You are on page 1of 9

WORK PERIOD 1

INDEPENDENT ACTIVITIES
1. Color Cover All
Competencies:
Match objects, pictures based on properties/attributes in one-to-one correspondence
(MKAT-00-1)
Sort and classify objects according to one attribute/property (shape, color, size,
function/use) (MKSC-00-6)

Materials: playing board with drawings of the same shape but of different colors, cards with
colored shapes that match playing board
Procedure:
1. Give each learner a playing board with a shape (ex. triangle) of different colors drawn on
them.
2. Teacher holds up each card (shape of different colors) in turn for the players to claim.
3. Continue until someone fills up his or her board.

2. Color Match
Competencies:
. Match objects, pictures based on properties/attributes in one-to-one correspondence
(MKAT-00-1)
. Sort and classify objects according to one attribute/property (shape, color, size,
function/use) (MKSC-00-6)

Materials: sets of color cards


Procedure:
1. Give each group 2 sets of color cards.
2. Tell the learners to match cards of the same color.
3. Do this until all cards are matched. The group with the most number of matched cards
wins the game.

3. How I Feel on the First Day


Competencies:
. Naipakikita ang kahandaan na sumubok ng bagong karanasan (SEKPSE-IIIc-6)
. Nakikilala ang mga pangunahing emosyon (tuwa, takot, galit, at lungkot) (SEKPSE-
00-11)

Materials: activity sheet, crayons


Procedure:
1. Give each learner an activity sheet.
2. Let them color how they felt before going to school.
3. Ask them to draw how they feel now.
4. Process feelings of sadness and fear.
4. Clay Molding
Competencies:
. Naisasagawa ang mga sumusunod na kasanayan: pagmomolde ng luwad (clay),
pagbuo ng puzzles (KPKFM-00-1.5)
. Nakapagmomolde ng luwad (clay) sa nais na anyo (SKMP-00-6)
. Identify the letters of one’s given name (LLKAK-Ic-1)

Materials: playdough, individual name cards


Procedure:
1. Give each learner playdough or a bar of clay.
2. Distribute cards with initial letters of the learners’ name.
3. Have each learner form the initial letter of their name using clay.

5. Picture Match
Competencies:
Match object, pictures based on properties /attributes in one-to-one correspondence
(MKAT-00-1)picture to picture

Tell which objects/pictures are the same based on color, shape, size, direction, and other
details (T-shirt with collar and without collar) (LLKVPD-Id-1)

Materials: 2 sets of pictures of common objects found in a Kinder classroom/school


Note: Allow learners to complete tasks in a different way, especially for learners who are not
yet ready to write or draw. For this activity, instead of drawing their feelings, some children
may act through making faces or utilizing dramatic play materials.

Procedure:
1. Give each pair of learners 2 sets of pictures of common objects inside the
classroom/school.
2. Divide the cards between the learners.
3. Players take turns picking/ drawing a card from his/her partner’s deck.
4. If the pictures match, the cards are placed down.
5. If the pictures do not match, the player keeps the card he/she has drawn.
6. The player who first finds the picture that matches all his/her pictures wins the game.

WORK PERIOD 2
TEACHER-SUPERVISED ACTIVITIES
1. Attendance Chart
Competencies:
. Count objects with one-to-one correspondence up to quantities of 10 (MKC-00-7)
. Compare two groups of objects to decide which is more or less, or if they are equal
(MKC-00-8)
. Combine elements of two sets using concrete objects to represent the concept of
addition (MKAT-00-3)
. Add quantities up to 10 using concrete objects (MKAT-00-8)
. Recognize and visualize situations that require addition and subtraction (MKAT-00-
14)

Materials: name tags, pocket chart, number cards 1-3


Procedure:
1. Put all the name tags in the pocket chart.
2. Count together the number of learners in the class.
3. Count all the girls, then boys.
4. Compare who have more members: the girls or the boys.
5. Count all those names that begin or end with the same letter.
6. Ask the learners addition questions with quantities up to 3. Example: Get 2 girls’ names
and 1 boy’s name. How many names do we have in all?

