You are on page 1of 23

10

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagmamahal sa Diyos

Edukasyon sa Pagpapakatao- Ikasampung Baitang


Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Pagmamahal sa Diyos
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot
ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Maria Eireen S. Penuliar
Tagasuri: Ditas M. Lopez
Head Teacher VI
Elvira C. Viray, Ed.D.
Principal IV
Tagamasid Pampurok: Catherine B. Operaṅa, Ed.D.
Tagaguhit: Katrina Isabel R. Ramos
Tagalapat:
Pansangay naTagapamahala:
Pansangay naTagapamanihala, OIC: Ely S.Ubaldo, CESO VI
Asst. Schools Division Superintendent Pangalawang Tagapamanihala : Marciano U. Soriano Jr.,
CESO VI Punong Tagamasid Pansangay, CID: Carmina C. Gutierrez ,Ed..D.
Tagamasid Pansangay, LRMDS: Michael E. Rame, Ed.D.
Tagamasid Pansangay, Edukasyon sa Pagpapakatao: Lalaine C. Rosario, Ed.D. Cielito Fe
Angeles, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng Schools Division Office I Pangasinan


Department of Education – SDO Pangasinan I
Office Address: Alvear St., East Capitol Ground, Lingayen, Pangasinan
Telefax: (075)522-2202

10
E-mail Address: pangasinan1@deped.gov.ph

Edukasyon
sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1:
Pagmamahal sa Diyos
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Pagmamahal sa Diyos.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang
kanilang pinagtagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at layang pagkatuto
na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang
mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pang-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa Pagmamahal sa Diyos!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng


ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa
tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang
matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang akademikong tagumpay
ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka
sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang
sagot (100%), maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
i
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa
huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o


talata upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

SanggunianIto ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul na ito.

ii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang
anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay. 4. Obserbahan ang
katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay. 6. Pakibalik ang
modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng tulong sa iyong
mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Naitanong mo na ba sa iyong sarili kung bakit kailangang mahalin ang


kapwa? Ang pagmamahal na ito ang susi ng pagpapalalim ng tao ng kaniyang
pagmamahal at pananampalataya sa Diyos. Ikaw, paano mo minamahal ang iyong
kapwa? Paano ka nagbibigay ng iyong sarili upang paglingkuran sila? May mga ilang
katanungan na maaari mong pagnilayan habang dumaraan ka sa bahagi ng modyul
na ito.

Layunin ng modyul na ito na magabayan ka na maunawaan na bilang pinaka


espesyal na nilalang, tayo ay dapat tumugon sa panawagan ng Diyos na mahalin
natin ang lahat ng Kaniyang nilikha lalo’t higit ang ating kapwa. Sa pamamagitan
nito, naipahahayag natin ang ating tunay na pananampalataya na nagpapalalim ng
ating espiritwalidad at kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos.

Handa ka na ba? Katuwang mo ako sa pagtuklas ng iyong ugnayan sa kapwa


ay iyong personal na ugnayan sa Diyos.

Sa Modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman,


kakayahan, at pag-unawa:
9.1 Nakapagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos (EsP10PB-IIIa-9.1)
9.2 Natutukoy ang mga pagkakataong nakatulong ang pagmamahal sa Diyos sa
konkretong pangyayari sa buhay (EsP10PB-IIIa-9.2)

1
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng
pinakatamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel o kuwaderno.

1. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na
malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad
b. Pananampalataya
c. Panalangin
d. Pag-ibig
2. Masasalamin sa tao ang pagmamahal sa Diyos kapag
a. siya ay nagbabahagi ng kaniyang sarili sa iba nang buong pagkatao, talino, yaman at
oras nang buong-buo at walang apsubali.
b. kapag lahat ng kaniyang kinurakot sa kaban ng bayan ay ipinamudmod niya sa mga
biktima ng COVID-19
c. kapag siya ay dasal nang dasal kahit di siya nakikihalubilo sa mga tao. d. kapag siya
ay laging sumasamba sa Diyos kahit di na makipagbati sa kaniyang mga kaaway
3. Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng
pahayag na ito?
a. Sa paglalakbay, mas mainam na walang kasama.
b. Magiging banayad ang paglalakbay sa lahat ng oras..
c. Kailangan ng tao ang kaniyang kapwa at ang Diyos sa paglalakbay upang
maging magaan ang kaniyang paglalakbay.
d. Pwedeng paghiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapwa at ang
paglalakbay kasama ang Diyos.
4. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad?
a. Ang palagiang pag-aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapuwa. c.
Ang pananatili ng ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin sa
araw-araw.
d. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag
ng Diyos.
5. Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa
mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa
sumusunod na pahayag ang tama ukol dito?
a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos.
c. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos.

