You are on page 1of 19

Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik
Ikalawang Semestre – Modyul 5:
Pagsasalaysay (Tekstong Naratibo)
AIRs - LM
i
LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA
PANANALIKSIK
Baitang 11 – Ikalawang Semestre
Modyul 5: Pagsasalaysay (Tekstong Naratibo)
Ikalawang Edisyon, 2021

Karapatang sipi © 2021 La


Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o pagkuha ng bahagi
ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Bumuo sa Pagsulat ng
Department of Education – SDO La Modyul
Union
Office Address: Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union
Telefax: 072 – 205 – 0046
Manunulat:
Email Address: Jayson D. Dorigo
launion@deped.gov.ph
Tagasuri: Alvin D. Mangaoang at Jomari B. Banut
Editor: Alvin D. Mangaoang
SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
ii
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr.
Tagalapat: Michael Jason D. Morales

Tagapamahala:
Atty. Donato D. Balderas Jr.
Schools Division Superintendent
Vivian Luz S. Pagatpatan, PhD
Assistant Schools Division Superintendent
German E. Flora, PhD, CID Chief
Virgilio C. Boado, PhD, EPS in Charge of LRMS
Luisito V. Libatique, PhD, EPS in Charge of Filipino
Michael Jason D. Morales, PDO II
Claire P. Toluyen, Librarian II
Senior High School

Pagbasa at Pagsusuri
ng Iba’t Ibang Teksto
Tungo
sa Pananaliksik
Ikalawang Semestre – Modyul 5:
Pagsasalaysay (Tekstong Naratibo)

i
Paunang Salita

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating


mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na
gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga
kasanayang itinakda ng kurikulum.
Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na
naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinomang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa
kani- kanilang tahanan.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng
mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung
kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding
pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan.
May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat
gawain at pagsusulit. Inaasahan naming magiging matapat ang bawat isa sa
paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang
magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang
anomang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro
kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng
SLM na ito.
Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy,
umaasa kaming matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan.

iv
Sapulin

Kumusta mahal kong mag-aaral? Alam kong marami kang natutuhan mula sa
nakaraang modyul. Nag-umapaw ang iyong kaalaman tungkol sa tekstong
deskriptibo. Ngayon, mas mapalalawig pa ang iyong kaalaman sa iba pang uri ng
teksto.

Ang Modyul 5 ay papaksa sa pagsasalaysay at tekstong Naratibo. Sa bawat


araw sa buhay ng isang tao ay laging may mga pangyayaring naibabahagi o
naikukuwento niya sa iba. Maaaring mga simpleng pangyayaring nasaksihan sa
kaniyang pagpasok o kaya nama’y ang mga ipinagpapalagay niyang
pinakamahahalaga o pinakamalalaking pangyayari sa kaniyang maghapon.
Malalaman mo rito ang iba’t ibang paraan, elemento at sangkap sa mahusay na
pagsasalaysay, mga uri o anyo ng tekstong nagsasalaysay at marami pang iba. Isa
ang pagsasalaysay sa pinakagamiting uri ng teksto. Halika’t galugarin pa natin ito.

Sa pag-aaral sa modyul na ito, inaasahang malilinang mo ang sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELCs):


1. Naibabahagi ang katangian at kalikasan ng iba’t ibang tekstong binasa.
(F11PS-IIIb-91);
2. Nakasusulat ng ilang halimbawa ng iba’t ibang uri ng teksto (F11PU-IIIb-89);
3. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto
(F11WG-IIIc-90);
4. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong
isinulat (F11EP-IIId-36); at
5. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigdig (F11PB-IIId-99).

Mga Tiyak na Layunin:


1. Nalilinaw ang mga katangian ng tekstong naratibo;
2. Natatalakay ang mga paraan at katangian ng mabisang pagsasalaysay;
3. Nakababasa at nakasusuri ng isang tekstong naratibo;
4. Nagagamit ang kakayahan sa malikhaing pagkukuwento; at
5. Nakasusulat ng isang uri ng tekstong naratibo.

Batid kong nasasabik ka nang malaman ang mga ito, kaya’t halika na’t
magsimula na tayo sa pag-aaral sa modyul na ito.

1 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
Aralin
Pagbasa at Pagsusuri
5 ng Tekstong Nagsasalaysay

Simulan

Bago tayo magsimula sa talakayan, alamin muna natin ang iyong inisyal na
kaalaman tungkol sa ating magiging paksa. Mangyaring isagawa mo lang ang gawain.

Gawain 1: Pira-piraso Ngunit Kompleto


Panuto:Sundin ang sumusunod na panuto sa bawat bilang. Gumamit ng ibang papel
para sa kasagutan.

