You are on page 1of 31

KOREA

PABULA

ANG HATOL NG KUNEHO

Salin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap ng pagkain sa
gubat. Sa kanyang paglillibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na sinubukan ng tigre ang
makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng tulong subalit walang
nakarinig sa kanya.

Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na gutom at
hapung-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kanyang kamatayan.
Walang anu-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad na tumayo. “tulong! Tulong!”
muli siyang sumigaw.

“Ah! Isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.

“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.” Kung tutulungan mo ako, hindi kita
makalilimutan habambuhay.”

Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan subalit
nangangamba ako sa maaaring mangyari. “Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay.” wika ng lalaki
at nagpatuloy sa paglalakad.

“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako hindi kita
sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong malaking utang na
loob!”

Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito. Nakahanap siya ng troso at
dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “Gumapang ka rito,” sabi ng lalaki.

Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong sa kanya.
Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.

“Sandali!” hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng pagpapasalamat at
pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.

Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang araw!” tugon ng
tigre.

“Sandali! Sandali!” Ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang kainin mo ako.”

“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na gutom na ako.”

Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.

“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “Bakit ang mga dahon at sanga
namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong pagkain? Mga taon ang
ibinibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo kami. Ginagamit ninyo kami sa
pagtatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan. At isa pa, tao rin ang humukay ng
butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang mag dalawang isip, Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.”

“O, anong masasabi mo doon?” Tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki.

Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka, “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang baka
sa kanyang hatol.”

Sumang-ayon ang tigre at ipnaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng baka.

“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre, “dapat mo siyang kainin!
Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming mga baka ang nagbubuhat
ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim sila. Subalit, ano ang ginagawa nila
kapag kami ay tumanda na...pinapatay kami at ginagawang pagkain! Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa
ng kung anu-anong bagay. Kaya huwag mo akong tanungin tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na
ang taong iyan.”

“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!” Wika ng tigre
habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.

Alam na ng lalaki na ito na nga ang kanyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-luksong kuneho.

“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.

“Ano na naman!” singhal ng tigre.

“Pakiusap bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa kanyang hatol kung
dapat mo ba akong kainin.”

Ah! Walang kuwenta! Alam mo ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng baka.”

“Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.

“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.

Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari, matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang kanyang mga mata at
ipinagalaw ang kanyang mahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang idinilat ang kanyang mga
mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko ang iyong isinalaysay. Subalit kung
ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong
isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan patungo doon,” wika ng kuneho.

Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw naman ay
nakatayo dito sa itaas,” wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “ pumunta kayo sa mga posisyon ninyo noon, upang
mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”

Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang makain na
niya ang tao. “Ah! Ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw , tigre ay nahulog sa hukay at hindi makaahon. Ikaw
naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon maaari na akong
magbigay ng hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng makalabas sa hukay,”
paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay hindi nagpakita ng kabutihan at
iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na magpatuloy ang tao sa kanyang
paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga sa inyong dalawa! Wika ng matalinong
kuneho at nagpatuloy sa kanyang paglukso.

NAGKAMALI NG UTOS

Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang prinsesang tutubi. Siya’y bugtong na anak nina
Haring Tubino at Reyna Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila.
Sinasabing ipaglalaban ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.

Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang kanyang
mga piling dama at mga tagasubaybay na mangyari pa ay pawang mga tutubi rin.

Isang araw, naisipan niyang lumipad patungo sa labas ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig sa
labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa kanyang mga dama at tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang
malawak na papawirin.

Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kanyang paglipad. Wiling-wili siya sa lahat ng
kanyang nakikita. Totoong nalibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya napansin ang pamumuo ng maiitim na ulap
sa papawirin.
Huli na nang ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man siyang lumipad pabalik sa kaharian ay inabutan din
siya ng malakas na ulan.

“Titigil muna ako sa punong kahoy na ito.” Ang sabi sa sarili ng prinsesa.

Ngunit sa punong kahoy pala namang iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang nakasilong na
tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing. Hindi lamang iyon.
Pinagtawanan pa nila ang prinsesa

“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kanyang tuhod ang kanyang mga mata,” ang malakas na sabi ng isa.
Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.

Sa laki ng galit ni Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punong kahoy na iyon at lumipad pauwi sa
palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kanyang amang hari. Kanyang isinumbong kay HaringTubino ang mga
matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang hari ng isang kawal.

“Pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong dahil sa ginawa nila
sa aking anak na prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa isang labanan.”

Mabilis na lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga matsing ay walang paligoy-ligoy
niyang sinabi ang kanyang pakay, malakas na tawanan ng mga matsing ang naging sagot sa pahayag ng kawal na
tutubi.

“Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha!” muling nagtawanan ang mga matsing. “Nakakatawa, ngunit
pagbibigyan naming ang iyong hari,” ang sabi ng pinuno. “ang mga matsing laban sa tutubi!” nagtawanan muli
ang mga matsing.

“Kailan at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.

“Bukas ng umaga sa gitna ng parang! Ang tugon ng kawal.

“Magaling ! Bukas ng umaga sa gitna ng parang, kung gayon, ang masiglang pag-ulit ng matsing sa sinabi ng
tutubi.

Bumalik sa kanilang kaharian ang kawal na tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang naging katugunan ng mga
matsing.

Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga matsing. Anong daming matsing. Waring
ang buong kamatsingan ay naroroon at pawang sandatahan. Bawat isa ay may dalang putol na kahoy na
pamukpok.

Nasa kabilang panig naman ng parang ang makapal na hukbo ng mga manllilipad na tutubi.

“kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring matsing.

Sa kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kanyang utos. “Dapat nating ipaghiganti
ang kaapihan ng Prinsesa Tubina. Kailangang magbayad ang mga matsing. Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag
may panganib ay dagling lumipad,” ang malinaw at marahan niyang utos.

Nagsalubong sa gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubi at ang hukbo ng sandatahang matsing. Buong-buo
ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang pamukpok. Matatapang din namang
sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais nilang ipaghiganti ang kaapihan ng prinsesa at ng buong
kahariang Matutubina.

Nagsimula ang labanan. Dapo at lipad, dapo at lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon naman ang mga
matsing. Kung tatanawin buhat sa malayo ang labanan, ay wari bang matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno
ng mga matsing pangyayari. Nagkamali siya ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kanyang mga kawal
darapo ang maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang lahat. Isang kawal na
matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng pinunong matsing. Kaya’t nang matapos ang labanan ay
nakabulagtang lahat ang mga matsing. Samantala walang sinumang tinamaan sa mga mabibilis umiwas at
lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong kahariang Matutubina.
Ang Sutil na Palaka

Isinalin ni Teresita F. Laxima


Mula sa orihinal na ‘The Green F rog’ isang pabulang Koreano

Noong unang panahon, may isang berdeng palaka na naninirahan sa isang lawa kasama ang inang palaka na
isang biyuda.

May pagkasutil ang berdeng palaka. Hindi niya sinusunod ang mga pangaral ng ina. Kapag may sinabi ang inang
palaka, kabaligtaran ang ginagawa ng berdeng palaka. Kapag sinabi ng ina na sa bundok siya maglaro, sa sapa
naman siya maglalaro. Kapag sinabi ng ina na umakyat, bababa naman siya. Kapag sinabi ng ina na sa kanan, sa
kaliwa siya pupunta.

Lubhang nababahala ang Inang Palaka sa pagiging sutil ng berdeng palaka. Lagi na lamang kahihiyan ang
ibinibigay ng berdeng palaka sa ina.

“Bakit hindi siya tumulad sa ibang batang palaka na magalang at masunurin” Himutok ng Inang Palaka.

“Ano na ang mangyayari sa kaniya kapag ako’y nawala na? Matanda na ako at ano mang oras ay maaari akong
mamatay? Kailangang gumawa ako ng paraan upang maputol na ang pagiging sutil niya,” sunod-sunod na nausal
ng ina sa sarili.

Araw-araw ay pinangangaralan ng Inang Palaka ang berdeng palaka tungkol sa kabutihang-asal subalit patuloy
na binabale-wala ng berdeng palaka ang pangaral ng Inang Palaka. Nagpatuloy pa rin ang berdeng palaka sa
pagiging sutil.

Hanggang sa dumating ang panahon na naramdaman ng Inang Palaka na siya’y mamamatay na. Tinawag niya sa
kaniyang tabi ang berdeng palaka at kinausap ito ng masinsinan. Ibig ng Inang Palaka na mailibing siya nang
maayos sa bundok. At dahil sa alam niya ang ugali ng berdeng palaka na kabaligtaran ng kaniyang bilin ang
gagawin nito, pinili ng Inang Palaka ang mga salitang gagamitin niya sa pagkausap dito. Hindi niya sinabi sa
berdeng palaka ang totoong nais niyang mangyari. Sa halip, iniba niya ang bilin sa berdeng palaka.

“Kapag namatay na ako, ilibinga mo ako sa sapa, huwag mo akong iibing sa bundok,” sunod-sunod na bilin ng ina
sa berdeng palaka.

Nakikinig nang buong kapanglawan ang berdeng palaka sa ina habang ito’y nakayuko.

“Ipinangangako ko ina, gagawin ko ang bilin mo.” Paniniyak ng berdeng palaka sa ina.

Pagkaraan ng apat na araw namatay ang Inang Palaka. Ganoon na lamang ang pagsisisi ng berdeng palaka. Alam
niya na siya ang dahilan ng maagang kamatayan ng ina.

“Patawad ina, patawad! Dahil sa pagiging suwail ko, lagi ka na lang nagdaramdam sa akin kaya ka nagkasakit at
maagang namatay,” paninisi ng berdeng palaka sa sarili.

“Susundin ko ina ang bilin mo sa akin na ilibing ka sa pampang ng ilog,” wika ng berdeng palaka.

At kahit alam ng berdeng palaka na hindi tama na ilibing sa pampang ng ilog ang ina dahil sa mabilis at malakas
ang alon, baka maanod ang libingan ng ina at dahil sa ito ang bilin, inilibing niya sa pampang ang namatay naina.
Kapag malakas ang ulan, binabantayan niya ang libinga ng ina. Nagdarasal siya ng taimtim na nawa’y huwag
lumaki ang alon baka matangay nito ang libingan ng ina.

Subalit, tulad nang dapat asahan, dumating ang ulang habagat at tumaas at lumaki ang alon, naanod ang libingan
ng Inang Palaka.
Ganoon na lamang ang hagulgol ng berdeng palaka. Naupo ito sa ilalim ng malakas na ulan at doon nagpatuloy sa
walang humpay na pag-iyak dahil sa nangyari sa libingan ng ina.

