You are on page 1of 4

PAARALAN MANANGLE HIGH SCHOOL ANTAS BAITANG 10

GURO LIEZEL M. PALADAN ASIGNATUR FILIPINO


A
PETSA January 28, 2020 MARKAHAN IKAAPAT NA MARKAHAN

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

1. Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang


isang Obra Maestrang pampanitikan.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP

1. Ang mag-aaral ay nakapagpalabas ng makabuluhang photo/video documentary na nagmumungkahi ng


solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.

C. MGA KASANAYAN SA PAGKATUTO

a. Natutukoy ang papel na ginam-panan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng:


- pagtunton sa mga pangyayari
- pagtukoy sa mga tunggaliang naganap
- pagtiyak sa tagpuan F10PB-IVb-c-87
.
b. Naisusulat ang buod ng binasang mga kabanata sa pamamagitan ng Story Staircase Strategy
F10PU-IVb-c-86
II. NILALAMAN: KABANATA 4: Kabesang Tales

EL FILIBUSTERISMO

III. MGA KAGAMITANG PANTURO:

A. SANGGUNIAN: El Filibusterismo

B. MGA PAHINA SA KAGAMITAN: 25-35

IV. PAMAMARAAN:

- Panalangin
- Pagtsek ng atendans

A. ELICIT

- Pagpapalawak ng Talasalitaan

PANUTO: Piliin sa mga salitang nasa HANAY B ang kasingkahulugan ng mga salitang nakalimbag nang
pahilig sa HANAY A .

HANAY A HANAY B

1. Sa pusod ng gubat a. Naglaboy

2. Ulumbayan ng lalawigan b. Maginhawa

3. Maluwag na pamumuhay c. Mahirap

4. Ayaw magbayad ni kalahati d. Kabisera

5. Mga naggalang tulisan e. Pinakagitna

f. Dalawampu’t limang sentimo

- Paggamit ng mga salita sa sariling pangungusap.

B. ENGAGE
Pagpapakita ng mga larawan at pagbibigay ng katangian ng mga tauhan.

- KABESANG TALES
- JULI
- TANDANG SELO

C. EXPLORE

- Pagtalakay ng Kabana 4

I. TAGPUAN

 Baryo ng Sapang sa bayan ng Tiyani, isang karatig ng San Diego


II. TAUHAN

1. Kabesang Tales o Telesforo


 Cabeza de Barangay; nangongolekta ng buwis
 Ama ni Juli at anak ni Tandang Selo
 May tatlong anak: Lucia, Juli, at Tano
 Namatay si Lucia at ang kanyang asawa; naniniwalang namatay si Lucia at ang kanyang asawa dahil sa
masamang espiritu ngunit ang talagang ikinamatay ay malaria
2. Tandang Selo
 Gumagawa ng walis tingting
 Ama ni Kabesang Tales at ang tumangkilik at nag-alaga kay Basilio noong bata pa siya (napunta sa gubat si
Basilio at doon siya napunta)
3. Juli
 Anak ni Kabesang Tales at kasintahan ni Basilio
 Siya ang pinakamaganda sa bayan ng Tiyani
 Siya ang may hawak ng agnos ni Maria Clara na ibinigay ni Basilio sa kanya

D. EXPLAIN

- Pagsusuri ng Mahalagang Pangyayari

III. PANGYAYARI

 Masagana ang buhay ng pamilyang Tales dahil may bukid na may masagang puhuna at may dalawang kalabaw
(walang problema noong simula)
 Biglang dumating ang mga prayle at inangkin nila ang lupang sinaka ni Tales
 umusbong ang galit ni Tales subalit sinabihan ng kanyang amang sin Selo na
“magtimpi” dahil alam niyang wala silang kalaban-laban sa mga prayle