2
d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya na hindi siya pababayaan ng Diyos.

6. Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin upang mapaunlad ang ugnayan sa Diyos
maliban sa _________________________________________________________.
a. Panalangin
b. Pagbibigay ng essential na pagkaing lugaw sa maysakit.
c. Pag-aaral ng Salita ng Diyos
d. Pagpopost ng mga hugot lines sa facebook para magpasaring sa mga
kaaway. 7. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o
pagninilay? a. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay.
b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at magsabuhay ng aral ng Diyos. c.
Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga
Salita. 8. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Clara at hindi nakalilimot na magdasal.
Siya rin ay nagbabasa ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si Aling
Clara sa kaniyang kasambahay. Pinarurusahan niya ito kapag sila ay nagkakamali.
Nagsasabuhay ba si Aling Clara ng kaniyang pananampalataya?
a. Oo, dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos. b. Oo, dahil
ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod
ng Diyos.
c. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
d. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi
maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa.
9. “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.” Ito ang tinatawag
na…
a. Golden Rules
b. Golden Roll
c. Golden Rule
d. Golden Role
10. Siya ang pinagmulan ng lahat ng biyaya, pagpapala, ang pinakamabuti at
piakamahalaga sa lahat na Siya ring ating patutunguhan.
a. Yahweh
b. Diyos
c. Allah
d. Lahat ng nabanggit

Balikan
Salamat sa pagsagot ng bahaging Subukin! Ngayon naman ay tayahin mo ang iyong
dating kaalaman sa paksa batay sa iyong mga taglay na katangian para maiugnay ito sa
kasalukuyang aralin.
Gawain 1
Panuto:
1. Isulat sa loob ng kahon ang iyong mga katangian bilang tao
ayon sa sumusunod na aspekto (pangkatawan, panlipunan,
pangkaisipan, emosyonal, at espiritwal). 2. Isulat ang iyong sagot
sa iyong dyornal o notbuk.
Pangkaisipan

Panlipunan

Emosyonal

Pangkatawan

Espiritwal

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang masasabi mo sa iyong mga katangian sa mga aspektong nabanggit?


2. Ano-ano ang iyong isinulat sa aspektong espirituwal? Ipaliwanag. 3. Sa iyong
palagay, alin sa mga aspektong iyan ang pinakamahalaga? Bakit?

Tuklasin

Gawain 2
Panuto:
1. Sagutan ito nang may katapatan.
2. Lagyan ng tsek ang iyong sagot sa bawat kolum at bigyan ng paliwanagang
sagot sa huling hanay ng kolum.
Isulat ang sagot sa iyong dyornal o notbuk..
Palaging
Paminsan
Paliwan
Hindi
ginagawa
- minsang
ag
MGA GAWAIN
ginagawa
ginagawa

1. Pagdarasal bago
at pagkatapos
kumain.

2. Pagdarasal bago
matulog at
pagkagising sa
umaga.

3. Pagbabasa ng
Bibliya/ Pag-aaral
ng Salita ng Diyos.

4. Pagsisimba/ Pagsamba.

5. Pagtulong sa
kapuwa na
nangangailangan.

6. Pananahimik o
personal na pagninilay.

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang iyong natuklasan sa iyong sarili matapos mong magawa ang gawain?
2. Naging masaya ka ba sa nakita mo mula sa iyong mga sagot? Bakit? 3. Ano
ang masasabi mo sa iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

5
Suriin
Ngayon naman ay sikapin mong basahin ang sumusunod na pagtalakay upang
maunawaan mo ang mahalagang konsepto. Tingnan mo kung magkakaroon ka ng
pagbabago sa iyong mga sagot sa mga nakaraang Gawain matapos mong maunawaan
ito.
Ugnayan sa Diyos at Pagmamahal sa Kapwa
Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano ang
iyong naging pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong pakiramdam?
Tila hindi mo napapansin ang paglipas ng oras sapagkat doon umiikot ang iyong
mundo. Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa
taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang
dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Ito ay nagsisimula sa
simpleng palitan ng usapan at maaaring lumalim kung patuloy ang kanilang
ugnayan. Mas nagiging maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may kasama
itong pagmamahal.

