You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF NUEVA ECIJA
Rizal National High School
SENIOR HIGH SCHOOL

Name:_____________________________ Score:_______________
Grade/Section:______________________ Parent/Guardian’s Signature:__________________

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK


Ikaapat na Markahan
1st SUMMATIVE TEST

I.PAGPILI
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng dalawa o higit pang metodo ng
pananaliksik na maaaring sa obserbasyon, pakikipanayam, at ekperimentasyon o iba pang pamamaraan.
A. Datos Empirikal B. Datos Numerikal C. Sarbey D. Talang Marhinal

2. Ito ay paglalarawan sa datos sa paraang patalata.


A. grapikal B. narativ C. tabular D. tekstwal

3. Paglalarawan ito sa datos gamit ang biswal na representasyon katulad ng line graph, pie graph, at bar graph.
A. grapikal B. narativ C. tabular D. tekstwal

4. Gumagamit ito ng istatistikal na talahanayan sa paglalarawan ng datos.


A. grapikal B. narativ C. tabular D. tekstwal

5. Ang konseptuwal na balangkas ay naglalaman ng konsepto ng mananaliksik hinggil sa pag-aaral na isinasagawa.


A. Datos Empirikal B. Datos na Tekstwal C. Balangkas Konseptwal D. Balangkas Teoretikal

6. Ang teoretikal na balangkas ay nakabatay sa mga umiiral na teorya sa iba’t ibang larang na may kaugnayan o repleksyon
sa layunin o haypotesis ng pananaliksik.
A. Datos Empirikal B. Datos na Tekstwal C. Balangkas Konseptwal D. Balangkas Teoretikal

7. Ito ay nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkahiwalay at ipinaghahambing.
A. Bar graph B. Line graph C. Pictograph D. Pie graph

8. Ito ay nababagay gamitin kung nais ipakita ang pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon.
A. Bar graph B. Line graph C. Pictograph D. Pie graph

9. Isang bilog na nahahati sa iba’t ibang bahagi upang maipakita ang pagkakaiba-iba ng bilang ng isang grupo ayon sa mga
kategorya ng iyong pag-aaral.
A. Bar graph B. Line graph C. Pictograph D. Pie graph

10.Ayon sa isang eksperto sa pananaliksik, ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga punto na maaaring gamitin sa
paghahanda ng teoretikal na balangkas, maliban sa isa, alin ito?
A. Pagbabasa at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng iyong paksa
B. Pagtatala ng kabuoan at baryabol na maaaring makaapekto sa paksa
C. Pagsipat sa iba pang mga baryabol na kaugnay ng paksa
D. Pagwawalang bahala sa pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa
II. TAMA o MALI
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at Mali naman kung hindi sa sagutang papel.

____1. Maaaring gumawa ng sariling estruktura upang mabuo ang balangkas konseptwal.
____2. Katuwang ng mananaliksik ang balangkas teoretikal at konseptwal upang masagot ang suliranin o maipaliwanag ang
baryabol ng pananaliksik.
____3. Ang Pie Graph ay maaaring gamitin upang ipakita ang pagbabago sa paglipas ng panahon.
____4. Maaaring lumikha ng sariling teorya sa ginagawang pananaliksik
____5. Subok na ng mga pantas ang binubuong sariling balangkas konseptwal ng mga mananaliksik.
____6. Ang balangkas konseptwal ay ginagamit upang mapaunlad ang teorya.
____7. Ang bar graph ay nababagay gamitin kung may dalawa o higit pang datos na magkakahiwalay ay ipinaghahambing.
____8. Mahalagang maging tapat ng paglalahat ng datos empirikal batay sa naging resulat ng pananaliksik.
____9. Maaaring gawin ang pananaliksik nang hindi gumagamit ng balangkas.
____10. Ang mga konseptong pananaliksik ay nariyan upang maging gabay sa binubuong pananaliksik.
____11. Ang metodo ay tumutukoy sa paraang ginagamit ng mananaliksik sa pagkuha ng datos at pagsusuri sa piniling
paksa.
____12. Tiyak ang layunin kung nagpapahayag ito ng kabuuang layon o nais matamo ng pananaliksik.
____13. Ang layunin ng pananaliksik ay maaaring maging panlahat o tiyak.
____14. Ang mananaliksik ay dapat maging matapat sa anumang impormasyong ilalagay niya sa kaniyang pananaliksik.
____15. Panlahat ang layunin kung nagpapahayag ito ng mga partikular na pakay sa pananaliksik sa paksa.
____16. Ang kulay, tekstura, lasa, damdamin, at pangyayari ay mga halimbawa ng datos ng kailanan o quantitative data.
____17. Maaaring maging subhetibo ang tono ng pananaliksik.
____18. Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik.
____19. Ang etika ay tumutukoy sa pagiging obhetibo at matapat ng anumang pahayag sa kabuuan ng sulating
pananaliksik.
____20. Ang pag-angkin sa gawa ng iba ay tahasang paglabag sa etika ng pananaliksik.
____21. Nagagamit ang pananaliksik upang linawin ang isang pinagtatalunang isyu.
____22. Ang ginagamitan ng mga operasyong matematikal ay tinatawag na datos ng kalidad o qualitative data.
____23. Ang pagkopya sa ilang bahagi ng akdang hindi kinilala ang awtor kahit pa ito ay may kaunting pagbabago sa ayos
ng pangungusap ay isang halimbawa ng plagiarism.
____24. Isa sa etika ng pananaliksik ang pagiging kumpidensiyal at pagkukubli sa pagkakakilanlan ng kalahok.
____25. Ang pananaliksik ay gumagamit ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o
patunayan bilang tugon sa mga tanong.

III. SANAYSAY
Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng limang katangiang sa tingin mo ay kailangang mahasa habang pinaghahandaan mo ang
pagsulat ng iyong sulating pananaliksik. Ipaliwanag mo kung bakit mo nasabing kailangang mahasa ang mga katangiang ito
sa iyo. Isulat ang sagot sa sagutang papel. (5 puntos bawat isa)

matiyaga mapamaraan sistematiko


maingat analitikal kritikal
matapat responsable

You might also like