1. Magsulat ng pangalan ng isang bagay, tao, lugar, o hayop, pantangi man


(hal. Rodrigo R. Duterte) o karaniwan (hal. pangulo), sa kahon na nasa ibaba.

2. Gamit ang sampung salitang isinulat sa mga kahon, mag-isip at pag-ugna-


uganayin ang mga ito upang makabuo ng isang maikling kuwento na binubuo
lamang ng sampung pangungusap. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot sa gawain! Magpatuloy pa tayo


upang mas mapayabong pa ang iyong kaalaman.

2 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
Lakbayin

Katuturan ng Pagsasalaysay

Alam mo bang…

Ang Pagsasalaysay ang pinakagamiting uri ng teksto sa pang-araw-araw


na pakikipagtalastasan ng tao sa kaniyang kapwa. Nagsasaad ito ng mga pangyayari
at karanasang magkakaugnay. Itinuturing ang pagsasalaysay bilang isa sa
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat likas sa tao ang maging mahilig sa
kuwento. Sa simula pa lamang ay nagsasalaysay na ang tao ng mga pangyayari
tungkol sa kaniyang kapaligiran. Layunin ng pagsasalaysay na ipabatid ang mga
pangyayaring may kaugnayan mula sa pananaw ng nagsasalaysay.

Ang Tekstong Naratibo ay nagsasalaysay o magkuwento batay sa isang


tiyak na pangyayari, totoo man o hindi. Maaaring ang salaysay ay personal na
naranasan ng nagkukuwento, batay sa tunay na pangyayari o kathang-isip lamang.
Maaari ding ang paksa ng salaysay ay nakabatay sa tunay na daigdig o pantasya
lamang.

Ang tekstong naratibo ay nagkukuwento ng mga serye ng pangyayari na


maaaring piksiyon (nobela, maikling kuwento, tula) o di-piksiyon (memoir,
biyograpiya, balita, malikhaing sanaysay). Kapwa gumagamit ito ng wikang puno ng
imahinasyon, nagpapahayag ng emosyon, at kumakasangkapan ng iba’t ibang
imahen, metapora, at simbolo upang maging malikhain ang katha.

Ayon kay Patricia Melendex-Cruz (1994) sa kaniyang artikulong “Ideolohiya


Bilang Perspektibong Pampanitikan” na nasa aklat na “Filipinong Pananaw sa Wika,
Panitikan at Lipunan,” kailangang suriin ang malikhaing pagkatha bilang isang
siyentipikong proseso ng lipunan. Siyentipiko sapagkat para sa kaniya, ang mahusay
na panitikan ay kinakailangang naglalarawan sa mga realidad ng lipunan at
nagbibigay ng matalas na pagsusuri rito. Bukod dito, tinukoy niya rin na ang
masining at panlipunang kalikasan ng panitikan ang kailangang pagtuunan ng
sinomang mag-aaral nito. Pundamental ang layuning maipakilala sa mga mag- aaral
ang kaniyang sarili’t lipunan upang ang kaniyang pambansang identidad at
kamalayan ay mapag-isa.

Mga Elemento ng Tekstong Naratibo

May iba’t ibang elemento ang naratibong teksto na magsisilbing gabay rin sa
pagbuo ng narasyon. Ito ay ang sumusunod:

1. Paksa – Pumili ng paksang mahalaga at makabuluhan. Kahit na nakabatay


sa personal na karanasan ang kuwentong nais isalaysay, mahalaga pa ring
maipaunawa sa mambabasa ang panlipunang implikasyon at mga
kahalagahan nito.

3 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
2. Estruktura – Kailangang malinaw at lohikal ang kabuoang estruktura ng
kuwento. Madalas na makikitang ginagamit na paraan ng narasyon ang iba’t
ibang estilo ng pagkakasunod-sunod ng pangyayari. Kung minsan ay
nagsisimula sa dulo papuntang unahan ang kuwento, kung minsan naman ay
mula sa gitna. Maaaring gumamit ng iba’t ibang paraan ng pagkakaayos,
tiyakin lamang na sistematiko at lohikal ang pagkakasunod-sunod ng
pangyayari upang madaling maunawaan ang narasyon.

3. Oryentasyon – Nakapaloob dito ang kaligiran ng mga tauhan, lunan o setting,


at oras o panahon kung kailan nangyari ang kuwento. Malinaw dapat na
nailalatag ang mga ito sa pagsasalaysay at nasasagot ang mga batayang
tanong na sino, saan, at kailan. Ang mahusay na deskripsyon sa mga
detalyeng ito ang magtatakda kung gaano kahusay na nasapul ng manunulat
ang realidad sa kaniyang akda.

