You are on page 1of 22

Lead: SA MURANG EDAD… ANG PAGHAHANAP BUHAY AT PAGTULONG SA

PAMILYA ANG NAGING BUHAY NI TANTAN PAGDATING SA MAYNILA… AT


MAGING SA PROBINSYA
Host Name: JA ORIJUELA
SP/Writer: JA ORIJUELA, KRIS ANGEL DITAN, JOHN ANGELO OBILLOS, ERICKA
VALDERAMOS
Researcher: KRIS ANGEL DITAN
Crew: LANCE LASCANO, ARLIANA LALIM, CHARLES RICABUERTA, JOHN
VINCENT JARINA
TRT: 25 MINS – 30 MINS

WALANG PAHINGA
DOKUMENTARYO NG GROUP 4
(MTRCB LOGO SOUND IN THE BACKGROUND)
VOICE OVER: ANG SUSUNOD NA PROGRAMA AY RATED PG, PATNUBAY AT
GABAY NG MAGULANG AY KAILANGAN PARA SA MGA BATANG MANONOOD.

ROMELA PABIA: GUSTO KO PONG TURUAN DIN, I-SHARE ‘YUNG KAALAMANG


MAYROON AKO DU’N SA FELLOW PWDS KO, PERSONS WITH
DISABILITIES.MALASAKIT SA ISA’T-ISA…ABS-CBN NEWS, IN THE SERVICE OF
THE FILIPINO.

BODY 1

We open with cinematic shots and montages with natural sounds and noise of the
surroundings at the start of the docu to set the mood and to bring audience to the
place we are focusing with – Shots should be cut para makuhanan lahat ng
maaaring makapagportray ng buhay sa Quezon pero hayaang mag flow ung mga
karaniwang sitwasyon sa siyudad na makukuhanan

Peg: https://www.youtube.com/watch?v=KGN13mqJbCc

or https://www.youtube.com/watch?v=AudpWqn0594&feature=youtu.be

We open with a wide shot of the sea na may Bangka sa gitna nito (sunset yung
background sana)

“Inihahandog ng ABS-CBN” - logo over


video ng wide shot
We see a child and a man inside the boat in the middle of the sea

Medium wide shot of the child pulling the fishnet

Chargen sa negative space:

Sa produksyon ni Lance Lascano

Medium wide shot of the sunset

Chargen sa negative space:

Sa saliksik ni Kris Angel Ditan

Medium close up of Tantan carrying a tub full of fishes


Chargen sa negative space:

At direksyon ni Kris Angel Ditan

He pushes the boat to the seashore

We hear noises of the sea waves

In the negative space of the slow title reveal:

WALANG PAHINGA

Dokumentaryo ni Ja Orijuela

Cut title to negative space of the sunset and Tantan and his boat.
VISUAL AUDIO

Fade to black

HOST: TINUTURING NGA NA


Cinematic shots na ipinapakita ang agriculture
ng Pilipinas. Gusto ko medyo mabilis yung pag
ANG PILIPINAS AY MAYAMAN
cut ng isang video to another video.
PAG DATING SA AGRIKULTURA DAHIL
NAPAPALIBUTAN ITO NG MALALAWAK
NA KARAGATAN AT MATATABANG
KALUPAAN
Shots ng mga mangingisda na hinihila yung
kanilang mga lambat PARA SA PANGINGISDA

Shots ng mga magsasaka na nag-aayos ng


Palay AT PARA SA PAGSASAKA

VO:
DAHIL DITO NAKASALALAY ANG
Shots ng mga magsasaka/mangingisda na TAKBO NG BUHAY NG
nakabenta na NAPAKARAMING TAO.

VO:
PERO HINDI MAITATANGGI NA GAANO
MAN KAYAMAN SA LIKAS NA BIYAYA
ANG ISANG LUGAR, AY DARATING ITO
SA PUNTO NA MAUUBUSAN,
MAKUKULANGAN AT KAKAPUSIN
SA PAGBIBIGAY NG HANAP-BUHAY,
PAGKAIN AT PANG ARAW-ARAW NA
PANGANGAILANGAN NG BAWAT
INDIBIDWAL.
Montages of nakakalbong bundok, natutuyong
lupa, kaunting isda atbp.

