You are on page 1of 18

Reflection: Demand

Sa aking natutunan sa araling ito, ang demand ay


ang dami ng produkto na gusto at kayang bilhin ng
isang tao o mamimili na may iba’t ibang presyo sa
isang takdang panahon. Ang presyong ito ay may
malaking epekto sa pagtatakda ng demand sa mga
mamimili. Ang presyo at demand ay hindi maaaring
paghiwalayin, dapat ito ay laging magkaugnay. Kung
mababa ang presyo, mataas ang demand sa
produkto. Kung mataas naman ang presyo, mababa
ang demand sa isang produkto. Meron ring paraan
kung paano makuha ang demand. Ang Demand
Schedule, demand curve, at demand function.
Magagamit ko ang aking mga natutunan sa araling
ito sa matalinong pagpapasya at pagnenegosyo at sa
susunod pa na taon.

Reflection: Elastisidad ng Demand

Dito ko sa araling ito natutunan kung paano


masukat at kung gaano ang pagtugon ng demand ng
tao sa isang produkto sa tuwing babago ang presyo.
May limang uri ng elastisidad, ito ang, Elastic,
Inelastic, Unitary, Perfectly Elastic, Perfectly Inelastic.
Magagamit natin ito kung may negosyo tayo,
malalaman natin kung gaano karami ang bibili sa
produktong ito kung ganito ang presyo. Dito din natin
malalaman kung tataas tayo ng presyo o hindi.
Natutunan kong maiuugnay ang tugon ng mga
mamimili sa pagbabago-bagong presyo ng mga
produkto.

Reflection: Supply

Natutunan ko na ang supply ay ang mga


pinoprodyus ng prodyuser. Ang prdyuser ang may
kapangyarihan kung magpoprodyus ba sila ng
produkto. Kung tataas naman ang presyo ay mas
dadamihin nila ang kanilang mga produkto at kung
mababa naman ang presyo ay kaunti lang ang
kanilang gagawin na produkto. Sa madaling salita,
kung mataas ang presyo, mataas ang supply, kung
mababa ang presyo, mababa rin ang supply.
Magagamit din dito ang supply schedule, supply
curve, at supply function. Magkapareha sila ng
demand ng equation. Natutunan kong maging wais
sa pagpapasya sa pagtugon sa pagbabago ng salik
na nakaaapekto sa supply.

Reflection: Elastisidad ng Supply

Magkapareha lang ito sa nakaraang aralin, ang


elastisidad ng demand. Kailangan ng mga prodyuser
ang araling ito upang malaman nila kung gaano
karami ang kanilang maiprodyus sa ganitong presyo.
Nakakatulong ito sa wastong pagtugon sa pagbabago
ng presyo sa mga prodyuser upang masukat nila ang
kanilang pagtugon sa presyo at kung paano sila
makakita ng malaki.
Reflection: Interaksyon ng Demand
at Supply

Dito natin malalaman ang pagtugon ng prodyuser


at konsyumer sa presyo ng isang produkto. Dito ko
nakilala ang ekwilibriyo. Magkakaroon ng ekwilibriyo
kung pantay ang demand at supply. Nasisiyahan ang
mga konsyumer at prodyuser kung magkakaroon
ekwilibriyo dahil makukuha ng mamimili ang kanilang
nais at makapagbebenta naman ang prodyuser.
Magkakaroon ng shortage kung mas mataas ang
demand kaysa sa supply. Magkakaroon naman ng
surplus kung mas mataas ang supply kaysa sa
demand. Magagamit natin to sa mga negosyo dahil
dito malalaman kung kulang ang supply ng produkto
at kung sobra ito. Dahil sa araling ito, naisusuri ko na
ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at
dami ng produkto.
Reflection: Ang Pamilihan at Ang
Estruktura nito

Dito ko naman nalaman ang totoong kahulugan


ng pamilihan. Ang pamilihan ay isang bahagi ng
buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang
nagsisilbing lugar upang makamit ng konsyumer at
prodyuser ang kanilang misyon. Dito ko rin nalaman
ang kahalagahan ng pamilihan sa pagtugon sa araw-
araw na pangangailangan ng tao. Dito ko rin nasuri
ang iba’t ibang estruktura ng pamilihan na
tumutugon sa maraming pangangailangan ng tao.
Ang estruktura ng pamilihan ay Perfectly Competitive
Market, Imperfectly Competitive Market.
Reflection: Ang Pamilihan at Ang
Estruktura nito

Dito ko naman nalaman ang totoong kahulugan


ng pamilihan. Ang pamilihan ay isang bahagi ng
buhay ng prodyuser at konsyumer. Ito ang
nagsisilbing lugar upang makamit ng konsyumer at
prodyuser ang kanilang misyon. Dito ko rin nalaman
ang kahalagahan ng pamilihan sa pagtugon sa araw-
araw na pangangailangan ng tao. Dito ko rin nasuri
ang iba’t ibang estruktura ng pamilihan na
tumutugon sa maraming pangangailangan ng tao.
Ang estruktura ng pamilihan ay Perfectly Competitive
Market, Imperfectly Competitive Market.
Portfolio in
Araling
Panlipunan
EKONOMIKS

Reflection: Ugnayan ng Pamilihan


at Pamahalaan

Ang pamahalaan ay isang mahalagang institusyon sa


ating bansa. Kailangan din ng pamilihan ang pamahalaan
dahil nakakaranas din ng pagkabigo ang pamilihan dahil sa
ibang konsyumer at prodyuser. Maiiugnay din ang
pamilihan at pamahalaan dahil sa pamahalaan
nagpapasakop ang mga pamilihan. Nagbabayad sila ng
buwis sa kahilang itinatayo at isinasagawang mga
negosyo. Kaya parehas na nakikinabang ang dalawang
magkaibang ito. Nagpapatupad ng batas ang pamahalaan
upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante
sa labis na pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang
mga produkto. Dito ko napapangatwiranan ang pakikialam
ng pamahalaan sa pamilihan upang maprotektahan ang
konsyumer laban sa madayang prodyuser.

