You are on page 1of 1

LEARNING LOG (TENTH WEEK)

JEREMY M. ARCEO

BSED FILIPINO IV

APRIL 13, 2022

Tatlong araw lamang ang naging pasok ng mga mag-aaral sa linggong ito
dahil ito ay linggo ng Mahal na Araw. Naging regular ang klase sa araw ng
lunes at martes samantalang ang miyerkules ay ang kanilang Fun day.
Masayang nairaos ang Fun day ng mga mag-aaral at kasama ko ay ang mga
Grade 10 at ang aking Cooperating Teacher na si Maam Lalaine. Ang aming
mga naihandang palaro ay: Zoomed-in, Read-My-Lips at ang Bring me.
Nagkaroon ng apat na grupo na pinangalanan sa apat na tauhan o tawag sa
step ng isang sikat na sayaw mula sa Tiktok. Chiki, Cha-cha, Bombom at Lala
ang naging pangalan ng bawat grupo. Bago magsimula sa mga laro ay isinayaw
muna ng bawat miyembro ang steps na na-atas sa kanila. Ang naging
patakaran ay bago sabihin ang kasagutan ay isisigaw muna nila ang pangalan ng
kanilang grupo. Unang laro ay ang zoomed-in, sa larong ito ay may larawang
naka-zoom o parte ng mukha lamang ang makikita at huhulaan nila kung sino
ito at naging kategorya sa mga larawan ay ang iba’t ibang kilalang mga
vlogger. Sa dulo o sa huling bilang ay inilagay kong larawan ay ang larawan ni
Maam Lalaine upang magkaroon ng tinatawag na twist ang laro. Nagulat at
tuwang-tuwa ang aking Cooperating Teacher at binigyan niya ng puntos ang
bawat grupo. Ikalawang laro ay ang read-my-lips, sa larong ito ay huhulaan
nila ang sinasabi ng aking mga labi habang ako ay naka-mute. Makikita ang
pokus ng mga mag-aaral dahil makikita sa kanilang mga reaksyon kung paano
nila intindihin ang salitang aking sinasabi. At ang huling laro ay ang bring me,
may ibibigay na unang letra at kung Tagalog ba ito o Ingles at paunahan na
makahanap ang mga mag-aaral ng mga bagay na may pangalang mayroon sa
sinabing unang letra.
Natitiyak ko na lubos na nasiyahan ang bawat isa sa inihanda
namin ni Maam Lalaine na mga laro kahit na sa online lamang
ito ginanap. Bawat laro ay may katumbas na puntos na magiging
aktibidad nila sa asignaturang MAPEH. At sa huli ay nanalo o may
malaking puntos ay ang grupong Lala.

You might also like