TRANSITION
VISUAL AUDIO

Fade to black

VO:
UPNATSOT HINDI PA MAN PUMUPUTOK ANG
ARAW...HABANG ANG IBA’Y NASA
Shots in the Market KAHIMBINGAN PA NG TULOG, MATIYAGA
NANG HINIHILA NG BINATANG ITO ANG
MABIBIGAT NA BANYERANG
NAGLALAMAN NG MGA ISDA.

VO:
Shots of a boy pulling a banyera full of fish
PARA KANINO KAYA ANG MGA ISDANG
Market NATSOT, people in the market HINIHILA NG BINATILYO? SINO NGA BA
ANG BINATANG ITO?

TRANSITION

VO:
Shots ni Tantan at ng kaniyang pamilya sa SI TANTAN ANG PANGANAY
kanilang bahay.
SA TATLONG MAGKAKAPATID.

VO:
Shots ni Tantan na gumagawa ng gawaing SA EDAD NA 17 ANYOS AY BIHASA NA
bahay.
SA IBA’T IBANG GAWAIN ANG BINATA.
VO:
Tantan habang nakamasid sa malayo at tila HINDI TUBONG MAYNILA ANG BINATILYO
nagiisip. AT NAPAGALAMAN KONG TAGA LUCENA
SA QUEZON PROVINCE TALAGA ITO.

JANIEL ORIJUELA: Anong ginagawa mo


Videos in the market over video lang. dito sa Cubao? Eh taga probinsya ka pala?

TANTAN: Sa tiyahin ko na po ako nakatira,


nagtitinda kami ng isda dyan sa palengke.
[02:36]

JANIEL ORIJUELA: Paano na ang pag-


aaral mo?

TANTAN: Ngayong taon po, pinapunta na ako


ni mama sa Maynila para mag-aral at si tita
ang nagbibigay ng baon sakin, binabayaran
niya rin ako sa pagtutulak ng mga banyera tas
pag may ibang gustong magpatulong,
binibigyan ako bente-bente, singkwenta,
isandaan. [02:40]

JANIEL ORIJUELA: Gusto mo na dito? Na-


mi-miss mo ba sila mama mo sa
probinsya?

TANTAN: Nami-miss ko sila dun, gusto ko na


rin sa palaisdaan, tsaka sa... sa bukid. [02:46]

VISUAL AUDIO
VO:
Shots of the moon or the night sky over audio MAGMAMADALING ARAW PA LAMANG…

GANAP NA ALAS DOSE NG GABI…

HINDI PA MAN NAKAPAGPAPAHINGA


ANG BINATA…

MADALING NAG-AYOS SI TANTAN AT


Shots of Tantan preparing to leave the house NAGHANDA PARA MAGHANGO NG ISDA
SA MALABON…

VO:
Shots of Tantan na nakakatulog sa sasakyan RAMDAM KO ANG ANTOK NG BINATA.

JANIEL JANIEL ORIJUELA: Pasado alas-dose na ng


umaga at bumabyahe na kami papunta ng
Malabon para nga kunin ang mga isda na
ititinda namin mamaya sa Farmers Market.

JANIEL JANIEL ORIJUELA: Mahigit kwarenta minuto


na rin kaming bumiyahe at makikita niyo na
marami nang nagbababa ng tone-toneladang
Shots ng mga malalaking sasakyan at mga isda na hahanguin naman ng mga nag-
isda aangkat na manininda kabilang na nga sina
Tantan.

VO:
NATSOT – Market PAGKARATING NA PAGKARATING NAMIN
AY NAUNA NANG BUMABA ANG TIYAHIN
NI TANTAN AT TUMUNGO NA PAPASOK
SA PALENGKE
VO:
BUMULAGA SA AKIN ANG
Shots from the market (people and the fish in NAPAKARAMING BANYERA SA
the market) PAGPASOK NAMIN SA PALENGKE…

HALOS WALA NA KAMING MARAANAN...

MARAMING IBA’T IBANG KLASE NG ISDA


ANG NAROROON.

JANIEL ORIJUELA: Ano po ang hinahanap


niyong isda?
Shots of the market .
TIYAHIN: Iba-iba rin neng. Mga tilapia,
galunggong, tawilis, dulong… ganun.
Shots following the Tiyahin inside the market. Kumukuha rin ako ng hipon at pusit minsan.
[03:49]

JANIEL ORIJUELA: Saan po galing yang


mga isda na yan? Ang damii

TIYAHIN: Ahh.. iba-iba eh. Madalas galing sa


Quezon, sa Batangas o kaya sa Lucena….
Minsan meron pang galing sa Visayas. Pero
minsan nagkakaubusan kasi konti lang ang
binabagsak. [04:10]

JANIEL ORIJUELA: Mga ilang kilo po ang


hinahango niyo kada araw?