4. Pamamaraan ng Narasyon – Kailangan ng detalye at mahusay na


oryentasyon ng kabuoang senaryo sa unang bahagi upang maipakita ang
setting at mood. Iwasang magbigay ng komento sa kalagitnaan ng
pagsasalaysay upang hindi lumihis ang daloy. May iba’t ibang paraan ng
narasyon na maaaring gamitin ng manunulat upang maging kapana-panabik
ang pagsasalaysay.

a. Diyalogo – Sa halip na direktang pagsasalaysay ay gumagamit ng pag-


uusap ng mga tauhan upang isalaysay ang nagyayari.
b. Foreshadowing – Nagbibigay ng mga pahiwatig o hints hinggil sa kung
ano ang kahihinatnan o mangyayari sa kuwento.
c. Plot Twist – Tahasang pagbabago sa direksyon o inaasahang kalabasan
ng isang kuwento.
d. Comic Book Death – Isang teknik kung saan pinapatay ang mahahalagang
karakter ngunit kalaunan ay biglang lilitaw upang magbigay-linaw sa
kuwento.
e. Reverse Chronology – Nagsisimula sa dulo ang salaysay patungong
simula.
f. In medias res – Nagsisimula ang narasyon sa kalagitnaan ng kuwento.
Kadalasang ipinapakita ang mga karakter, lunan, at tensyon sa
pamamagitan ng mga flashback.
g. Deux ex machina – (God from the machine) Isang plot device na
ipinaliwanag ni Horace sa kaniyang “Ars Poetica” kung saan nabibigyang-
resolusyon ang tunggalian sa pamamagitan ng awtomatikong
interbensyon ng isang absolutong kamay. Nagbabago rin ang
kahihinatnan ng kuwento at nareresolba ang matitinding suliranin na tila
walang solusyon sa pamamagitan ng biglaang pagpasok ng isang tao,
bagay at pangyayari na hindi naman naipakilala sa unang bahagi ng
kuwento.
h. Analepsis (Flashback) – Dito ipinapasok ang mga pangyayaring naganap
sa nakalipas.
i. Prolepsis (Flashforward) – Dito nama’y ipinapasok ang mga pangyayaring
magaganap pa lang sa hinaharap.
j. Ellipsis – May mga puwang o patlang sa pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari na nagpapakitang may bahagi sa pagsasalaysay na tinanggal o
hindi isinama.

5. Komplikasyon – Karaniwang nakapaloob sa tunggalian ang pangunahing


tauhan. Ito ang mahalagang bahagi ng kuwento na nagiging batayan ng
4 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
paggalaw o pagbabago sa posisyon at disposisyon ng mga tauhan. Nagtatakda
rin ang tunggalian ng magiging resolusyon ng kuwento.

6. Resolusyon – Ito ang kahahantungan ng komplikasyon o tunggalian.


Maaaring ang resolusyon ay masaya o hindi batay sa magiging kapalaran ng
pangunahing tauhan.

Iba’t Ibang Pananaw o Punto de Vista (Point of view) sa Tekstong Naratibo

Sa pagsasalaysay o pagkukuwento, may mga matang tumutunghay sa mga


pangyayari. Ito ang ginamit ng manunulat na paningin o pananaw sa pagsasalaysay.
Ang pinakakaraniwang ginagamit para sa naratibo ay ang una at ikatlong panauhan.
Bihirang-bihirang magamit ang ikalawang panauhan. Sa mas mahahabang naratibo
tulad ng nobela ay maaaring hindi lang iisa kundi nagbabago-bago ang ginagamit na
pananaw.

1. Unang Panauhan – Sa pananaw na ito, isa sa mga tauhan ang nagsasalaysay


ng mga bagay na kaniyang nararanasan, naaalala, o naririnig kaya gumagamit
ng panghalip na “ako”.

2. Ikalawang Panauhan – Dito mistulang kinakausap ng manunulat ang


tauhang pinagagalaw niya sa kuwento kaya’t gumagamit siya ng mga
panghalip na “ka” o “ikaw” subalit tulad ng unang nasabi, hindi ito gaanong
ginagamit ng mga manunulat sa kanilang pagsasalaysay.

