You are on page 1of 16

masalig

Republic of the Philippines


Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Pasya mo, Buhay mo

Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________


Baitang at Seksyon:______________________________
Paaralan:_______________________________________
0
Alamin

Magandang araw mga butihing mag-aaral!

Sa araling ito, iyong matututuhan kung paano magiging gabay ang pag-
aaral o edukasyon sa paggawa ng mabuting pagpapasiya na magiging daan
patungo sa makabuluhang buhay.

Mayroong isang kasabihan na nagsasabing, “Ang ating buhay ay ang


kabuuan ng ating mga ginagawa at pinagpapasyahan.” Gaano nga ba
katotoo ang kasabihang ito? Malaki nga ba ang epekto sa ating buhay ng
mga bagay na ating pinagpapasyahan?

Ang tao ay nilikha ng Diyos na katangi-tangi at naiiba sa lahat ng nilalang


sapagkat ang tao lamang ang may kakayahang magpasya o magdesisyon sa
kaniyang buhay. Napakapalad natin sapagkat pinagkalooban tayo ng Diyos
ng kakayahang ito na ating magagamit upang makapamuhay ng tama,
maayos at makabuluhan.

Ang mga inihandang gawain sa modyul na ito ay naglalayon na patnubayan


kayong makamit.

EsP7PB-IVc-14.1 Ikalawang Linggo

➢ Naisusuri ang mga hakbang sa paggawa ng wastong pasya.


➢ Nakagagawa ng graphic organizer na may malinaw na posisyon
kaugnay sa mabuting pagpapasya.
➢ Natutunan ng mag-aaral ang kahalagahan ng matuwid at tamang
pagpapasya ay sapagkakaroon ng makabuluhang buhay.

Subukin
Bago tayo magsisimula sa ating gawain, sagutin muna natin ang maikling
pagtataya upang tayahin ang lawak ng kaalaman lalo na sa nilalaman ng
aralin. Handa ka na ba?

Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot at bilogan ang tamang sagot.
1. Bakit mahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa?
A.Upang sa tuwing tayo ay hihingi ng pabor, sila ay hindi makatanggi.
B.Paglalayang gawing kaaya-aya ang buhay para sa kapwa at makapagbigay
ng inspirasyon na tularan ng iba.

1
C.Masayang tumulong lalo na kung may ibibigay na kapalit.
D.Para may matatanggap na grasya.

2. Alin ang nagpapakita ng kabutihan sa kapwa?


A. Pagtulong na walang hinihintay na kapalit.
B. Pagpapakopya sa kaklase para pareho kayo ng iskor.
C. Pagtulong sa guro para may makuhang puntos.
D. Paghuhugas ng pinggan sa bahay tapos hihingi ng pera kay Tatay.

3. Aling pangangailangan ng mga matatanda na maaari mong tugunan?


A. bigyan ng bahay at lupa C. pag-aaruga at malasakit
B. pera D. pabayaan na lamang

4. Ito ay pagtitiyaga na maaabot o makukuha ang mithiin o layunin sa


buhay na may kalakip na pagtitiis, at determinasyon.
A. Kasipagan B. Katatagan C. Pagsisikap D. Pagpupunyagi

5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tunguhin sa paggawa?


A. Mapabibilis ang paggawa
B. Magkaroon ng sense of Achievement
C. Magiging epektibo sa pamamahala ng paggamit ng oras sa paggawa
D. Matutugunan ang mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata.

6. Bilang isang boy scout at girl scout natutunan mo sa paaralan ang kahalagan ng
kalinisan ng pangangalaga sa kapaligiran.

Anong paraan ka makatutulong?


A.Mamahagi ng polyetos na nagsasaad ng mga hakbang sa pangangalaga sa
kapaligiran.
B.Walang magawa dahil estudyante pa lamang.
C.Liliban sa klase.
D.Hayaan ang iba na siyang gumawa ng paglilinis ng kapaligiran.

