You are on page 1of 4

Atilano B.

Cabangal Memorial High School


FILIPINO 10
SUMMATIVE TEST- Quarter 1 (S.Y. 2021-2022)

Pangalan: ______________________________________ Petsa: ____________________


Baitang/ Seksiyon : __________________________ Iskor: ___________________

Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang Tama kung ang pahayag
ay tama, Mali kung hindi sa patlang ng bawat bilang.
___________________ 1. Ang sanaysay ay nahahati sa iba’t ibang mga kabanata.
___________________ 2. Ang tema ay ang sinasabi ng isang akda tungkol sa isang paksa.
___________________ 3. Ang larawan ng buhay ay tumutukoy sa pagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.
___________________ 4. Ang anyo at estruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa
pagkaunawa ng mga mambabasa.
___________________ 5. Hindi kinakailangan ng kasanayan sa pagsusulat ng sanaysay.
B. Panuto: Basahin at unawain mo ang mga sumusunod na pahayag, at bilugan ang letra ng tamang sagot.
_____ 6. “Nakakadena ang mga binti at leeg kaya’t di sila makagalaw.” Paano binigyan-kahulugan ang salitang kadena sa
loob ng pangungusap?
A. nagtataglay ng talinghaga C. taglay ang literal na kahulugan
B. maraming taglay na kahulugan D. wala sa nabanggit

_____ 7. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO hinggil sa Alegorya?


A. nagsasalaysay ng mga pangyayari sa tauhan C. nagpapahayag ng damdamin
B. may mga talinghaga o nakatagong mensahe D. nagpapahayag ng kabayanihan

_____ 8. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang Panginoon”. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ______.
A. amo B. bathala C. Diyos D. siga
_____ 9. Sa Alegorya ng Yungib ni Plato, ano ang tinutukoy niyang liwanag?
A. elemento ng kalikasan C. kabutihan ng puso
B. edukasyon at katotohanan D. kamangmangan at kahangalan
_____ 10. Ang sanaysay na Alegorya ng Yungib ay ukol sa dalawang taong nag-uusap. Ang marunong na si __________ at
si ____________.
A. Socrates at Plato B. Plato at Glaucon C. Socrates at Glaucon D. Glaucon at Pluto

Panuto: Punan ng angkop na ekspresiyon ang bawat pahayag upang mabuo ang konsepto ng pananaw sa bawat
bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa patlang ng bawat bilang.
Sa ganang akin Batay sa Sa tingin ng
Sa palagay ng Ayon sa Pinaniniwalaan ko

11. _________________ Counsels on Diet and Food ay binanggit na ang mga tinapay na tatlong araw nang nakaimbak ay
mas mabuti sa ating katawan kung ihahambing sa bagong luto at mainit na tinapay.
12. _________________ maraming Pilipino, ang pagkapanalo ni Manny Paquiao sa sunod-sunod niyang laban ay
nangangahulugang maipagpapatuloy pa ni Pacquiao ang kaniyang karera sa pagboboksing.
13. _________________, ang mga Pilipino ay higit na magiging mapanuri sa mga proyekto ng pamahalaan matapos
mabatid ang matinding korapsiyon ng ilang politiko.
14. _________________ Department of Social Welfare and Development, mapanganib din sa mga bata ang paglalaro ng
mga marahas na internet game lalo na’t nasa developmental stage pa lamang ang isang bata.
15. _________________ mga makakalikasan, kailangang mamulat kahit na ang pinakabatang miyembro ng komunidad
sa posibleng epekto ng climate change sa sangkatauhan upang magkaroon ng kamalayan sa tamang pangangalaga ng
mundo.

Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa Kolum HANAY A, at isulat sa
patlang ang tamang sagot.

A. lungkot C. kainggitan E. naguluhan


B. nagpapautang nang may mataas na tubo D. kaawa-awa

_____________________16. Sa pagmamasid niya sa babaeng Briton, nakadama siya ng lumbay sa kaniyang puso.
_____________________ 17. Nagulumihanang napahinto ang lalaki nang makita niyang umiiyak ang kaniyang asawa.
_____________________ 18. O kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kuwintas ay imitasyon lamang.
_____________________ 19. Labis ang pagmimithi niyang masiyahan siya, maging kahali-halina at pangimbuluhan ng
ibang babae sa kasiyahan.
____________________ 20. Nanghiram siya kung kani-kanino, lumagda sa mga kasulatan at pumatol ng mga patubuan
sa lahat ng uri ng manghuhuthot.