Ipinasa ni:
Gener E. Tagalog
9-Estrebilla
Ipinasa kay:
Teacher Johanna
Estrebilla

ANG AKING
MGA
REPLEKSYON
ANG AKING
MGA
GAWAIN
Reflection: Paikot na Daloy ng
Ekonomiya

Natutunan ko sa araling ito kung paano


mailalarawan ang paikot na daloy ng ekonomiya,
natataya ang bahaging ginampanan ng mga
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya, at
nasusuri ang ugnayan sa isa’t isa ng mga bahaging
bumubuo sa paikot na daloy ng ekonomiya. Sa
artaling ito, may iba’t ibang ginampanan ang mga
sektor. Magkakalayo at magkakaiba man ang mga
sektor mula sa usaping pang-ekonomiks, malaki ang
kaugnayan ng iba’t ibang sektor na ito sa ekonomiya.
Nagkakaroon ng ugnayan ang mga sektor dahil sa
natural na epekto ng ekonomiya sa ating bansa.
Dagdag pa rito, nakapaloob ang halos buong lipunan
at lahat ng sektor sa normal na daloy ng pag-ikot ng
ekonomiya.

Reflection: Pambansang Kita


Sa araling ito, natutunan kong masuri ang
produkto ng ating bansa bilang panukat ng
kakayahan ng isang ekonomiya kung mataas o
mababa ang performance ng ating ekonomiya. Dito
ko nakilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng
pambansang produkto. Dito ko din nalaman na
mahalaga na masuri natin ang pambansang kita ng
ating bansa dahil magamit natin ito upang makabuo
ng patakarang makakaangat sa ating ekonomiya.
Dahil sa araling ito, mailalahad ko ang mga salik na
nakaaapekto sa pambansang kita at pambansang
produkto. Sa pamamgitan ng araling ito, malalaman
natin kung tayo ay umuunlad, kung ang bansa ba
natin ay umuunlad para makasabay tayo sa ibang
bansa dito sa mundo.

Reflection: Ugnayan ng
Pangkalahatang Kita, Pag-iimpok at
Pagkonsumo

Dito ko nalaman na magkaugnay ang kita sa


pagkonsumo at pag-iimpok. Ito ang ating ginagawa
sa ating pera araw-araw. Natutunan kong bilhin
lamang ang mga pangangailangan at iimpok ang
sobrang pera dahil magamit din ito sa susunod.
Magkaiba ang kita, pag-impok, at pagkonsumo
ngunit magkaugnay sila. Ang kita ay yung halaga na
ibinibigay saiyo kapalit ng produkto at serbisyo. Ang
pag iimpok ay ito yung mahalagang gawain para sa
daloy ng ekonomiya, at ang pagkonsumo ay yung
gawain ng pagbili ng mga kinakailangan. Dito ko
nalaman an mahalaga ang pag-iimpok.

Reflection: Implasyon

Dahil sa araling ito, natutunan kong masuri ang


palatandaan ng implasyon, natataya ang mga
dahilan sa pagkakaroon ng implasyon, nasusuri ang
iba’t ibang epekto ng implasyon. May mga dahilan at
epekto ang implasyon. Ang epekto ay maaring
Mabuti o di-mabuti. May mga uri rin ang implasyon.
Dahil din dito, may kamalayan na ako tungkol dito at
makakalahok na ako nang aktibo sa paglutas ng mga
suliranin kaugnay ng implasyon.
Reflection: Patakarang Piskal

Sa araling ito, maipapaliwanag ko ang layunin ng


patakarang piskal. Ito ay ang pagkontrol ng
pamahalaan sa ekonomiya upang maging matatag
ang pambansang ekonomiya sa pamamagitan ng
paghahanda ng badyet, pangungulekta ng buwis, at
paggamit ng pondo. At dahil dito, napahahalagahan
ko ang papel ng pamahalaan kaugnay ng mga
patakarang piskal na ipinatutupad nito. Masusuri ko
din ang badyet at kalakaran ng paggasta ng
pamahalaan. Nalaman ko sa araling ito ang
responsibilidad ko na wastong pagbabayad ng buwis.
Nalaman ko ang epekto ng patakarang piskal sa
katatagan ng pambansang ekonomiya dahil sa
araling ito.
.
Reflection: Patakarang Pananalapi

Natutunan ko sa araling ito kung paano


maipaliliwanag ang layunin ng patakarang
pananalapi. Dahil din sa araling ito, masusuri ko ang
paraan at patakaran ng Bangko Sentral ng Pilipinas
upang mapatatag ang kahalagahan ng salapi. Ito ang
pagmamanipula at pamamahala ng salapi sa
ekonomiya. Ito ang ginagamit upang mapatatatag
ang pambansang ekonomiya, inaasahan na
maiimpluwensiyahan ng salapi ang produksiyon at
ang pangkalahatang pagbabago ng presyo. Tuon nito
na maitakda ang dami ng salapi sa sirkulasyon ng
ekonomiya. Hamon nito ang mapatatag ang mga
institusyong pinansyal. Dito ko nalaman ang
konsepto nito, at ang mga bumubuo na sektor ng
pananalapi.
Unang
Markahan
Pangalawang
Markahan
Pangatlong
Markahan

You might also like