TIYAHIN: Ahm… Madalas… ‘Pag tilapia kasi


madalas kinukuha naming mga nasa
dalawang banyera. Pero, depende talaga eh
kung ano ang madatnan naming isdang
maganda...Oh ito pwede to. [04:29]

TRANSITION
VO:
Close-up shot kay Tantan BAKAS SA MUKHA NI TANTAN ANG
PAGPIPIGIL NG PAGOD AT ANTOK.

Tantan habang nasa sasakyan sits. JANIEL ORIJUELA: Ayaw mo bang


sumama do’n?

TANTAN: Pag dumadating kami rito eh


madalas naiiwan lang ako rito sa sasakyan.
Pag tapos nang mamili si Tita dun sa loob eh
saka lang ako pupunta dun para hilahin yung
mga kalakal papunta rito sa sasakyan. [04:41]

JANIEL ORIJUELA: Paano mo nililibang


ang sarili mo? Hindi ka ba inaantok?

TANTAN: Syempre inaantok kaso hindi


pwedeng matulog dahil baka mawala yung
mga gamit namin dito eh. [04:59]

JANIEL ORIJUELA: So anong gagawin mo


pag natapos na makapili ng kalakal (isdang
paninda) si Tita mo?

TANTAN: Pupuntahan ko po siya roon tapos


hihilahin ko yung mga isda papunta sa
yelohan. [05:18]

Shots ni Janiel habang binabaybay ang JANIEL ORIJUELA: Pagkatapos mamili ni tita
palengke patungo sa yelohan. Rhea ay pupuntahan isa-isa ni Tantan ang
mga pinagbilhan nito at hihilahin ang mga isda
papunta sa yelohan

Shots ng kabuoan ng yelohan. JANIEL: Eto ang yelohan kung saan nga
dinadala ni Tantan ang mabibigat na banyera
bago niya ito dalhin sa kanilang sasakyan.
TRANSITION

VO:
Shots nila Tantan habang nasa byahe. PASADO ALAS-KWATRO NA NG UMAGA
AT HALOS ISANG ORAS PA KAMING
BABIYAHE PAPUNTA SA FARMERS PARA
DOON DALHIN ANG MGA ISDANG
NAHANGO NINA TANTAN AT NAWA AY
MABENTA AT MAPAUBOS NILA ITONG
LAHAT.

END OF BODY 1

BODY 2

I-WITNESS LOGO over video of Tantan


pulling a banyera full of fish.

VO:
UPNATSOT - Market DITO SA FARMERS' MARKET SA CUBAO
IBINABABA NINA TANTAN ANG MGA
KALAKAL NA GALING SA MALABON.
Shots sa Farmers.

TIME LAPSE
VO:
Shots ng pwesto ng tindahan nila Tantan sa MAGA-ALAS NUEBE NA NANG UMAGA
Farmers Cubao. NANG MAPAUBOS NILA ANG MGA ISDA.
SA WAKAS AY MAKAKAUWI AT
MAKAKAPAGPAHINGA NA ANG BINATA.

FADE TO BLACK

VO:
Shots ni Tantan habang binabaybay ang daan ILANG MINUTONG LAKARAN LANG ANG
pauwi ng bahay. PAGITAN NG PALENGKE SA BAHAY NA
TINUTULUYAN NI TANTAN.

Interview video ni Tantan habang naglalakad JANIEL ORIJUELA: So ano na ang


pauwi. gagawin mo pagkauwi mo? Matutulog ka
na?

TANTAN: Ahh.. hindi po. Maglilinis po muna


tapos mag-aaral, gagawa ng thesis. [07:05]

JANIEL ORIJUELA: Ha? Eh pano ‘yan..


puyat ka.

TANTAN: Wala po akong magagawa.


Kailangan po mag-aral eh, kailangan ko po
magpasa hahaha [07:19]

VO:
CLIPS NA NAG-AARAL SI TANTAN NASA IKA-LABINGDALAWANG TAON NA
NANG PAG-AARAL ANG BINATA.

Tantan sa kanilang bahay sits. JANIEL ORIJUELA: Ano ang gusto mong
maging? Ano ang gusto mong trabaho?

TANTAN: Yung totoo po, hindi ko rin po alam.


