You are on page 1of 1

PANGALAWANG PAGKAKATAON

Ni: Jessica M. Rosales


ALS, tatlong letra na higit pa sa tatlo ang halaga,
Alternatibong paraan ng kabataa’y maituwid ang daan,
Mga tao’y matulungan,
Sa mga pagkakataon ay may matutuhan,
Sistemang babago sa buhay na kinagisnan.

Mga gurong nagtapos, sa ALS nakipagtuos.


Mga portfolyong dala, kaalama’y ibubuhos,
Sakripisyo ang pinagdaraanan,
Makaturo lamang sa eskwelahan,
Kaya mayroong poreber sa learner at instructional manager.

A at E at BLP, mga programang may sinabi,


Sa mga OSP, lahat ng ito ay may silbi,
Pagtuturo ng Basic Literacy, ay kanilang adhikain,
Lahat makapagtatapos, kasama sa layunin.

Sa pakikipag-ugnayan ng LGU at Gobyerno,


Hangad mong diploma at trabaho’y mapapasaiyo na,
Napag-iwanan man ng panahon, pilit na aahon,
Mabigyan ng pangalawang pagkakataon para sa mga natapong panahon.

You might also like