Note: For matching activities, teachers may present learners with varied materials that
include tactile materials or concrete objects. For instance, instead of just matching colors,
learners may match objects with the same texture. Teachers may use cloth swatches,
cotton, corrugated paper, etc. Learners may also match the objects with the same shapes
such as pencils, coins, blocks, or varied manipulatives. Consider this when you encounter
other similar activities.

2. Organizing Things
Competencies:
Nakapagliligpit lamang ng sariling gamit (KAKPS-00-9)
Sort and classify objects according to one attribute/property (shape, color, size,
function/use) (MKSC-00-6)

Materials: plastic container or shoe box for each learner, marker, big boxes or trays, paper,
masking tape
3. Classroom Inventory
Competencies:
Group objects that are alike (MKSC-00-5)
Sort and classify objects according to one attribute/property (shape, color, size,
function/use) (MKSC-00-6)
Count objects with one-to-one correspondence up to quantities of 10 (MKC-00-7)
Compare two groups of objects to decide which is more or less, or if they are equal (MKC-
00-8)

Materials: Manila paper, small pieces of paper with drawings of table, chair, blackboard,
cabinet, cleaning materials, books, toys, etc., marker, pencil
Procedure:
1. Ask the learners to an inventory of things in the classroom: table, chairs, blackboard,
cabinets, cleaning materials, books, toys, etc.
2. Count the objects.
3. Record the results on the Manila paper.
4. Compare which is more, less, or equal.

4. Classroom Map
Competencies:
Nakaguguhit, nakapagpipinta at nakapagkukulay ng iba’t ibang bagay o gawain
(dekorasyon sa “name tag”, kasapi ng mag-anak , gawain ng bawat kasapi ng mag-anak,
mga alagang hayop, mga halaman sa paligid) (SKMP-00-2)
Name the places and the things found in a map of a classroom (LLKSS-00-2)
Express simple ideas through symbols (e.g., drawings, invented spelling) (LLKC-00-1)
Name common objects/things in the environment (in school, home, and community) (LLKV-
00-1)
Name the places and the things found in the classroom, school and community (LLKV-00-8)

Materials: Manila paper, scratch papers, pencils, crayons


Preparation: Label the map using pencil to show the important areas in the classroom to
guide the learners in the actual mapping activity.
Procedure:
1. Ask the learners to look around the classroom and identify the areas.
2. Give them a piece of paper and ask them to draw an area, with the things they see there
and help them label the area.
3. Lay out the pieces of papers and talk about how they are arranged in the classroom –
What is beside what area? What comes next? What is behind it?
4. Paste them on the Manila paper.

5. Number Stations
Competencies:
. Count objects with one-to-one correspondence up to quantities of 10 (MKC-00-7)
. Tell that the quantity of a set of objects does not change even though the
arrangement has changed (i.e., the child should be able to tell that one set of counters
placed in one-to-one correspondence and then rearranged still has the same quantity)
(MKSC-00-23)

Materials: several boxes with holes (1) (2) (3) that are in various positions, popsicle sticks
Procedure:
1. Distribute the boxes and the popsicle sticks.
2. Learners work together in putting the correct quantity of sticks in the holes.
3. Make them observe that quantity does not change even if arrangement does.

INDOOR/OUTDOOR ACTIVITIES
Step-on Shapes
Competencies:
Describe objects based on attributes/properties (shapes, size, use and functions)
MKSC-00-4
Naisasagawa ang mga sumusunod na kilos lokomotor sa pagtugon sa ritmong
mabagal at mabilis (paglakad, pagtakbo, pagkandirit, paglundag/pagtalon, paglukso )
KPKGM-Ie-2

Procedure
1. Spread out shape cards on the floor.
2. Ask a player to step on a shape that the teacher will call out and let him identify the
shape.
3. The game continues until everyone has been called to step on a particular shape.

