga ito? Ano ang pagkakaiba ng Twitter sa Facebook o ng Instagram sa Vine? Paano mag-sign-
up? Paano mag-login? Sa ano-anong devices ito maaaring ma-access? Paano i-download ang app? Paano mag-post, mag-reply, at
mag-comment?
Matapos pong pagtuunan ng technical aspect ng social networking sites, yung content naman ang mahalagang ipaunawa.
Sisimulan din sa form ng content — na mahalaga pa ring tama ang English at Filipino grammar sa posts natin. Dapat hindi
jejemon para madaling basahin. Ang posts, dapat hindi all caps — sa netiquette, o Internet etiquette, ang all caps ay pagsigaw.
Kailangan ding sagutin ang mga tanong gaya ng: OK lang bang i-crosspost ang tweets natin papuntang Facebook o vice-
versa? Mahalagang ipaunawa sa users na bawat social networking sites ay may kaniya-kaniyang papel. Kaya sa iba, hindi okay
ang magpopost ka sa Facebook at automatic na mapupunta sa Twitter with an ugly Facebook link. Or ‘yong tweet mo, including
‘yong my @ replies, mapupunta sa Facebook. But of course, matter of preference lang ‘yan.
Pero para sa akin, halimbawa, hindi tamang tadtarin mo ng links sa Foursquare logins mo ang Twitter timeline ng
followers mo. Pakialam ko ba kung nasaang lugar ka? Kung gusto kong malaman kung nasaan ka minu-minuto, halimbawa, eh ‘di
ia-add kita sa Foursquare. Ganyan din sa Instagram. Sa tingin ko, maling-mali na naka-share pa rin sa Twitter feed mo ang bawat
Instagram posts mo. Hindi na kasi gaya ng dati na mapi-preview sa Twitter ang photo. Ngayon, kailangan mo nang i-click ang
link para makita ang picture. Eh, kung gusto kong makita kung ano ang breakfast mo, o kung ano ang hitsura mo sa latest selfie
mo, eh di ipa-follow kita sa Instagram.
Nabanggit ang selfie. Gaano kadalas ang minsan? Gaano ka ka-in love sa sarili mo? Medyo isyu na rin ito ng etiketa sa
Internet.
Samantala, OK lang ba na ipost ang pictures ninyo ng mga kaibigan mo sa public timeline mo sa Facebook kahit walang
permission ng mga kasama mo sa litrato? Paano kung pangit ang kuha nila? Ilan ‘yan sa mga isyung makakatulong tayo sa
paglilinaw.
Balik tayo sa nilalaman ng social media. Laging trending sa Twitter ang KathNiel o ang JuliElmo loveteams. May mga
iba pa bang bagay na maaaring i-tweet ang mga kabataang Twitter users? At least ang My Husbands’ Lover, na araw-araw ding
nagte-trend, kahit paano’y nagdadala sa kamalayan ng publiko sa isyu ng LGBT community.
Mahalagang maipaalam sa netizens, lalo na sa mga kabataan, na ang social media ay magagamit din para sa pambansang
layunin. Nariyan ang #epalwatch ng mga anti-epal, #sumbongko ng Comelec, #ang #FOInow ng nga nagsusulong ng transparency
sa gobyerno, ang #itsmorefuninthephilippines at #lubak2normal ng gobyerno, ang #rescuePH na tumutulong sa panahon ng
sakuna. Alam ko, ginagamit din ng Kabataan Party ang social media sa inyong Tulong Kabataan campaign.
Sa kabutihang-palad, may efforts naman mula sa iba’t ibang sektor para tutukan ang pag-i-educate sa publiko tungkol sa
Internet at social media. Ang Bayantel, tinutulungan ni Lola Techie na gawing maaalam sa Internet ang senior citizens. Ang GMA
Network, may Think Before You Click campaign na nagtuturo sa netizens na maging responsible online.
Sa level naman ng institutions, pinangungunahan ng pamahalaan ang paggamit ng social media for public information.
Aktibo sina Manolo Quezon ng Malacañang sa paggamit nito. Nakikipag-usap din sila sa NGOs at media organizations para sa
coordination sa public information on social media. Bunga nito ang common hashtags gaya ng #walangpasok, #floodPH, at iba pa.
Noong panahon ni DILG Sec. Jesse Robredo, open siya sa mga ganyang suggestion. Lumapit ang GMA News sa opisina niya
para isulong ang paggamit ng Twitter sa pag-a-announce ng suspension ng classes at iba pang public announcements kapag
masama ang panahon. Kinalaunan, in-adopt ng gobyeno at ini-endorse ang common hashtag na #walangpasok.
Susunod na kailangang ipaalam sa prospective social network users ang implikasyon ng paggamit ng mga ito sa kanilang
privacy at seguridad.
Mabalik tayo sa Foursquare. Safe ba na i-announce kung nasaan ka lagi? Puwede naman. Dapat lang, sigurado kang
super close kayo ng lahat ng Foursquare friends mo. Kung magbabakasyon nang out of town at walang tao sa bahay, pigil-pigil
muna sa pagpopost ng jumpshot sa beach. Puwedeng makipagkilala online, pero ingat sa mga impormasyong ibabahagi. May mga
nakidnap na sa ganyan.
Para sa Kabataan Party, mahalagang i-consider sa inyong legislative efforts ang pagpapaalam sa mga tao sa kanilang
online security. Siyempre kaagapay ito sa malalaki pang laban gaya ng pagre-review sa Anti-Cybercrime law.
Bago ko tapusin ito, naalala ko lang ang matagal nang debate ng bloggers vs. journalists. Nagkaroon ng kontrobersiya
noon sa mungkahi ng propesor kong si Luis Teodoro na magandang mag-blog ang journalists at maging halimbawa ng ethical
blogging sa mga bagong bloggers. Kinuwestiyon ng marami ang pakikialam daw ng mainstream journalists sa bloggers. Pero
noon at ngayon, iisa lang naman ang mensahe. Sa pagpopost ng information na maaabot ng publiko sa alinmang platform,
mahalagang maging responsible.
Naniniwala ako na ang mga bloggers at social media users — lalong-lalo na ang mga tumatalakay sa mga pampublikong
isyu —  ay dapat maging ethical. Mahalaga ang transparency. Sa panahong andaming endorsements mula sa influential tweeps,
dapat may disclosure.

5|Page
Sa huli, nais kong isulong ang kahalagahan ng attribution sa social media. Usong-uso ngayon ang viral photos at videos.
Sa kakapasa, napakahirap nang ma-trace ang orihinal na may-ari. Pero kung masanay ang mga netizen sa attribution, sa tamang
pagki-credit sa gawa ng iba, mas madali ang pag-a-identify at pag-i-evaluate sa original na source ng info.
Makakatulong itong mapigilan ang misinformation at maisusulong ang intellectual honesty. At saka baka sakaling
mabawas-bawasan ang mga estudyanteng magka-copy and paste ng assignment sa Wikipedia at manghihingi ng talumpati sa
bloggers.

Maraming salamat po.

Pagsagto sa mga pamprosesong tanong.

1. Ano ang Gawain o katayuan ng taong nagbabahagi o nagsulat ng talumpating binasa? Masasabi mo bang may Karapatan
siyang magsalita o magturo sa tamang paggamit ng social media?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________
2. Batay sa nilalaman ng kanyang talumpati, paaano raw umunlad ang paggamit ng social media sa bansa?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________
3. Sa iyong palagay, bakit paboritong gawin ng mga kabataan sa kasalukuyan ang magpost ng selfie o groufie sa social
media? Sang-ayon ka bas a gawaing ito? Ipaliwanag.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________
4. Bilang isang kabataang nitizen, paano mo magagamit ang social media sa paglulunsad ng social awareness?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
___________________________________________

Gawain 1: PAGHAMBINGIN NATIN

PANUTO: Magbasa ng isang uri ng panitikang popular. Ihambing ito sa tekstong tinalakay sa araling “Ang mga Dapat
Maipabatid sa mga Social Media User” batay sa katangiang nakatala sa graphic organizer sa ibaba.

Panitikang Popular na
Ang mga dapat ipabatid sa Binasa
mga Social Media User

Kung paano ang tamang paggamit Ang darna ay isang filipino fiktional na
Batay sa Paksa superhero
ng social media

Ang teksto na ang mga dpat ipabatid sa

Ang komiks na darna ay para maka
social media user ay para makatulong Batay sa Pananaw entertain ng mga tao
sa mga social media user

Isinulat nila yun mga pangyayari sa

Batay sa
Pagkakasulat kuwentong darna
6|Page
Isinulat nila yun mga mahahalagang
inpormasyon tungkol sa social media

Madami ng mga pilipino ang my internet Si darna ay isang tagapagtangol ng mga

access sa tulong ng smartphones at iba Batay sa Talata naapi sya ay isang superhero
pang gadgets

MGA SALITANG GINAGAMIT SA IMPORMAL NA KOMUNIKASYON

Ang mga uri ng salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon ay ang mga sumusunod:

 Lalawiganin (provincialism) - mga salitang nagmula o karaniwang ginagamit sa isang partikular na lugar o pook gaya
ng balay (bahay), dako (malaki), kabsat (kapatid)
 Balbal (slang) - mga salitang kanto o kalye na nabuo sa impormal na paraan tulad ng tomguts, erpats, ermats
 Kolokyal - mga salitang hango sa pormal na komunikasyon na ginagamit sa pang araw-araw na pamumuhay at maaaring
maging magaspang o bulgar gaya ng musta, penge, pede, san, pano, lika
 Banyaga - mga salitang nagmula sa ibang wika at karaniwang ginagamit sa mga salitang teknikal, pang-agham, o
terminolohiya

Palabuoan ng mga Salitang Balbal

Narito ang kategorya ng mga salitang malimit nating narinig sa kasalukuyan di lamang sa kabataan kundi maging sa
ilang matatanda.
1. Hinango mula sa mga salitang katutubo
Halimbawa:
Gurang (Bicol, Bisaya) – matanda
Utol(Bisaya) – kapatid
2. Hinango sa Wikang Banyaga
Halimbawa:
Tisoy, Tisay (Espanyol: Mestozo, Mestiza)
Sikyu (Ingles: Security Guard)
3. Binaligtad (Inverted or Reversed Category)
Halimbawa:
Gat-bi – bigat
Lispu – pulis
4. Nilikha (Coined Words)
Halimbawa:
Bonsai – maliit = very small
Espi – esposo =husband
5. Pinaghalo-halo (Mixed Category)
Halimbawa:
Kiilig to the bones – paghanga = Crush
In-na-in – naaayon/uso =following the trends