7. Ano ang dapat gawin ng isang taong may pangarap sa buhay?


A. magbuwis ng buhay . C. magsumikap at magtiyaga
B. maghintay kung anong mangyari D. magsawalang bahala

8. Saan nakatali ang katuparan ng ating pinipiling pangarap bilang tao?


A. bagay B. puntahan C. bokasyon D. tao

2
9. Ano ang gagamitin sa mabuting pagpapasya?
A. isip at damdamin C. kaisipan at kalagayan
B. pera at kayamanan D. kaibigan at impluwensya

10. Ano ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso sa


pagpapasya
A. isip C. panahon
B. damdamin D. magandang mithiin

Modyul
2 Pasya mo, Buhay mo

Balikan
Gawain 1: Bunga ng pagpapasya
Panuto: Lagyan ito ng tsek (√) sa kahon kung ito ay nagpapakita ng wastong
pasya. Lagyan ng ekis (X) kung hindi. Punan ng angkop na salita ang bawat
patlang para mabuo ang pasyang bunga ng masusing pag-aaral.Piliin ito sa
loob ng kahon.

Pagsasangguni, Pagkakataon Payo,Gabay


Sitwasyon,Batas
Bunga, Impormasyon Pagkakataon, Lipunan

.
1 Pagkakalat sa daan Ang pagbuo ng proyektong
makakatulong para mapanatili
ang kalinisan sa paligid ay isang
halimbawa ng ______________
Source:http://camnortenews.com/page/wp-
content/uploads/2018/01/basura2.jpg para makatulong sa ______
.2 .
Ang paggamit ng reusable na
Paggamit ng reusable bayong
na ay isa sa mga _________ng
bayong tuwing pasyang nabuo mula sa mga
namimili ________ nakalap na ang mga
plastics ay naiipon sa karagatan
Source:https://poshmark.com/listing/Philipppines- na siyang pumapatay ng mga
Native-Bayong-Bag-5c6aae33a31c33dd2aba1ed8
yamang tubig at siya ring
dahilan ng acid rain.

3
.3 .
Pagkukumpuni ng Ang pagkukumpuni ng mga
mga sirang gamit sirang
Para muling gamitin. gamit ay isang _________na
tumutugon sa pasyang may
Source:ttps://manilatoday.net/wp-
content/uploads/2017/02/16427292_ pagsaalang-alang sa mga_______
119947178519810_259139576484962637_n.jpg pangkalikasan, mga
mabuti,malalim, kritikal at
pagkamalikhaing pag-iisip.
.4
Pakikipagpalitan Ang pakikipagpalitan ng
ngkaisipan sa kaisipan sa
kapwa kapwa ay isang paraan ng
pangangalap ng mahahalagang
Source:https://seekersportal.files.wordpress.com/2010/11
/paskongmgabata.jpg _____ o ____ para
lalong luminaw ang isasagawang
pagpapasya.
.5 .
Ang _________________sa guro o
Pagsangguni sa titser nakatatanda ay isang matalino
kung may hindi na at maingat
unawaan na hakbang sa pagbuo ng pasya
sa aralin. dahil sa mga payo o gabay na
Source:https://blog.uad.ac.id/ummu1400005263/
files/2015/01/BelajarDanMengajar.jpg kanilang ibibigay. Ito’y
isang________sa buhay ng mga
kabataan na kailan ma’y hindi
dapat isinasantabi.

Hello! Naging madali ba ang pagsagot sa mga katanungan? Sa ngayon


maglalakbay tayo tungo sa kaalaman hingil sa mga pasyang nakikita natin
sa ating kapaligiran Halikana ating tutuklasin!

Tuklasin

Gawain 2: Ginawa Mo Kahinatnan Mo!


Panuto:May mga pangyayaring hindi natin maiiwasan na kailangan nating
gumawa ng agarang pagpapasiya. Ipaliwanag ang larawan na nasa ibaba,
ano ang tamang pagpasya ang dapat gawin?

4
https://www.freepik.com/free-vector/dirty-toilet-
scene_3787123.htm#page=1&query=dirty&position=7

https://www.freepik.com/freehahn-
vect

Sagutin:1. Ano ang naging pagpapasya mo sa mga ibinigay na sitwasyon?


a. _____________________________________________
b. _____________________________________________
c. _____________________________________________

2. Sa iyong palagay, tama ba ang naging mga pasya? Pangatwiranan.

3. Bakit mahalagang tingnan natin ang maaaring kahinatnan o bunga


nito bago tayo gumawa ng pasya?