 Upang mapanatili ni Tales ang pag-aari sa lupain, kinailangan niyang magbayad ng buwis sa mga prayle
 tinulak ng mga prayleng kunin ang lupain; ginigipit nila si Tales para maibigay na
lamang a lupa sa kanila (inaantay na hindi na niya mabayaran)

 unti-unting itinaas ang presyo ng buwis mula sa 20, 50 at 200

 Noong umabot ng 200, nagalit na si Tales at dinaan na niya ito sa korte upang malutasan at maipaglaban ang
kanyang karapatan sa lupa subalit hindi nanalo dahil ang gobyerno ay nasa ilalim ng impluwensya ng mga prayle
 Noong natalo, nawasak ang mga pangarap ni Tales para sa kanyang pamilya
 si Juli ay hindi makakapag-aral

 Sinabi ng mga prayle na kung hindi niya babayaran ang 200 na buwis ay may iba nang sasakop sa kanyang lupa;
imbis na bayaran ito, ipinaglaban ni Tales ang lupa sa pamamagitan ng pagbantay dito
 Nagbantay si Kabesang Tales at naglabas siya ng baril na kinumpiska rin ng mga prayle kaya’y gumamit ng itak
upang ipaglaban ang lupa subalit ito’y ipinagbawal muli kaya’t gumamit na lamang siya ng palakol
 Dinakip si Tales ng mga tulisan (maaaring utos ng mga prayle subalit ito’y hindi nakasaad sa libro); dinakip siya
dahil may pera si Tales na nakikita dahil nakakapagbayad siya ng abogado para sa kaso niya; pinatutubos siya
ng 500
 Si Juli ang nagpatubos/naghahanap ng pera para tubusin ang ama
 Isinanla at ibenta ang mga alahas maliban sa laket ni Maria Clara na ibinigay ni Basilio sa kanya
 si Maria Clara binigay sa ketongin na ginamot ni Basilio at ang laket ang ipinambayad
at ang laket na ito ay ibinigay kay Juli

 Nakalikom ng 250 pesos si Juli sa pagbebenta ng alahas lamang kaya’t nagpasya siyang pumasok bilang
kasambahay kay Hermana Penchang para buohin ang pantubos
 Noong nabayaran na ang pantubos; naging gwardya sibil sa Carolinas si Tano (hindi na naipabalik ni Tales mula
sa sapilitang gawa dahil siya’y naniniwalang kung nanalo siya sa kaso maitutubos pa ang anak subalit kung
matalo siya “kalimutan na lamang niyang siya’y may anak pa” dahil hindi niya kakayaning buhaying ang pamilya)
 parang buhay ni Rizal kung saan ginipit ang kanyang pamilya para sa lupain nila at
dinakip na lamang nang basta-basta ang kanyang ina

E. ELABORATE

- Pangkatang Gawain

 PAGBUBUOD NG KABANATA

F. EVALUATE

A. Panuto: Kilalanin kung sino o ano ang tinutukoy sa bawat pangungusap.

_____________1. Ama ni Kabesang Tales at ang tumangkilik at nag-alaga kay Basilio noong bata pa siya (napunta sa
gubat si Basilio at doon siya napunta)
_____________2. Anak ni Kabesang Tales
_____________3. kasintahan ni Basilio
_____________4. Ama ni Juli at anak ni Tandang Selo
_____________5. May tatlong anak: Lucia, Juli, at Tano

B. Ibuod ang kabanata sa pamamagitan ng paggamit ng Story Staircase Strategy.

Wakas

Pangyayari

Pangyayari

Simula

G.EXTEND

(Magbigay ng sariling kaisipan mula sa kabanata.)

V. MGA TALA

VI. PAGNINILAY:

A. Mga bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80%

B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.

C.Nakatutulong ba ang remedial. Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation

E.Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng lubos?

F.Anong suliranin ang aking naranasan na solusyunan sa tulong ng aking punongguro?

Inihandan ni:

Pinagtibay: LIEZEL M. PALADAN


Guro I

MANUEL S. PATIAM
Punongguro I

You might also like