6. Iningles (English Category)

Halimbawa:
Jinx – malas =bad luck
Bad trip – kawalang pag-asa =hopeless/frustrated
7. Dinaglat (Abbreviated Category)
Halimbawa:
KSP – Kulang Sa Pansin
JAPAN – Just Always Pray At Night
8. Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng Isang Bagay
Halimbawa:
Yoyo – (dahil ang relo ay hugis yoyo)

7|Page
Boga – (dahil ang baril ay parang bumubuga)

Gawain 2: TIYAKIN NATIN

PANUTO: Bawat araw ay nahaharap tayo sa iba’t ibang sitwasyon ng buhay. Upang maiwasan ang pagkakamali o
pagkabigo, kailangan natong maging maingat sa pagharap sa mga sitwasyong ito lalo na sa mga pagkakataong kailangan nating
ipahayag o magsalita sa mga oras na yaon.
Isipin kung ano ang iyong sasabihin sa mga sitwayong nakatala sa ibabagamit ang mga impormal na uri ng salitang nasa
loob ng panaklong.
1. Gusto mong makakuwentuhan ang pinsan mong galling sa inyong probinsya. Paano ka magbubukas ng usapan ninyo?
(panalawiganin)

Kasin(pinsan) kamusta kana? Kasama mo bo yun ditse(ate) mo ska yun sangko (kuya mo? Kumaon
(kumain) naba kyo ito my niluto akong inapoy (pagkain) pra sa inyo dala nyo ba yun alaga ninyong
gamgam mamaya ipapasyal ko kyo sa mga malalaking bukid dto at sa mga magagandang pasyalan .

2. Namamasyal kayo ng lol among galling sa Amerika at may gusto kang ipabili sa kanya. (banyaga)

Lola hello (kamusta ) po gusto ko po sna sainyong magpabili ng cake at saka ng dictionary ksi mahilig po
ako kumain ng cake at ska mahilig po ksi ako magbaa ng dictionary

3. May bago kang kaibigan sa Facebook at gusto mong maging palagay ang loob mo sa kanya kaya kinaibigan mo siya.
(balbal)

Kamusta gusto mo ba maglaro ng cod sana nde tyo maolats (matalo) sa laro syang kung gusto mo isali
mo ang iyong erpats ( kapatid) gusto sana kita maging pare ( kaibigan) ano plag paborito mong chibog
(pagkain)pra pag nagkita tyo alam ko na paboritong mong chibog(pagkain) .

4. Pupuntahan mo ang bahay ng iyong kaibigan ngunit parang nililigaw ka. Paano ka magtatanong sa mga taong pwede
mong hingan ng tulong sa daan? (kolokyal)

Kuya / ate pede pong magtanong kung sanaron po ang daan papunta sa bahay ng kaibigan ko po
pano po ba makapunta sa bahay po ng kaibigan kong si anji? ksi naliligaw po ata ako eh.

Gawain 3: PALAWAKIN PA NATIN

PANUTO: Ikaw ay manunulat o mamamahayag sa inyong lokal na pahayagan. Nahilingan kang sumulat ng isang
kumentaryo, balita, o dagli tungkol sa kalagayan ng information technology sa ating bansa o ng isang napapanahong isyung may
kinalaman sa epekto ng social media networking sa buhay ng kabatan. Kaugnay nito, magtala ng mga kinakailangang
impormasyon para mabuo ang paksang susulatin. Itala rin ang mga pamamaraan o estratehiyang iyong gagamitin upang epektibo
ang makalap ang mga datos o impormasyong iyong ilalahad.

Ang teknolihiya at kabataan

8|Page
Mga Kakailanganing Datos o Impormasyon
Ano ang tungkol sa technolihia ?
Pano umunlad ang technolihiya sa pilipinas
Nakakatulong ba ang pag unlad ng tecnolihiya sa pagaaral?

Paraang Ginamit sa Pangangalap ng Impormasyon

Nag search sa internet ng mga Nag tanong sa mga

Nag kalap ng
imporasyon tungkol sa kalagayan kakilala o kaibgian ng
impormasyon sa
ng information technology sa mga alam nla tungkol
dyaryo at ensiclopedia
pilipinas a technolihiya

Burador o Draft ng Paksang Susulatin

Gumamit ng isang buong papel para sa iyong susulatin

ARALIN 2: PANITIKAN: TANIKALANG LAGOT

GRAMATIKA/RETORIKA: EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO
O PANANAW
SIMULAN NATIN
PANUTO: Ano’ng huling balita sa radio ang iyong napakinggan at ano naman ang huling balitang napanood mor in sa
telebisyon? Ano ang kaugnayan sa isa’t isa ng mga balitang itong iyong napakinggan? Isulat ang iyong opinion tungkol dito.
Balitang Napakinggan Balitang Napanood
Ang mga nahawaan ng virus na omecron at kung saan lugar Ang symtoms ng omecron virus at ang ibang detalye tungkol
ang my pinakamadaming nahawaan ng omecron virus at ang sa omecron virus at ang pagkalat ng omecron virus dto sa
bilang ng mga nahawaan ng omecron sa buong bansa at ang bansa at isinasabi nla na magingat sa omecron virus at ang
pagkakaroon ng panic buying ng mga gamot pagkaubos ng mga gamot sa podica or drugs store

Sa aking opinion ang mga balitang ito ay magkaugnay dhil ang balitang aking napakingan sa radyo at napanood sa telebisyon
ay nagbibigay ng mga impormasyon tungkol sa omecron virus at sila ay pareho ng gustong ibatid na bumili na tyo ng gamot
dhil bka mauubusan pa tyo dhil nagkakaroon na ng panic buying ng gamot o ang pagkaubos ng gamot sa mga botika

9|Page
Layunin: Matapos basahin ang mga aralin, ikaw ay inaaasahang:
 Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan at nabibibigay ang sariling opinion tungkol
sa mga ito (F8PD-IIId-e-30);
 Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inference), opinion, at personal na interpretasyon ng
kausap (F8PN-IIId-e-29);
 Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting (F8PT-IIId-e-30); at
 Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto o pananaw (F8WG-IIId-e-31)
Mga gabay na tanong.
1. Ano’ng aral ang nakuha mo sa kapahamakang nangyari kay Leona?
2. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga tanikalang gumagapos sa buhay ni Leona?
3. Paano napagtagumpayan ni Leona ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay?
4. Ikaw bilang kabataan, paano mo hinaharap ang mga pagsubok na dumarating sa iyong buhay?

TANIKALANG LAGOT
Buod
Ang tanikalang lagot ay patungkol sa isang dalaga na nagngangalang Leona. Siya ay anak nina Tatay Dionisio at Nanay
Jovencia. Ang kuwento ay naglalarawan sa isang uri ng bata na sumuway sa mga utos ng kaniyang magulang na nagdulot sa
kaniya ng kapahamakan.
  Si Dionisio at Jovencia ay may tatlong anak. Si Leona bilang bunso, ay ang pinaka naaasahan nila sa kanilang
negosyong rubber production sa Bulacan. Ibinili si Leona ng kanyang ama ng motorsiklo ng dahil dito bagama't tutol ang
kaniyang ina. Isang araw, ginamit niya ang motrosiklo at tumakbo ng matulin na nag resulta sa pagkaaksidente nito. Ibinenta ng
kanyang ina ang motor na siya namang ikinagalit ni Leona.
Naglayas si Leona at lumuwas ng Maynila. Dito niya nakilala si Zosimo. Nagbunga ang kanilang pagmamahalan sa
dalawang batang sina Bimbing at Dodong. Si Zosimo ay nagkasakit at tuluyang namatay dahil sa kahirapan sa pagtatrabaho. Si
Leona ay nangulila at sa kanyang pagdadalamhati ay isinama siya ni Rosa sa simbahan niya sa araw ng Linggo. Dito ay nakilala
ni Leona muli ang panginoon at siya ay nagbalik-loob para sa kanyang mga anak.

(Maaaring pakinggang ang record nito mula sa Youtube sa link na https://www.youtube.com/watch?v=lD0RA6-7mzA)

Pagsagot sa mga pamproseong tanong.

1. Ano’ng aral ang nakuha mo sa kapahamakang nangyari kay Leona?
__________________dapat wag mong susuwayin ang iyong magulang dhil kung pinapagalitan ka nla ay ito lng upang
pagsabihan ka at kung sa tingin mo namali na ganun ang ginwa nla ay ikaw ay mli dhil gusto lng nman ng mga magulang ntin
na ligtas tyo kya ganun ang ginawa nla sa atin
_____________________________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________
2. Sa iyong palagay, ano-ano ang mga tanikalang gumagapos sa buhay ni Leona?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________

3. Paano napagtagumpayan ni Leona ang mga pagsubok na dumating sa kanyang buhay?

_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________

10 | P a g e

Gawain 1: BUOIN NATIN

PANUTO: Ang katotohanan ay mga pahayag na may konkretong ebidensya. Ang opinion ay kuro-kuro o palagay batay
sa pananaw ng isang tao. Samantalang ang hinuha ay pahayag na inaakalang mangyayari batay sa sariling kaisipan o pananaw
lamang.
Sa pamamagitan ng spider map ay suriin ang pahayag ng iyong kamag-aaral batay sa mga impormasyon at
mahahalagang kaisipang kanilang nakuha mula sa binasang akda. Suriin kung alin sa kanilang pahayag ang katotohana, hinuha,
opinion, o personal na interpretasyon.

_____________________________ _____________________________

Katotohanan Hinuha

Nakalap na impormasyon mula

sa aking kamag-aral

Personal na Interpretasyon Opinion

Gawain 2: ISULAT NATIN
_____________________________ _____________________________
PANUTO: Sa graphic organizer sa ibaba ay matutunghayan ang ilang mga salitang ginagamit sa radio broadcasting.
Bigyang-kahulugan ang mga ito. Isulat ang iyong mga sagot sa kahon.