Siguro kahit ano nalang po basta makatulong
at maiahon ko ang pamilya ko sa hirap.
[07:38]

VO:
Shots ng lugar na tinutuluyan ni Tantan at KAHIRAPAN ANG MADALAS NA
ilang mga bata na nagpapakita ng kahirapan NAGIGING HADLANG SA ATIN UPANG
ng lugar TAYO’Y MAGTAGUMPAY SA BUHAY….

NGUNIT PARA KAY TANTAN, ITO AY


KANYANG NAGING INSPIRASYON UPANG
KUMAYOD PA AT MAGPATULOY SA
BUHAY.

FADE TO BLACK

VO:
SHORT CLIP NG ORASAN PAG PATAK NG ALAS DOSE AY NAG
SIMULA NANG GUMAYAK SI TANTAN
PAPASOK NG ESKUWELAHAN.

CLIPS NA NAGLALAKAD/NASA BIYAHE SI TANTAN: Malapit lang naman po yung


JANIEL school, konting lakad at isang jeep lang
naman po. 1pm hanggang 7pm ang klase ko.
[08:12]

VO:
Clips na nasa class si Tantan (nakikinig, NAKAPANAYAM KO ANG ILAN SA MGA
nakikipag participate, nagtataas ng kamay) GURO NI TANTAN…

TEACHER 1: Magaling at masipag po ‘yan si


Tantan ang active rin po sa class [08:31]

TEACHER 2: Matataas naman ang mga


scores niyang bata na yan. Masipag at pala
kaibigan din [08:42]
VO:
Tantan habang nasa loob ng silid aralan at HINDI BAKAS SA MGA MUKHA NI TANTAN
masayang nakikipag-usap sa mga kaibigan ANG PAGOD AT ANTOK DAHIL ANG
MUKHA NITO’Y NABABALUTAN NG NGITI
NA DULOT NG KANYANG MGA KAIBIGAN
AT NG ESKUWELAHAN.

TRANSITION

VO:
Shots ng binata habang nakamasid sa malayo DILIM NA NANG MATAPOS ANG KLASE
at tila nagiisip nang malalim. NINA TANTAN.

ANG MUKHA NG BINATA NA KANINA AY


PUNONG-PUNO NG NGITI AY BIGLANG
TUMAMLAY...MARAHIL ITO AY HATID NG
PAGOD NA DALA NANG SABAY NA
PAGTATRABAHO AT PAG-AARAL.

TRANSITION (TIMELAPSE)

JANIEL: Bakasyon ang pinakainaabangan ng


Janiel sa bahay nila Tantan. lahat upang makapagpahinga mula sa mga
gawain sa paaralan…

pero si Tantan...

inaantay ang bakasyon, dahil sa wakas, ay


makakauwi na siya sa kanyang pamilya.

VO:
Close-up shot kay Tantan habang nakangiti. SA KABILA NG HIRAP NG BUHAY KITA PA
RIN ANG NGITI NG BINATA DAHIL BATID
NIYA NA ITO ANG HULING ARAW NA
MANANATILI SIYA SA MAYNILA. AT MULI
NA NIYANG MAKAKASAMA ANG
KANIYANG PAMILYA SA LUCENA.
TRANSITION

VO:
Cinematic Shots MATAPOS ANG APAT NA ORAS,
NARATING NA RIN NAMIN ANG BAYAN
NG MAYAO SA LUCENA, QUEZON KUNG
SAAN NANINIRAHAN ANG PAMILYA NI
TANTAN.

HALATA ANG PAGKASABIK NG BINATA,


KAYA DALI-DALI NIYANG TINUMBOK ANG
KANILANG BAHAY.

SITS (nagkamustahan and yakapan)

JANIEL ORIJUELA: Kumusta naman po


Interview video ni Tantan at mga magulang ang buhay dito sa Lucena? Ano pong
nito. trabaho niyo, tay?

NANAY: Mahirap po! Ganun lang,


pangingisda, paminsan-minsan nag-gagamas
ng palay. [10:51]

JANIEL ORIJUELA: Na-miss niyo ba si


Tantan?

TATAY: Syempre, masipag ‘yang panganay


namin eh. [11:13]

JANIEL ORIJUELA: Anong ginagawa mo


kapag nandito ka, Tantan?