Ngayon ay inaanyayahan kitang tumigil sandali at tanungin ang iyong sarili:


Paano ka nakikipag-ugnayan sa mga taong nakapaligid sa iyo o sa iyong
kapwa?

Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba. Naipakikita


niya ang kaniyang pagiging kapuwa. Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa
kaniya ang pagmamahal niya sa Diyos dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong
pagkatao, talino, yaman, at oras nang buong-buo at walang pasubali. Ito ang
makapagbibigay ng kahulugan sa kaniyang buhay. Ito rin ang makasasagot ng
dahilan ng kaniyang pag-iral sa mundong ito.

Paghahanap ng Kahulugan ng Buhay

Naitanong mo na ba sa iyong sarili ang


kahulugan ng
buhay para sa iyo? Ang buhay ay maituturing
na isang
paglalakbay. Sa paglalakbay na ito ay kailangan
ng tao ang
makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay.
Una, paglalakbay kasama ang kapuwa at ikalawa, paglalakbay
kasama ang Diyos. Ngunit tandaan, hindi sa lahat ng oras ay
magiging banayad ang paglalakbay, maaaring maraming beses na madapa,
maligaw, mahirapan, o masaktan; ngunit ang mahalaga ay huwag bibitiw o lalayo sa
iyong mga

Tanong:
Ikaw ba ay naggagala o naglalakbay sa iyong buhay?
6
kasama. Anumang hirap o balakid ang maranasan sa daan, mahalagang harapin ito
nang may determinasyon na marating ang pupuntahan.
Hindi maaaring paghiwalayin ang paglalakbay personal na misyon sa buhay.
kasama ang kapwa at ang paglalakbay kasama
ang Diyos dahil makikita ng tao sa mga ito ang Tanong:
kahulugan ng kaniyang buhay. Sa kaniyang
patuloy na paglalakbay sa mundong ito, “Ang
siguradong matatagpuan niya ang kaniyang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa
mga bagay
hinahanap. Kung siya ay patuloy na maniniwala at
na inaasam, ang kasiguruhan sa
magbubukas ng puso at isip sa katotohanan ay mga bagay na hindi nakikita.”
may dahilan kung bakit siya umiiral sa mundo.
Dapat palaging tandaan na ang bawat isa ay may (Hebreo 11:1)

Ikaw, alam mo ba ang dahilan ng iyong pag-iral sa mundo?

May magandang plano ang Diyos sa tao. Nais ng Diyos na maranasan ng tao ang
kahulugan at kabuluhan ng buhay, ang mabuhay nang maligaya at maginhawa.
Ngunit kailangan na maging malinaw sa kaniya na hindi ang mga bagay na materyal
tulad ng cellphone, gadgets, laptop, mamahaling kotse, malaking bahay, at iba pa,
ang makapagbibigay ng tunay na kaligayahan at kaginhawahan, kundi, ang
paghahanap sa Diyos na Siyang pinagmumulan ng lahat ng biyaya at pagpapala.
Kaya’t sa paglalakbay ng tao, mahalagang malinaw sa kaniya ang tamang
pupuntahan. Ito ay walang iba kundi ang Diyos – ang pinakamabuti at
pinakamahalaga sa lahat.

Espiritwalidad at Pananampalataya: Daan sa Pakikipag-ugnayan sa Diyos


at Kapwa

Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang
ibinigay sa kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu na
nagpapabukod tangi at nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos. Ngunit ang
nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu na kinaroroonan ng persona.Ang
persona, ayon kay Scheler ay,“ang

Ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang
pagkakaroon ng pagiging kawangis o kalarawan ng Diyos at kung
mabuting ugnayan sa kapwa at ang pagtugon sa paano niya minamahal ang kanyang kapwa.
tawag ng Diyos. Kaya’t
pagka-ako” ng bawat tao na nagpapabukod-tangi
ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang
sa kaniya. Kaya’t ang espiritwalidad ng tao ay
pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapwa at
galing sa kaniyang pagkatao. Ito ay lalong
ang pagtugon sa tawag
7
ng Diyos na may kasamang kapayapaan at kapanatagan
sa kalooban.
Ang espiritwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin
sa kaibuturan ng kaniyang buhay kasama - ang kaniyang kilos, damdamin, at
kaisipan. Kaya’t anuman ang relihiyon ng isang tao, ang espiritwalidad ang
pinakarurok na punto kung saan niya nakakatagpo ang Diyos.