3. Ikatlong Panauhan – Ang mga pangyayari sa pananaw na ito ay


isinasalaysay ng isang taong walang relasyon sa tauhan kaya ang panghalip
na ginagamit niya sa pagsasalaysay ay “siya”. Ang tagapagsalaysay ay
tagapag- obserba lang at sa labas siya ng mga pangyayari. May tatlong uri ang
ganitong uri ng pananaw:

a. Maladiyos na panauhan – Nababatid niya ang galaw at iniisip ng lahat ng


mga tauhan. Napapasok niya ang isipan ng bawat tauhan at naihahayag
niya ang iniisip, damdamin, at paniniwala ng mga ito sa mga mambabasa.

b. Limitadong panauhan – Nababatid niya ang iniisip at ikinikilos ng isa sa


mga tauhan subalit hindi ang sa iba pang tauhan.

c. Tagapag-obserbang panauhan – Hindi niya napapasok o nababatid ang


nilalaman ng isip at damdamin ng mga tauhan. Tanging ang mga nakikita
o naririnig niyang mga pangyayari, kilos, o sinasabi lang ang kaniyang
isinasalaysay.

4. Kombinasyong Pananaw o Paningin – Dito ay hindi lang iisa ang


tagapagsalaysay kaya iba’t ibang pananaw o paningin ang nagagamit sa
pagsasalaysay. Karaniwan itong nangyayari sa isang nobela kung saan ang
mga pangyayari ay sumasakop sa mas mahabang panahon at mas maraming
tauhan ang naipakikilala sa bawat kabanata.

5 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
Pagsulat ng Creative Non-Fiction
Ang Creative Non-Fiction (CNF) ay kilala rin bilang literary non-fiction o
narrative non-fiction. Ito ay isang bagong genre sa malikhaing pagsulat na
gumagamit ng istilo at teknik na pampanitikan upang makabuo ng
makatotohanan at tumpak na salaysay o narasyon.
Ilan sa mga katangian at layunin ng CNF ang maging makatotohanan, ibig
sabihin ay naglalahad ng tunay na karanasan, naglalarawan ng realidad ng natural
na mundo, at hindi bunga ng imahinasyon. Ayon kay Barbara Lounsberry sa “The
Art of Fact”, ang apat na katangian ng CNF ay:
• Maaaring maidokumento ang paksa at hindi inimbento ng manunulat;
• Malalim ang pananaliksik sa paksa upang mailatag ang kredibilidad ng
narasyon;
• Mahalaga ang paglalarawan sa lunan at kontekstuwalisasyon ng
karanasan; at
• Mahusay ang panulat o literary prose style, na nangangahulugang
mahalaga ang pagiging malikhain ng manunulat at husay ng gamit ng
wika.
Mahalaga rin ang insight o nalilikhang pananaw ng isinalaysay na karanasan.
Ang CNF ay hindi lamang basta nagkukuwento ng karanasan kundi layon nitong
ipakita ang mas malalim na implikasyon nito sa karanasan ng nakararami at
kabuoan ng lipunan. Maaaring tuwiran o hindi tuwirang inilahad ang insight ng
akda. Ang mga akdang di-tuwiran ang insight ay gumagamit ng mga simbolismo o
nagsasalaysay ng tiyak na karanasan upang maipakita ang aral at pananaw ng akda,
habang ang tuwiran naman ay direktang sinasabi ng may-akda ang kaniyang
pananaw sa tiyak na karanasan.

Galugarin

Maraming salamat mahal kong mag-aaral, dahil tunay mong pinaglaanan ng


oras at sigasig na basahin at unawain ang ating talakayan kaugnay ng Tekstong
Naratibo. Ngayon ay hinihikayat kitang ipamalas ang lawak ng iyong naunawaan sa
pamamagitan ng pagtugon sa iba’t ibang Gawain. Pagpalain ka.

Gawain 2: Sa Aking Intindi


Panuto:Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang Tekstong Naratibo bilang isang
anyo ng sining at sanggunian ng isang partikular na kaisipan. Buoin ang
pagpapakahulugan ng naaayon sa iyong sariling pananalita at pagkaunawa
sa naunang talakayan. Isulat ang tugon sa iyong sagutang papel.

Ang tekstong Naratibo ay…

6 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
Gawain 3: Pagsusuri ng Tekstong Nagsasalaysay
Panuto:Suriin ang isang tekstong pinamagatang “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual
gamit ang mga elemento ng narasyon na dapat taglayin ng isang mahusay
na tekstong naratibo. Nasa ibaba ng teksto ang mga hahanaping elemento.
Itala ang iyong mga tugon sa iyong sagutang papel.