Rubrics sa Pagmamarka
MgaBatayan Antas ng Pagmamarka
5 3 2
1. Nilalaman Naipahayag sa Hindi Malayo sa paksa
talata ang masyadong ang naisulat na
opinion. naipahayag ang talata.
opinion.

2.Organisasyo Maayos ang Di gaano Hindi maayos ang


n pagkasulat ng maayos ang pagkasulat ng
talata. pagkasulat ng talata. Walang
Nagkasunod- talata. May panimula,
sunod ang panimula at katawan at
mgaideya. May konklusyon konklusyon.
panimula,
katawan at
konklusyon.

5
Suriin

Tandaan

Ang pagpapasya ay ang pagpipili ng aksyon, kilos na gagawin o tugon ayon


Sa kinakaharap na sitwasyon. Maaring tama o mali ang pasya ng isang tao.

Ang Proseso ng Paggawa ng Mabuting Pasya;


• Ang mabuting pagpapasya - isang proseso kung saan malinaw na
nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-
bagay.
• .Panahon - ang una at pinakamahalagang sangkap sa anumang proseso
sa pagpapasya
• Isip at damdamin - ang mga instrumento o gamit sa mabuting
pagpapasya.
1. Isip
• Pinagninilayan natin ang sitwasyon.
• Naghahanap tayo ng mga impormasyon at tinitimbang natin ang mga
kabutihan at kakulangan sa ating mga pamimilihan.

2. Damdamin
• Tiyaking kagustuhan nga natin ang ginawang pagpili.
• Kung kaya’t sinasala ng ating damdamin ang anumang natuklasan ng ating isip.
3.Maaring tayong humingi ng pagpili upang gawin natin ang pagpapasya, ngunit hindi natin
dapat hayaang maimpluwensyahan tayo ng opinyon ng iba sa paraang nawawalan tayo ng
kalayaan.
• Ang pagpapahalaga ang pundasyon o haligi ng proseso ng mabuting pagpapasya.
• Ang proseso ng mabuting pagpapasya sa maikling salita ay batay sa ating
pagpapahalaga. Ginagamit natin ang ating isip at damdamin upang tiyakin sa loob ng
sapat na panahon ang ating pasya.

6
Ang malinaw na posisyon kaugnay sa mabuting pagpapasya ay ang sumusunod;
➢ magkalap ng kaalaman
➢ magnilay sa mismong aksyon
➢ hingin ang gabay ng Diyos
➢ Tayain ang damdamin sa napiling isasagawang pasya

Bawat isa sa atin ay araw-araw na bumubuo ng pasya. Mula sa mga karaniwan


hanggang sa masalimuot na pagpapasya. Ang pagbuo ng pasya ay maaring tama o
kaya naman ay nangangailangan ng pagtatama ng kakayahang magpasya o gumawa
ng desisyon ay natatanging biyaya ng Diyos sa tao.

Bilang tao, ang ating pasya ang isa sa nagbibigay ng katangian sa atin. Ito ay
sumasalamin sa ating pag-iisip, saloobin at mga mahalagang paniniwala o prinsipyo
sa buhay. Lahat ng ating tinatama sa buhay ay bunga lamang ng ating pagpapasya,
mas nabubuo ang ating pagkatao kung mabuti ang pangyayari sa ating buhay. Hingil
dito,dapat na alahahanin na kung mabuti ang pasya para mabuti din ang resulta at
tayo ay magkaroon ng sapat na importansya, Dito nalilinang ang ating misyon sa
buhay na susi din ng ating ganap na pagkatao

Pagyamanin
Gawain 3: Pangako mo Tuparin Mo!
Panuto:Basahin ang kwento at ipaliwanawag ang kahalagahan ng matuwid
at tamang pagpapasya.