Ito ang dahilan, ayon sa marami kung bakit tuwing umuulan, umiiyak ang berdeng palaka.

http://trixieusa.blogspot.com/2014/09/timogkorea-isang-bansang-matatagpuan-sa.html

TULA

Strange Happenings

Ni Yacov Mitchenko

She recalled him, watched for him,


wondering whether she'd see him that day,
as she slowly made her way with a cane,
made her way to the corner grocery store.
She saw him the week before
with an ashen beard, rosy cheeks, his eyes
suffused with a childlike glow,
as though another she had known long ago
had leapt into those eyes, swam within the being
of one who may have been a homeless man.
This man of ages ago had not only attended
to her piano once or twice a year;
he'd been the spark of her inner journey,
the spark of her silences and meditation...

So having reached the corner, panting, looking


toward the grocery store, her glances
drizzling in corners and patches here and there,
she saw a form, a human form, someone leaning
against the building's wall next to the store.
The hat covered the face, an ashen coma
punctuating the edge of a green shirt.
She sighed - then was struck by an image
that seemed to superimpose itself -
no, not quite "superimpose", but more -
on the unseen face... She was seized
by Christine's face, the face
of a female piano student she had years ago,
the face of someone who now was her friend -
seized by the feeling her friend had fallen
into grave trouble. And sure enough, she had,
as the panting woman discovered later...
Her friend had been struck by a car, her hand shattered,
two ribs broken, lying on a hospital bed,
this teacher, this sixty-five year old widow
of the bearded man who died years ago.

Meanwhile, the son of the woman with the cane,


the son who'd been working overseas,
was paragliding, falling, falling
within the orbit of his elation, falling along
the face of autumn, the face a coral reef,
the valley voluptuously looking at him...

His much younger student was immersed


within the silence of her bedroom, a book
lying open on her bed, and she was leaning
against the wall that touched her bed.
She recalled what her English teacher had said,
that she reminded him of an old lady
who'd been as a second mother to him,
who visited him and his mother years ago,
who passed away nearly twenty years ago.
Her name had been "Svetlana", a Russian name
meaning "light", and her own Korean name
meant "light" as well. This ******* the bed
was an eighteen-year-old beauty recalling
all that her English teacher had said...
He was not exactly handsome: his shaved head,
his long nose, his poor posture, potbelly
had become gossip's coffee or jam and bread,
to which she was no party.
His large brown eyes, though - they were wonderful, deep;
they unsettled her too, looking into her sleep,
waking her...His words were beautifully woven cloth,
shimmering, unique, lighting her recalling,
and she too was falling, falling...

I WANT TO ERASE MYSELF

Ni Kanya Puspokusumo

I want to erase myself,


Like the winter erases itself
to become spring.

I want to erase myself,


Like autumn leaves erases themselves
to let the new leaves grow.

I want to erase myself,


Like dew erases itself
to become cloud.

I want to erase myself,


Like the cloud erases itself
to let the blue sky smile at the earth.

I want to erase myself,


Because that is how the universe works;
Erasing an existence
to create a new and better one.
ONE TRACK MIND....

Ni Yenson

They talk about Entitlement


entitlement to what exactly they should say
but only the haters seem to know what they mean
for they have claimed entitlement to hate in piles and droves

What is humane or sensible


why strive to divide people from people
then talk of freedom and sing songs of a melting ***
judge people by their actions not by their status or birth

Is everybody equal in China, Cuba or North Korea


is Putin equal to all the other Russians with millions stashed away
stop trying to socially engineer a divisive society where hate rules
and you destroy the free will and choices of people cause you are an
ideologue.

MAIKLING KWENTO

“Jimjilbang” ni Genevieve L. Asenjo

by Pangga Gen

HINDI NAGKAKATUGMA ang kanyang mga mata at paa. Dahan-dahan ang kanyang mga hakbang. May bigat sa
pag-aatubili. Mabilis naman na sinakop ng kanyang paningin ang buong kuwarto: hilera ng locker sa dulo, hilera
ng shower sa gilid ng pader sa kanan, anim na magkasing-laking bath tub sa gitna, at limang katre sa bandang
pader sa kaliwa. Lahat, sa bawat puwesto, mga babaeng nakahubad! Mag-inang nagsa-shower, magkakaibigang
dalaga sa isang tub, at karamihan – matatanda. Ajumma. Lalo na ang mga nagkukuskos sa mga nakabilad sa
katre, o nagkukuskusan.

Nabighani s’ya sa iba’t ibang hugis, korte, kurba, ng katawan. Ng laki at liit, tayo at luyloy ng mga suso. Ng umbok
at patag ng tiyan. Ng kapal at nipis ng tatsulok na gubat ng itim na buhok sa pagitan ng mga hita ng mga
nakatayo, ng mga akmang lulusong. Nahiya s’ya sa sarili sa aliw na naramdaman; sa pagkawili, sa pagkabighani.
Catholic guilt, kampante n’ya sa sarili, habang nakatutok sa dalawang dalaga sa isang tub. Kapwa nakangiti ang
mga ito. Natatawa pa nga sila. Masigla ang kanilang boses habang nakababad sa maligamgam na tubig. Parang
wala silang sakit na nais gamutin kundi pagdiriwang ng pagkakaibigan.

Naalala niya ang tatlo n’yang kapatid na babae. Ang kanilang Inang. Ang apat n’yang tiya at sangkatutak na
pinsan. Ang kanyang mga kaibigang babae sa elementarya, sa hayskul, sa kolehiyo. Naririnig n’ya ang hagikhik ng
mga ito habang binubuksan ng susi ang locker. ‘Yung parang kinikiliti, na kinikilabutan, dahil walang ganito sa
Pinas. At heto na nga, maghuhubad na rin s’ya – buong-buo – kitang-kita ang lahat.

At okey lang, talaga, dahil parang wala namang pakialam sa kanya ang ibang naririto.
Naalala n’ya si Tony, ang kanyang nobyo – actually fiancee – na naghihintay sa lounge. Nasa Boracay sila,
masayang naghaharutan sa paliligo’t paglalangoy sa bandang grotto, nang sinabi nito na kapag mag-asawa na sila
at nasa Korea na at nalulungkot siya’t nami-miss ang dagat, ito ang kanyang gawin: mag-jimjilbang.

Kinuha n’ya ang nakalawit na malaking bilugang hikaw. Tinago n’ya ito sa pouch sa loob ng locker. Sunod n’yang
inalis ang relos. Ipinasok n’ya rin ito sa pouch. Pagkatapos, isa-isa, hinubad n’ya ang suot: blusa, bra, maong na
pantalon, panty. Maayos n’ya itong tinupi sa loob ng locker. Pinalumpon n’ya ang nakalugay na mahabang buhok,
bahagyang itinaas, saka muling binagsak. Hinayaan nito itong nakalugay. Inalis n’ya ang suot na heels at ipinasok
din sa locker.

Napansin n’yang may kanya-kanyang maliit na basket ng gamit-pampaligo ang karamihan. Sarili nilang dala.
Hindi ito nabanggit ni Tony.

May binigay na pakete ng shampoo at conditioner at shower gel ang babae sa counter. Ito ang ginamit n’ya sa
pag-shower. Dahil bago lumusong, kailangan munang magkuskos, magsabon, magbanlaw. Naisip n’yang marahil
paggalang din sa ginhawa na dala ng mainit na tubig. Nabasa n’ya sa internet na sa iilang jimjilbang, hinahaluan
nila ng ginseng o green tea ito: tulong para bumuti ang daloy ng dugo, gumaling ang rayuma o ang sakit ng puso.

Nakareserba na ang susuotin n’yang hanbok pangkasal.

Sigurado s’ya sa gusto niyang mangyari ngayon. Magbibilad s’ya sa katre. Hihilata. At magpapakuskos sa ajumma.
‘Yun at lulusong s’ya’t magbabad.

Naghihintay si Tony sa lounge.

SUMENYAS ang matandang babae na mahiga s’ya sa katre, padapa. Maputi ito. Balingkinitan ngunit malulusog
ang mga suso. Tan’tya n’ya, lampas singkuwenta. May paghanga s’ya’t inggit na nadama. Mahaba ang nakataling
buhok ng babae. Maganda ang mukha, singkit ang mga mata.

‘Ni hao?’ Tanong n’ya para makaseguro. Tumango ang matanda at ngumiti. ‘Fe-li-pen?’ Balik nito sa kanya. ‘Nye,’
sagot n’ya, oo. Nakikita niya ang tayo ng mga letra sa Hangul. Para s’yang karne na binuhusan ng maligamgam na
tubig saka sinabunan ng matanda. Ang
buo n’yang likod, pababa sa mga umbok ng pwet, hanggang sa magkabilaang paa. Mabibilis na hagod. Kasimbilis
ng mga hakbang dito sa daan at subway. Saka kinuskos. Kinuskos nang kinuskos, na nakikita n’ya sa isipan ang
mahabang dalampasigan ng puting buhangin ng Boracay sa nakukuhang mga libag, nahuhulog sa buhos ng tubig,
at nangawala sa hangin na parang alikabok sa mga daan sa tag-araw sa Pilipinas.

Pinatihaya s’ya ng matanda. Kinipkip niya ang mga paa upang maitago ang laman ng mga hita ngunit pinalo si’ya
ng babae, na parang sinasabi ‘Ano ka bang bata ka, bukaka.’ Hindi s’ya nagalit sa palong ‘yun, alam n’yang walang
malisya, na parang ganun nga lang ang mga matatanda dito, tulad din noon ng kanyang lola, kaya muli, narinig
n’ya sa isipan ang hagikhik nilang magkakapatid, hanggang sa bungisngis nila ng mga kaibigan sa hayskul at
kolehiyo, sa kant’yawan na may tonong ‘pahiya-hiya ka pa d’yan, e, di ka na naman virgin.’

Nakaramdam s’ya ng pagka-atat na matapos na ang sandaling ito at makauwi na sila ni Tony sa kanilang
apartment at makapag-internet na s’ya’t maikwento ito sa mga kapatid at kaibigan. Ito ang magiging bonding
nila pagkatapos ng kanyang kasal. Bago umuwi ang mga ito sa Pilipinas.

Nagpatianod s’ya sa haplos at hagod ng mga kamay at daliri ng matandang babaeng Intsik na ito sa Korea. Ano
ang sarili nitong kuwento ng pagkapadpad sa lugar na ito ng kimchi? Pinikit n’ya ang mga mata. Nakita n’ya sina
Bruce Lee at Jet Li at ang magagandang
dalagang Intsik na naka-cheongsam. Kaya naalala n’ya rin si Cleopatra ng Ehipto. Dito n’ya itinigil ang sandali: isa
rin s’yang diyosa tulad ni Cleopatra, na sinasabing naliligo sa gatas at honey para mapanatili ang ganda at
kabataan.