Ang Kalupi
ni Benjamin Pascual

Mataas na ang araw nang lumabas si Aling Marta sa bakuran ng kanilang


maliit na barong-barong. Maaliwalas ang kaniyang mukha: sa kaniyang lubog na
mga mata na bahagyang pinapagdilim ng kaniyang malalagong kilay ay nakakintal
ang kagandahan ng kaaya-ayang umaga. Araw ng pagtatapos ng kaniyang anak
na dalaga; sa gabing iyon ay tatanggapin nito ang diploma bilang katunayang
natapos niya ang anim na taong inilagi sa elementarya. Ang sandaling
pinakahihintay niya sa mahaba-haba rin namang panahon ng pag-aaral ay
dumating na.
Mamimili si Aling Marta, bitbit ng isang kamay ang isang sisidlan ng
kaniyang pamimilhing uulamin. Habang nasa daan ay mataman niyang iniisip
ang mga bagay na kaniyang pamimilhin. Hindi pangkaraniwang araw ito at
kailangang magkaroon silang maganak ng hindi pangkaraniwang pananghalian.
Bibili siya ng isang matabang manok, isang kilong baboy, gulay na panahog at
dalawang piling saging.
Mag-iikasiyam na nang dumating siya at ang palengke ay siksikan. Nang
dumating siya sa gitnang pasilyo at umakmang hahakbang papasok, ay siyang
paglabas ng humahangos na batang lalaki, at ang kanilang pagbabangga ay
muntik na niyang ikabuwal. Ang siko ng bata ay tumama sa kaniyang dibdib. “Ano
ka ba?” bulyaw ni Aling Marta. “Kaysikip na ng daraanan ay patakbo ka pa kung
lumabas!”
Ang bata ay nakapantalon ng maruming maong at nakasuot ng libaging
kamiseta, punit mula sa balikat hanggang pusod, na ikinalitaw ng kaniyang
butuhan at maruming dibdib. Natiyak ni Aling Marta na ang bata ay anak-
mahirap.
“Pasensya na kayo, Ale” ang sabi ng bata. Hawak nito ang isang maliit na
bangus. Ang bata ay takot na nakatingin sa kaniya. “Hindi ko ho sinasadya.
Nagmamadali ho ako, e.”
“Pasensya!” – sabi ni Aling Marta. “Kung lahat ng kawalang-ingat mo’y
pagpapasensyahan nang pagpapasensyahan ay makakapatay ka ng tao.” Marahas
ang kaniyang pagkakapagsalita sa bata. Agad siyang tumalikod at tuloy-tuloy na
pumasok. Dumating siya sa tindahan ng mga tuyong paninda at bumili ng ilang
kartong mantika. Pagkaraan ay dumukot sa bulsa upang magbayad. Saglit na
nangulimlim ang kaniyang mukha ng wala ang kaniyang kalupi. Napansin ng
kaharap ang kaniyang anyo.

“Bakit ho?” ang sabi ng tindera.


“E... e, nawawala ho ang aking pitaka”, sagot ni Aling Marta.
“Naku, e magkano ho naman ang laman?” ang muling tanong ng tindera.
“E, sandaan at sampung piso ho”, tugon ni Aling Marta.

Nanatili siya sa pagkakatayo nang ilang saglit, nag-iisip ng mga nakaraang


pangyayari. Maya-maya ay parang kidlat na gumuhit sa kaniyang alaala ang
gusgusing batang kaniyang nakabangga. Dali-dali siyang tumalikod at patakbong
hinanap ang bata. Sa labas, sa harap ng palengke ay nakatayo ang bata sa harap