Ang tao ay naghahanap ng kahulugan ng kaniyang buhay. Mula sa kaniyang


pagtatanong kung bakit siya umiiral. Sa harap ng mga pagsubok o problema na
kaniyang pinagdaraanan, marahil nagtatanong ang tao kung may Diyos bang
makapagbibigay ng kasagutan sa kaniyang mga pagtatanong. Dito kailangan niya
ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang personal na ugnayan ng tao
sa Diyos. Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng
presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya. Isa itong biyaya na
maaaring Malaya niyang tanggapin o tanggihan. Sa pananampalataya, naniniwala at
umaasa ang tao sa mga bagay na hindi nakikita. Sa aklat ng Hebreo sinasabi na,
“Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang
kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” (Hebreo 11:1) Ibig sabihin, nagiging
panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos kahit pa hindi niya ito
nakikita at mula rito, nararanasan niya ang kapanatagan, ang tunay na
kaginhawahan at kaligayahan.
Ngayon ay inaanyayahan kita na pagnilayan ang isang awit na may pamagat
na “I believe,” ni Tom Jones:

I believe for every drop of rain that falls


A flower grows
I believe that somewhere in the darkest night
A candle glows
I believe for everyone that goes astray
Someone will come to show the way
I believe
I believe

I believe above the storm the smallest prayer


Will still be heard
I believe that Someone in the great somewhere
Hears every word
Every time I hear a newborn baby cry
Or touch a leaf
Or see the sky
Then I know why I believe
Source : www.azlyrics.com/lyrics/tomjones/ibelieve.html

8
Tanong:
Ano ang mensahe ng awit para sa iyo?
Sa awit ipinapahayag ang paniniwala at pagtitiwala
ng tao
sa Diyos kahit hindi pa Siya nakikita.

Sa pananampalataya, itinatalaga ng tao ang


kaniyang
paniniwala at pagtitiwala sa Diyos. Inaamin niya ang
kaniyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala siyang
anuman ang kulang sa kaniya ay pupunuan ng Diyos. Ang
pananampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa.
Ito ay ang pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan.

Kung kaya’t, ang pananampalataya ay hindi maaaring lumago kung hindi


isinasabuhay para sa kapakanan ng kapwa. Naipapahayag ng tao ang kaniyang
pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasabuhay nito. Wika
nga ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan, “Ang pananampalatayang walang kalakip
na gawa ay patay” (Santiago 2:20). Ibig sabihin, ang mabuting kilos at gawa ng tao
ang siyang matibay na nagpapakita ng kaniyang pananampalataya.

Ikaw, kumusta naman ang iyong pananampalataya?


Ito ba ay pananampalatayang buhay? Sa paanong paraan?

9
Naririto ang isang sitwasyon na maaari mong pagnilayan at bigyan ng angkop
na pagpapasiya.

Si Vicky ay isang pinuno ng isang samahan sa kanilang simbahan.


Bilang isang pinuno ay nagsagawa siya ng isang recollection o pagninilay para
sa kaniyang mga kasama. Ito ay matagal na niyang pinaghandaan at marami
siyang tiniis na hirap ng kalooban mula sa kaniyang mga kasama dahil
maraming tumututol dito. Bago dumating ang araw ng recollection ay sinabi
niya sa kaniyang mga kasama na hindi maaaring hindi sila dumalo sa gawaing
ito dahil hindi na sila maaaring magpanibago o magrenew sa kanilang
tungkulin. Ito ay napagkasunduan ng lahat. Kinagabihan bago idaos ang
recollection ay naisugod ang kaniyang asawa sa ospital dahil sa kaniyang
sakit. Walang ibang maaaring magbantay sa kaniyang asawa maliban sa
kaniya dahil ang mga anak niya ay nasa ibang bansa. Ngunit may mahalaga
siyang tungkulin na dapat gawin sa simbahan. Siya ang pinuno at nasa kaniya
ang malaking responsibilidad para sa gawaing iyon.

Tanong: Kung ikaw si Vicky ano ang iyong gagawin at bakit?

Naipahahayag ang pananampalataya ng tao kahit ano pa man ang kaniyang


relihiyon - maging Kristiyanismo, Islam, Buddhismo o iba pa.