Naghihintay sa lounge si Tony. Aabutin ‘to’ng jimjilbang ng tatlong oras. Pagkatapos nito, didiretso sila sa
Samseong. Doon n’ya nakita, sa isang pottery shop, ang gusto n’yang panregalo sa mga biyenan. ‘Magbibigay ka
rin ng regalo sa mga magulang n’ya,’ sabi ng isang kaibigan, kapwa n’ya bartender sa isang mamahaling resort sa
Boracay na unang nakapag-asawa ng Koreano, ‘at dapat mahal para mahalin ka rin nila,’ kindat nito sabay tawa.

Mga gawa mula sa ceramic at pottery ng isla ng Jeju ang mga gamit pambahay sa shop na ‘yun na nadaanan n’ya
sa unang pagpunta sa Gangnam. Basta naramdaman n’ya na dapat doon n’ya gastusin ang pinag-ipunan, sa
damdaming ito na bumubulong na sundan n’ya kung saan s’ya liliparin ng alon, ng hangin. ‘Kung langit ang nasa
itaas ng dagat, ano naman ang nasa labas ng langit?’ Naitanong n’ya kay Tony sa una nilang morning jog. Natawa
lamang ang Korean- American na ito na higit isang taon nang customer nila, pabalik-balik para mag-golf, mag-
dive, mag-snorkel. Dahil daw sa tanong n’yang iyon kaya nasabi ng lalaki sa sarili na s’ya na ang babaeng
pakakasalan.

What is love?

Lumusong s’ya sa bath tub, itong han jeung mak. Sumandal s’ya at itinuwid sa pagkaupo ang mga paa. Ikinuskos
n’ya sa batong pader ang balat ng likod at parang alon na nilaro-laro ng mga daliri ang tubig. Mainit. Humakop
s’ya sa mga kamay at inakmang higupin. Gusto n’yang malaman kung ano ang lasa ng mainit na tubig na ito.
Maalat ba tulad ng tubig-dagat? O baka naman may anghang kung kaya’t umaaso-aso? Ngunit inamoy n’ya
lamang ito.

‘Tangerine,’ naiisip n’yang sasabihin kay Tony, na ito – tangerine ang amoy ng tubig sa han jeung mak na ito sa
kalye ng Uijengbo – dahil gusto n’ya ang salitang ito, na alam n’yang prutas at isa ring kulay.

‘Jujube,’ naisip rin n’ya, at natawa, sa isa pang bagong salita na ito, na kasama raw ng chestnut na ilalagay n’ya sa
kanyang panregalong gamit pambahay, dahil nangangahulugan ito ng anak – malusog, maganda, matalino, at
magaling na apo!

Negosyante si Tony. Ito ang pagkakaalam ng kanyang pamilya at mga kaibigan. Totoo naman. May-ari ang
kanyang pamilya ng isang surplus shop ng mga electronics dito sa Uijengbo, halos isang oras ang layo sa Seoul.
Nakatira si Tony sa kanyang mga magulang. Maliban sa kanyang panregalo sa mga biyenan, inako n’ya rin mula
sa kanyang separation pay at naipong tip ang furniture budget nila sa rerentahang apartment.

Akala ng kanyang pamilya at mga kaibigan, spoiled s’ya ni Tony, na ito ang gagastos lahat para sa kanilang kasal.
Hindi nila alam maging ang pinag-ipunan n’yang panregalo. Kahit ng kanyang bridesmaid, na bestfriend n’ya
noong hayskul.

Alam n’ya ito bago pa man s’ya nagka-passport. Mas nakakampante s’ya rito kaysa umasa na lang sa pera ng
nobyo. Alam na n’ya na langit ang nasa itaas ng dagat, bundok ang nasa kabila o ang walang hanggan kung idi-
diretso n’ya ang paningin. Gusto n’ya ng labas, makalabas, mailabas ang sarili sa mga tanong at pag-alala at
walang katapusang inaasahan na kung anu-ano, o pag-asa sa kung ano.

Sa totoo lang, nasarapan s’ya sa palo na ‘yun ng matandang babae. Masakit. Narinig n’ya ang pagtama ng tsinelas
sa lata sa larong tumbang preso noong kabataan n’ya sa isang kalye ng Kalibo. Damang-dama n’ya ngayon ang
paghagod sa mga braso, pababa sa mga binti’t paa. Walang kasinsarap ang init ng tubig na ito, na amoy tangerine,
amoy jujube!

Nag-isip pa s’ya ng isa. Isa pang kulay o prutas. Ayaw n’ya ng chestnut. May lutong ng mani at pili – ordinaryo.

Wala s’yang maisip. Sa halip, umeksena ang tanong na ‘what is love?’

Minsan isang hapon at nagsa-sunset viewing sila, na-k’wento n’ya kay Tony na napanaginipan n’ya ang kanilang
honeymoon – nasa North Korea. Parang nadudurog na mangga sa blender ang mukha ng nobyo. Joke, joke, joke,
agad n’yang dugtong.

Hirap magbiro sa foreigner, reklamo n’ya sa mga kaibigan pagkatapos.

Doon sa buhanginan na ‘yun ng Station 1, sa sandali ng pagdudumi ng mga paniki sa bakhawan at magkahawak-
kamay sila sa muli’t muling pagkamangha sa iba’t ibang tingkad ng kahel ng papalubog na araw ng Boracay, noon
n’ya naisip na love means you don’t need to be honest to the one you love, all the time. Dahil maaaring hindi pa
right time para harapin ang katotohanan, halimbawa, na naaliw lang kayo sa isa’t isa. Minsan pa, isang umaga sa
hotel room ni Tony bago sila lumabas para mag-breakfast, naabutan n’ya mula sa pagsa-shower na nagbibilang
ito ng pera. Peso, won, U.S. dollar. Nakakita na raw ba s’ya ng U.S. dollar? Nabigla s’ya. Gusto n’yang matawa at
sabihing nasa Pilipinas tayo, hindi mo ba napapansin na we love Americans here kaya s’werte kang Koreano ka,
sa’yo ako na- in love?
Pero umiling s’ya. Pagkukunyari. ‘Give me, give me,’ lambing n’ya na natatawa. Akmang bibigyan s’ya ng nobyo
nang dinagdag n’yang ‘just teasing you, hon.’ Joke, joke, joke.

Palagi, iiling-iling lang si Tony at matatawa rin. Kaya alam n’yang magiging happily married sila.
PINAGMASDAN n’ya ang mag-ina sa unahang tub. Nasa elementarya ang batang babae. Future ballerina, naisip
n’ya, o di kaya’y gymnast. Maganda ang ina, kamukha ng mga babaeng bida sa mga Koreanobela na naka-dub sa
Tagalog.

Humilig s’ya pakanan at muling inunat ang mga paa. May pares ng magaganda ring dalaga na nagkukwentuhan.
Napansin n’ya na habang magkalapat ang mga balikat ng mga ito, magkahawak-kamay din. Napangiti siya.

Nilingon n’ya ang mga ajumma sa hilera ng mga katre. May mga nag-aayos ng mga gamit sa kanilang kahubdan
na parang posible rin na nakahubad din sila sa kani-kanilang bahay habang nagluluto o nagwawalis. Inalala n’ya
ang mukha ng kanyang Inang. Sa halip, mga kamay nitong kulubot ang higit n’yang nakikita. Hindi sila sanay
mag-ina na magyakapan o maghalikan, sa tuwa man o lungkot. Walang iyakang mangyayari sa kanyang kasal.
Gayunman, gustong-gusto n’ya ngayon ihilig ang ulo sa balikat ng Inang, ‘yung parang anak lang s’ya uli nito.
Bigla n’ya rin na-miss ang mga kapatid at kaibigan.

Kinapa n’ya ang mga suso, kinarga, tinimbang. Pinalibot n’ya ang mga daliri rito at nilaro-laro ang mga utong,
tulad ng parang pagkuskos-haplos dito ng mga daliri ni Tony. Sinalat n’ya ang mga ito sa kung anong bukol, anong
tigas o lambot, pangangalay o pananakit. Napatiyad s’ya at napahinga nang malalim. Inhale, exhale; inhale,
exhale.

Nakikita n’ya ang sarili: tumatakbo sa kalsada ng Uijengbo, naka-hanbok pangkasal. Naghihintay sa lounge si
Tony. Didiretso sila sa Gangnam, sa pottery shop na ‘yun, bibili ng kanyang panregalo.

Matutuwa ang kanyang mga biyenan. Bukas, titingnan uli nila ang wedding hall, dadaanan ang mga kamag-anak
ni Tony na tumutulong sa preparasyon, at kung anu-ano pa at marami pang iba. Simple lang ang kanilang kasal,
sabi n’ya sa pamilya at mga kaibigan. Medyo tradisyonal, medyo modern.

Darating na ang mga ito sa weekend. Natutuwa at matutuwa pa ang mga ito para sa kanya, sa kanila ni Tony, lalo
na dahil dadalhin nila dito sa jimjilbang na ito, na sigurado s’yang babalik-balikan n’ya, hanggang marahil
madiskubre n’ya kung ano ang nasa labas ng langit.

A Dream of Good Fortune

By Hwang Sok-yong (황석영)

The story is about a family who lives as urban squatters near the numerous factories located outside of Seoul.
The family is headed by the father, Kang, and includes his wife, his wife’s daughter, Misun, his wife’s son, Kŭnho,
and the couple’s young son. Kang earns money by selling scavenged or stolen goods. Kŭnho works in the
woodworking shop at a Japanese factory that produces television and radio cabinets. Misun worked at the local
wig factory before she took out a large daily-interest loan and ran away from home.

The day begins with Kang boasting of his lucky day to his neighbors. He usually only makes 300-400 wŏn a day,
but today is different. Kang resold some electric wire for an undisclosed sum and received 300 wŏn from a family
to bury a dog corpse, but he has no intentions to bury the dog. Kang has not been able to afford any meat
recently, so he decides to eat the dog later that day. After talking to his male neighbors, Kang decides to share the
dog with them in exchange for their help cooking and their providing makkŏlli, Korean rice wine.

Kang returns home to find his wife in a foul mood. Her brother came by with Misun, who is discovered to be
pregnant. Kang soon leaves after arguing with his wife about his stepdaughter’s negative effect on his image as a
father. The mother is furious at her daughter for taking out a loan and returning home pregnant. The mother
wants Misun to have an abortion, but her Christian brother—and Misun—object. The mother compromises by
persuading Misun to marry whomever the mother can find who will accept the baby. The family has barely
enough money to survive, so the mother is distressed about how to provide for her unmarried pregnant
daughter, pay back the loan, and pay for the wedding.