7 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
ng isang bilao ng kangkong. Maliksi siyang lumapit at binatak ang bata sa leeg.
“Nakita rin kita!” ang sabi niyang humihingal. “Ikaw ang dumukot sa pitaka ko
ano? Huwag kang magkakaila!” Tiyakan ang kaniyang pagkakasalita ngunit ang
bata ay mahinahong sumagot: “Ano hong pitaka? Wala ho akong kinukuha sa
inyong pitaka.”
“Anong wala!” pasinghal na sabi ni Aling Marta. “Ikaw nga ang dumukot ng
pitaka ko at wala ng iba. Kunwari pa’y binangga mo ‘ko kanina, ano ha? Magaling,
magaling ang sistema ninyong iyan. Kikita nga kayo rito sa palengke!”
Marami nang nakapaligid sa kanila, mga batang nagtitinda, lalaki at
babaeng namimili. Hinigpitan ni Aling Marta ang pagkakahawak sa leeg ng bata
at ito’y pilit na iniharap sa karamihan.
“Halika, sumama ka sa akin”, pautos na sabi ni Aling Marta.
“Bakit ho, saan ninyo ako dadalhin?”
“Saan sa akala mo?” sabi ni Aling Marta at pinisil ang leeg ng bata. “Ibibigay
kita sa pulis. Ipabibilanggo kita kapag ‘di mo inilabas ang dinukot mo sa akin.”
Pilit na nagwawala ang bata; ipinamulsa niya na ang hawak na bangus
upang dalawahing-kamay ang pag-alis ng mga daliri ni Aling Marta sa
pagkakasakal sa kaniyang leeg. May luha nang nakapinta sa kaniyang mga mata
at ang uhog at laway ay sabay na umaagos sa kaniyang leeg. Buhat sa likuran ng
mga manonood ay lumapit ang isang pulis na tanod at sinimulan ni Aling Marta
ang pagsusumbong.
Tiningnang matagal ng pulis ang bata – ang maruming saplot nito at ang
nagmamapa sa duming katawan, pagkatapos ay sinimulan na siyang kapkapan.
Tuluyan ng umiyak ang bata. Sa bulsa nito ay lumabas ang isang maruming
panyolito na basa ng uhog, diyes sentimos at ang mga tigbebenteng bangus.
“Natitiyak ho ba ninyong siya ang dumukot ng inyong pitaka?” ang tanong
ng pulis kay Aling Marta.
“Siya ho at wala ng iba,” ang sagot ni Aling Marta.
“Saan mo dinala ang dinukot mo sa aleng ito?” mabalasik na tanong ng
pulis sa bata. “Magsabi ka ng totoo, kung hindi ay dadalhin kita...”
“Wala ho akong dinukot na maski ano sa kaniya, “sisiguk-sigok na sagot ng
bata. “Maski kapkapan ninyo ako nang kapkapan e wala kayong makukuha sa
akin. Hindi ho ako mandurukot.”
“Maski kapkapan!” sabad ni Aling Marta. “Ano pa ang kakapkapin namin
sa iyo kung ang pitaka ko e naipasa mo na sa kapwa mo mandurukot! Naku, ang
mabuti po yata, mamang pulis, e ituloy na natin iyan sa kulungan. Baka roon
matakot iyan at magsabi ng totoo.
Tumayo ang pulis, “Hindi po natin madadala ito ng walang ebidensya.
Kinakailangang kahit papaano’y magkaroon tayo ng maihaharap na katibayang
siya nga ang dumukot ng iyong pera. Papaano po kung hindi siya?”
“E, ano pang ebidensya ang hinahanap mo? Sinabi nang binangga akong
sadya, at naramdaman ko ang kaniyang kamay sa aking bulsa. Ano pa?”, ang sabi
ni Aling Marta. Sa bata nakatingin ang pulis na wari’y nag-iisip ng dapat niyang
gawin, maya-maya’y dumukot siya ng lapis at isang maliit na kuwaderno sa
kaniyang bulsa.
“Ano ang pangalan mo?”, ang tanong niya sa bata.
“Andres Reyes po.”
“Saan ka nakatira?”, Ang muling tanong ng pulis. Lumingon ang bata sa
kaniyang paligid, inisa-isa ang mga mukhang nakatingin sa kaniya. “Wala po
kaming bahay,” ang sagot. “Ang tatay ko po e may sakit at kami po, kung minsan,
ay sa bahay ng Tiyang Ines ko nakatira. Pero hindi ko po alam ang kalye at
numero ng bahay dahil sa noong makalawa lang kami lumipat at saka hndi po
ako

