You are on page 1of 1

LEARNING LOG (NINTH WEEK)

JEREMY M. ARCEO

BSED FILIPINO IV

APRIL 08, 2022

Bagong linggo, bagong kaalaman. At dahil natapos at


napagtagumpayan nila ang kanilang ikatlong markahan. Ang
pagbubukas ng linggong ito ay pagbubukas din tungo sa
panibagong mga aralin. Sa kanilang huling markahan, pag-
aaaralan ang apat na obra maestrang Filipino. Ang Ibong
Adarna sa mga nasa ikapitong baitang, Florante at Laura sa
mga ikawalong baitang, Noli Me Tangere sa mga ikasiyam na
baitang at El Filibustersimo naman sa mga nasa ikasampung
baitang. Tinalakay sa linggong ito ang kaligirang
pangkasaysayan ng bawat obra. Nalaman at napag-aralan ng
bawat mag-aaral kung ano nga ba ang kahalagahan at naging
dulot nito sa ating mga Pilipino. May isang araw na ako ang
nanguna sa klase ng mga nasa ikapitong baitang sa pagsulat ng
kanilang lecture.
Nasabi na tuwing araw ng biyernes kami’y mag-uulat sa
paaralan, ngunit sa linggong ito ay hindi kami pumunta
sapagkat ang klase ay gaganapin sa online at hindi pupunta ang
mga mag-aaral sa paaralan upang magpasa ng kanilang mga
sagutang papel. Tanging ang mga mayroong kakulangan ang
pumunta upang makumpleto ang kanilang mga kulang.

You might also like