Meanwhile, Kang and his male neighbors are talking while preparing for their dog feast. As squatters, they are
troubled because a nearby neighborhood of squatters had recently been leveled in the space of a day. The men
discuss the tenuous future of their own shantytown. The neighborhood leader assures the worried men that
their neighborhood will not be destroyed in the near future. In addition, he tells them that he has received
confirmation that all the neighborhood households will receive fifty thousand wŏn in relocation aid because of
the age of their neighborhood. One of the neighborhood men notices the gathering and drops by on his way to
get noodles for his liquor stand.

When the neighbor returns to his stand with the noodles, he soon sees Kŭnho. After work, Kŭnho came to the
stand for drinks with a bandage on his hand. Angry about his sister’s predicament, he talks crudely to some
factory girls and sings a gloomy song about the plight of a poor factory boy. Then Kŭnho wanders the streets
drunk. When Kŭnho makes it home, Kang’s wife finds out that her son lost three fingers in an accident at work,
but instead of being distraught, she is glad, because now she can use his compensation money for Misun’s
marriage. Inside the house, a local suitor that Kang’s wife found comes to ask Misun to marry him, and Misun
accepts his proposal.

The story ends with the suitor going outside to where Kang and the neighbors are finishing their party. After
having eaten dog soup and drunken makkŏli, some of the men are singing, and some are dancing. The story ends
with the suitor informing Kang that he will be Kang’s new son-in-law.

CHIMERA
BY LEE YEONGDO

Chimera is a comical short story written by Korean author Lee Yeongdo, based on the world of the novel Dragon
Raja written by the same author. It is one of the three short stories known as Sceneries of Laboratory. The story
humors on male arrogance and characteristics, through a being called Chimera. The king of Caria, Amisodarus,
raised the Chimera to terrorize the surrounding region. Chimaera main activity was to spit flames and devours
all living.

The Chimera made great havoc in Lycia, so that the king, Iobates, sought for some hero to destroy it. At that time
there arrived at his court a gallant young warrior, whose name was Bellerophon. He brought letters
from Proetus, the son-in-law of Iobates, recommending Bellerophon in the warmest terms as an unconquerable
hero, but added at the close a request to his father-in-law to put him to death. The reason was that Proetus was
jealous of him, suspecting that his wife Antea looked with too much admiration on the young warrior.

Iobates, on perusing the letters, was puzzled what to do, not willing to violate the claims of hospitality, yet
wishing to oblige his son-in-law. A lucky thought occurred to him, to send Bellerophon to combat with the
Chimaera.

Bellerophon accepted the proposal, but before proceeding to the combat consulted the soothsayer Polyidus, who
advised him to procure if possible the horse Pegasus for the conflict. For this purpose he directed him to pass the
night in the temple of Minerva. He did so, and as he slept Minerva came to him and gave him a golden bridle.
When he awoke the bridle remained in his hand. Minerva also showed him Pegasus drinking at the well
of Pirene, and at sight of the bridle the winged steed came willingly and suffered him to be taken.

Bellerophon mounted him, rose with him into the air, soon found the Chimaera, and killed it with a lump of lead
on a spear that he threw into the Chimera's stomach.

Rain Shower

By Hwang Sun-won

By far the most famous short story in Korean literature is Shower (소나기 Sonagi, 1952) written by Hwang Sun-
wŏn (1915-2000).
For many Koreans it is the most representative story for portraying the sensibilities that are unique to Korean
culture.
All schoolchildren are raised with this story since it has been part of the required curriculum for a long time.
It is a story of two young people on the verge of falling in love. (the story can be read here)

The story begins as the protagonist boy spies on the great-granddaughter of Mr. Yoon, who is sitting on a
stepping stone in a stream playing with the water.
She is scooping up a handful of water to try to grasp her face reflected in the water. Suddenly she picks up a
pebble, turns around and throws it to the boy shouting ” You fool!”.
The next day the boy returns to the stream but the girl is not there. From that day on he develops the habit of
rubbing the pebble that was thrown at him.
One day it is the boy who is sitting on the stepping stone trying to catch his own reflection in the water. As he is
doing so, he sees the reflection of the girl in the water.
Embarrassed, he runs away, but trips over a stepping stone.

On a saturday the boy and the girl meet again and she shows him a “silk clam”. From now on they become good
friends, running around the countryside playing with scarecrows in the field and a calf. After being reprimanded
by the owner of the calf they suddenly find themselves in a severe shower. They seek shelter in an old lookout,
but since the rain keeps pooring in, they take shelter in a haystack. After the rain stops the boy carries her on his
back, in order to cross a ditch.

After this day, the boy keeps coming to the stream, but the girl is not there. After a long time, the girl appears to
tell him that she has been ill ever since she got a cold in the rain and that she is still not feeling any better. She
also shows him the dress that she wore that day, which was stained by the water from the ditch.
She gives him some dates that she took from her family’s ancestoral worship ceremony that day and leaves. In
return the boy sneaks into a walnut grove that same evening to give her some walnuts. As he returns and is lying
on the bed, he overhears his father speaking to his mother that the Yoon family’s fortune has declined and
that the girl has died. He also mentions that she must have been an extraordinary girl, because she said she
wanted to be buried in the same clothes she was wearing that day.

CHINA

MAIKLING KWENTO

Niyebeng Itim ni Liu Heng


(Isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra)

Si Li Huiquan, isang dating bilanggo sa kampo na nakalaya na, ay bilanggo parin ang kaniyang isip at damdamin
sa kalungkutan ng nakaraan at sa dating nakasanayan sa kulungan. Nagpakuha siya ng labinglimang litrato
kasama si Tiya Luo na gagamitin para sa aplikasyon ng lisensya sa kariton at pagtitinda ng prutas. Ngunit hindi
ito naaprobahan dahil puno na ang kota. Mayroon na lamang lisensya para sa tindahan ng damit, sombrero at
sapatos. Wala nang pakialam si Huiquan kung anuman ang maaaring itinda. Ang mahalaga, mayroon siyang
magawa.

Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang matabang lalake na si Hepeng Li. Yumuko si
Huiquan, isang ugaling natutunan niya noong nakabilanggo siya sa kampo,bilang paggalang at pagsunod.

Nilibot niya ang buong bayan upang maghanap ng mga parte na kailangan niya para sasakyan ng kaniyang
paninda. Nakahanap siya at nakabuo siya ng natatanging sasakyan para sa kanyang paninda na naging sentro ng
atensyon dahil ito’y kakaiba.

Inimbitahan siya ni Tiya Luo para maghapunan sa bisperas ng Bagong Taon ngunit tinanggihan niya ito dahil
kailangan niyang tapusin ang ginagawa niya bago mag bagong taon. At dahil narin sa lakas at ingay ng mga
paputok ay iniwan muna niya ang ginagawa at naglasing. Naalala ang mga sandaling kasama pa niya ang kanyang
ina.

At sa ikalimang araw ng bagong taon ay ibinigay na kay Huiquan ang pwesto niya at nagsimula na siyang
magtinda ng mga damit. Isinampay niya ang ilan, inilatag ang iba, at isinuot ang isa. Nakabenta siya ng
dalawampung panlaming na angora sa kanyang unang araw kaya sumigla siya. At dahil sa wakas ay nagkaroon
siya ng kontrol sa isang bagay at paakiramdam niya ay makapangyarihan siya.
Sa sumunod na araw ay wala siyang masyadong nabenta ngunit isang araw nakapagbenta siya ng kasuotang
pang-army sa apat na karpintero na kababalik lamang sa Beijing mula sa timog. Naligtas ang kanilang mga balat
ng kasuotang panlamig ni Huiquan at iyon ay nagbigay ng inspirasyon sa kanya.

“Tiyaga ang susi para sa isang buhay na matatag. Kahit sa pinakamalalang panahon, walang ibubunga ang
mawalan ng pag-asa. Mas mabuting maghintay kaysa sa umayaw, dahil walang makaaalam kung kalian kakatok
ang oportunidad, Hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka, hindi ba ?” Nag-iisip si Huiquan.

Brainly.ph - https://brainly.ph/question/1879081#readmore

NAGMAMADALI ANG MAYNILA


ni Serafin C. Guinigundo

“GINTO...GINTO...baka po kayo may ginto riyan? Mga mama...mga ale...ginto...” ang alok-anyaya ng isang babaeng
nakakimona at ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na alikabok sa bangketa.
“Baka po kayo may ginto?” Ang muling sigaw ng babae.
“Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko? Hindi baga mahal ang ginto kaysa sa kwalta?” sambot ng isang lalaki
na ang kausap ay ang kaakbay.
Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang
puhunan (karamihan) at mga tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag-aari. Ang
hanap-buhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na nabalitaang ipinagbibili. Madalian ang kanilang
usapan. Mabilis magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan—sa harap ng isang mesa: sa ibabaw ng umaasong
kapeng-mais na pinapuputla ang kulay gatas na may bantong gata ng niyog. Kung sila’y palarin, kakamal ng libo,
kung mabigo naman ay gutom maghapon.
Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin. Tawad. Tingin. Silip. Tawad. Tingin sa singsing, sa kuwintas, hikaw at
pulseras.
“Ilang ply, ano ang sukat ng goma? Usisa ng isa.
“Ano? In running condition ba? Baka hindi. Mapapahiya tayo.” Ang paniniyak ng isa naman.
“Aba! Sinasabi ko sa iyo...garantisado. hindi ka mapapahiya ,” tugon ng tinanong.
“Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang talagang atin doon? Mayroon na ba tayo? Baka wala?
Ihanda mo ang papel. Bukas ang bayaran. Tiyakin mo lang ang ating salitaan, ha? Kahit hindi nakasulat...ikaw ang
bahala?”
“Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka maaano. Hawak natin ang ibon.”

ANG KUWENTO NI LIU SANJIE

Ang Lahing Zhuang ay naninirahan sa dakong timog kanluran ng Tsina, at ang karamihan sa kanila ay nasa
Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi. Sa impresyon ng maraming tao, parang ipinanganak sila na
mga folk singer. Sa kanayunan, habang nagtatrabaho sila sa bukid, umaawit sila ng folk songs. Ang naririnig natin
ngayon ay folk song ng Lahing Zhuang. Ito ay kanilang inaawit habang nagtatrabaho sa plantasyon ng tsaa.

Ayon sa mga lokal na alamat, si Liu Sanjie ay isang kilalang folk singer noong Tang Dynasty, mahigit 1,000 taon
na ang nakakalipas. Siya raw ay hindi lamang maganda, kundi mahusay rin sa pagkanta. Ang mga folk song ng
Lahing Zhuang ay ginagawa o kinakatha ora mismo. At si Liu Sanjie ay magaling sa ora mismong pagkatha ng
mga awit. Noong siya ay 12 taong gulang pa lamang, nakalikha na siya ng awit. At sa edad na 17 taong gulang, si
Liu Sanjie ay siya nang pinakakilalang folk singer sa kanyang lokalidad. Pakinggan natin ang isa sa mga awiting
nilikha ni Liu Sanjie, at isa rin sa pinakakilalang folk song na kabisadong kabisado ng maraming karaniwang
Tsino.