Count and Turn (1, 2, 3)


Competencies:
Nakasasali sa mga laro, o anumang pisikal na gawain at iba’t ibang paraan ng pag-
eehersisyo (KPKPF-00-1)
Nagagamit ang mga kilos lokomotor at di-lokomotor sa paglalaro, pag-eehersisyo,
pagsasayaw (KPKGM-Ig-3)
Naipakikita ang panimbang sa pagsasagawa ng iba’t ibang kilos ng katawan, gaya ng
paglukso-luksong pahalinhinan ang mga paa (skipping), pagtulay nang di natutumba sa
tuwid na guhit, pag-akyat at pagbaba sa hagdanan (KPKGM-00-4)
Rote count up to 20 (3) (MKSC-00-12)

Procedure:
1. The learners stomp their feet as they count, throwing their arms up in the air to
emphasize the last number in the sequence.
2. The learners change directions without losing the beat, counting

STORIES
Week 1 Day 1
Ayokong Pumasok sa Paaralan

Gustung-gusto ni Bzzz ang maglaro. Maglaro nang maglaro araw-araw. Kasama ng kanyang
mga kaibigan, masayang-masaya sila sa taguan. “Ayokong pumasok sa paaralan,” sabi ni Bzzz.
“Ang gusto ko’y maglaro ng taguan.” Pinayagan naman si Bzzz ng kanyang nanay. Sabi ng kanyang
nanay, darating din ang araw, magiging handa si Bzzz sa pagpasok sa paaralan.
Mas gusto ni Bzzz na kumanta. Kumanta nang kumanta araw-araw. Kasama niya ang
kanyang mga kaibigan. Ayoko pang pumasok sa paaralan,” sabi ni Bzzz. “Ang gusto ko ay
magkantahan kami ng aking mga kaibigan.” Pinayagan naman si Bzzz ng kanyang nanay. Nilakasan
nila ang pagkanta. Natulig pati mga gagamba. Sabi ng nanay niya darating din ang araw na magiging
handa si Bzzz sa pagpasok sa paaralan.
Mas gusto ni Bzzz na magbasa. Kahit hindi pa siya nakababasa, mahilig siyang tumingin sa
mga larawan sa aklat niya. Kung minsa’y nagpapakuwento siya sa nanay niya. “Ayoko pong
pumasok sa paaralan,” sabi ni Bzzz. “Ang gusto ko’y magbasa at makinig sa mga kuwento. Yon po
ang gustong-gusto ko!” Pinayagan naman si Bzzz ng kanyang nanay. Binasahan niya si Bzzz ng
sari-saring kuwento. Sabi ng nanay niya darating din ang araw na magiging handa si Bzzz sa
pagpasok sa paaralan.
Mas gusto ni Bzzz na gumuhit at magpinta. Kasama ang mga kaibigan, gumuguhit siya ng
bulaklak, bundok, hayop at sari-saring bagay na kanilang nakikita. “Ayoko pang pumasok sa
paaralan,” sabi ni Bzzz. “Ang gusto ko’y gumuhit at magpinta kasama ng aking mga kaibigan.”
Pinagayan naman si Bzzz ng nanay niya.
Pero isang araw, kinausap si Bzzz ng nanay niya. “Panahon na para pumasok ka sa
paaralan.” Sinamahan si Bzzz ng nanay niya sa paaralan. Ayaw pa sanang pumasok ni Bzzz sa
paaralan. Pero sabi ng nanay niya, panahon na para sa pag-aaral niya.
Naisip ni Bzzz na sundin ang kanyang nanay. Baka nga magustuhan din niya sa paaralan.
Sa paaralan, naglaro sila ng kanyang mga bagong kaibigan. Nag-aral silang kumanta. Nagbasa ng
kuwento ang guro. At nagkaroon si Bzzz ng maraming kakilala.
“Ang sarap pala sa paaralan,” sabi ni Bzzz.
“Gusto kong pumasok sa paaralan araw-araw!”