Mga Salitang Broadcasting Media

Ginagamit sa
Radio
Broadcasting 11 | P a g e
Audio-visual material

SFX

EKSPRESYON SA PAGPAPAHAYAG NG KONSEPTO O PANANAW

Mga ekspresyon nagpapahayag ng mga pananaw halimbawa ayon, batay, para, sang-ayon, sa/kay, ganoon din sa
paniniwala / pananaw / akala ko, ni / ng:

- ano ano ang mga ekspresyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw / ano ang mga ekspresyong nagpapahayag ng
pananaw
Ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pananay ay ang mga pangungusap na sumusunod sa mga katagang ayon, batay, para,
sang-ayon, sa/kay, sa paniniwala / pananaw at akala ko, ni / ng.
- halimbawa ng pangungusap na nagpapahayag ng konsepto ng pananaw o halimbawa ng konsepto ng pananaw
Ang mga mababasa ninyong halimbawa ay mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Katotohanan at Opinyon. Ibig sabihin, hindi
lamang ekspresyong katotohanan ang mababasa kundi may halo na rin ang mga ito na mga ekspresyong opinyon.  Sa bagay, ang
hinihingi naman ng katanungan ay mga ekspresyong nagpapahaya ng mga pananaw:
Ayon – Ayon sa PAGASA, ang bagyo ay tatama at magla-landfall sa Pilipinas sa darating na Miyerkules o Huwebes. Ayon din sa
NDRRMC, dapat ay maging handa na bago pa man maminsala ang bagyo dahil sigurado, dahil sa lakas ng bagyo, magkakaroon
na naman ng mga pagbaha, landslides, at pagkasira ng mga mahuhunang bahay.
Batay, Sang-ayon – Batay sa mga nakalap kong kuro-kuro sa mga kanto, mas progresibo pa raw mag-isip si Vice Ganda kaysa sa
ating mga gobyerno. Hindi niya ako fan pero sang-ayon ako dun. Nagagawang itama ng noontime host ang sarili at
nagpapalaganap ito ng mga kaisipang panlipunan na ikauunlad ng isang bansa pero ang gobyerno sa kasalukuyan ay sila pang
sumisira sa sarili nilang porma’t imahe.
Para – Para hindi tuluyang mabaon sa kamalasan ang ating bansa, kailangan mas pondohan ang sekta ng edukasyon at gawin
itong libre para sa ganoon ay wala nang mangmang na botante sa ating lipunan.
Paniniwala – Ang paniniwala ng relihiyon naming ay gaya ng sa mga Navajo. Wala kaming pakialam sa kasarian ng tao o kung
anong kasarian ang gusto niyang mapakasalan dahil ang mahalaga sa amin ay may magaganda kang naiaambag sa lipunan.
Sasama lang ang tingin namin sa iyo kung hindi ka mabuting tao sa mga kapwa mo ano man ang mga paniniwala’t relihiyon nila.
Pananaw – Ang pananaw ng masa ay hindi pananaw ng mga taong may pribilehiyong mabuhay nang marangya. Ang pananaw
nila ay bigyan sila ng sapat na kompensasyon sa bawat iniaalay nilang gawa para sa ating lipunan.  
Akala ko – Akala ko hindi dapat libre ang edukasyon. Mali ang akala ko. Dapat ito ay karapatan ng bawat mamamayan at hindi
dapat ito sumailalim sa kapitalistang pag-aari ng mga gusto lamang yumaman.
Akala ni – Akala ni Imee Marcos ay tatanggapin siyang malugod sa Iloilo ng mga kabataan. Agad na nag-rally ang mga
estudyante sa loilo Science And Technology University.
Akala ng – Akala siguro ng administrasyon ay walang masamang mangyayari sa ekonomiya kapag patuloy na bumababa ang
halaga ng piso at patuloy tayong nag-i-import ng mga produktong dapat tayo ang nag-e-export.

Gawain 3: TIYAKIN NATIN

PANUTO: Ibigay ang iyong konsepto o pananaw batay sa nagging paksa ng isang programang panradyo na Family
Matters ng DZAS na inere noong Disyembre 2011 tungkol sap ag-aasawa. Isulat ang iyong sagot sa mga linya sa ibaba.
ABAKADA ng Pag-aasawa
A – Ayon sa panukala ng Diyos Ama ang hanaping daan tungo sa pagpapamilya.
B – Bahala na/baka sakali pa ay hindi dapat pairalin. Kailangang siguraduhin ang lahat ng bagay o lagay.
K- Kristiyano sa Kristiyano ang dapat pairalin at hindi dapat baliin ang prinsipyong ito.
D – Di dapat papalit-palit ng nobyo o nobya, di palikero o palikera, di agad nagsasawa at hindi sabay-sabay ha? Gets mo?
E – Edad at ugali ay magkaantabay, di bata pero di matanda, di malayong agwat para talagang bagay.

________________________________________________________________________________________________________

12 | P a g e
________________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

ARALIN 3: PANITIKAN: PANANAKIT SA BATA BILANG PAGSISISIPLINA, DAPAT BANG

IPAGBAWAL?
GRAMATIKAL/RETORIKAL: EKSPRESYONG HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL
SIMULAN NATIN
PANUTO: Bahagi ng kulturang Pilipino ang pagtutok o panonood ng telebisyon araw-araw. Sino nga ba naman ang
hindi mawiwiling panoorin ang mga palabas na tulad ng Eat Bulaga, Showtime, Maalaala Mo Kaya?, Rated K, Imbestigador, at
iba pa? Ang mga ito ay nagging bahagi na ng buhay ng mga Pilipino.
Magtala ng mga programang pantelebisyong paborito mong panoorin. Isulat mo ito sa telebisyon gayundin ang maikling
paliwanag kung bakit mo ito paboritong panoorin.

Layunin: Matapos basahin ang aralin, ikaw ay inaaasahang:

 Naibabahagi ang sariling interes kaugnay ng paksang tatalakayin;
 Nahihinuha ang paksa, layon, at tono ng akdang nabasa (F8PB-IIIe-f-31);
 Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga pamantayan (F8PD-
IIIe-f-31); at
 Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal (dahilan-bunga, paraan-
resulta) (F8WG-IIIe-f-32)
Mga gabay na tanong
1. Ano-ano ang mga halimbawa ng ilang pangyayaring nagpapakita ng pang-aabuso at pagmamalupit sa mga bata?
2. Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ng mga magulang Quezo City hinggil sa kanilang mga agam-agam kaugnay ng mga
panukalang ordinansa sa kanilang lugar tungkol sa isyu ng corporal punishment?
3. Para sa iyo, ano ang mainam o epektibong paraan ng pagdidisiplina sa mga bata at kabataan sa kasalukuyan?
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong gumawa ng isang batas na mangangalaga sa Karapatan ng mga bata, ano kaya
ito at bakit ito ang iyong bubuoin?

PANANAKIT SA BATA BILANG PAGSISISIPLINA, DAPAT BANG IPAGBAWAL?

MANILA – Sinusulong ng isang konsehal sa Quezon City ang isang ordinansang nagbabawal sa pananakit ng bata bilang paraan
ng pagdesiplina. Sa ulat ni Kara David para sa Balitanghali nitong Miyerkules, sinabing balak ihain ni Quezon City Councilor
John Ansell de Guzman ang isang ordinansang maaaring magpakulong sa mga magulang, guro, yaya, guardian, at iba pang
nakatatanda na gumagamit ng corporal punishment o pananakit para madesiplina ang bata. Sa ilalim ng ordinansa, matatawag na
corporal punishment ang pamamalo, panununtok, pananadyak, paggamit ng iba't ibang bagay tulad ng baston, sapatos, sinturon at

13 | P a g e
iba pa. Bawal din ang pamimingot, pananabunot, pangungurot at pagpilipit ng kamay. Ganoon din ang mga parusang
pagpapaluhod sa asin, pagkulong, pagkakait ng pagkain, pagtali, pagbitin at iba pang gawaing nakasasakit sa bata. Maging ang
paninigaw, pagmumura, pagpapahiya at pagbabanta ay balak ding ipagbawal sa ihahaing panukala. Ang mga lalabag ay maaaring
makulong ng 'di hihigit sa anim na buwan o magmumulta ng P1,000.
Nagpahayag naman ng pangamba ang ilan-- pati ang mga guro-- sa naturang panukalang ordinansa. Baka raw lalong maging
pasaway ang mga bata dahil dito. "Ang fears namin, kaunting taas ng boses namin, mayroong batang kakasuhan ka agad. Na-
diminish ang aming authority at saka baka masobrahan ang karapatan ng bata na hindi na alam 'yung responsibilidad nila,"
paliwanag ni Evangeline Abubukar sa Balitanghali. Sang-ayon naman ang non-governmental organization na Plan International sa
ordinansa. Naniniwala ang grupo na kapag sinaktan ang bata, matututo rin itong manakit. "The problems of bullying, the problems
of children in conflict with the law, various problems involving children are related to their experiences at home. They have
experience some sort of violence in their homes," pahayag ni Airah Cadiogan, media relations at anti-corporal punishment project
campaign coordinator ng Plan International. Magkakaiba naman ang pananaw ng ilang magulang sa naturang ordinansya.
"Papangaralan mo siya, huwag papaluin kasi magiging rebelde ang bata," ayon sa isang magulang. Ngunit hirit naman ng isa pang
magulang: "Kapag hindi patikimin ang bata ng pagkurot ng kaunti, hindi rin matauhan ang bata. Kailangan din mayroong respeto
ang bata sa magulang, ang magulang din, respeto rin ang mga anak." Ipinaliwanag naman de Guzman, na hindi kaagad ikukulong
ang lalabag sa ordinansya. Isasailalim umano muna ang guro o magulang sa counseling at assessment. Sa talaan ng UNICEF, 60
porsiyento ng mga ina sa Pilipinas ay umamin na pinaparusahan nila ang mga anak. Sa naturang bilang 3 porsiyento ang
gumagamit ng matinding pananakit. Sa isang pag-aaral naman, lumalabas na 82 porsiyento ng mga bata sa Pilipinas ang nakaranas
nang pisikal na pananakit sa kamay ng kanilang magulang. - Amanda Fernandez/FRJ, GMA News

Pagsagot sa mga pamprosesong tanong.