Ayon sa alamat, na-inlove ang magandang si Liu Sanjie sa isang gwapong lalaki na nagngangalang A-Niu Ge, at
ang lalaking ito ay isang mahusay na folk singer din.

May isang kagawian ang mga mamamayan ng Lahing Zhuang, at ito ay ang pagtatanong at pagsagot sa
pamamagitan ng awit. Ang lalaki ay magtatanong sa porma ng isang awit at ang babae naman ay sasagot din sa
porma ng isang awit. Ito ay isang espesyal na uri ng komunikasyon, at sa pamamagitan nito, ang mga di-pa
magkakilala ay maaaring magkamabutihan. Halimbawa, ang isang lalaki ay kakanta ng "Ako ay simpatiko, ang
pangalang ko ay A-Niu, naninirahan ko sa Barangay Li, dalaga, ano ang pangalan mo?" Sasagot naman ang babae
ng "ako ay taga-barangay Liu, Sanjie ang aking pangalan." Kung minsan, isang ilang bugtong ang ibinibigay ng
isang panig para sa kabila. Halimbawa, "isang prinsesa, nakaupo sa tasa o hindi tao, hindi hayop, pero mayroong
ulo."

Ang mga folk song ng lahing Zhuang ay magandang pick-up line. Dahil noong unang panahon, wala pang social
media. Ang folk song ang ginagamit nilang paraan upang makilala ang isat-isa. Para sa mga magsasaka,
napakahirap na makakita at makakilala ng ng bagong mukha, kaya naman sa pamamagitan ng pag-awit,
napagtatagumpayan nila ang pagkamahiyain, at nagkakaroon sila ng pagkakataon na makipag-usap sa isang
bagong kakilala, kapag may pagkakataon.

Ayon sa kuwento, si Liu Sanjie at A-Niu Ge ay na-inlove sa isat-isa sa pamamagitan ng "pagsasagutan ng kinatha
nilang awit." Ngayon, pakinggan natin ang "pagsasagutan ng awit" ng mga lalaki at babae ng Lahing
Zhuang.Bilang paggunita kay Liu Sanjie, bawat ika-3 ng Marso, idinaraos ng mga mamamayan ng Lahing Zhuang
ang folk-song competition.

http://filipino.cri.cn/501/2014/03/25/2s127421.html

TULA

salin ng tula ni Rwan Ji, mula sa Dinastiyang Wei ng Tsina


salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo

HIMIG NG KALOOBAN

Hindi ako
makatulog sa gabi.
Babangon at uupo
ako para kalabitin
ang umaawit na laúd.

Sinisilip ko
sa manipis na kurtina
ang kinang ng buwan.
Humihihip ang dayaray
sa aking kasuotan.

Nanawagan sa gubat
ang nag-iisang gansa.
Sumigaw sa hilagang
kahuyan ang paikot-
ikot na mga ibon.

Naiinis at balisa,
ano ang inaasahang
masisilayan?
Lungkot at pighati
ang aking kapiling.

Salin ng tula ni Li Bai, mula sa Dinastiyang Tang ng Tsina


salin sa eleganteng Filipino ni Roberto T. Añonuevo

SARILING ALIW

Kahit ang takipsilim


ay hindi ko napansin
sa aking paglalasing.
Mga pigtas na bulaklak
ang tumabon sa aking
suot na damit.

Lango akong tumayo,


at tinahak ang sapa
sa kabilugan ng buwan.
Lumisan ang lahat
ng ibon; at kakaunti
ang mga tao.

Salin ng tula ni Yen Wu, mula sa Dinastiyang Tang ng Tsina


salin sa Filipino ni Roberto T. Añonuevo

MOOG SA TAGLAGAS

Kagabi, pumasok
ang simoy ng taglagas
sa mga daan pa-Tsina.
Napuno ng hilagang
ulap at kanugnog
na buwan
ang mga bundok
sa hilaga.

Hinimok kong muli


ang aking mga heneral
na humahagibis
at tumutugis
sa maaangas na barbaro
na huwag hayaan
ni isang kabayo
ang makabalik
sa larangan ng buhangin.

PABULA

ANG KABAYO AT ANG KALABAW

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw
ay inipon niya ang kanyang mga gamit at inilulan sa kanyang alagang
kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang
paglalakbay.

Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-


hihina ang kalabaw dahil sa bigat ng kanyang pasang gamit.

"Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit


keysa sa iyo. Maaari bang tulungan mo ako at pasanin mo yung iba?"
pakiusap ng kalabaw.

"Aba, yan ang ipinataw sa iyong balikat ng ating amo kaya pagtiisan mo,"
anang kabayo na lalo pang binilisan ang paglalakad.

"Parang awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng


dala ko. Nanghihina ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig
sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil madaling mag-init ang
katawan ko," pakiusap pa rin ng kalabaw.

"Bahala ka sa buhay mo," naiinis na sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalung tumindi ang init ng araw. Hindi
nagtagal at ang kalabaw ay iginupo ng bigat ng kanyang dala at siya
ay pumanaw.

Nang makita ng magsasaka ang nagyari ay kinuha niya ang lahat ng


gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

"Kung tinulungan ko sana si kasamang kalabaw ay hindi naging ganito


kabigat ang pasan ko ngayon," may pagsisising bulong ng kabayo sa
kanyang sarili.

ANG LOBO AT ANG UBAS

Ang katagang "sour grape" o "maasim na ubas" ay hinango sa isa


sa mga pabula ni Aesop ukol sa isang lobo at puno ng ubas. Heto
ang kabuuan ng nasabing pabula sa pagsasalin sa tagalog ng
Katig.Com:

Minsan ay inabot ng gutom sa kagubatan ang isang lobo (wolf). Nakakita siya
ng isang puno ng ubas na hitik ng hinog na bunga. "Swerte ko naman. Hinog
na at tila matatamis ang bunga ng ubas," ang sabi ng lobo sa sarili.

Lumundag ang lobo upang sakmalin ang isang bungkos ng hinog na ubas
subalit hindi niya maabot ang bunga. Lumundag siyang muli, at muli, at muli
pa subalit hindi pa rin niya maabot ang ubas.

Nang mapagod na ay sumuko rin sa wakas ang lobo at malungkot na umalis


palayo sa puno. "Hindi na bale, tiyak na maasim naman ang bunga ng ubas
na iyon," ang sabi niya sa sarili.

ANG UWAK NA NAGPANGGAP

Isang uwak ang nakakita ng mga lagas na balahibo ng pabo sa lupa. Pinagmasdan niya iyon at nasiyahan sa iba't
ibang kulay na taglay niyon. At dahil sawa na siya sa pagiging isang itim na ibon, iyon ay kanyang pinulot isa-isa
at saka idinikit sa kanyang katawan.

Iyon lang at dali-dali siyang lumipad patungo sa grupo ng mga pabo at nagpakilala bilang kauri ng mga ito.

Ngunit sadyang kilala ng mga pabo ang kanilang kauri, kaya naman hindi rin nagtagal ay nabisto ng mga ito ang
nagkukunwaring uwak.

Dahil dito, inalis ng mga pabo ang iba't ibang kulay na balahibong nakadikit sa katawan ng uwak. Pagkuwa'y
pinagtutuka nila ito hanggang sa takot na lumisan.

Nang magbalik ang uwak sa kanyang mga kauri, hindi na rin siya tinanggap ng mga ito. At sinabing, "Hindi namin
kailangan ang isang tulad mong walang pagmamahal sa sariling anyo!"
MONGOLIA

TULA

Sharing with My Mother

Misheel Chul

The more I try to reassure my mother,


The more she suspects...

The concerns and cares I shoulder,


I conceal and collect.

Her ears keen to the notes I offer,


My anxiety she dissects.

Taking on more as I grow older,


Less her fear affects.

Understanding her and less eager,


I share all; she accepts, connects.

You're My Person

Misheel Chul

Your Heart is
Big and Mysterious,
My charming Husband.

Beating hard on a bike ride


Pulling our family onward
You listen to your earphones.

Besting me, admonishing me


Yet believing in me... Your faith
is Jewish/Buddhist/Christian.

Amused during thrillers


Belittling the monsters I fear
Sarcasm is your weapon.

Breaking stride, you smile


I know what you want
You're my patron.

You're my person.

Before We Met Again


Misheel Chul

did ever I fear you


before we met
whatever it is
that we did
in smiles and nods
and eye to eye
had ever I you love
and known this future
to see
a son that shines
through morning and
the night he pierces
our helixes
free
then we stood
hand in hand tomorrow
before we met
again
never now I'm free
for all to see
this wedding
ring

MAIKLING KWENTO

Reynang Matapat
Si Reyna Sima ay isa sa mga reyna na namuno ng isang kaharian sa ating kapuluan. Nakilala siya dahil sa
katalinuhan, katapatan at sa mahigpit at maayos na pamamalakad sa panunungkulan.

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating kapuluan ay pinagdarayo na ng mga mangangalakal na Arabe,
Intsik at Hindu ang kaharian ng Kutang-Bato na pinamumunuan ni Reyna Sima. Ang Kutang-Bato ay siya ngayong
Cotabato, isa sa pinakamalaking lalawigan sa Mindanao.

Sa pamumuno ni Reyna Sima, umunlad at namuhay nang tahimik at sagana ang mga taga Kutang-Bato. Mahigpit
niyang ipinasunod ang mga batas at ang sinumang lumalabag sa ipinag-uutos ng Reyna ay pinarurusahan.

Kabilang sa patakaran na mahigpit na ipinatutupad ng reyna ay ang paggalang, paggawa, at katapatan ng


kanyang mga tauhan.

Patuloy na dumarating at umaalis ang mga negosyanteng Intsik sa Kaharian ng Kutang-Bato. Napabalita ito dahil
sa maunlad na kalakalan sa kaharian ni Reyna Sima at sa katapatan ng kanyang mga tauhan. Walang kaguluhan
at walang nawawalang bagay sa sinumang mangangalakal habang sila ay nasa kaharian ng Kutang-Bato.

Minsan, isang negosyanteng Intsik na nakipagkalakalan sa kaharian ni Reyna Sima ang nakaiwan ng supot ng
ginto sa isang mesa sa palasyo. Hindi ipinakibo ni Reyna Sima ang supot ng ginto sa mesa. Ipinagbiling mahigpit
ng Reyna Sima sa kanyang mga nasasakupan na walang gagalaw ng naturang supot ng ginto. Ganito kahigpit ang
utos ni Reyna Sima sa kanyang nasasakupan upang sa ganito ay muling datnan ng may-ari sa lugar na kanyang
pinag-iwanan ang supot ng ginto.