8 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
marunong bumasa e. Inutusan nga lang po niya akong bumili ng ulam para
mamayang tanghali.”
Lumalaon ay dumarami na ang tao sa kanilang paligid. “Ang mabuti po yata
e dalhin na natin iyan kung dadalhin”, ang sabi ni Aling Marta.
“Pinagkakaguluhan lamang yata tayo ng mga tao rito ay wala namang nangyayari.
Kung hindi mo naman kaya ay sabihin mo lang at tatawag ako ng ibang pulis.”
“Hirap sa inyo ay sabad kayo ng sabad!” sabi ng pulis. “Buweno, kung gusto
mong dalhin ngayon din ang batang ito, pati kayo ay sasama sa akin. Doon sabihin
mo ang gusto mong sabihin at doon mo gawin ang gusto mong gawin.” Inakbayan
niya ang bata at sa harap ng outpost huminto ang pulis.
“Maghintay kayo rito sandali at tatawag lang ako sa kuwartel para pahalili”,
ang sabi ng pulis. Tanghali na; ilan-ilan na lamang ang nakikita niyang
pumapasok sa palengke. Iniisip niya kung ilang oras pa ang kinakailangan niyang
ipaghintay bago siya makauwi. Naalala niya ang kaniyang anak na dalagang
magtatapos at ang kaniyang asawa na naiinip na sa paghihintay. Sumiklab ang
kaniyang poot at biglang hinawakan ang bata sa isang bisig, at sa pagdidilim ng
kaniyang paningin ay pabalinghat niyang pinilit sa likod nito. Napahiyaw ang bata
sa sakit; ang bisig nito ay halos napaabot ni Aling Marta sa kaniyang balikat sa
likod. Ang kaliwang kamay ni Aling Marta ay pakabig na nakapaikot sa baba ng
bata at nang mailapit sa kaniyang bibig ay buong panggigigil na kinagat.
Hindi niya gustong tumakbo, halos mabali ang kaniyang siko; ang nais
lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta. Humanap siya ng
malulusutan at nang makakita ay walang lingon-lingon na tumakbo patungo sa
ibayo nang maluwag na daan. Bahagya niyang narinig ang sigaw ni Aling Marta
at ang sumunod na tilian ng mga babae; bahagya ng umabot sa kaniyang pandinig
ang malakas na busina ng ilang humahagibis na sasakyan. Sa ilang sandali ay
nagdilim sa kaniya ang buong paligid at sa pagmulat muli ng kaniyang paningin
ay wala siyang nakita kundi ang kaniyang lupaypay at duguang katawan.
Hindi umimik si Aling Marta habang minamasdan ang bata. Malamig na
pawis ang gumigiti sa kaniyang noo at ang tuhod niya ay parang nangangalog.
Ang kalahati ng katawan ng bata, sa dakong ibaba, ay natatakpan ng diyaryo at
ang gulanit niyang kasuotan ay tuluyan ng nawala sa kaniyang katawan.
Makailang sandali pa, pagdating ng pulis ay pamuling nagmulat ang bata ng
paningin at ang mga mata ay nakatitig sa maputlang mukha ni Aling Marta.
“Maski kapkapan ninyo ako, e, wala kayong makukuha sa akin,” ang
sabing paputol-putol na nilalabasan ng dugo sa ilong. “Hindi ko kinuha ang inyong
pitaka.” Ilang sandali pa ay lumungayngay ang ulo nito at nang pulsuhan ng isang
naroroon ay marahan itong napailing. Patay na ang bata.
“Patay na ang dumukot ng pera ninyo,” ang sabi ng pulis kay Aling Marta.
“Siguro’y matutuwa na kayo niyan.”
“Sa palagay kaya ninyo e may sasagutin ako sa nangyari?” ang tanong ni
Aling Marta.
“Wala naman, sa palagay ko”, ang sagot ng pulis. “Kung may mananagot
diyan ay walang iba kundi ang pobreng tsuper. Wala rin kayong sasagutin sa
pagpapalibing. Tsuper na rin ang mananagot niyan.”
Umalis si Aling Marta na tuwid ang tinging lumalayo sa karamihan. Para
pa siyang nanghihina at magulong-magulo ang kaniyang isipan. Biglang naalala
niya ang kaniyang anak na ga-graduate, ang ulam na dapat niyang iuwi na, at ang
nananalim, nangungutyang mga mata ng kaniyang asawa sa sandaling malaman
nito ang pagkawala ng pera.
Katakot-takot na gulo at kahihiyan, sa loob-loob ni Aling Marta, at hindi
sinasadya ay muling bumaling sa bangkay ng bata na natatakpan ng diyaryo, na

9 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
siyang pinagmulan ng lahat. “Kung hindi sana sa tinamaan ng lintik na iyon
ay hindi ako masusuot sa suliraning ito”, usal niya sa sarili. “Mabuti nga sa
kaniya!” Kinakailangan niyang kumilos, umisip ng paraan. Kinakailangang
kahit papaano’y makapag-uwi siya ng ulam sa pananghalian kaya nangutang
siya ng
pera sa tindahan ni Aling Gondang.
Tanghali na nang siya ay umuwi. Sa daan pa lamang ay natanaw na niya
ang kaniyang anak na dalaga na nakapamintana sa kanilang barong-barong.
Nakangiti ito at siya ay minasdan, ngunit nang malapit na siya at nakita ang dala
ay napangunot-noo, lumingon sa loob ng kabahayan at may tinawag. Sumungaw
ang payat na mukha ng kaniyang asawa.
“Saan ka kumuha ng ipinamili mo niyan, Nanay?” ang sabi ng kaniyang
anak na ga-graduate. “E... e,” hindi magkandatutong sagot ni Aling Marta.
“Saan pa kundi sa aking pitaka.” Nagkatinginan ang mag-ama.
“Ngunit, Marta,” ang sabi ng kaniyang asawa.
“Ang pitaka mo e naiwan mo! Kaninang bago ka umalis ay kinuha ko
iyon sa bulsa ng iyong bestidang nakasabit at kumuha ako ng pambili ng tabako,
pero nakalimutan kong isauli. “Saan ka ba kumuha ng ipinamili mo niyan?”
Biglang-bigla, nagbalik sa gunita ni Aling Marta ang larawan ng isang
batang payat, duguan ang katawan at natatakpan ng diyaryo, at para niyang
narinig ang mahina at gumagaralgal na tinig nito: “Maski kapkapan ninyo ako, e
wala kayong makukuha sa akin.” Saglit siyang natigilan sa pagpanhik sa
hagdanan; para siyang pinangangapusan ng hininga at sa palagay ba niya ay
umiikot ang buong paligid; at bago siya tuluyang mawalan ng ulirat ay wala
siyang narinig kundi ang papanaog na yabag ng kaniyang asawa’t anak, at ang
Pagsusuri ng Tekstong Ang Kalupi alinsunod sa mga
elemento ng Tekstong Naratibo