Week 1 Day 2
Bakit Matagal ang Sundo Ko

by: Kristine Canon

“Kriiiiiiing-kriiiiiiing-kriiiiiiing!”
Haaaay salamat, tapos na ang klase, pwede na kaming umuwi! Mabilis kong niligpit ang
aking gamit para makapila ako agad palabas. Ang ingay ng sabay-sabay na pag-ikot ng mga gulong
ng mga stroller namin. At ang lalakas ng boses ng mga kaklase ko habang nagpapaalaman.
Nagtakbuhan kami para salubungin ang mga nanay at tatay namin sa labasan.
Siguradong nandyan na si Nanay! Dumeretso ako sa bangko kung saan laging naghihintay
si Nanay.
Laking gulat ko nang makita kong wala pa si Nanay sa bangko! Nanlaki ang mga mata ko.
Kinabahan ako. Pero bago ako maiyak, sinabi ko sa aking sarili na hindi ako dapat matakot.
Sinubukan kong hanapin si Nanay sa nagkakandikit-dikit na mukha ng mga magulang sa
labasan. Sa dami ng nanay at tatay dito, talagang nakakalito! Pinalaki ko ang mga mata ko para
hanapin si Nanay,
Pero di ko siya makita.
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa bangko katabi ng aking bag at baunan. Unti-unting
nabawasan ang mga batang naghihintay at mga magulang na sumusundo. Ilang kaklase ko na at
kanilang stroller ang dumaan, pero wala pa rin si Nanay. Lahat ng bata ay nasundo na, maliban sa
akin.
“O maghintay ka lang dito ha. Natrapik lang siguro ang nanay mo,” ang sabi ng guwardiya sa
labasan. Kaya naghintay ako nang naghintay nang naghintay. Halos nagpaikot-ikot na ako sa
bangko. Pero wala pa rin si Nanay. Ano kaya ang nangyari kay Nanay?
Baka nasiraan ng sasakyan si Nanay!
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang maalala ko na may sira nga pala ang sasakyan
namin. Siguradong naghahanap pa si Nanay ng paraan para masundo ako!

WEEK1- DAY3
Ang Aming Titser

by: R. M. Custodio

Si Binibining Cruz ay aming titser. Tinuturuan niya kaming magsulat at magdrowing…


Magbasa at magbilang… At umawit ng masasayang awitin. Binabasahan din kami ni Bb. Cruz ng
mga kuwento. Lagi-lagi siyang may magandang kuwento para sa amin. Minsan, May bago kaming
kaklaseng dumating. Hiyang-hiya siya! Niyaya siya ni Bb. Cruz na makipaglaro sa amin. Pero ayaw
naming pumayag! Nagalit sa amin si Bb. Cruz. Mali kasi ang ganoong pag-uugali. Dahil dito,
nakipaglaro na rin kami sa bago naming kaklase. At siya nga ay aming naging kaibigan.Masayang
titser si Bb. Cruz. Kahit pagod na siya sa pagtuturo, nagagawa pa rin niya ang ngumiti. Kaya
naman paglaki, nais kong maging titser kagaya ni Bb. Cruz! Pero ang sabi ng kuya, hindi raw
maganda ang maging titser. Kasi mababa lang daw ang ‘suweldo’ ng mga titser. At kapag naging
titser daw ako, hindi raw ako makakabili ng malaking bahay. Hindi raw ako makakabili ng magarang
sasakyan. Hindi raw ako makakapagbakasyonsa mga magagandang lugar. Nalungkot ako sa sinabi
ng kuya. Kasi, pangarap ko rin ang magkaroon ng malaking bahay at sasakyan, at ang makapunta
sa mga magagandang lugar!

Magmula noon, naging matamlay na ako sa eskwela. Hindi ko na hinahangaan si Bb. Cruz.
Sa halip siya’y aking kina-aawaan. Minsan, dinalhan ko si Bb. Cruz ng mansanas. Tinanong niya ako
kung bakit daw ako matamlay. Napayuko ako.Hindi ako nakasagot. Pero noong uwian na, sinabi ko
rin sa kanya ang totoo. Ipinagtapat ko ang tungkol sa sinabi sa akin ng kuya na mababa lang daw
ang ‘suweldo’ ng mga titser na tulad niya. Hindi nagalit sa sinabi ko si Bb. Cruz. Sa halip ay
nginitian lamang niya ako. Isang araw, niyaya ako ni Bb. Cruz sa kanilang bahay. Maliit lang ang
bahay na tinitirahan ni Bb. Cruz. Ipinakilala niya ako sa kanyang tatay at nanay at dalawang kapatid.
Niyaya ako ni Bb. Cruz sa kanyang silid. At laking gulat ko sa aking nakita sa loob niyon. Punong-
puno ng mga papel na may drawing ang mga dingding ng kanyang silid. Gawa iyon ng mga batang
naging mag-aaral niya.Isa-isa naming pinagmasdan ang bawat drowing. Tandang-tanda pa ni Bb.
Cruz ang bawat isang batang may gawa niyon. Masaya pa nga niyang ikinuwento sa akin ang mga
ito. Ganoon pala kahalaga kay Bb. Cruz ang bawat batang nagiging mag-aaral niya. Kaya pala kahit
pagod na siya sa pagtuturo’y lagi pa ring masaya! Inihatid din ako ni Bb. Cruz pauwi sa aming
bahay. Naglakad lang kami at saka sumakay ng traysikel… Wala kasing sasakyan ni Bb. Cruz
gaya ng sabi ni kuya. Pero kahit wala siyang magarang sasakyan, kahit wala siyang malaking
bahay, masaya naman at kuntento sa kanyang trabaho si Bb. Cruz.