Sa tatlong relihiyongnabanggit, iisa lamang ang makikita at


ipinapahayag at ito ay ang sinasabi sa Gintong mahalagang igalang ang mga ito. Magkakaiba
Aral (Golden Rule):“Huwag man ang turo o aral ng bawat isa, ang mahalaga
monggawinsaibaangayawmonggawinnilasaiyo”. ay nagkakaisa sa iisang layuning magkaroon
Ibig sabihin: Anuman ang gawin mo sa iyong nang malalim na ugnayan ang tao sa Diyos at
kapwa, ginagawa mo sa iyong sarili. kapwa.
Naipapahayag ang pananampalataya sa Diyos Anuman
sa pamamagitan ng relihiyon. Maaaring iba’t iba ang gawin mo sa iyong kapwa,
ang relihiyon at ang pamamaraan ng ginagawa mo sa iyong sarili.
pagsasabuhay ng pananampalataya,

Ang pananampalataya ay dapat ding alagaan upang mapanatili ang ningas


nito. Katulad ng dalawang tao na nagmamahalan, kailangang alagaan nila ang
kanilang ugnayan upang mapanatili ito. Naririto ang ilan sa
mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao
sa Diyos.
1. Panalangin – Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
Diyos. Sa pananalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng
papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa Kaniya.
Kung hindi natutupad ang
10
hinihiling sa panalangin, huwag agad panghinaan ng pananampalataya dahil may
dahilan ang Diyos kung bakit hindi Niya ibinibigay ito sa tao. Maaaring hindi pa ito
dapat mangyari, o di kaya’y maaaring makasama ito sa taong humihiling.

2. Panahon ng Pananahimik o Pagninilay – Sa buhay ng tao,


napakahalaga ang pananahimik. Ito ay
makatutulong upang ang tao ay makapag
isip at makapagnilay. Mula rito mauunawaan ng tao ang tunay
na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. Makatutulong ito
upang malaman ng tao kung ano ang ginagawa niya sa
kaniyang paglalakbay, kung saan siya patutungo.

3. Pagsisimba o Pagsamba – Anuman ang


pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang pagsisimba
o pagsamba saan man siya
kaanib na relihiyon. Ito ang makatutulong sa tao
upang lalo
pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at
maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman
na napulot sa pagsisimba/pagsamba.
4. Pag-aaral ng Salita ng Diyos – Upang lubos na makilala ng tao ang
Diyos, nararapat na malaman ang Kaniyang mga
turo o aral. Tulad ng isang tao na nais makilala
nang lubos ang taong kaniyang minamahal,
inaalam niya ang lahat ng
impormasyon ukol dito.Hindi
lubusang makikilala ng tao
ang Diyos kung hindi siya
mag- aaral o magbabasa ng Banal
na Kasulatan o Koran.
5. Pagmamahal sa Kapuwa – Hindi maaaring ihiwalay sa
tao ang kaniyang ugnayan sa kapuwa. Ito ang isang
dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang
kapuwa. Hindi masasabi na maganda ang ugnayan ng
tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa
kaniyang kapuwa. Mahalagang maipakita ng tao ang
paglilingkod sa kaniyang kapuwa.
6. Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad – Malaki ang naitutulong

11
ng pagbabasa ng mga babasahin na may kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay
nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao.
Tanong:
1. Alin sa sumusunod na paraan ang iyong nagagawa upang
mapalalim ang iyong ugnayan sa Diyos? Ipaliwanag.

Mula sa iba’t ibang paraan, napalalalim ng tao ang kaniyang ugnayan sa Diyos.
Kaya’t dito ay makikita ng tao na hindi maaaring ihiwalay ang espiritwalidad sa
pananampalataya.Ang espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng
pananampalataya at ang pananampalataya naman ang siyang nagpapataas ng
espiritwalidad ng tao. Dito ay nagkakaroon nang malalim na ugnayan ang Diyos at
ang tao.

12
Pagyamanin
Nabatid mo na ang kahalagahan ng pagmamahal sa Diyos. Nasa pagsisikap na hanapin ang
kahulugan ng buhay, hindi ang mga bagay na materyal, ang pagiging espiritwal ng tao. Ang
pagsisikap na mapanatili ang ugnayan sa Diyos bilang indikasyon ng pagiging espiritwal ang
nagpapatibay sa ating pananampalataya. Ito ang iyong magiging sandata sa oras ng problema at
pagsubok. Ito rin ang nagpapalalim sa iyong ugnayan sa Diyos at pagkilala sa Kaniyang
Pagmamahal.