1. Paksa

2. Estruktura

3. Oryentasyon

4. Pamamaraan ng Narasyon

5. Komplikasyon / Tunggalian

6. Resolusyon

10 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
Gawain 4: Magsuri Bago Mangatuwiran
Panuto:Muling isailalim sa pagsusuri ang tekstong “Ang Kalupi” gamit ang mga
gabay na tanong na inilahad sa bawat bilang. Isulat ang iyong mga tugon sa
hiwalay na sagutang papel.

1. Maituturing bang isang Creative Non-fiction (CNF) ang teksto? Bakit Oo?
Bakit Hindi?

2. Ilarawan ang paraan pagkukuwento ng tagapagkuwento sa loob ng teksto.

3. Mayroon bang dapat baguhin sa naging daloy ng narasyon ng teksto kung


pagbabatayan ang pamantayan ng isang CNF? Kung Oo, ano iyon? Kung wala,
Bakit?

Palalimin

Gawain 5: Pagsulat ng Tekstong Naratibo


Panuto:Pumili ng isa sa dalawang gawain sa ibaba at isakatuparan ito ayon sa
tuntunin nito. Isaalang-alang ang magiging batayan ng guro sa pagmamarka
sa alin mang gawain bago ito tupdin.

1. Pagsulat ng Creative Non-Fiction (CNF)


Sumulat ng sariling CNF sa iyong sagutang papel o kaya’t ilathala ito
bilang isang Facebook post. Gawing pampubliko ang post na ito, at kapag
nailathala na ay ibigay ang link sa guro. Ayusin ang CNF batay sa magiging
komento ng mga nakabasa nito. Maaaring maikling kuwento, anekdota,
alamat o iba pang genre ang iyong gagawin. Malaya ka rin sa paksang iyong
pipiliin.

Tatayahin ang CNF batay sa sumusunod na batayan.

Kaukulang
Batayan ng Grado Grado
Puntos
Makabuluhan at makahulugan ang paksang napili. 5
Malalim ang pananaliksik upang ipakita ang
5
makatotohanang kontekstuwalisasyon ng akda.
Mabigat at matalas ang insight o pananaw ng akda at
5
mahusay ang paglalahad nito.
Maayos ang daloy at pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi 5
Kabuoan: 20

11 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
2. Malikhaing Pagkukuwento ng Panitikang Pambata
Pumili ng kuwentong pambata. Ikuwento nang malikhain ang napili
habang ibinividyo ang ginagawa at i-send sa guro ang natapos na awtput.

Tatayahin ang iyong pagkukuwento batay sa sumusunod na batayan.

Kaukulang
Batayan ng Grado Grado
Puntos
Malikhain at nakapupukaw ng interes ang 5
Makabuluhan ang paksa ng kuwentong pambata. 5
Masigla at interaktibo ang pagkukuwento ng
5
panitikang pambata.
Naisagawa nang maayos at sistematiko ang
5
buong aktibidad.
Kabuoan: 20

Lubos na Mahusay! Binabati kita sa matiyaga mong pagsama sa pagtalakay sa mga aralin. Mar

12 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
Sanggunian
De Laza. C.S et al (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Manila City: Rex Book Store, Inc.

Marquez, Servillano Jr. (2017). Pagbasa at Pagsusuri ng iba’t Ibang Teksto Tungo sa
Pananaliksik. Quezon City, Philippines: SIBS Publishing House

Mga kuwentong Creative Non-Fiction. Retrieved. July 23, 2020 from


https://kwentonikat.wordpress.com/category/creative-non-fiction/

Ang maikling kuwentong ang kalupi. Retrived. July 23, 2020 from http://markjan-
markjan.blogspot.com/2009/03/ang-kalupi-maikling-kwento-ni-benjamin.html

13 LU_Q3_Pagbasa at Pagsusuri_Module5
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO La Union Curriculum Implementation Division Learning Resource Man
Flores St. Catbangen, City of San Fernando, La Union 2500 Telefax: 072-205-0046
Email Address:

14

You might also like