1. Ano-ano ang mga halimbawa ng ilang pangyayaring nagpapakita ng pang-aabuso at pagmamalupit sa mga bata?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
2. Sumasang-ayon ka ba sa pananaw ng mga magulang Quezo City hinggil sa kanilang mga agam-agam kaugnay ng mga
panukalang ordinansa sa kanilang lugar tungkol sa isyu ng corporal punishment?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
3. Para sa iyo, ano ang mainam o epektibong paraan ng pagdidisiplina sa mga bata at kabataan sa kasalukuyan?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
4. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong gumawa ng isang batas na mangangalaga sa Karapatan ng mga bata, ano kaya ito at
bakit ito ang iyong bubuoin?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________

Gawain 1: ANG AKING HINUHA

PANUTO: Sagutin ang sumusunod na mga tanong makabuo ng paghihinuha hinggil sa binasang akda. Bilugan ang titik
ng tamang sagot at saka ilahad ang iyong paliwanag kung bakit ito ang iyong napiling hinuha.
1.Maraming isyu ang tinalakay sa akdang binasa ngunit ito ang maituturing na pinapaksa nito.
a. Pagpapahalaga sa lahat ng Karapatan at tungkulin ng mga bata
b. Pagbabawal sa pananakit o paggamit ng corporal punishment
c. Pagpapabuti sa nutrisyon at kalagayan ng mga batang Pilipino
Paliwanag: Ito ang napili kong hinuha
sapagkat__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

14 | P a g e
_________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
2.Ito ang pangunahing layunin kung bakit naisulat o naiulat ang balitang binasa.
a. Upang mabigyang-halaga at pansin ang lahat ng Karapatan ng mga batang Pilipino
b. Upang mapagbuti ang kalidad ng edukasyon ng bansa
c. Upang mapaalalahanan ang mga guro at magulang na mali ang paggamit ng corporal punishment
Paliwanag: Ito ang napili kong kinuha
sapagkat__________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
Gawain 2: ISULAT NATIN
PANUTO: Manood ng isang dokumentaryong pantelebisyon. Ibigay ang mga detalyeng hinihingi sa dayagram tungkol
dito. Pagkatapos ay suriin ito ayon sa pamantayang nakatala sa ibaba. Sumulat ng kaunting paliwanag tungkol sa pagsusuring
ginawa. Maaaring manood o gumamit ng Internet para sa panonoorin.

Pamagat ng Dokumentaryo

Programa at estasyon kung saan ito napanood

Petsa ng pagkakagawa o pagpapalabas sa telebisyon

Dokumentarista

Isyung tinalakay:

_________________________________________________________________________________________

Sariling kongklusyon at reaksiyon:

Gawing gabay ang pamantayan sa ibaba sa pagsasagawa ng iyong pagsusuri.

pamantayan Laang Aking
puntos puntos
Komprehensibo, mapanuri, at masusing pinag-aaralan at sumasalamin sa katotohanan ng buhay ang 5
dokumentaryo.

15 | P a g e
Nakaimpluwensya sa isip at damdamin ng sinumang makapanood. 5
Nakapaghatid ng tiyak at totoong impormasyon sa manonood. 5
Kabuoang puntos 15
5 – Napakahusay
4- Mahusay
3 – Katamtaman
2 – Di mahusay
1 – Sadyang Di Mahusay

Paliwanag:_______________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
EKSPRESYONG HUDYAT NG KAUGNAYANG LOHIKAL
Sa paglalahad ay mahalagang maipakita ang wastong pagkakasunod-sunod at ugnayan ng mga pangyayari.
Ang paggamit ng mga pangatnig, pang-abay, at iba pang ekspresyong makikita sa ibaba ay makatutulong upang
maipakita ang ugnayan ng mga pahayag.
1. Sanhi at bunga - ang mga pangatnig na sapagkat, pagkat, palibhasa, dahil, kasi, kaya, at iba pa ay madalas na gamitin
sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
o Nagsikap siyang Mabuti sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang kanyang buhay.
o Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.
2. Paraan at Resulta - nagsaad kung paano nakuha ang resulta. Ang pag-ugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa
ganitong pahayag.
Halimbawa:
o Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan siya ng kanyang amo.
3. Kondisyon at Resulta - ang mga pang-ugnay na kung, kapag, sana, sakali ay maaaring gamitin sa pahayag na ito.
Halimbawa:
o Kung magsisikap ka sa buhay, hindi ka mananatiling mahirap.
4. Paraan at Layunin – ang mga pang-ugnay na upang, para, nang, at iba pa ay gamitin sa ganitong pahayag.
Halimbawa:
o Para makatulong sa magulang, nagsikap siya nang husto sap ag-aaral.
5. Pag-aalinlangan at pag-aatubili - ang mga salitang hindi sigurado, yata, tila, baka, marahil, at iba pa ay maaaring
gamitin sa ganitong pahayag kasama ang mga pang-ugnay na kaya, samakatuwid, kung gayon.
Halimbaawa:
o Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa ang bagay na iyan.
6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi – ilan sa mga salitang ginagamit dito ay ang siyang tunay, siyempre, walang duda, sa
katotohanan, talaga kasama ang pang-ugnay na na at nang.
Halimbawa:
o Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at walang dudang napatunayan ko ito.

Gawain 3: SUBUKIN PA NATIN

PANUTO: Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang gamit ang mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal.
A. Ibigay ang sanhi at bunga ng pagtigil sap ag-aaral ng malaking bahagdan ng mga kabataang mag-aaral sa bansa.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
B. Magbigay ng ilang sanhi at resulta ng isang proyektong pangkabataan sa inyong lugar
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
C. Sabihin ang isang bagay na atubili kang gawin dahil sa iyong pag-aalinlangan.
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________

ARALIN 4: PANITIKAN: ANAK

GRAMATIKA/ RETORIKA: MGA BANTAS
SIMULAN NATIN

16 | P a g e
PANUTO: Bukod sa panonood ng telebisyon, isang libangan ding matatawag ang panonood ng pelikula. Ang ganitong
uri ng panoorin ay unang pinalalabas o mas madalas na pinapanood sa mga sinehan. Marahil ay marami ka nang pelikulang
napanood. Ibahagi mo ang iyong karanasan o interes tungkol dito sa pamamagitan ng pagpuno sa graphic organizer.
Pinakapaborito kong pelikula

Ilang impormasyon tungkol sa pinakapaborito kong pelikula

Dahilan kung bakit ko ito paborito

Layunin: Matapos basahin ang mga aralin, ikaw ay inaaasahang:

 Naibabahagi ang interes kaugnay ng paksang tatalakayin
 Naihahayag ang sariling panaanw tungkol sa mahahalagang isyung mahihinuha sa napanood na pelikula
(F8PD-IIIg-h-32);
 Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa paksa/tema, layon, gamit ng mga salita, mga tauhan (F8PB-
IIIg-h-32); at
 Nagagamit ang kahusayan sa gramatika sa pagsulat ng sagot (F8WG-IIIg-h-33)
Mga gabay na tanong.
1. Ano ang pinakatema ng pelikulang Anak? Paano ito napalutang o binigyang-diin sa palabas?
2. Bilang anak, masasabi mo bang may pagkukulang din sa iyo ang iyong magulang? Kung mayroon man, paano mo ito
tinatanggap sa iyong buhay? Kagaya rin b ani Carl na nagawang magrebelde sa kanyang magulang?
3. Kung ihahambing mo ang iyong ina sa isang bagay o tao, ano o sino kaya ito? Bakit?
4. Kung ikaw ay magkakaroon ng sarili mong pamilya, ano-ano’ng mga bagay ang gagawin mo o ipatutupad mo sa iyong
sambahayan upang manatiling masaya at buo ito?

ANAK
(Isang Rebyu o Pagsusuri)
Star Cinema Production
Director: Rory B. Quintos
Script writer: Ricardo lee at Raymond Lee
Prodyuser: Charo Santos-Contio

I : PANIMULA O INTRODUKSYON
Ang "ANAK" ay isang pelikula noong 2000 na handog ng Star Cinema para samga OFW (Overseas Filipino workers) sa
ibat-ibang dako ng mundo.Sa natatangingpelikula na ito na sumikat sa takilya ay pinagbibidahan nina Vilma Santos atClaudine
Baretto. Noong 2000, ang pelikulang ito ang pinakatanyag na pelikula sakasaysayan ng pelikula sa industriyang Pilipino dahil sa
laki ng binatak nito satakilya.
A : PAMAGAT NG KWENTO " Anak "
B : MAY AKDA Ricardo Lee at Raymond Lee
C : DIREKTOR Rory B. Quintos
II : BUOD
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na nagtatrabahosa Hong Kong bilang domestic helper.
Ginawa niya ito upang makapagpadala ng perasa mga anak niya upang matustusan ang kanilang pangangailangan. Binangggit
niyana ginagawa nya ito para mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak.Bagamat siya ay malayo sa kanila,
tiniis nya ang mga pasakit ng kanyang amo atang kanyang pagnanais na makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.
Nagsimula sa isang masayang mag-anak, nagkawatak watak ang buhay ng mgaanak ni Josie magmula ng yumao ang kanilang
ama na syang kasama nila sa bahay.Dito nagsimulang masuklam si Carla (Claudine Baretto) sa kanyang ina. Nagpadalasila ng
sulat sa inang nasa Hong Kong upang malaman ang nangyari at nang syayumuwi. Gayunpaman, hindi nabasa ni Josie ang sulat
dahil sya ay kinulong ngkanyang amo sa loob ng kanilang bahay nang silay lumipad sa Estados Unidos ngisang buwan. Nabasa ni
Josie ang sulat pagkaraan ng isang buwan, ngunit hindi parin siya pinayagan ng kanyang among umuwi kahit magmakaawa pa
siya. Pagkaraan ng ilang taon, umuwi na rin si Josie. Nagawa nya ito dahilitigil na nya ang kanyang trabaho sa Hong Kong.
Nagnanais siyang magtayo ngisang negosyo na kasosyo ang kanyang dalawang kaibigan. Namuhunan silang tatlong taksi para
ipasada sa kalsada. Masaya ang kanyang pagbalik pagkaraan ng animna taong pangungulila. Gayunpaman, naharap nya ang
matabang na pagsalubong ngmga anak. Si Daday, ang bunso, ay hindi sya kilala. Si Michael (Baron Geisler)ay mahiyain at
walang kimi at si Carla, na hindi man lang ginagalang ang ina atiniitsa-pwera lamang. Ninais ni Josie na makuha ang simpatiya ng
mga anak sa pamamagitan ng mgapasalubong. Hindi ito tinanggap ni Carla. Sa pagdaan ng panahon, unti-untinakikita ni Josie ang
mga bisyo at karanasan ni Carla, paninigarilyo, tattoo,paghihithit ng droga, panlalalake at paglalaglag ng bata. Dagdag pa dito
angpagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyangmga anak. Nabangga pa ang taksing