“At iyon ang mahalaga, Minnie,” ang sabi niya sa akin. “Ang maligaya ka sa iyong
trabaho.Kaligayahang higit pa sa anumang materyal na bagay!” Paglaki ko, gusto kong maging
titser! Mga bata, igalang natin at mahalin ang ating mga guro. Dahil sila ay ating mga kaibigan.

WEEK1- DAY4
Tayo Nang Maglibot sa Silid-aralan

Unang araw ng pasukan, kaya masayang pumasok sa paaralan ang mga bata. Pagdating sa
paaralan, ay naupo ng maayos ang mga bata upang ang kanilang guro na si Gng. Legaspi ay
matuwa.
Nagsimula na ang klase. “Mga bata tayo ngayon ay iikot sa loob ng ating silid-aralan. Pumila na kayo
ng maayos upang tayo ay makapagsimula na.”, wika ng guro.
Bumuo ng dalawang pila ang mga bata, isang pila ng mga lalaki at isang pila ng mga babae.
Sinundan ng mga bata ang guro sa pag-ikot sa silid-aralan.
Una nilang pinuntahan ang kubeta. “Ito ang kubeta, ito ay nasa kaliwang bahagi ng ating silid”, wika
ng guro. “Dito po tayo umiihi at dumudumi”, wika ng isang bata.
“Ito naman ang aklatan. Dito nakalagay ng maayos ang mga aklat natin”, wika muli ng guro. “Titser,
pwede po bang magbasa?, wika ng batang babae. “Pwede naman, kaya lang hindi ngayon ang oras
ng ating pagbabasa, mamaya babalik tayo dito”, wika ni Gng. Legaspi.
“Ano naman po dito?“, wika ng isang bata. “Ang katabing bahagi naman ay ang lugar pahingahan.
Makikita dito ang isang higaan kung saan pwedeng magpahinga ang mga bata at ang kasunod nito
ay lugar laruan kung saan makikita natin ang maraming laruan”, sabi ng guro. “Wow, maglalaro po
kami mamaya huh”, wika ng batang lalaki. “Oo naman pwde kayo maglaro doon basta ibabalik ng
maayos ang mga laruan. Ang dulong bahagi ng ating silid aralan ay lugar kung saan natin makikita
ang mga art materials na gagamitin natin sa pagguhit at iba pang gawain dito sa paaralan”, wika ng
guro.
“Oh, mga bata maaari na kayong maglaro dahil nakinig kayong mabuti sa ating pag-ikot sa silid-
aralan. Pero tandaan, ibabalik ng maayos ang mga laruan!”, sabi ni Gng.Legaspi. “Opo titser!”, wika
ng mga masasayang bata.
Pagkatapos ng klase ay masayang umuwi ang mga bata na dala-dala ang mga kaalamang
natutuhan nila sa paaralan.