Panuto: Piliin mula sa Kolum B ang kahulugan o pagkakakilanlan ng mga salitang nasa Kolum A.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang ng kolum A.
KOLUM A KOLUM B

_____ 1. French A. Isang mapagmahal na asawa


_____ 2. Gaul B. Pangunahing Relihiyon ng France
_____ 3. Katoliko C. Pagkakapantay-pantay
_____ 4. Egalite D. Matinding patriyotismo
_____ 5. Crusty baguettes E. Isang mapanghalina at sopistikado babae
_____ 6. Chauvinism F. Tinapay na mahaba
_____ 7. Mathilde G. Mayamang ale na may-ari ng alahas
_____ 8. G. Loisel H. Unang tawag sa bansang France
_____ 9. Madam Forestier I. Sentro ng moda, porma at nauuso
_____ 10. Paris J. Opisyal na wika ng France

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at bilugan and tamang sagut.
1. Ano ang tawag sa isang uri ng kuwento na ang higit na binibigyang-halaga o diin ay ang kilos o galaw, ang pagsasalita
at pangungusap ng isang tauhan?
A. kuwentong makabanghay C. kuwento ng tauhan
B. kuwento ng katutubong-kulay D. kuwento ng kababalaghan
2. “Lubhang nalibang si Mathilde sa pakikipagsayaw kaya’t mag-iikapat na ng madaling araw nang silang mag-asawa’y
umuwi. Tanging isang lumang dokar na lamang ang kanilang nasakyan.” Ang dokar ay isang ___________.
A. kalesa C. lumang kotse
B. maliit na bangka D. pampasaherong dyip
3. Ipinaghihinagpis ni Mathilde ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan ang nakaaawang anyo ng mg dingding, ang
mga kurtinang sa paningin niya ay napakapangit. Kung ikaw si Mathilde, ano ang dapat mong gawin para matupad ang
mga pangarap mo sa buhay?
A. Hihiwalayan ko ang aking asawa at maghahanap ng lalaking mayaman.
B. Titiisin ko na lamang ang kahirapang ito at makuntento na sa kung ano ang kaya niyang maibigay.
C. Maghahanap ako ng trabaho upang matulungan ang aking asawa nang gumaan ang aming buhay.
D. Ipamumukha ko sa aking asawa na hindi ako masaya sa uri ng buhay na kaya niyang ibigay.
4. Paano naiuugnay ang katangian ni Mathilde sa pangkalahatang kaisipan ng mga taga-France?
A. sa kaisipang mapagpalaya at mapagtanggol
B. sa pag-iisip na sila ay malamaharlika
C. sa mataas na estado ng pamumuhay
D. sa kaisipan ng pagkakapatiran
5. Sa pahayag na, “O, kahabag-habag kong kaibigan! Ang ipinahiram ko sa iyong kuwintas ay imitasyon lamang.” Sinong
tauhan ang nagturan nito?
A. G. Loisel C. Sister Gudule
B. Mathilde Loisel D. Madame Forestier
6. Tumutukoy sa mga salitang ginagamit upang pagdugtungin o pag-ugnayin ang mga pangungusap.
A. Kohesyong Gramatikal C. Kohesyong Reperens
B. Mga Kohesyong Pahayag D. Gramatikal na Pahayag
7. Ito ay reperensiya na kadalasan ay panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit na sa unahan ng teksto o pangungusap.
A. Anapora C. Katapora
B. Anapora at Katapora D. Kohesyon
8. Ito ay reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa mga bagay na nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.
A. Anapora C. Katapora
B. Anapora at Katapora D. Kohesyon
9. Sa pangungusap na “Sila ay sopistikado kung manamit. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga
kasiyahan.” Aling salita ang tumutukoy sa panghalip na sila?
A. Sopistikado C. kasayahan
B. France D. Taga-France
10. Sa pangungusap na, Ang France ay galing sa salitang Francia. Noong panahon ng Iron Age at Roman era, ito ay
tinawag na Gaul. Anong salita ang pinalitan ng nakasalungguhit sa pangungusap?
A. Rhineland C. Iron Age
B. Gaul D. France
11. Alin sa mga sumusunod ang TOTOO sa Anapora?
A. Mga Panghalip sa unahang tutukoy sa mga babanggiting Panggalan sa hulihan ng teksto o pangungusap.
B. Mga Panghalip sa hulihang tumutukoy sa mga nabanggit na Panggalan sa unahan ng teksto o pangungusap.
C. Mga Panghalip sa hulihang tutukoy sa mga babanggiting Panggalan sa hulihan ng teksto o pangungusap.
D. Mga Panghalip sa unahang tumutukoy sa mga nabanggit na Panggalan sa unahan ng teksto o pangungusap.