17 | P a g e
pinundar ni Josie at iniwan siya ng isa sa mgakasosyo niya dahil nagastos niya ang perang ibabahagi sana niya. Sa sunud-sunod na
problema ni Josie, gusto na sana niyang sumuko.Pinagtatabuyan siya ni Carla. Lumala pa ang alitan ng lumayas si Carla sa
bahayat lalong nalulong sa kanyang bisyo. Nang mawala ang iskolarship ni Michael,nagsimula ng mag-init ang ulo ni Josie dahil
ang dami na ng kanyang binabayaran.Dahil dito, napahiya sa Michael sa mga pangarap na gusto ng ina niya sa kanya.Lumayas
din si Michael. Nagtuluy-tuloy ang kamalasan ni Josie kasabay ng pagkaunti ng kanyanginimpok na salapi para sa kanyang
pamilya. Dahil dito, napilitan siyang magbaliksa Hongkong. Isang gabi bago siya babalik sa Hong Kong, napuno si Josie
sapagtrato sa kanya ni Carla. Malaki ang alitan ng dalawa hanggang sa binuhos nyaang lahat lahat ng kanyang nararamdaman sa
mga anak. Sa oras na ito, namulat angmga mata ni Carla sa katotohanang sya ang sumira sa buhay niya at wala na
siyangmapagbabalingan ng sisi kundi ang sarili nya dahil sa pagpapalalo nya sa kanyangbisyo. Ang kanyang paglaki ng walang
inang gumagabay sa kanyang tabi angnagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa kanilang alitang iyon,naintindihan rin ni
Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila bagamat malayo syasa kanilang tabi.
III : PAGSUSURI
A : URI NG PELIKULA
Ito ay isang uri ng pelikula na panglipunan. Ipinapakita nito angtakbo ng buhay ng isang tao o pamilya sa isang lipunan.
B : KAANYUAN NG PELIKULA
* TEMA Ang pelikulang Anak ay patungkol sa isang ina, bilang OverseasFilipino Worker, na napilitang umalis ng bansa
upang mabigyan ng maayos na buhayang kanyang pamilya.
* PAKSA Ang pelikulang ito ay tumatalakay sa importansya ng pamilya attrabaho.

Pagsagot sa mga pamprosesong tanong.

1. Ano ang pinakatema ng pelikulang Anak? Paano ito napalutang o binigyang-diin sa palabas?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
2. Bilang anak, masasabi mo bang may pagkukulang din sa iyo ang iyong magulang? Kung mayroon man, paano mo ito
tinatanggap sa iyong buhay? Kagaya rin b ani Carl na nagawang magrebelde sa kanyang magulang?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
3. Kung ihahambing mo ang iyong ina sa isang bagay o tao, ano o sino kaya ito? Bakit?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
4. Kung ikaw ay magkakaroon ng sarili mong pamilya, ano-ano’ng mga bagay ang gagawin mo o ipatutupad mo sa iyong
sambahayan upang manatiling masaya at buo ito?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________

Gawain 1: BUOIN NATIN

PANUTO: Ipahayag ang iyong mga pananaw at suhestiyon hinggil sa mga napapanahong isyung may kinalaman sa
akdang tinalakay. Itala ang iyong sagot sa graphic organizer na Read and React.
Read: Laganap sa bansa ngayon ang problema tungkol sa teenage pregnancy sanhi na rin ng iba’t ibang salik na nakaaapekto sa
buhay ng kabataang Pilipino.

React:

18 | P a g e
Read: Maraming pelikula sa kasalukuyan ang may temang tungkol sa karanasan at sex at halos walang hatid na mabuting aral
sa manonood.

React:

Gawain 2: ISULAT NATIN

PANUTO: Gamit ang graphic organizer sa ibaba ay suriin ang pelikulang Anak o ibang pelikulang sasang-ayunan o
ibibigay ng iyong guro batay sa mga hinihingi sa ibaba.

MGA BANTAS
WASTONG PAGGAMIT SA MGA BANTAS
Ang mga bantas (punctuation) ay mga simbolo na nagpapakita ng kayarian at kaayusan ng nakasulat na wika, pati na ang
intonasyon at paghintong sandali (pagtigil na sandali) na gagawin kapag nagbabasa nang malakas.
Sa nakasulat na Tagalog, ang bantas ay mahalaga upang maging malinaw ang kahalugan ng mga pangungusap.
Ang mga panuntunan ng pagbabantas ay pabagu-bago ayon sa wika, lokasyon, rehistro at panahon (oras) at patuloy na
umuunlad at nagbabago.
Ang ilang partikular na mga aspekto ng bantas ay may estilo at sa kung sa gayon ay ayon sa pagpiling ginawa ng may-
akda o ng patnugot.
Ang mga anyo ng wika na takigrapiko, katulad ng mga ginagamit sa pagsasatsatan sa Internet at mga mensaheng teksto,
ay maaaring may malawak na kakaibang panuntunan.
MGA URI NG BANTAS AT PAGGAMIT NITO
1. TULDOK o PERIOD( . )
— Ginagamit ang bantas na tuldok sa katapusan ng pangungusap na paturol (pasalaysay) at pautos, sa mga salitang dinadaglat
(abbreviation), at pagkatapos ng tambilang (digit) at titik.
A. Paturol at Pautos
Halimbawa:
- Si Simang ay isang magandang binibini.
- Mahalin mo nga ako kahit kaunti.
B. Sa pangalan at salitang dinaglat (abbreviation)
Halimbawa:
- Si G. A.B. Manansala ang lalaking bumihag sa aking puso.
- Si Bb. Kabalyero ang kontrabida sa buhay pag-ibig mo.
C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang balangkas o talaan.
Halimbawa:
1. Huwag kang magmahal ng hindi mo kasintahan.
2.
3.
A. Huwag kang magmahal ng hindi mo kasintahan.
B.
C.

19 | P a g e
2. TANDANG PANANONG o QUESTION MARK ( ? )
— Ginagamit ang tandang pananong sa katapusan ng mga pangungusap na patanong at sa bahaging pag-aalinlangan na inilalagay
sa loob ng panaklong.
A. Sa pangungusap na patanong.
Halimbawa:
- Bakit hindi ka niya magawang mahalin?
- Bakit ka niya iniwan?
B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang hindi sigurado o pag-aalinlangan sa diwa ng pangungusap.
Halimbawa:
- Ikaw ang huling (?) babaeng mamahalin niya.
3. TANDANG PADAMDAM o EXCLAMATION POINT ( ! )
— Ang bantas na tandang padamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o pangungusap na nagsasaad ng matindi o
masidhing damdamin.
Mga halimbawa:
- Mabuhay ang mga sawi ang puso! Mabuhay!
- Aray! Ang sakit naman ng ginawa mo.
4. KUWIT o COMMA ( , )
— Ang kuwit ( , ) ay ginagamit sa paghihiwalay ng isang sinipi.
Ito rin ay ginagamit sa mga sumusunod na pamamaraan:
A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang magkaka-uri.
Halimbawa:
- Sid, mahal mo ba ako?
- Unang ginisa ang bawang, sibuyas, at luya.
B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-pangkaibigan.
Halimbawa:
- Lubos na gumagalang,
- Mahal kong Mia,
- Nagmamahal,
C. Pagkatapos ng Oo at Hindi.
Halimbawa:
- Oo, hindi na kita mahal.
- Hindi, niloko lang talaga kita.
D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.
Halimbawa:
- Si Jose Rizal, ang ating pambansang bayani, ay isa ring doktor.
- Si Marco, ang iyong kasintahan, ay isang manloloko.
- Si Simang, isang manunulat, ay mahilig mangulangot.
E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at lalawigan sa pamuhatan ng isang liham.
Halimbawa:
- March 3, 2017
- Project 8, Quezon City
F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng pangungusap.
Halimbawa:
- Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda."
- "Hindi na kita mahal," wika ng iyong kasintahan.
5. KUDLIT o APOSTROPHE( ' )
— Ginagamit ang kudlit bilang kapalit o kung kumakatawan sa letra o sa mga letrang nawawala kapag ang pang-ugnay o pananda
sa pagitan ng dalawang salita ay ikinakabit sa unang salita.
Halimbawa:
- Siya'y hindi magiging iyo.
( Siya'y = Siya ay )
6. GITLING o HYPHEN ( - )
— Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na pagkakataon:
A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.
Halimbawa:
- Masayang-masaya ako nang mag-wave back siya.
- Gabi-gabi kaming nag-uusap kaya naghuhulog na ang loob ko sa kaniya.
- Umiiyak ako dahil dala-dalawa pala siya kung magmahal.
B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay
magkakaroon ng ibang kahulugan.
Halimbawa:

20 | P a g e
- Magaling siyang mang-uto ng babae.
(Kapag hindi nilagyan ng gitling ang salitang 'mang-uto' ay magiging 'manguto' ito na may ibang kahulugan.)
- Nasanay na akong mag-isa sa buhay.
C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.
Halimbawa:
- pamatay-insekto ( pamatay ng insekto )
- humigit-kumulang ( humigit at kumulang )
- bahay-aliwan ( bahay na aliwan )
D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang
tanging ngalan ay walang pagbabago sa ispeling.
Halimbawa:
- taga-Bulacan
- maka-Duterte
- mag-Japan
E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng
tanging ngalan at ng buong tanging ngalan.
Halimbawa:
- magja-Japan
- magzo-Zonrox
- magjo-Jollibee
F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.
Halimbawa:
- Naghiwalay kami nang ika-4 na buwan ng aming relasyon. (ika-4 na buwan)
- Tumwag siya sa akin kaninang ika-10 ng umaga. (ika-10 ng umaga)
G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.
Halimbawa:
- isang-kapat (1/4)
- lima't dalawang-kalima (5-2/5)
- tatlong-kanim (3/6)
H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang bana o asawa.
Halimbawa:
- Simang Kabalyero-Europa
- Anne Curtis-Smith
7. TUTULDOK o COLON( : )
— Ginagamit ang tutuldok matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod:
A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.
Halimbawa:
- Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids, Sampaguita, Santan at iba pa.
B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.
Halimbawa:
- Dr. Garcia:
- Bb. Zorilla:
C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga
sangkap ng talaaklatan.
Halimbawa:
- 8:00 a.m Juan 16:16
8. TUTULDOK - KUWIT o SEMICOLON ( ; )
— Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng
pangatnig.
A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating panimula ng liham pangalakal.
Halimbawa:
- Bb;
- Ginoo;
B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi pinag-uugnay ng pangatnig.
Halimbawa:
- Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.
- Naguguluhan siya sa buhay; iniisip niya ang magpatiwakal.
C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad ng halimbawa, gaya ng, paris ng, kung nangunguna sa isang paliwanag o
halimbawa.
Halimbawa:
- Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba,
dapdap at iba pa.