Mula noon, lalong nakilala ang kaharian ni Reyna Sima dahil sa kahigpitan nito sa pagpapatupad ng kautusan
tungkol sa katapatan.

ANG KABIT NG LAWA

Ni MARKITA

Naka upo sa isang bato si Zhock habang tinatanaw ang lawa at ang paglubog ng araw. Bakas sa kanyang mukha
ang matinding kalungkutan. Parang kalian lang, napupugaran ng mga puting sundalo ang bayan na ito. Si
TOOLBOX, isang amerikanong sundalo na nabighani sa kagandahan ni Zhock. Hindi na sikreto sa kanilang bayan
na isang ladyboy si Zhock. Ngunit gayun paman, napaka buting tao nito at nagmamalasakit sa nangangailangan.
Nang mabatid ni Zhock ang pakay ni TOOLBOX sa kanya diniretso nya ito tungkol sa kanyang tunay na pagkatao.
Ikinagulat naman ni Zhock ang reaksyon ni TOOLBOX sa kanyang pagtatapat.

TOOLBOX: And? Are you not allowed to fall in love and be loved in return? I don’t care if you are a ladyboy, I love
you Zhock and that is all that matters!

Natulala si Zhock sa kanyang narinig. Ngayon lang sya nakaramdam ng matinding respeto at pagmamahal mula
sa isang lalaki. Nakailang relasyon narin si Zhock ngunit hindi rin ito nagtatagal. Bagamat alam na ni TOOLBOX
ang kanyang lihim, kinakabahan parin si Zhock, alam nyang meron pa syang isang tinatagong sikreto. Isang
sikretong makakasira sa relasyon nilang dalawa. Minaari nyang huwag muna itong sabihin.
Magaling mag ingles si Zhock na sya namang ikinatuwa ni Toolbox. They talked about everything above the sun.
Hindi mo maalis ang magandang tinginan nilang dalawa sa isa’t isa.

One time, hindi nakadalaw si TOOLBOX kina Zhock dahil nilalagnat daw ito. Dalidaling pinuntahan ni Zhock ang
irog upang punasan at ipagluto ng mainit na sabaw. Tinanggal ni Zhock ang damit pangtaas ni TOOLBOX upang
punasan ito. Tumambabad sa kanyang mukha ang magandang katawan ng amerikano. Hindi nanaig ang
pagnanasa ni Zhock sa lalaki, pinagpatuloy nyang punasan ang mainit na katawan nito. Mamaya maya pa’y
nagising si TOOLBOX at hinawakan ang kanyang kamay at pinisil.
TOOLBOX: What will I do without you?

Napangiti lang si Zhock at tinitigan ang lalaki. Hindi nya kayang lokohin ang sarili. Alam nyang hindi sya
pwedeng makipagtalik sa lalaking ito. Kailangan na nyang tapusin ang relasyon hanggat maaga pa. Pinatulog na
nya si TOOLBOX at umuwi.

Hinanap ni TOOLBOX si Zhock kinaumagahan upang magpasalamat sa kanyang pag galing, ngunit wala ito sa
kanilang bahay.
Buong hapon nyang hinintay si Zhock ngunit nabigo sya. Minabuti nyang tanungin ang kapitbahay kung saan
naroroon si Zhock.

VHETTE: Zhock? Not in the house? Ahh…ehhh… check the lawa, maybe she is swim there. I mean lake. Yes. Check
the lake, she goes there lagi. I mean very many.

Tumungo si TOOLBOX sa lawa at naaninagan nya si Zhock na naliligo. Mala ginto ang kanyang mga balat dahil sa
repleksyon ng araw sa tubig. Maganda ang kurbada ng kanyang katawan. Napahinto si TOOLBOX upang
pagmasdan ang kanyang minamahal. Kalmado ang itsura ni Zhock habang naliligo, elegante sya kung kumilos, at
sa malayo parang akala moy nakikipagtalik ito sa lawa. Sa lawa na ito nakakapag isip ng maigi si Zhock at sa lawa
ding ito nya pinapatago ang kanyang sikreto.

Napalingot si Zhock ng makarinig ng kaluskos sa likod at nakita nya ang iniiwasang si TOOLBOX, dali dali itong
nagbihis tumakbo palayo sa kanya. Nagulat naman si TOOLBOX sa reaksyon ni Zhock, na ngayo'y tinutulak ang
bangka sa lawa.

TOOLBOX: Wait! Zhock! What have I done wrong? Hold on!

Nakita ni TOOLBOX ang isa pang bangka at ginamit nya ito upang habulin si Zhock.

ZHOCK: Stay away TOOLBOX! PLease, leave me alone!


TOOLBOX: Why? what's wrong? please tell me! I love you Zhock!
ZHOCK: I can't explain it to you, if you really love me just let me go! I don't love you!
TOOLBOX: I don't believe you! I know you love me! Let's talk about it please!
ZHOCK: I don't have alot of time TOOLBOX, it's best if you.2 leave!
TOOLBOX: What do you mean!

Sa mga panahong ito ay bumuhos ang napakalakas na ulan na sya namang ikinabahala ng mga alon.

ZHOCK: I....I...I have AIDS Toolbox! I can't lie to you anymore! I'm so sorry, please just go away!!!

Bago pa makasagot si TOOLBOX ay tumaob ang bangka nito sa sobrang lakas ng alon. Nakita agad yon ni Zhock
at dali dali syang tumalon upang sagipin ito. Magaling lumangoy si Zhock at dalidali nyang nasagip ang lalaki.
Nakahandusay sa buhangin si TOOLBOX at nawalan ng malay. Bibigyan na dapat ni Zhock ng pangunang lunas si
TOOLBOX ngunit na inisip nya muna kung mahahawa niya ito sa kanyang paghalik sa lalaki. Kinuha nya ang
damit ng lalaki at nilapat nya ito sa kanyang labi at inumpisahan syang iligtas.

Nagising si TOOLBOX sa loob ng Hospital, at si Zhock agad ang kanyang unang hinanap ngunit wala na si Zhock
doon. Ayon sa Nurse, hinatid daw sya ng isang magandang babae at umalis din daw ito kaagad. Kung saan saan
hinanap ni TOOLBOX si Zhock ngunit hindi na nya ito nakita. Sumuko nalang si TOOLBOX sa paghahanap at
umuwi ng Amerika.

(Pagkalipas ng isang taon....)


Nakahiga si Zhock sa kwarto, nararamdaman na nya na malapit na syang mamatay. Eksaktong 6:59 ng gabi,
natandaan ni ZHOCK si TOOLBOX, ilang beses nyang pinaulit ulit sa isip ang magagandang karanasan nilang
dalawa, pinaglaruan nya rin sa kanyang isip na Ikinasal silang dalawa at nag ampon ng dalawang anak. Naging
maganda ang buhay nila at namuhay sila ng masaya....7.00 ng gabi, nalagutan si Zhock ng hininga.

WAKAS

Mula sa pelikulang Monggol:

The Rise of Genghis Khan ni Sergei Brodrov

Ang istoryang ito ay tungkol sa Tribong Borjigin na kinabibilangan ni Yesügei at ang kanyang anak na siyam na
taong gulang na si Temüjin.

Habang nagmumuni muni si Temüjin ay bigla na lamang syang nagulat sa kanyang amang si Yesügei na
humahangos at sinabing sila ay aalis. Ang saad nito ay malayo pa daw ang kanilang lalakbayin kaya't
nagmamadali ito.

"Bakit Ama?" tanong ni Temüjin

Ang tugon naman ng kanyang ama ay agad na ikinagulat ni Temüjin. Ang nais ng kanyang ama ay maghanap na
sya ng mapapangasawa upang sa ganoon ay makabawi ang kanyang ama sa atraso sa tribong Merit.

Katwiran ni Temüjin ay masyado pa syang bata upang ikasal. Ngunit saad ng kanyang ama ay hindi ibig sabihin
na nakapili na ng mapapangasawa ay magpapakasal na sya. Ito daw ay simpleng pamimili lamang ng babae.

Agad na naglakbay ang mag-ama patungo sa lugar ng tribong Merit ngunit ng mapagod ay nagpahinga ang mga
ito.

Nang tumigil sila sa isang lugar ay nagpasya ang bata na galugarin ang paligid. Nang mapadpad ito sa isang
dampa ay nakita nito ang isang dalagitang si Borte. Nagulat ito at inakalang si Temüjin ay magnanakaw. Ngunit
nagpaliwanag naman ang bata.

Tila nahulog agad ang loob ni Temüjin sa dalagitang si Borte at tatawa tawa nitong inamin ang totoong pakay.

Sinabi nitong papunta sila sa isang lugar upang makahanap sya ng mapapangasawa ngunit si Borte na ang
kanyang pipiliing mapangasawa.

Noong una ay nag alinlangan pa si Borte ngunit pumayag din ito na mapangasawa ni Temüjin. Nangako si
Temüjin na babalikan si Borte pagkalipas ng limang taon.
Magkahawak kamay na bumalik si Temüjin at Borte sa lugar ng kanyang ama. Ipinaliwanag nito na si Borte ang
kanyang napili.

Pagkatapos noon ay nagtungo sila sa magulang ni Borte upang ipagkasundo.

PABULA

Si Haring Tamaraw at si Daga


Ang Tamaraw ay isang uri ng mga hayop sa ating kagubatan. Siya ay malaki, mabilis at
malakas. Iginagalang siya ng lahat ng kanyang nasasakupan.

Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na pagad.
Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-tuwa
siyang naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga
sanga ng puno. Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling
tumakbong paalis si Daga. Hindi sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring
Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga.
Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa,
kakainin sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw.
Nangakong hindi na siya uulit at sinabi pang baka siya'y makatulong kay Haring
Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at pinatawad ni Haring Tamaraw si
Daga. Nagpasalamat naman si Daga.
Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang
paglalakad ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng malalaking
hayop sa kagubatan. Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw. Walang
magawang tulong ang mga hayop. Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang
gagawin sa kanilang hari.

Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat


kaagad niya ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni
Daga sa kanya. Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging
mabuting magkaibigan si Haring Tamaraw at si Daga.

ANG DAGA AT ANG LEON


Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon.
Kanyang inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay
nagpapadausdos siya paibaba. Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising
ang leon. Dinakma ng leon ang daga at hinawakan sa buntot na wari bagang
balak siyang isubo at kainin. Natakot at nagmakaawa ang daga.

“Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinasadyang gambalain ka sa


pagtulog mo. Wala akong masamang hangarin. Nakatuwaan ko lang na
maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin,” ang sabi ng daga.

Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaawa.

