You are on page 1of 5

Cotabato State University

RH 4, Sinsuat Avenue, Cotabato City.


Banghay-Aralin sa Filipino

I. Layunin:
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay inaasahang;
I. Layunin :
Sa katapusan ng 50 minuto ang mga mag-aaral ay inaasahang:

A. Nalaman ang mga ibat-ibang panghalip panaong ginagamit.

B. Nagamit ang panghalip panao bilang pamalit sa pangalan.

C. Napahalagahan ang mga ibat-ibang panghalip pananong ginagamit.

II. Paksang-Aralin: Panghalip na Panao

A. Paksa: Panghalip Panao


B.Kagamitan: Larawan at laptop
C. Sanggunian: Ang bagong Batang Pinoy Filipino II

III. Pamamaraan: A. Panimulang Gawain


1. Panalangin
2. Pagtsek ng atendans
3. Pagbabalik-aral

B. Pagganyak
Panuto:Magtatanong ang guro kung sino sa magaaral ang
nakakaalam ng awiting “Ako, Ikaw, Tayo ay isang pamayanan”
Pagkatapos ay ipapa-awit at ipapasayaw ng guro sa magaaral
ang awiting “Ako, Ikaw, Tayo ay isang pamayanan.’

C. Paglinang ng Aralin
Aktibiti: Panuto: Magpapakita ng mga larawang may pangungusap na nakakabit ang
guro sa
pisira at sasagutan ng mga magaaral ang patlang sa bawat larawan.

Ngayon inyong kumpletuhin ang mga pangungusap sa bawat larawan.

1. _____ ay pitong taong gulang.


2. ______ ang aming bagong kapitbahay.
3.______kaya ang bagong guro natin?

Analisis: Itanong ang sumusunod:

a. Ano-ano ang naibigay na mga salitang paghalip na panao sa


pangungusap?
b. Ano ang kahulugan ng paghalip na panao?

Abstraksyon: Ang paksa natin ngayong umaga/hapon ay tungkol sa Panghalip na


panao.

Mga Panghalip na Panao

Ang panghalip panao ay nakikilala sa Ingles bilang personal pronoun. Ito ay


mula sa salitang ‘tao’, kaya nagpapahiwatig ito na ‘para sa tao’ o ‘pangtao’. Ipinapalit ito sa
ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap, o sa taong pinag-uusapan.
Ilan sa mga halimbawa ng panghalip panao ay ang mga
salitang ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya, kanila, at kanya.

Halimbawa:
Tingnan ang nasa larawan.
 
Aplikasyon:
Panuto:
Tukuyin ang tamang gamit ng Paghalip na panao ayon sa mga larawang na sa
pisara.Gamitin ang pandiwa at panahunan (Hahatiin sa apat na grupo ang klase, bawat
grupo ay mayroong anim o pitong miyembro. Bawat grupo ay dapat may isang
representante sa harapan na siyang sasagot sa pisara.
Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain.
Kriterya Puntos
Malinaw na Paglalahad 40

Lakas ng boses 30

Kaisahan/kahandaan 30

Kabuuan: 100 %

IV. Pagtataya:
Panuto: Piliin ang angkop na panghalip panao sa pangungusap. Isulat ito sa kalahating
papel.
1. Ang guro ay pipili ng magiging kalahok sa paligsahan. ( Ako, Siya, Ikaw).
2. Ilang taon ka na Bel ? “tanong ng guro.
“_____ay pitong taong gulang. “ (Ako, Siya , Ikaw).
3. Sinabi ng guro kay Bel, “____ ay sasali sa paligsahan.” ( Ikaw, Ako Siya)
4. “Hindi ___ po tatanggihan ang nais ninyo.” (ko, mo, ka)
5. “Salamat at hindi po titanggihan ni Bel ang alok _____” . (ko, mo , ka)

V . Takdang Aralin
Bumuo ng 5 pangungusap gamit ang mga panghalip panao.
Isulat ito sa kalahating papel.

Inihanda ni:
Faizal U. Patikaman
Aplikante

You might also like