21 | P a g e
9. PANIPI o QUOTATION MARK ( " " ) ( “ ” ) ( ‘ ’ )
— Ang mga panipi ay inilalagay sa unahan at dulo ng isang salita sa ganitong mga kaparaanan:
A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang tuwirang sipi.
Halimbawa:
- “Hindi kita mahal,” sabi niya sa iyo.
B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin, aklat at iba't ibang mga akda. Halimbawa:
- Paborito kong panuorin ang "Ang Probinsyano."
- Maaari kayong sumali sa grupong "TINTAkilya."
C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga. Halimbawa:
- Ang natapos kong kurso ay "Business Administration."
- Mahilig akong magbasa ng mga libro tungkol sa "Computer Programming."
*** Paalala: ang tuldok sa hulihan ng pangungusap ay ilinalagay bago ang closing quotation mark.
10. PANAKLONG o PARENTHESES ( ( ) )
— Ang panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng
ginamit sa mga sumusunod:
A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.
Halimbawa:
- Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.
B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang kawastuhan.
Halimbawa:
- Si Anton ay nagkaroon na ng dalawampu't tatlong (23) kasintahan
- Tatlong libong (3000) katao ang dumalo sa kanilang kasal.
C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon. Halimbawa:
- Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )
D. Ito rin ay puwedeng gamitin sa matematika. Halimbawa:
- 2 (3+6x) = 9
- 5 (25-5y) = 10
*** Paalala: ang tuldok sa hulihan ng pangungusap ay ilinalagay bago ang closing parenthesis.
11. TUTULDOK-TULDOK o ELIPSIS ( ... ) ( … )
— Ang tutuldok-tuldok o elipsis ay nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karugtong ng nais na sabihin.
Ang ellipsis ay tatlong magkakasunod na tuldok na matatagpuan sa isang pangungusap, at maaaring ito ay nasa umpisa, gitna o
hulihang bahagi nito.
Kapag mayroong ellipsis, ipinapakita nitong mayroong pinutol na bahagi ng pangungusap na orihinal na bahagi nito, at pinutol
lamang upang ipahiwatig na hindi nagbabago ang diwa at kahulugan ng pangungusap.
Mahalaga ito lalo na sa pagsipi sa mga pananalitang ginamit mismo sa isang akda.
Halimbawa:
- Umiyak na lamang siya nang umiyak at hinintay ang mga susunod na mangyayari...
- "Crispin.. Crispin... anak ko!" sigaw ko.
- "... na hindi mo ako mahal," sabi mo.
12. GATLANG EN o EN DASH ( – )
— May dalawang uri ng gatláng (dash): ang gatlang en at gatlang em. Noong walâ pang computer, karaniwang ginagamit ang
gitling sa gamit na para sa gatlang
en.
Ngunit ang gatlang en ay iba sa gitling at may mga tiyak na gamit.
Ang GATLANG EN ay mas mahaba sa gitling at mas maikli naman sa gatlang em.
Ginagamit ang GATLANG EN upang katawanin sa simbolo ang salitang “hanggang.”
Madalas itong ginagamit upang ipakita ang sinaklaw na ng oras, petsa, o datos pansanggunian.
Halimbawa:
1971–1986 (petsa)
9:00–11:00 (oras)
Taón II–IV (mga tomo ng jornal)
78–89 (mga pahina ng aklat)
13. GATLANG EM o EM DASH ( — )
— Ang em-dash (—) ay isang uri ng bantas na naghuhudyat ng biglaang pagtigil ng daloy ng isang pangungusap.
Isang salita ang dapat tandaan upang maiwasan ang kalituhan kung saan at kailan ba dapat gamitin ang em-dash— Interruption!
Kung gagamit tayo ng Figurative, ipinapakita rito ang pakiramdam ng biglaang pagtigil.
Halimbawa na lamang na kung ikaw ay nakasakay sa isang sasakyan at biglang pumreno. Maihahalintulad ito sa "Interruption
Effect."
Para rin iyang kilig na kilig ka na tapos bigla kang iiwan sa ere ng happy pill mo.
Gawain 3: TIYAKIN NATIN

22 | P a g e
PANUTO: Isaalang-alang ang bawat bantas, baybay, at pagkakaugnay-ugnay ng mga pangungusap sa iyong isusulat na
sagot.
1.Isulat kung kalian at anong oras ka ipinanganak._______________________________________
2. Bumuo ng pangungusap hinggil sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. (Kung kalian nagsisimula at nagtatapos ang pagdiriwang
na ito ng mga
Pilipino.)________________________________________________________________________________________________
3. Sumipi ng isang pahayag mula sa kilalang personalidada o hinahangaang taong magagamit mong gabay sa iyong
buhay._________________________________________________________________________________________________

ARALIN 5: PANITIKAN: GLOBAL WARMING: KABABALAGHAN O KATOTOHANAN?

GARAMITKA/RETORIKA: MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SOCIAL AWARENESS CAMPAIGN

SIMULAN NATIN
PANUTO: Gamit ang iyong imahinasyon at mga kaalaman sa paggamit ng mga social media tulad ng Facebook, Twitter,
Instagram, at iba pa na masasabing nagging bahagi na ng pagpapaunlad ng mga popular na panitikan ay bumuo ka ng isang
islogan o mga pahayag na makahihikayat sa mga taong magkaisang kumilos upang maligtas natin si Inang kalikasan.

Layunin: Matapos mong basahin ang aralin, ikaw ay inaaasahang:

 Nailalapat ang tamang damdamin sa mga pahayag na binasa para sa kampanyang bubuoin;
 Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang kampanyang panlipunan (F8PT-
IIIi-j-33); at
 Nagagamit ang angkop na mga komunikatibong pahayag ng isang Social Awareness Campaign.
Mga gabay na tanong.
1. Ayon sa mga siyentipiko, ano ang pangunahing salik na nakaaapekto sa pagkakaroon ng matinding init na bumabalot
ngayon sa mundo?
2. Kung ikaw si Inang kalikasan, anong mensahe ang ipaaabot mo sa mga taong walang pakundangang sumisira sa
kapaligiran?
3. Bakit sinabing tila may salungatan o kontradiksiyon sa mga patakaran ng gobyerno sa pagsusulong ng ekonomiya at
mga program anito sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran?
4. Sa ano-anong aspekto ng iyong pagkatao nagdulot ng malaking pagbabago ang mga gintong aral na iyong natutuhan sa
araling ito?

GLOBAL WARMING: KABABALAGHAN O KATOTOHANAN?

Ni Bienvenido A. Ramos
SA mga mapamahiin at matatakutin, ang pagbabago ng klima at ang abnormal na takbo ng panahon, tulad ng El Niño o
La Niña, ay itinuturing na “phenomenon” o kababalaghan at ipinalalagay na tandang malapit nang gunawin ng Diyos ang mundo,
o may sisiklab na digmaan o lalaganap na salot. Kapag mapula ang lubugan ng araw, ibig sabihin ay may darating na bagyo.
Ang napakahabang tag-init nitong nakaraang limang buwan at ang matinding alinsangan sa gabi—kahit nitong Hunyo, na
tradisyunal na simula ng panahon ng tag-ulan—ay itinuturing ng karaniwang tao na karaniwan at di dapat pansining pagbabago ng
panahon.
Pero sa mga siyentipiko, ang mga “pagbabago” na ito sa klima ay babala ng isang malaking kalamidad na may saklaw na
pandaigdig at hindi dapat ipagwalambahala. Hindi ito isang phenomenon o kababalaghan, ito ay isang krisis, nagdudumilat na
katotohanan na ang mundo ay nahaharap sa isang krisis na tinatawag na “GLOBAL WARMING!”
Ayon sa mga scientist, ang matinding init na bumabalot ngayon sa mundo ay likha ng pagbuga ng “greenhouse gases”—
partikular ay carbon dioxide o CO2, methane at nitrous oxide. Ang greenhouse gases na ito ay nagmumula naman sa usok,
pollutant coal (karbon o uling), na ginagamit sa mga planta at pabrika ng mga industrialisadong bansa, tulad ng Estados
Unidos, China, Germany, Russia at iba pa. idagdag pa riyan ang milyun-milyong sasakyang de motor na gumagamit ng gasoline,
langis at ibang kemikal, na nagbubuga ng greenhouse gases.
Ayon sa mga siyentipiko, dahil sa pagkaipon ng greenhouse gases na ito sa atmosphere o kalawakan ng mundo, ang
enerhiya mula sa sikat ng araw ay hindi makapaitaas sa outer space o rurok ng kalawakan—kaya naiipon sa ibabaw ng mundo ang
init. Ayon sa pananaliksik na pang-agham, taun-taon ay nararagdagan ng 0.6 degrees Celsius ang init sa ibabaw ng daigdig.
Ang global warming o pag-iinit ng mundo, kung hindi mapipigil, ay lilikha o lumilikha na ng mga pagbabago sa klima,
tulad ng El Niño o mahabang tagtuyot at ng malalakas na pag-ulan at pagbaha, na tinatawag namang La Niña.
Ayon sa mga scientist, kapag hindi nabawasan ang ibinubugang greenhouse gases mula sa mga planta at pabrika ng mga
industriyalisadong bansa, hindi magtatagal, ang sobrang init na naiipon sa mundo. Ay magiging sanhi ng pagkalusaw ng mga
bundok ng yelo at niyebe na magpapaapaw sa mga karagatan at magiging sanhi ng paglubog ng mga lupang nasa baybay-dagat,
lalo na sa mga archipelago tulad ng Pilipinas.