“Sige, pakakawalan kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang


pagtulog ko,” sabi ng leon.
“Salamat kaibigan. Balang araw ay makagaganti rin ako sa kabutihan mo,”
sagot ng daga.

Lumipas ang maraming araw at minsan sa pamamasyal ng daga sa


kagubatan ay kanyang napansin ang isang lambat na nakabitin sa puno.
Lumapit siya upang mag-usisa at agad niyang nakilala ang leon na nahuli sa
loob ng lambat na ginawang bitag ng nangagaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyat ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa


lambat. Agad namang naputol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama
ang leon sa loob. Mabilis na bumaba ang daga at tinulungan ang leon na
nakawala sa lambat.

“Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na sabi ng leon sa


kaibigang daga.

Aral

 Ang paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapag-pababa sa dangal ng


isang tao.
 Huwag maliitin ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay
may kakayahan pa rin itong makatulong sa paraang hindi madalas
inaasahan ng iba.

The Cat Who Pretended To Be A Lama


A long time ago there was a lama, a Buddhist monk, who spent his time in deep meditation. Next to him there lay a
cat. One day the cat stole the lama’s snuff bottle and the lama went after the cat and got his snuff bottle back. Then
another time the cat stole the lama’s rosary and hid in a hole. When the lama grabbed the cat by the tail, the tail
suddenly got torn off.

not a Mongolian snuff-bottle but close enough

The cat went away and came upon a place where many mice lived. There she made herself comfortable and put the
rosary around her neck. One day some mice came along the way and circled the cat warily. So the cat said: “Don’t be
afraid of me! I’m one of those lama cats. Let me teach you the holy doctrine saying not to kill another living being.
Come! Come here!”

So the mice went to the cat and let her teach them. After a few days had passed Khuchin tuct, the khaan of the mice,
told them: “Oh, it seems as if our teacher is eating us. In her excrements there are traces of bone and hair. Go back
home and get a bell.” He sent a few mice to carry out his request.

The mice went home and came back with a bell. They said to the cat: “Teacher, please accept this jewellery from us!”
And they put the bell around her neck. Khuchin tuct told his mice: “After today’s lesson will be over, we will exit one
after another. If the bell should ring, we’ll turn around and hurry back.”

So when the lesson was finished, the mice went out together when suddenly they heard the bell ringing. The mice
hurried back, and there the cat had caught one of the mice and was just about to eat it. Kuchin tuct said mournfully:
“We believed the lies of our false, hypocritical teacher and so we lost several of our brothers and sisters.” And so the
mice moved to another place.

The cat thought remorsefully: “If I had hidden my excrements, who would have ever found out about me?” And since
then, it is told, cats hide their excrements by burying them.
JAPAN

TULA

Mga tula sa panahon ng hapon

Tulang Tanaga
Halimbawa ng mga Tulang May Pitong Pantig at apat na taludtod

1
WALANG MALAY
Ang ulan ay pag-asa,
Sa mga magsasaka
At sikmura ng bansa,
Bakit tingi’y pinsala?

2
TUNAY NA SAKIT
Minumura ng ilan,
At nilalapastangan,
Habagat ba’ng dahilan
Baha sa kapatagan?

3
INOSENTE
Nagtampong kalikasan
Sa kurakot ng bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan.

4
ULING
Putul-putol na ugat,
Sa dibdib nitong gubat,
Ay nakikipag-usap,
Sa nag-iwi ng tabak!

5
NILILIYAG
Ang kanyang tinging titig,
Sa sintang iniibig,
Ay luksong malalagkit,
May alab din ng init.
---haiku in tagalog 2012

MAIKLING KWENTO

Ang Lura ng Demonyo


(Maikling Kwentong Hapon)
The demon's spittle; Hiroshi Naito
Salin ni Lualhati Bautista

Noong unang panahon, sa Kyoto'y may isang relihiyosong lalaki. Madalas siyang bumisita sa Rokkaku-do (Dambanang Heksagonal)
para mag-alay ng taimtim na panalangin kay Kannon-sama, ang Diyosa ng Awa, na nakadambana roon.
Minsa'y bisperas ng Bagong Taon dumalaw siya sa bahay ng isang kaibigan. Madilim na nang umalis siya rito. Tumawid na siya
rito. Tumawid na siya sa Modoribashi (Ang Tulay Pabalik), nang pauwi na at nakakita siya ng maraming taong papalapit, na may
dala-dalang mga naglalagablab na sulo. Naisip niya na iyon ay grupo ng isang pinuno kasama ng kanyang mga ayudante. Kaya
umalis siya sa daraanan ng mga ito't nagtago sa ilalim ng tulay.Hindi nagtagal at nakarating na sa may tulay ang mga tao. Nag-
isip tuloy siya kung sino kayang pinuno iyon. Sumilip ang lalaki mula sa ilalim ng tulay at tyumingala. At naku! Hindi pala sila mga
tao. Lahat sila'y mga oni (demonyo), na may tig-iisang pares ng sungay. Ang ilan sa kanila'y iisa lamang ang mata, samantalang
ang iba'y maraming mga kamay, at ang iba pa'y may tig-iisang paa lamang. Gulat na gulat ang lalaki sa nakita niya.

"Hoy, may tao sa ilalim!" sigaw ng isa sa mga oni..

"Hulihin natin!" sabi naman ng isa.

Sa isang iglap, ang lalaki'y nagging bilanggo ng mga demonyo. Natakot ang lalaki dahil baka kainin siya ng mga ito at itinalaga na
niya ang sarili sa kanilang gagawin. Pero walang ipinahiwatig na kahit anong kalupitan ang mga oni. Sabin ng isa, hindi raw bagay
kainin ang lalaki at itinulak siya nito.Pagkaraa'y pinagduduruan siya ng mga ito sa mukha at saka sila nag-alisan. Nakahinga nang
maluwag ang lalaki sa pagkakaligtas ng kanyang buhay. Dali-dali na siyang umuwi. Nang dumating siya sa bahay, ayaw siyang
kausapin ang kanyang pamilya bagamat tinitingnan siya nang diretso ng mga iyon.

" Bakit ang tahimik ninyo?" tanong niya. Pero hindi siya pinansin ng mga ito. Nagtataka tuloy siya kung ano'ng nangyayari sa
kanila.

Pagkaraan ng ilang sandal, biglang pumasok sa isip niya nab aka hindi na siya nakikita dahil sa dura ng mga oni. Nakikita niya ang
kanyang pamilya at naririnig niya ang sinasabi ng mga ito, pero mukhang hindi siya nakikita't naririnig ng mga iyon. Litung-lito
siya sa pangyayaring nagaganap.

Kinabukasan ay araw ng Bagong Taon. Gayunman, malungkot ang pamilya ng lalaki dahil nawawala ito sa piling nila. Di-
mapalagay niyang pinagtatawag ang kanyang kamag-anakan at sinabing kasama siya ng mga ito sa bahay, pero wala ring
nangyari. Kahit tinatapik pa niya sa ulo ang kanyang mga anak, tila hindi nararamdaman ng mga ito ang kanyang kamay. Sa
pagdaan ng maghapon, sinimulan nilang iyakan ang ama, sa pag-aakalang nawala na nga ito. Samakatwid ang Bagong Taon ay
naging araw ng trahedya para sa kanila at nagdaan pa ang maraming malungkot na araw. Naisip ng lalaki na wala nang natitirang
paraan sa kanya kundi humingi ng tulong sa Diyos ng Awa. Sa gayon, kaagad niyang binisita ang Dambana ng Rokkaku-do.

" O, maawaing Kannon-sama ipakita mo ako sa aking pamilya. Maawa po kayo sa akin!" Nag-alay siya ng mga taos-pusong
panalangin sa Diyosa sa loob ng buong dalawang linggo.

Habang nagdarasal sa huling gabi ng pamamanata niya, hindi sinsadyang nakatulog siya't nanaginip. Sa panaginip, nakatagpo
raw niya ang isang banal na Buddhistang pari na lumitaw mula sa likod ng kurtinang kawayan at mataimtim na nagsabi sa kanya:
"Ay, aking masugid na tagasunod! Umalis ka rito bukas nang umaga at gawin mo kung anong sasabihin sa'yo sa unang taong
masasalubong mo sa daan pauwi. Sundin mo ang utos ko at ikaw ay makababalik!"
Nagpatirapa siya sa harap ng pari. Nang magising siya, maliwanag na.

Nilisan niya ang dambana at di pa nakakalayo'y may nasalubong na siyang isang pastol. Naisip niya na ito ang tinutukoy ng
Buddhistang pari sa kanyang panaginip. Nilapitan siya ng pastol at sinabi nito: "Kumusta, mahal kong kaibigan, sumama ka sa
akin." Ikinatuwa ng malungkot na lalaki na nakikita na siya ng iba, at dahil dito'y kaagad siyang sumunod sa pastol. Naglakad sila
nang kaunti at nakarating sa tarangkahanng isang malaking palasyo. Itinali na pastol ang kanyang baka sa isang kalapit na puno
saka lamang nito binuksan nang bahagya ang bakod at sinenyasan ang lalaki na sumunod sa kanya. Sinabi ng lalaking di-makita
na imposible niyang magawa iyon dahil napakaliit ng puwang na binuksan. Pakiramdam niya'y nananaginip pa rin siya.

Dinala siya ng pastol sa laloob-looban ng bakuran. Sa wakas ay nakarating sila sa isang kwarto sa bandang likuran. Nakaratay sa
higaan ang isang matanda ngunit mayasakit na prinsesa ng mansion. Binabantayan ito na kanyang mga magulang-ang senyor at
senyora-at lahat ng katulong ay pawing nababahala sa kanyang karamdaman. Hindi nila napansin ang pagdating ng mga di-
nakikitang pangahas- dapat ninyong malaman na ngayon na ang pastol ay dir in nakikita ng ng karaniwang tao. Natuklasan ng
lalaki na hindi pa rin nakikita ang kabuuan niya kaya lalo siyang nawalanng pag-asa. Inutusan siya ng pastol na hampasin niya ng
kahoy na martilyo ang ulo ng maysakit na prinsesa. Sinunod ito ng lalaki at tuwing papaluin niya ang prinsesa, namimilipit ito sa
sakit. Sa ganoto, inakala ng senyor at senyora sa namamatay na ang kanilang anak. Kaagad silang nagpatawag ng Buddhistang
pari para paalisin ang anumang masamang espiritu na gumagambala sa anak nilang maysakit.

Hindi nagtagal, dumating ang isang butihing pari at nagdaos ng mga dasal upang playasin ang masamang espiritu. Umawit ito ng
panalanging Buddhista na nagpatigil sa pangangahas ng di-nakikitang lalaki sa ginagawa niyang karahasan. Umawit na iba pang
panalangin ang pari. Gulat na gulat ang di-nakikitang pakialamerong relihiyoso nang biglang umapoy ang suot niyang kimono.
"Sunog, sunog!" sigaw nito, at bigla siyang nagpagulong-gulong sa lapag. Sa sumunod na sandal, lumitaw ang kanyang kabuuan.
Takang-taka ang mga tao sa kuwarto at nagtanungan sila: "Saan siya nanggaling?"