Gawain 3

Panuto: Sa puntong ito, tukuyin mo kung paano nakatulong ang iyong pagmamahal sa Diyos sa
mga sitwasyon mo sa iyong buhay. Gamit ang matrix sa ibaba, magtala ng isang mabigat na
problema na iyong naranasan sa bawat kategorya, bakit ito ay naging mahirap na problema para sa
iyo at paano nakatulong ang iyong pagmamahal sa Diyos para malagpasan ang mga problemang
ito. Ilagay ang iyong sagot sa sagutang papel/dyornal/notbuk.
Pinakamabigat na Dahilan Bakit Paano nakatulong
Problemang Iyong Mabigat Ito sa Iyo ang pagmamahal
Naranasan mo sa Diyos upang
mapagtagumpay
an ito?

Pamilya

Kaibigan

Pag-aaral

Komunida
d

13
Isaisip
Gawain 4
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel/dyornal/notbuk.
Ano ang iyong naging realisasyon sa sarili matapos mong gawin ang Gawain 3?
___________________________________________________________
_________________________________________________________________

Sa iyong palagay, malalagpasan mo ba ang mga mabibigat na pagsubok sa buhok kung wala kang
pagmamahal sa Diyos? Bakit?
___________________________________________________________
_________________________________________________________________

Napapalalim mo ba ang iyong pagmamahal sa Diyos? Kung oo, sa paanong paraan? Kung hindi,
bakit?
Isagawa
Magaling! Marahil ay lubos mong naunaawan ang mahalagang konsepto ng ating aralin, ang
pagmamahal sa Diyos. Maaari mong ibahagi ang iyong pagkatuto, sa pamamagitan ng paggwa ng
iyong sariling vlog o video.

Gawain 5

Panuto: Gumawa ng lima hanggang sampung minutong (5-10 minuto) vlog o video na
nagpapahayag ng iyong pagmamahal sa Diyos.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN 5


Pamantayan Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisi
(20) (15) (10) mula (5)

Kalidad ng vlog Napakahusay Mahusay ang May kaunting Kailanga


o video ang vlog o vlog o video na di ng
(malikhain at video na angkop sa kaangkupan sa isaayos
may angkop sa paksa paksa ang vlog (malaki
orihinalidad) paksa.(buo o video. ang
at kakulanga
maliwanag) n,
nagpapakit
a ng
kaunting
konsepto
o
kaalama
n)

14
Tayahin
Ang bahaging ito ay naglalayong sukatin ang antas ng iyong pagkatuto. Panuto: Basahin at
unawaing mabuti ang mga aytem at piliin ang titik ng pinakatamang sagot nang may katapatan.
Isulat ito sa iyong sagutang papel o kuwaderno.
1. Masasalamin sa tao ang pagmamahal sa Diyos kapag
a. siya ay nagbabahagi ng kaniyang sarili sa iba nang buong pagkatao, talino, yaman at oras nang
buong-buo at walang apsubali.
b. kapag lahat ng kaniyang kinurakot sa kaban ng bayan ay ipinamudmod niya sa mga biktima ng
COVID-19
c. kapag siya ay dasal nang dasal kahit di siya nakikihalubilo sa mga tao. d. kapag siya ay laging
sumasamba sa Diyos kahit di na makipagbati sa kaniyang mga kaaway
2. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang desisyon na malaman at
tanggapin ang katotohanan sa pagkatao.
a. Espiritwalidad
b. Pananampalataya
c. Panalangin
d. Pag-ibig
3. Alin sa sumusunod ang nagsasabi ng tunay na diwa ng espiritwalidad? a. Ang palagiang pag-
aaral at pagbabasa ng salita ng Diyos.
b. Ang pagiging maawain at matulungin sa pangangailangan ng kapuwa. c. Ang pananatili ng
ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng pananalangin sa araw-araw.
d. Ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at pagtugon sa tawag ng Diyos.
4. Sinasabi sa Hebreo 11:1 na “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na
inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” Alin sa sumusunod na pahayag ang
tama ukol dito?
a. Nagiging panatag ang tao dahil iniibig siya ng Diyos.
b. Nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos. c. Nagiging panatag
ang tao dahil siya ay umaasa sa pagmamahal ng Diyos. d. Nagiging panatag ang tao dahil alam niya
na hindi siya pababayaan ng Diyos.

5. Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Alin sa sumusunod ang kahulugan ng pahayag
na ito?
a. Sa paglalakbay, mas mainam na walang kasama.
b. Magiging banayad ang paglalakbay sa lahat ng oras.
c. Kailangan ng tao ang kaniyang kapwa at ang Diyos sa paglalakbay upang maging magaan ang
kaniyang paglalakbay.
d. Pwedeng paghiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapwa at ang paglalakbay kasama ang
Diyos.
6. Araw-araw ay nagsisimba si Aling Clara at hindi nakalilimot na magdasal. Siya rin ay nagbabasa
ng Bibliya bago matulog sa gabi. Kahit ganito, malupit si Aling Clara sa kaniyang kasambahay.
Pinarurusahan niya ito kapag sila ay nagkakamali. Nagsasabuhay ba si Aling Clara ng kaniyang
pananampalataya?
a. , dahil ginagawa naman niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.

15
b. Oo Oo, dahil ang kaniyang pagsisimba, pagdarasal, at pagbabasa ng Bibliya ay ikinalulugod ng
Diyos.
c. Hindi, dahil siya ay nagpaparusa sa kaniyang kasambahay.
d. Hindi, dahil nababalewala ang kaniyang ugnayan sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan
niya sa kaniyang kapuwa.
7. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pananahimik o pagninilay? a. Upang malaman
ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. b. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at
magsabuhay ng aral ng Diyos. c. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Diyos.
d. Upang lalong makilala ng tao ang Diyos at maibahagi ang Kaniyang mga Salita. 8. “Huwag mong
gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo.” Ito ang tinatawag na… a. Golden Rules
b. Golden Roll
c. Golden Rule
d. Golden Role
9. Ang mga sumusunod ay mga dapat gawin upang mapaunlad ang ugnayan sa Diyos maliban sa
_________________________________________________________. a. Panalangin
b. Pagbibigay ng essential na pagkaing lugaw sa maysakit.
c. Pag-aaral ng Salita ng Diyos
d. Pagpopost ng mga hugot lines sa facebook para magpasaring sa mga kaaway. 10. Siya ang
pinagmulan ng lahat ng biyaya, pagpapala, ang pinakamabuti at pinakamahalaga sa lahat na Siya
ring ating patutunguhan.
a. Yahweh c. Allah
b. Diyos d. Lahat ng nabanggit

Binabati kita sa iyong pagsisikap na matutunan at maipaliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal


sa Diyos at maiugnay ito sa iyong pagharap sa mga hamon ng buhay! Nawa’y ipagpatuloy mo ang
pagsisikap na mapaunlad ang iyong ugnayan sa Kaniya sa pagmamahal at paglilingkod sa kapwa
nang may preperensiya sa kabutihan.

16
Susi sa Pagwawasto

Subukin 1. b
2. a
3. b
4. c
5. b
6. d
7. a
8. d
9. c
10. d
Tayahin 1. a
2. b
3. d
4. b
5. c
6. d
7. a
8. c
9. d
10. d
Isaisip
Balikan
Nasa guro ang
pagpapasya kung tama

Tuklasin

Ang pagwawasto ay base sa kasagutan ng mag-aaral

Isagawa
Ang guro ang magpapasya kung tama ang sagot
Nakadepende sa guro ang pagmamarka gamit ang rubric.

17
Sanggunian:
Aklat
Kagawaran ng Edukasyon, ADM
Edukasyon sa Pagpapakatao 10, Modyul para sa Mag-aaral/Gabay sa Pagtuturo, Unang Edisyon 2015
Mula sa Internet

https://www.listph.com/2020/07/esp-10-learning-module-unit-1-2-3-and-4-deped-k-to-12- download.html

https://prezi.com/p/f7dijp5m2q8a/mga-isyung-moral-tungkol-sa

seksuwalidad/?frame=4bb09f771a2a6329df4f32f64a55147452723dfa

https://www.canva.com/media/MAD2909U9-4

https://www.canva.com/media/MAD-RWOwkGI

https://www.canva.com/media/MADmjMfSSjY

https://www.canva.com/media/MAD3hSYXfhA

https://www.canva.com/media/MAD-vgkRfEQ

https://www.canva.com/media/MAD3mXTU2XQ

https://www.canva.com/media/MAD1WnQEyjk

https://www.canva.com/media/MAD-HYkx9ws

https://brainly.ph/question/12341517 https://brainly.ph/question/12341517

18

You might also like