23 | P a g e
ANG KONTRIBUSYON NG PILIPINAS
AYON din sa mga siyentipiko, lubhang maaapektuhan ng global warming ang mga kalupaan ng Aprika, Timog Amerika,
ang Himalayas, Malaysia, Indonesia at Pilipinas. At bagamat hindi maihahanay sa mga industriyalisadong bansa ang Pilipinas,
ang estilo ng pamumuhay at ang pamamayani ng kultura ng katiwalian at pandaraya dito ay may malaki ring kontribusyon sa
global warming, sa kalahatan, at sa pagkawasak ng kalikasan at kapaligiran ng bansa, sa partikular. Bugbog sa mga likas na
kalamidad ang Pilipinas, lalo sa bagyo at lindol, pero maraming kalamidad na gawang tao, likha ng kasakiman ng tao, ang
nagdudulot ng malaking pinsala sa mga Pilipino.
Sa paggunita sa Earth Day noong nakaraang Abril 22, nagpalabas ng ulat at estadistika ang Department of Environment
and Natural Resources ukol sa “kontribusyon” ng Pilipinas sa global warming at sa pagkasira ng kalikasan at kapaligiran.
Inamin ng DENR na grabe ang polusyon sa lupa, tubig at hangin sa maraming pook sa bansa, partikular sa mga lunsod ng Makati,
Maynila at Pasay. Ayon sa DENR, sa kabila ng pag-iral ng Clean Air Act, ang daan-libong sasakyan sa Metro Manila lamang ay
nagbubuga ng usok na nagsasapanganib sa kalusugan ng mamamayan, at nakapagdaragdag sa greenhouse gases. Kaugnay nito
ang may 1,095 bukas na tambakan ng basura sa bansa ay nagbubuga rin ng methane (kabilang sa green house gases) na sanhi ng
pagbalot ng init sa mundo.
Sa mababang paaralan pa lamang ay natutuhan na ang halaman o punongkahoy ay sumisipsip ng carbon dioxide (panluto
sa kanyang pagkain), at nagtatapon ng oksiheno na kailangan naman sa kalusugan ng tao.
Natutuhan din na ang mga ugat ng punongkahoy ay nagtitinggal ng tubig-ulan, bukod sa nakakapit sa lupa. Patayin o
putulin ang halaman o ang punongkahoy ay ano ang ibubunga? Malaking baha, gaya ng pumatay sa may 2,000 katao sa Ormoc,
Leyte, at landslide o pagguho ng lupa at putik, na tumabon sa buong Barangay Ginsaugon sa St. Bernard, Southern Leyte—na
hanggang ngayon ay hindi pa matiyak kung ilang libo ang nalibing nang buhay.
Parang mahirap paniwalaan na ang may 19 na milyong ektaryang kagubatan sa Pilipinas noong 1920, ngayon ay 7.2
milyong ektarya na lamang! Bunga nito, napilitang magpatibay ang Kongreso ng isang batas na tahasang nagbabawal ng
pagtrotroso, pero hindi naman naipatutupad ito. May isang taon pa lamang ngayon, sinagasa ng tila bulldozer na mga baha, na
may kasamang malaking putol na troso ang ilang bayan sa Quezon, Zambales at Aurora.
Kaugnay nito, sistematiko rin ang pagwasak sa mga baybay-dagat ng mga tanim na bakawan; sa paglipol sa mga isda at
iba’t ibang lamang-dagat sa mga lawa at golpo sa pamamagitan ng paggamit ng lason, dinamita at ng ipinagbabawal na galadgad
(baby trawl).
Idagdag pa rito ang pagtatambak ng basura at “human at chemical wastes” ng walang disiplinang nangakatira sa mga estero at
baybay ng ilog Pasig at ng Manila Bay, hindi na nakapagtataka kung sa pana-panahon ay sinisira ng pagpasok ng “red tide” ang
pinaghahanapbuhayan ng mga nag-aalaga ng talaba, tahong at iba pang kabibe.
ANO ANG GINAGAWA NG PILIPINAS?
MAGING sa mga problemang ang nakataya ay seguridad at pambansang pangkalusugan, umiiral pa rin ang pulitika.
May ilang taon na ang nakararaan, ang naalarmang Kongreso—sa mabilis na pagkapanot ng mga bundok at kagubatan—ay
nagtangkang magpatibay ng batas na lubusang magbabawal sa pagtrotroso—kahit sa loob man lang ng 10 taon; na tatambalan ng
pagtatanim uli ng mga puno sa nakalbong gubat at bundok. Ngunit ang pagbabawal (total o partial log ban man) ay madaling
napalulusutan ng mga masisibang logging concessionaire. Ang pagiging inutil ng nasabing batas ay nabunyag nang humampas
ang ilang “super typhoon,” tulad ni “Reming” sa ilang bayan sa Quezon. Sinasagasaan ang mga ito ng malalaking baha, na may
tangay na malaking trosong mula sa kalapit na mga bundok.
Nagpasa rin ng Clean Air Act ang Kongreso bilang tugon sa pagkalat ng sobrang polusyon sa hangin mula sa buga ng
usok ng may daanlibong sasakyan sa Metro Manila lamang. Ang unang naapektuhan ng batas na ito ay ang tatlong halimaw na
kompanya ng langis—Caltex, Shell at Petron. Kailangan nilang salain ng husto upang alisin ang tingga sa ibinebenta nilang
langis. Dagdag na gastos iyon para sa tatlo. At ang kaso, tulad ng batas contra pagtrotroso, ang Clean Air Act ay inutil din.
Patuloy ang pag-angkat ng mga Pilipino ng segunda manong trak at bus, na mangyari pang nagdadagdag ng buga ng greenhouse
gases at nagpapatindi, sa halip na makabawas, sa global warming.
Ngayon, patuloy sa paghahanap ng “alternate fuel” o panggatong o enerhiyang hindi magpaparumi sa hangin.
Nagsisimula na ring tumuklas ng tinatawag na “bio-fuel” mula sa mga katutubong halaman tulad ng niyog. Pinag-aaralan na rin
ang paggamit ng tubig bilang enerhiya o “fuel”,at iba pang “fuel” na walang gaanong usok na magdaragdag ng polusyon—at mura
pa.
Ayon kay U.S. Ambassador Kristie A. Kenney, sa pagbaka sa global warming ay kailangan ng mga Pilipino ang
magbawas, magtipid, mag-recycle at baguhin ang estilo ng pamumuhay.
Ang totoo, apektado ng global warming ang lahat—mayaman o mahirap. Nararanasan na ng lahat ngayon pa lang ang
mapaminsalang epekto ng global warming sa pagbabago ng klima—sa nakaririnding init kahit nagsisimula na ang tag-ulan; sa
namimintong pagsasalat ng tubig; sa pagdating ng El Niño o La Niña, at sa pagkapinsala ng pagsasaka sa mga lalawigang malakas
mag-ani ng palay, mais at gulay.

PAGKAMULAT SA PANGANIB NG GLOBAL WARMING

NOONG una, nakararami pa sa mga Pilipino ang hindi nababahala sa panganib na idinudulot ng global warming—ang
kapansin-pansing pagbabago ng klima. Ang matinding alinsangan sa dating malalamig na buwan ng Disyembre hanggang Pebrero
(2007). Ang matinding lamig naman nitong Pebrero at Marso (2008), na dapat ay nasa kainitan na ang tag-araw. Ang ilang
linggong panay na pag-uulan sa Kabikulan, lalo na sa Silangang Samar, na lumubog sa baha ang maraming bayan. Ang walang
dahilang pagkamatay ng mga isda sa ilog, palaisdaan, at sa dagat—na likha ng matinding init.