Si Aamir ay labing-apat na taong gulang na labis ang pagnanais na


Makasama sa isang camping. Nangako sa kaniya ang kaniyang ama na
papayagan siyang sumama kung siya ay makaiipon nang sapat na pera
para
rito. Dahil dito, labis ang naging pagsisikap ni Joe sa pagtitinda ng
diyaryo. At
nakaipon ng sapat na halaga ng kailangan para sa camping at may
kaunti pang
halaga na natira para panggastos para sa kaniyang sarili. Ngunit
nagbago ang
isip ng kaniyang ama bago dumating ang araw ng kanilang camping.
Ang ilan
sa kaniyang mga kaibigan ay nagpasiyang mangisda sa ibang lugar.
Kapos ang pera ng kaniyang ama upang ipang gastos sa pangingisda.
Kaya, kinausap niya si Aamir upang hingin dito ang perang kaniyang naipon
para sa kaniyang camping. Iniisip ni Aamir
7 na tumanggi na ibigay sa kaniyang
ama ang kaniyang naipong pera.
Mga tanong:

1.Dapat bang tumanggi si Aamir na ibigay ang kaniyang naipong pera sa


kaniyang ama? Pangatwiranan ang sagot.

2. May Karapatan ba ang ama ni Aamir na hingin ang perang naipon ng


kaniyang anak na si Aamir? Pangatwiranan.

3.Ang pagbibigay ba ng perang naipon ni Aamir ay maaaring maging


sukatan ng pagiging mabuting anak? Ipaliwanag ang sagot.

4. Ano sa iyong palagay ang pinakamahalagang bagay na dapat isaalang-


alang ng isang ama pagdating sa kaniyang relasyon sa kaniyang anak?

5. Sa kabuuan, bakit mahalagang tuparin ang isang pangako?

8
Isaisip

GAWAIN 4: Isipin mo ang pasya mo!


Panuto: Aling pasya ang bunga ng masusing paggamit ng mga salik ng
pagpapasya? Ihanay ang mga pasya sa nakasunod na kahon.

•Paggawa ng •Paggawa ayon sa •Kusang pagsali sa mga


pagkasunud-sunod iniuutos lamang organisasyong may
ng pang-araw-araw •Pagkilos ayon sa layuning mangalaga sa
na gawain. kagustuhan ng mga kalikasan.
•Pagkakaroon ng kaibigan •Pagsunod sa mga batas
prinsipyo o •Pangangalaga sa kung may nakakakita
panuntunansabuhay kalusugan

Tamang pasya Pasyang nangangailangan ng


Payo/Gabay

Isagawa
GAWAIN: Posisyon ko pasya ko!
Panuto: Isulat sa loob ng graphic organizer ang malinaw na posisyon
kaugnay
sa mabuting pagpapasiya.

Posisyon ng
Mabuting pagpapasya

9
Rubrics sa Pagmamarka
MgaBatayan Antas ng Pagmamarka

5 3 2
1. Nilalaman Maayos na Hindi gaanong Malayo sa
naipahayag ang maayos na paksa ang
opinyon naipahayag ang nasulat na
opinyon opinion.
2. Organisasyon Mahusay ang Di gaano Hindi mahusay
pagkasulat ng mahusay ang ang pagkasulat
naipahayag na pagkasulat ng ng naipahayag
opinion. naipahayag na na opinion..
opinion.

Tayahin
PANUTO: Piliin ang tamang pasya sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Saan nagsisimula ang lahat ng tagumpay ng tao?


A. pangarap B. pagnanasa C. panaginip D. pagpapasya

2. Kumpletuhin ang pangungusap sa 2 Corinto 12:9. “At siya’ynagsabi sa


akin, ang aking ____ ay sapat na saiyo: sapagkat ang aking kapangyarihan
ay nagiging sakdal sa kahinaan.”
A. biyaya B. paanyaya C. paubaya D. pagkakataon

3.Ano ang dapat gawin ng isang taong may pangarap sa buhay?


A. magbuwis ng buhay . C. magsumikap at magtiyaga
B. maghintay kung anong mangyari D. magsawalang bahala

4. Saan nakatali ang katuparan ng ating pinipiling pangarap bilang tao?


A. bagay B. puntahan C. bokasyon D. tao

5. Ano ang gagamitin sa mabuting pagpapasya?


A. isip at damdamin C. kaisipan at kalagayan
B. pera at kayamanan D. kaibigan at impluwensya

6. Ano ang una at pinakamahalagang sangkap sa anomang proseso sa


pagpapasya?
A. isip B. damdamin C. panahon D. magandang mithiin

10
7. Bakit sinasabi na isa sa mahahalagang ugali sa pag-aaral ang pakikipag-
usap sa guro?
A.Magpalapad ng papel sa guro paminsan-minsan
B.Ang komunikasyon ng guro at mag-aaral ay nararapat na bukas at
maayos
C.Mahalagang paraan ang pakikipag-usap sa guro upang makatiyak na
tama ang pagka-unawa sa mga takdang-aralin at sa paghahanda sa mga
pagsusulit
D.Mahirap kausapin ang guro

8. Bilang isang boy scout at girl scout natutunan mo sa paaralan ang kahalagan ng
kalinisan ng pangangalaga sa kapaligiran.