TANTAN: Dati po, pag walang pasok eh


sumasama po ako kay Papa sa pamamantil.
Dati, kahit may klase eh madalas hindi na ako
pumapasok para sumama kay Papa. [11:34]

JANIEL ORIJUELA: Bakit gusto mong


sumama? Bakit dati lang?
TANTAN: Dahil po gusto kong makatulong
kay Papa. Dahil nagtrabaho po ako sa
Maynila, Kasi alam ko na mahirap ang
ginagawa ni Papa. [11:52]

JANIEL ORIJUELA: Anong balak mong


gawin dito, ngayong nandito ka na?

TANTAN: Tutulungan ko po yung tatay ko


mag mantil(mangisda) at mag gapas ng
palay [12:14]

TRANSITION

VO:
Shot ni Tantan at kaniyang ama sa dagat NAG AAGAW NA ANG DILIM AT
habang nasa likod ang papalubog na araw. LIWANAG...

MAG-AALA SINGKO NA NG HAPON...

ANG MAG-AMA AY NAGTUNGO NA SA


DAGAT UPANG MANGHULI NG ISDA.

JANIEL: Pagabi na at ayon kay tatay Cesar,


ito raw ang pinakamagandang oras para
manghuli ng isda

TRANSITION

Interview kay tatay habang inihahanda ang JANIEL ORIJUELA: Para san po ‘yang
lampara. lampara?

TATAY CESAR: Para makaakit ng isda to…


[13:56]
VO:
Shots ng pamamantil SA TANA NG BUHAY KO, NGAYON PA
LANG AKO NAKAKITA NG GANITONG
Cinematic Shots PAMAMARAAN NG PANGINGISDA.

Interview kay tatay at Tantan habang patuloy JANIEL ORIJUELA: Hindi ba nabubulabog
sa pamamantil yung mga isda dyan Tay?

TATAY CESAR: Oo. Ayun nga yung dahilan


kung bakit ginaganto namin… para
mabulabog yung mga isda.. para magsilapitan
dito sa lambat. [14:32]

JANIEL ORIJUELA: Tan, hanggang anong


oras kayo inaabot dito?

TANTAN: Minsan kapag medyo marami na


mga alas nuwebe, pinakamahaba na po yung
alas onse. [15:01]

JANIEL ORIJUELA: Nakakailang balde


kayo gabi-gabi?

TANTAN: Mga dalawang balde, abot din ng 6


kilo [15:33]

VO:
Cinematic shots MAPALAD ANG PROBINSYA NG QUEZON
SAPAGKAT BINIYAYAAN ITO NG
MAYAMANG KARAGATAN AT SAGANANG
LUPAIN…

NGUNIT SA KASO NILA TANTAN


MUKHANG MALI ANG PAKIWARI KONG
ITO.

END OF BODY 2
BODY 3

I-WITNESS LOGO over video of Tantan


pushing a trolley

VO:
UPNATSOT – Environment, Sounds of birds MATAPOS ANG ILANG ARAW AY
and other animals BINALIKAN KO ANG BAHAY NINA
TANTAN.

VO:
Shots ng mya katapid habang nag-aayos ng NAABUTAN KONG NAGGAGAYAK ANG
gamit. MGA KAPATID NI TANTAN

AT NAGHAHANDA NANG UMALIS.

Interview video kay Jopay at Nonet (mga JANIEL ORIJUELA: Nag-aaral pa ba


kapatid) kayong dalawa? Sinong mas matanda at
bata?

JOPAY: Ako ang pangalawa sa aming tatlo…


15 years old na ako. Tapos siya naman… 10
years old… Oo… nag-aaral pa kami… may
klase nga kami ngayon eh [17:08]

JANIEL ORIJUELA: Eh anong grade niyo


na?

JOPAY: Ako po Grade 5 palang.. si nonet


naman Grade 2 [17:35]

JANIEL ORIJUELA: Grade 5? Eh 15 years


old ka na ah?

JOPAY: Patigil-tigil ako kasi kailangan.. kasi


walang tutulong kina papa… kasi mahirap ang
buhay [18:00]
VO:
Shots ng palayan/lakaran sa lugar . NAGSIMULA NA KAMING MAGLAKAD

TINATAHAK ANG MAPUPUTIK NA


DAANAN SA GITNA NG PALAYAN.

VO:
Shot ni Janiel kasama ang pamilya habamg MAHIGIT KALAHATING ORAS DIN SIGURO
binabaybay ang maputik na daan. KAMING NAGLALAKAD.

PASALAMAT KAMI AT HINDI PA GANU'NG


KASAKIT ANG TAMA NG ARAW SA
AMING BALAT.