24 | P a g e
Ang pagkamulat sa panganib ng global warming ng mga Pilipino ay waring hindi sinasadya. Bunga ng patuloy na
pagtaas ng presyo ng langis (gasolina), natutong maghanap ang nababahalang mamamayan ng pamalit sa enerhiya—na walang
ibinubugang usok na nakalalason. Sa Ilokos, gumagamit na ngayon ng windmill sa maraming bayan—lakas na mula sa hangin.
May nakatuklas din ng mga sasakyang mapapatakbo ng tubig. Sa Kongreso, nagpasa ng batas ukol sa paggamit ng biofuel—mula
sa langis na makukuha sa tubo, tangan-tangan, niyog, at iba pa.
Sa isang survey na isinagawa ng isang pandaigdig na ahensiya- ang ACNielsen (Online Consumer Opinion Survey), na
ipinakita sa Internet, napag-alamang sa may 47 bansang hiningan ng opinion tungkol sa global warming, 94% sa may 503
Pilipinong respondent ang nagsabing alam nila ang panganib ng global warming. Nabasa sa diyario o napanuod sa TV.
Sa ano mang kilusang laban sa pagpinsala sa kalikasan at kapaligiran ay hindi nagpapahuli ang mga Bulakenyo. Noon pa
mang 1950’s, nagprotesta na ang mga Bulakenyo laban sa pagtatayo ng mga illegal na palaisdaan sa baybay-look ng Maynila—sa
bahagi ng dagat na sumasaklaw sa mga bayan ng Obando, Bulakan, Malolos, Paombong at Hagonoy. Kasunod nito ang pagdaraos
ng rally laban sa paggamit ng galadgad (baby trawl) at dinamita sa pangingisda—na bukod sa humuhuli ng mga similya ng isda at
ibang lamandagat, ay sumisira pa sa mga katutubong tirahan at pagkain ng mga isda. Noong mga 1980 (bago sumiklab ang Edsa
Revolution), ilang buwan ding nagprotesta ang mga aktibistang Bulakenyo—para ipasara ang dalawang planta ng alcohol sa
Apalit, Pampanga, na ang tapong kemikal sa ilog na palabas sa Manila Bay ay puminsala sa maunlad nang industriya ng pag-
aalaga ng sugpo sa Hagonoy at sumira rin sa mga sakahang nasa baybay-ilog.
Isang panahong ang mga ilog sa Bulacan, lalo na ang nasa dakong Timog-Silangan ng lalawigan ay nakukunan ng
malinis na tubig, sagana sa mga isda at hipon. Ngunit sa pagdaan ng panahon, sa pag-unlad ng ilang bayang karatig ng Maynila,
ang mga ilog ay naging tambakan ng basura—nakalalasong basura mula sa kultihan ng katad at mga lusaw na metal mula sa ginto,
sa Meycauayan. Ang pagsulong umano—nang walang pagsubaybay ng gobyerno—sa pagpapabaya na rin ng mamamayan—ang
unti-unting pumatay sa mga Ilog na magkakakawing ng mga bayan ng Marilao, Meycauayan at Obando. Bukod sa mga plantang
nagtatapon ng chemical wastes sa mga ilog na nabanggit, masisisi rin ang mga nagsisipanirahan sa tabi ng mga ilog na ito—na
nagtatapon hindi alam ng basurang plastic—kundi maging ng mga dumi ng tao at hayop.
Ang nakakalungkot, na napabilang tuloy ang mga ilog na ito sa 30 pinakamaruruming ilog sa mundo—isang
nakakahiyang dungis sa maganda at marangal na pangalan ng Bulacan—bilang pangunahing lalawigan sa Pilipinas!
“Kailangan ang lubos na pagtutulungan ng mamamayan at ng pamahalaan,” iyan ang diwa ng mensahe ng mga opisyal
na nagsidalo sa pulong na itinawag noong Pebrero 20, 2008 ni DENR Secretary Lito Atienza—sa layuning itatag ang Water
Quality Management Area. Ang WQMA ay naglalayong opisyal na pangasiwaan ng Department of Environment and Natural
Resources ang paglilinis at pangangalaga sa mga kailugang ito ng Marilao, Meycauayan,-Obando, sa tulong ng pribadong
organisasyon at ng mamamayan.
PATAKARAN NG GOBYERNO, DAPAT BAGUHIN
MARAMI ang nakapapansin sa tila pagkakasalungatan ng mga patakaran ng gobyerno—sa pagsulong ng ekonomiya at
sa kaalinsabay na pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran. Ang kontradiksiyon ay nasa lubusang pag-aanyaya ng pamahalaan sa
mga puhunang dayuhan—na ang pinakatampok ay ang pagbibigay ng lahat ng kaluwagan sa mga foreign investors, na linangin
ang mga likas na yaman ng bansa—tulad ng pagmimina ng ginto, tanso, bakal at iba pang mineral. Ang pagmimina ay mangyari
pang may kasunod na pagtatayo ng mga planta—at ang mga plantang ito ay magtatapon naman ng chemical wastes, metal tailing
—na lalason sa ilog at kalupaang nasa paligid. Tulad ng nangyari sa ginawang pagmimina ng kompanyang Marcooper sa
Marinduque noong 1950’s hanggang ngayon ay nakapag-iwan pa ng matinding lason sa mga kailugan sa Marinduque—na
nagdulot ng sakit sa tao at hayop—at pumatay sa kapaligiran. Ito rin ang sanhi ng patuloy na protesta ng mga residente sa Bicol—
na pinagmiminahan ng kompanyang Lafayete.
Ayon sa isang pandaigdig na pananaliksik, ang global warming ay nagtutulak sa mundo sa bangin ng pagkagutom sa di
malayong hinaharap. Apektado ng pagbabago-bago ng klima ang produksiyon ng pagkain ng maraming bansa, at diyan ay
nangunguna ang Pilipinas. Sa tulong ng manipulasyon at mga tiwaling kasunduan, paliit nang paliit ang lupang sakahan sa
Pilipinas—sa isang maling hangaring maging industriyalisado (sa tulong ng puhunang dayuhan) ang isang bansang ang
ekonomiya ay nakasalig sa pagsasaka. Ang mga lupang sakahan ay ginagawang komersiyal at industriyal—pinagtatayuan ng mga
plantang gumagawa ng kosmetiko, appliances, kotse at ibang karangyaan ng modernong pamumuhay. May mga dayuhang
nagsipagtayo ng golf course, spa, baseball field—sa lupang dapat sana ay pinag-aanihan ng palay, mais, gulay, atbp. Sa ibang
bansang ngayon ay nagluluwas ng bigas at ibang produktong pansakahan, ang kanilang pamahalaan ang may subsidy o suportang
pinansiyal sa mga magsasaka. Dito, ang mga magsasaka, na dapat sanang mabiyayaan ng pagpapatupad ng Malawakang Reporma
sa Lupa, ay ni hindi mapautang ng pamahalaan. Matatandaang ang abono, na sana’y ipamamahagi sa mga magsasaka, ay kung
kani-kanino lang ipinamigay ni Undersecretary Jocjoc Bolante ng Pagsasaka—bilang pamimili ng suporta ni GMA sa eleksyon
noong 2004.
Sa pagtutuos, ang maling direksyon ng pagsusulong (umano) ng ekonomiya—ay walang kinahinatnan—kundi ang
mabaong lalo sa utang ang Pilipinas, lumaganap ang kahirapan at gutom sa nakararaming masa ng mamamayan, magpasasa ang
mga kapitalista at negosyanteng lokal at dayuhan. Ngayon, ni hindi masasabing industriyalisado ang Pilipinas, at bagama’t isang
bansang ang ekonomya ay nakasalig sa pagsasaka—ay nahaharap sa taggutom, umaangkat ng mga pangangailangang dapat sana
ay saganang inaani, at kung maaari ay nailuluwas pa sa ibang bansa.

Pagsagot sa mga pamprosesong tanong.

1. Ayon sa mga siyentipiko, ano ang pangunahing salik na nakaaapekto sa pagkakaroon ng matinding init na bumabalot ngayon
sa mundo?

25 | P a g e
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
2. Kung ikaw si Inang kalikasan, anong mensahe ang ipaaabot mo sa mga taong walang pakundangang sumisira sa kapaligiran?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
3. Bakit sinabing tila may salungatan o kontradiksiyon sa mga patakaran ng gobyerno sa pagsusulong ng ekonomiya at mga
program anito sa pangangalaga ng kalikasan at kapaligiran?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
4. Sa ano-anong aspekto ng iyong pagkatao nagdulot ng malaking pagbabago ang mga gintong aral na iyong natutuhan sa
araling ito?
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________________________

MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG SOCIAL AWARENESS CAMPAIGN

Sa pagbuo ng isang social media awareness campaign, mahalaga na isaalang-alang ang sumusunod na mga hakbang:
1. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social awareness campaign.
2. Tukuyin kung sino ang grupo o pangkat ng mga tao ang nais mong makabasa, makarinig, o makapanood ng kampanyang
iyong gagawin.
3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o paksang iyong nais bigyang-pansin upang
magkaroon ng sapat na malawak na kaalaman hinggil dito.
4. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa pagsasagawa ng iyong kampanya. Maaaring gumamit ng
broadcast media, print media, video technology, at iba pa. sa kasalukuyang panahon, tiyak na papatok sa masa lalo na sa
kabataan kung gagamitan ito ng social network media tulad ng Facebook, Twitter, Youtube, at iba pa.
5. Magsagawa ng mahuay na pagpaplano kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng kampanya.

Malaking bahagi ng pagsasagawa nito ay ang pagbuo ng balangkas ng isasagawang campaign material. Sa bahaging ito,
mahalagang makalikha ng sequence at dialogue script na siya ninyong magiging batayan para sa pangkalahatang proyekto. Narito
ang ilang mahahalagang paalala at hakbang sa pagbuo nito.
1. Tandan na ang iyong bubuoing iskrip ay kailangang maging makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala.
2. Magbigay ng mg akongkreto o tiyak na halimbawa para higit itong makahimok ng interes ng taong makakikita,
makababasa, o makaririnig nito.
3. Maging malikhain sa pagbuo nito.
4. Maing tiyak sa puntong nais bigyang-diin sa isasagawang mga diaylogo. Iwasan ang maging maligoy sa pananalita.
5. Maging tiyak kung sino ang particular na tao o grupo ng taong iyong pinaututngkulan sa pagsulat ng diyalogo.
6. Gawing magkakaugnay ang bawat diyalogo o eksena upang higit na maging mabisa ang iskri

Gawain 1: ISULAT NATIN

PANUTO: Batay sa mga datos o impormasyong tinalakay, ipaliwanag kung ano ang mga angkop na salitang dapat
gamitin sa oagbuo ng social awareness campaign upang higit na maging mabisa o epektibo ito. Itala mo ang iyong sagot sa kahon.
Mga Angkop na Salitang Gagamitin sa Bubuoing Social Awareness Campaign

26 | P a g e
PANGWAKAS NA GAWAIN: PALAWAKIN PA NATIN
Gamit ang mga impormasyon at halimbawang nasaliksik sa nakaraang Gawain, ikaw at ang iyong pangkat ay bubuo ng
panlipunang kampanya batay sa paksang napili. Sundin ang GRASPS para sa kabuoan ng gawaing ito.
 Goal: Makabuo ng isang malinaw na social awareness campaign tungkol sa isang napapanahong isyung dapat pansinin
ng mga kabataang isasagawa sa tulong ng multimedia (social media) o Powerpoint presentation
 Role: Isa kang kabataang may adbokasiyang mailahad ang napapanahong isyu o paksang dapat mabigyang-pansin ng
mga mamamayang Pilipino
 Audience: Lahat ng mamamayang Pilipino
 Situation: May mga isyung dapat bigyang-pansin sa lipunan na dapat na malaman lalo na ng mga kabataang tulad mo.
Bilang isang nagmamalasakit na mamamayan na may adbokasiyang makatulong at magbigay-kabatiran ay kailangang
gumawa ng paraan upang maipabatid ang bagay na ito sa lahat.
 Performance: Bumuo ka ng panlipunang kampanya o social awareness campaign kasama ang iyong kapangkat batay sa
napiling paksa. Narito ang mga kakailanganing gawin sa pagbuo:
o Gumamit ka ng multimedia o powepoint presentation sa paglalahad nito batay sat ema, panahon, at
tiyak na direksiyon ng kampanyang nais bigyang-pansin.
o Gumamit ng mga komunikatibong pahayag sa pagbuo
o Mailapat ang tamang damdamin sa mga pahayag na bubuoin
 Standard: Ang isasagawang Gawain ay dapat makasunod sa ibibigay na pamantayan ng guro.

MAHUSAY! MULI MONG NATAPOS

ANG IKATLONG MODYUL. IHANDA
ANG SARILI PARA SA SUSUNOD NA
MODYUL.

27 | P a g e

You might also like