12. “Siya ay isang mapanghalinang babae. Si Mathilde ay isinilang sa angkan ng mga manunulat.” Anong kohesiyong
gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
A. Anapora B. Katapora C. Panghalip D. Pangngalan
13. Sa pahayag na, “Si Mathilde ay nagtagumpay sa gabing iyon. Siya ay nagningning sa piging.” Anong kohesiyong
gramatikal ang nagamit sa pangungusap?
A. Anapora B. Katapora C. Panghalip D. Pangngalan
14. Sa pahayag na , “_________ isa sa mga magaganda’t mapanghalinang babae na sa pagkakamali ay isinilang sa angkan
ng mga tagasulat. Anong panghalip ang angkop sa patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag?
A. Ako’y B. Ika’y C. Kami’y D. Siya’y
15. Anong kohesiyong gramatikal ang ginamit sa pangungusap bilang 9?
A. Anapora B. Katapora C. Panghalip D. Pangngalan

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga pahayag / katanungan, at bilugan ang letra ng napiling
sagot.
_____ 1. “Ikaw ang dahilan ng pagkawala ng aking iniibig kaya kailangan mong mamatay!” Anong katangian ng tauhan
ang nais ipahiwatig sa pahayag?
A. mapagbintang C. madaling magalit
B. mapaghiganti D. mainitin ang ulo
_____ 2. “Walang ibang babae akong minahal.” Anong katangian ang nangingibabaw sa pahayag?
A. pagiging matapat C. pagiging maalalahanin
B. pagiging maawain D. pagiging mapagmataas
_____ 3. “Labis na nasaktan si Quasimodo sa pagkawala ni La Esmeralda”. Anong damdamin ang namayani sa pahayag?

A. panlilibak C. pagkalungkot
B. pagkagalit D. pagkayamot
_____ 4. Sa pananaw na ito, sinasabing ang tao ang pinakasentro ng daigdig.
A. Feminismo C. Existensyalismo
B. Humanismo D. Romantisismo
_____ 5. Sa nobelang Ang Kuba ng Notre Dame, ang katauhan ng kuba ang pokus ng akda. Anong pananaw ang nais
ipahiwatig sa akda?
A. Feminismo C. Existensyalismo
B. Humanismo D. Romantisismo
_____ 6. Ito ay naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay na
pagkakabalangkas.

A. Dula C. Nobela
B. Maikling Kuwento D. Sanaysay 3

_____ 7. Nagtampo ang kuba nang malaman na ang iniibig niya ay gusto rin ng kanyang ama-amahan. Kung pasisidhiin
ang kahulugan ng salitang nakaitalisado. Alin ang pinakamasidhing kahulugan nito?
A. nainis C. nasuklam
B. nagalit D. napoot
_____ 8. Masaya ang kuba nang pansinin siya ng magandang si La Esmeralda. Alin sa mga sumusunod ang
pinakamasidhing kahulugan ng may salungguhit?
A. naiiyak sa tuwa C. nag-uumapaw ang puso sa galak
B. lumulutang sa alapaap D. walang pagsidlan ang puso sa tuwa
_____ 9. Sa pahayag na, “Sama-samang lumusob ang mga pulubi upang iligtas mula sa kamatayan ang kaibigan nilang si
La Esmeralda.” Anong kultura mula sa akda ang nais ipahiwatig nito?
A. Ang pagkonsinte ng mga tao sa maling gawain.
B. Ang pagpapakitang gilas ng mga tao upang purihin sila.
C. Ang pagkakaisa ng mga tao upang labanan ang kasamaan.
D. Ang pagiging matulungin ng mga mababang uri ng mamamayan.
_____ 10. “Nagkakasiyahan ang mga tao sa Paris habang ipinaparada ang kubang tinanghal bilang “Papa ng Kahangalan”.
Anong kultura ang ipinapakita dito?
A. Masayahin ang mga tao sa Paris.
B. Gustong-gusto ng mga taga-Paris ang magkasiyahan sa kalsada.
C. Mahilig sa kasiyahan at mga pagdiriwang ang mga taga Paris.
D. Pinapahalagahan ng mga mamamayan ng Paris ang mga pangit.

Inihanda ni:
Irish F. Villanueva
Guro sa Filipino

You might also like