TRANSITION

VO:
Cinematic shots along the riles TROLLEY O ANG RILES NG TREN ANG
ISA SA MGA PANGUNAHING
TRANSPORTASYON SA BARANGAY NINA
TANTAN.

VO:
SOTS SA TROLLEY…

MURA NA…

MABILIS KA PANG MAKAKAPUNTA SA


IYONG PUPUNTAHAN…

VO:
Tantan patungo sa isang bahay at may NABIGLA AKO NANG BIGLANG MAY
kinuhang trolley. NILAPITANG BAHAY SI TANTAN

AT KINUHA ANG ISA SA MGA


TINATAWAG NA ‘TROLLEY’.
Interview video kay Tantan at kapatid na si Nonet JANIEL ORIJUELA: Oh… nagtotrolley ka
habang inihahanda ang trolley. rin? Kanino yan?

TANTAN: Opo lalo na noong dito pa ako nag-


aaral. Sa tiyahin po namin ito, pinaparentahan
lang sa’min para may pang dagdag kita na rin
ho… [19:54]

JANIEL ORIJUELA: Magkano renta niyo


diyan?

TANTAN: Dati ho eh 100 kada araw pero


ngayon naging 150 kada araw na ho…
[20:18]

JANIEL ORIJUELA: Nagtotrolley rin yung


mga kapatid mo?

NONET: Ako po.. minsan. Para may pambili


po para sa iskul… [20:41]

TRANSITION

VO:
Cinematic shots NANG MAIHATID NAMIN ANG KANYANG
MGA KAPATID SA ESKUWELAHAN…

AY AGAD NANG NAGSIMULANG


BUMYAHE SI TANTAN.

Shots sa riles JANIEL ORIJUELA: Magkano ang pamasahe


sa ganito?
View galing sa riles
TANTAN: 10 pesos po pag regular at 5 pesos
naman po pag estudyante. [21:49]
Interview
JANIEL ORIJUELA: Okay naman kinikita mo
rito? Hindi ba nakakapagod?

TANTAN: Okay naman po kahit papaano…


nakakatulong pa rin naman.. Syempre po
nakakapagod.. pero iba pag nasanay ka na
haha ngayon po medyo napapagod na ako
agad kasi hindi na po ako sanay mag trolley
kasi nasa Maynila na ako… [22:29]

VO:
(TIMELAPSE) NAABUTAN NA NAMIN ANG PAG LUBOG
NG ARAW SA RILES…

HUDYAT NA TAPOS NA ANG TRABAHO…

DAPAT NANG UMUWI AT MAGPAHINGA…

PARA MAGHANDA SA SUSUNOD NA


ARAW…

TRANSITION

UPNATSOT – Terminal ng bus

We open with bus scenes

Him with his back turned from the camera as


he aboard the bus

VO:
Montage ng buhay ni Tantan sa SEMBREAK AT BAKASYON ANG
PINAKAHINIHINTAY NG BAWAT
probinsya kasama ang pamilya at
ESTUDYANTE…
masayang-masaya.
UPANG MAKAPAGHINGA SA
SANDAMAKMAK NA GAWAIN SA
PAARALAN…

NGUNIT PARA KAY TANTAN


VO:
KAHIT HINDI MAN SIYA
NAKAPAGPAHINGA

AY MASAYA SIYA SAPAGKAT KASAMA


NIYA ANG KANYANG PAMILYA

KAHIT SA ILANG ARAW LANG.

VO:
Montage ng paghahanda ni Tantan sa pag- AT NGAYON AY BABALIK NA SIYA SA
alis ng probinsya. MAGULONG MAYNILA…

UPANG HARAPIN ULIT ANG REALIDAD…

UPANG PATULOY NA MANGARAP

PARA SA KANYANG PAMILYA.


VO:
Montage ng mga karaniwang ginagawa ni NAKAKALUNGKOT ISIPIN NA HABANG
Tantan at magtatapos sa isang close-up shot ANG IBANG IBANG BATA AY
kay Tantan na direktang nakatingin sa lente NAGSASAYA SA MGA PAMAMASYAL AT
ng camera. BAKASYON...

AT HABANG ANG IBA AY LUBOS ANG


PAGHAHANDA PARA SA DARATING NA
PASUKAN…

ITO SI TANTAN…

NA KAHIT SANDALI…

NI MINSAN…

AY WALANG PAHINGA…

CBB

You might also like