Anong paraan ka makatutulong?


A.Mamahagi ng polyetos na nagsasaad ng mga hakbang sa pangangalaga sa
kapaligiran.
B.Walang magawa dahil estudyante pa lamang.
C.Liliban sa klase.
D.Hayaan ang iba na siyang gumawa ng paglilinis ng kapaligiran.

9. Bakit marami ang nagkakasakit sa isang lugar?


A.Malinis ang kapaligiran.
B.Nakikilahok sa pangangalaga ng kapaligiran.
C.Pinababayaang marumi ang kapaligiran.
D.Nagsasagawa ng proyektong pangkalinisan.

10. Bakit mahalagang humingi ng opinyon sa mga taong nakatatanda sa


iyo?
A.Di na kailangan dahil sapat na ang aking natutunan.
B.Upang hindi mapapagalitan
C.Dahil kailangan
D.Dahil hindi pa sapat ang iyong kaalaman ukol sa katotohanan

11
Karagdagang Gawain 1
Panuto: Isulat ang katangian ng guro na nagpapakita o naglalarawan ng
kanyang pagkatao. Paano bibigyan ng depinisyon ang salitang mabuti sa
kanyang katauhan? Pumili ka kung sino ang pinakamagaling na guro para
sa iyo?

12
Karagdagang Gawain 2
Panuto: Isulat ang katangian ng iyong Nanay na nagpapakita o
naglalarawan ng kanyang pagkatao. Paano bibigyan ng depinisyon ang
salitang mapag-aruga sa kanyang katauhan?

13
Sanggunian
Google, August 10, 2018, https://github.com/googlei18n/noto-emoji/tree/v2018-08-10-unicode11/svg/emoji_u1f917.svg

Educational Programs Simply Made Just for You, Grade 7 Learner’s Materials, May 5, 2017,
http://educationalprojams.weebly.com/lms-cgs-and-tgs/grade-7-learners-materials-lm
,
EdukasyonsaPagpapakatao 7 Kagamitan ng Mag-aaralpahina 97-120EdukasyonsaPagpapakatao7Modyul para sa Mag-
aaralpahina 2
https://www.healthyschoolsbc.ca/media/22228/hlf-parent-filipino-final.pdf
https://e-edukasyon.ph/filipino/sa-kabuuuanbakit-mahalagang-tuparin-142594

Photos courtesy of Ricky Pera and MENRO Daet FB Page January 02, 2018
https://camnortenews.com/page/wp-content/uploads/2018/01/basura2.jpg
February 18, 2019
https://di2ponv0v5otw.cloudfront.net/posts/2019/02/18/5c6aae33a31c33dd2aba1ed8/m_5c6aae898ad2f
99891dd0f84.jpg
Wednesday, December 9, 2020
https://manilatoday.net/wp-
content/uploads/2017/02/16427292_119947178519810_259139576484962637_n.jpg
2010/11/paskongmgabata
https://seekersportal.files.wordpress.com/2010/11/paskongmgabata.jpg
Blog.UAD December 29, 2014
https://blog.uad.ac.id/ummu1400005263/files/2015/01/BelajarDanMengajar.jpg
https://www.freepik.com/free-vector/dirty-toilet-scene_3787123.htm
https://www.freepik.com/freehahn-vect

14
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: RUBY G. SIARZA, MPA


Teacher- III
Buug NHS

Tagasuri: GLOCEL P. DINGCONG


Teacher II
Titay Natonal High School

JIMLYN Y. REMERTH
Teacher II
Pioneer National High School

Mona Lisa M. Babiera, Ed.D - EPS


Education Program Supervisor

Editor/s: ROWENA D. QUIBOYEN


Master Teacher -11
Malagandis ES

Tagapamahala:
Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS

Aurelio A.Santisas
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent

15

You might also like