Dumating ang mga guwardiya at hinuli ang lalaki. Personal na inusisa siya ng senyor tungkol sa kanyang biglang paglitaw.
Ikinuwento sa lalaki sa senyor ang kanyang kakaibang abentura. Sabin g pari: " Isang milagro 'yan. Marahil ay ginusto ni Kannon-
sama ng Dambana ng Rokkaku-do na inilantad ang kabuuan ng taong ito gayundin, na gumaling ang prinsesa." Milagro talaga na
nang lumitaw ang kabuuan ng lalaki, kasabay na gumaling din ang prinsesa..
Masayang umuwi ang lalaki. Di na kailangang sabihin pa na tuwang-tuwa ang pamilya niya nang Makita siyang muli.
Ang identitad na pastol ay nanatiling misteryoso hanggang ngayon pero pinaniniwalaan ng maraming tao na siya'y isa pang
kaluluwa.
Buod ng Uhaw na Tigang na lupa
ni Liwayway Arceo
Naging kapansin pansin sa dalagita ang ilang bagay sa kaniyang ina nang hindi

ito makatulog, palaging malungkot kung tumitig, malalim ang paghinga at paminsan

minsan ay may impit na hikbi.

Ang kanyang ina ay hindi palakibo at matipid kung makipagusap. Bihira lamang

siyang magalit. Parang patak ng ulan kung tag-araw ang kaniyang mga ngiti. Ang

batang puso ng anak ay maitutulad sa lupang tigang na uhaw na uhaw.

Palagi niyang namamalas ang pagsasalita ng ama habang nagmamakinilya,

ang pagbabasa nito,pinagmamasdan niya ang pagbuga ng usok ng sigarilyo, ang pag-

iisip at ang pagpatuloy sa pagsulat.

Ilang taon ang nakalipas ay may isinauling maliit na talaarawan ang kanilang

labandera sa kanyang ina at kinabukasan ay may mga bakas na ng mga luha sa mga

mata ng kanyang ina. Lalo itong naging malungkot at tahimik.

Isang gabi’y umuwing lasing ang kanyang ama at dumaing na masakit ang

dibdib at ulo. Naratay ng ilang araw ang ama at hindi ito hiniwalayan ng kanyang ina.

Hindi ipinagtapat sa anak ang tunay na karamdaman ng ama.

Nakita ng anak sa hapag ng ama ang isang kahitang pelus ng ipaayos sa

kanya ng ama ang hapag nito. Ang larawan sa kahita ay hindi ang kaniyang ina.

Walang lagda ang larawan at ang tanging nakasaad ay “Sapagkat ako’y nakalimot”.

May nakita rin ang anak na isang salansan ng liham. Nakasulat sa mga sobre ang

pangalan ng kanyang ama at tanggapan nito.

Hiningi ng ama ang mga sulat ngunit tumutol ang anak. Sinabi ng kaniyang

ama na nasa kalamigan ng lupa ang kanyang kaluwalhatian. Ayon sa ama ang unang

tibok ng puso ay hindi pagibig tuwina.

Lumubha ang kalagayan ng ama at malimit na mawalan ng malay samantalang

ang ina ay patuloy sa pagbabantay, walang imik, hindi kumakain, hindi umiidlip at

patuloy na lumuluha kung walang makakita sa kanya.

Nagsalita ang maysakit at sinabing magaling na siya at sila ng kanyang mahal

ay maaari nang magtungo….na nag moog na kinabibilangguan niya ay kanyang

wawasakin sa anumang paraan.

Napaluha ang ina at pumatak ito sa bibig ng asawa. Nagmulat ng mga mata

ang maysakit at nagkatitigan sila ng ina.

Hawak ng ina ang kamay ng ama nang muli itong nagsalita ata ang sabi ay

“Sabihin mo, mahal ko na maangkin ko na ang kaligayahan ko”.


Mariing kinagat ng ina ang labi at sinabing maaangkin na iyon ng kanyang

mahal.

PABULA

Ang Kwento ng Dalawang Palaka

Umapaw sa mga pilapil ang tubig ulan. Ang mga pinaggapasan ng palay ay
pinalamutian ng mga kuhol ng kanilang mapupulang itlog. Inaagos ang bola ng
pinagmomogan ng lupang natuyuan ng laway mula noong nakaraang anihan.
Kailangan niya raw iyong iwasan sabi ng kanyang ama sapagkat lason daw iyon na
ikinalat ng tao.

Lumusong sa tubig ang palaka. Linasap niya malamig na tubig. Sumuot sa kanyang
balat ang tubig. Sa wakas nakalangoy siya ng tubig na hindi mapanghi at maanghit.

Namulat ang kanyang mga nakausling mata sa batis na nadalas paliguan at ihian ng
mga kalabaw doon sa gilid ng gubat. Masasabing maswerte siya sapagkat nawalan
siya ng buntot at nagkapaaa bago pa man tuluyaang magluntian ang tubig sa batis at
naging mahirap a ng paghinga sa tubig ng nakaraang tag-init. Kinailangan niyang
matotong lumundag gamit ang kanyang mahihinang paa nang maaga para makaahon
sa mabahong tubig.

Biyaya ring maituturing kahit papano ang mgaa kalabaw dahil sila ang nagdadala ng
niyang langaw.Kahit nakalayo na siay sa batis ay lumalapit pa rin sa kanya ang mga
langa dahil sa anghit na nanuot sa gulogod ng kanyang butlig-butlig na balat. Siya
ang pinakamagaling sa magkakapatid sa paghuli ng langaw.

Kinaiingitan ng lahat ang kanyang malakas, mabilis at mahabang dila. Ang hindi alam
ng kanyang mga kapatid ay may kakaiba pang katanigan ang kanyang dila– malakas
ang panlasa nito.Pare-pareho lang ang lasa ng langaw mapababae man o lalake.

Ang paborito niyang kainin ay ang babaeng lamok. Paiba-iba ang lasa ng mga
babaeng lamok di gawa ng mga lalakeng lamok na lasang gulay. May babaeng lamok
naa ang lasa ay nagpapaalala sa kanyang ng kalabaw. Pero may lasa siyang
hinahanap-hanap, ito ang lasa ng mga babaeng lamok nahuhuli niya malapit sa
tahanan ng mga tao. May kakaibang linamnam ang likido sa loob ng mga babaeng
lamok na ito at sa wari niya ay nagbibigay ito sa kanya ng kakaibang lakas.

Lumubo ang kanyang tiyan sa kakakain at higit na naging malakas ang kanyang
buong katawan kahit kanino lalo na ang kanyang dila.

Isang araw ay ipinatawag siya ng kanyang ama na ngayon ay umuugod-ugod


na.Sinabi nito sa kanya na hindi lang sa pagkain ang saysay ng buhay ng bawat
palaka bagkos ay kasama rin ang pagpaparami ng lahi. Dahil siya ang lumaking
pinakamalakas sa pamilya ay inatasan siyang magparami ng lahi sa malayong lugar.

Nagpalakas siya ng husto sa pamamagitan ng pagkain ng paborito niyang pagkain


habang hinihintay niya ang tag-ulan. Lumaki ang kanyang tinig kasabay ng tuluyang
paglaki ng kanyang katawan kailangan daw niya iyon para makatagpo ng babaeng
palaka na malalahian sabi ng kanyang ina.

Sa simula ng tag-ulan ay umalis siya at naglakbay ng limang araw at anim na gabi


bago siya nakarating sa palayan.
Binilisan niya ang kanyang paglangoy, lumusong at umahon. Gusto niyang tuluyang
mawala ang anghit na nanoot sa kanyang balat buong buhay niya. Tinipid niya ang
kanyang tinig ng siya ay tumawa mas kakailanganin niya ito mamayang gabi.
Nakaramdam lang siya ng pagod nang uminit ang tubig bandang tanghali. Pagod man
siya ay may lakas pa siyang nahugot para humuli ng maliit na hito para sa kanyang
tanghalian. Nagpahinga siya buong hapon sa lilim ng pilapil.

Madilim na pero maligamgam pa rin ang tubig. Namulat siya sa kokak ng ibang
palaka. Kumokak din siya. May sumagot sa kanyang kokak na kasing tinis ng kokak
ng kanyang ina. Lumundag siya sa tubig at lumangoy patungo sa pinagmumulan ng
kokak. Bumilis ang tibok ng kanyang puso habang papalapit nang papalapit ang
kokak.Masigasig siyang papalapit hanggang sa damo na lang ang naghihiwalay sa
kanila.

Lumusot siya sa damo at nanlaki ang mga mata sa nakita. Isang magandang palakang
kauri niya. Patuloy siyang kumokak para magpakilala at magpasikat. Kumokak sa
tuwa ang babae.

Akmang maglalapit na sila sa isa’t isa ng biglang linukuban siya ng isang lambat. Pilit
siyang lumundag pero hindi niya mahawi ang matigas ng lambat.Nasapot siya at
tuluwang nahuli. Ipinasok siya sa isang garapon na tinakpang ng lambat. Kumokak
siya nang kumokak at narinig niyang sumasagot ang babaeng palaka ngunit papalayo
ito nang papalayo ngayon.

Nang gabi ring iyon, sa isang call center sa malayong lungsod ay nagkukuwento ang
isang ahente sa kanyang mga katrabaho. Hindi siya katangkaran, mga 5″4′ lang
siguro ang taas niya. Pero mas mababa siya kung titingnan dahil may katabaan siya.
Mas umuusli ang kanyang butod na tiyan tuwing umuupo.

Gusto lang niya ay magyabang wala siyang pakialam kung interesado ba ang mga
katrabahong nagpapahinga. At dahil walang pinipiling pasukang tenga ang tinig nito
ay pinagtitiisan na lang ito ng kausap.

Napagdiskitahan niyang ikwento ang kanyang mala-Casanova ng sex-life. Ikwento


niyang may naka-threesome siya. Pero abala ang kanyang mga katrabaho sa
Facebook. Nagpalit siya ng paksa. Ikwenento niyang may nakatrabaho siyang dating
artista sa call center na pinanggalingan niya. Sabi niya ang taba raw ng dating artista
at mukha itong baboy.(Hay nagsalita ang may six-pack abs.)

Kinamagahan, ang palaka ay hinawi mula sa garapon. Sinubuan ng chloroform at may


tumusok sa kanyang utak, saglit siyang pumiglas, unti-unti siyang namanhid at
dagdilim ang kanyang paningin.

You might also like