Week 1 Day 5

Bakit Matagal ang Sundo Ko

by: Kristine Canon

“Kriiiiiiing-kriiiiiiing-kriiiiiiing!”
Haaaay salamat, tapos na ang klase, pwede na kaming umuwi! Mabilis kong niligpit ang
aking gamit para makapila ako agad palabas. Ang ingay ng sabay-sabay na pag-ikot ng mga gulong
ng mga stroller namin. At ang lalakas ng boses ng mga kaklase ko habang nagpapaalaman.
Nagtakbuhan kami para salubungin ang mga nanay at tatay namin sa labasan.
Siguradong nandyan na si Nanay! Dumeretso ako sa bangko kung saan laging naghihintay
si Nanay.
Laking gulat ko nang makita kong wala pa si Nanay sa bangko! Nanlaki ang mga mata ko.
Kinabahan ako. Pero bago ako maiyak, sinabi ko sa aking sarili na hindi ako dapat matakot.
Sinubukan kong hanapin si Nanay sa nagkakandikit-dikit na mukha ng mga magulang sa
labasan. Sa dami ng nanay at tatay dito, talagang nakakalito! Pinalaki ko ang mga mata ko para
hanapin si Nanay,
Pero di ko siya makita.
Wala akong nagawa kundi ang umupo sa bangko katabi ng aking bag at baunan. Unti-unting
nabawasan ang mga batang naghihintay at mga magulang na sumusundo. Ilang kaklase ko na at
kanilang stroller ang dumaan, pero wala pa rin si Nanay. Lahat ng bata ay nasundo na, maliban sa
akin.
“O maghintay ka lang dito ha. Natrapik lang siguro ang nanay mo,” ang sabi ng guwardiya sa
labasan. Kaya naghintay ako nang naghintay nang naghintay. Halos nagpaikot-ikot na ako sa
bangko. Pero wala pa rin si Nanay. Ano kaya ang nangyari kay Nanay?
Baka nasiraan ng sasakyan si Nanay!
Halos mapatalon ako sa kinauupuan ko nang maalala ko na may sira nga pala ang sasakyan
namin. Siguradong naghahanap pa si Nanay ng paraan para masundo ako!
Siguro sumakay siya sa isang pagong. Maliit at mabagal ang hakbang nito kaya ang tagal-
tagal bago ako masundo.Pero alam kong nagmamadali si nanay kasi sabik na rin siyang makapiling
ako! Hindi siya aasa sa isang pagong.
Siguro sa isang elepante siya sumakay! Higante ang mga hakbang nito kaya siguradong
mas mabilis niya akong masusundo.
Pero, hindi kakasya ang elepente sa daan na may napakaraming sasakyan! Siguro, matagal
pa talaga bago ako masundo.
Siguro isang agila ang kinaibigan ni Nanay. Mabilis silang makalilipad para masundo ako.
Pero, di kaya lalong magtagal si Nanay sa paghahanap sa akin? Masyadong mataas ang
lipad ng agila. Puro ulap, bilding at tuktok ng puno lang ang makikita niya. Di niya matatanaw ang
aking pagkaway.
Siguro … nakipagsabayan si Nanay sa mga unggoy na naglalambitin mula sa isang puno
papunta sa isa pa. Ay! Sandali lang nandito na siya!
Pero, oras na sa puno ng saging sila kumapit, hindi na ipagpapatuloy ng mga unggoy ang
pagsabit-sabit. Siguradong matatagalan si Nanay sa pagdating.
Siguro… naisip ni Nanay na makiangkas sa likod ng isang balyena, sisisid sila sa malalim na
dagat hanggang ako’y marating.
Pero, sa gitna ng karagatan matatagpuan ang balyena at di nito kayang lumangoy sa
mababaw na baybayin. Naku! Matatagalan si Nanay sa pagsagwan papunta sa akin.
Hay, Nanay! Paano mo nga ba ako susunduin?
Napagod ako sa kaiisip. Isang malalim na buntong-hininga sabay ngalumbaba ang tangi
kong nagawa.
Lalong napakunot ang noo ko sa aking mga naisip.
Siguro nalimutan na ako ni Nanay.
Siguro di na niya ako mahal.
Siguro, napagod na siya sa pagsundo sa akin araw-araw.
Siguro…
Hindi ko na napigilan ang pagluha ko. Sumikip ang aking dibdib. Hindi ako makahinga.
Itinago ko na lamang ang nalugi kong mukha sa aking mga kamay, nang biglang…
Nanay! Buti dumating ka. Akala ko nilimot mo na ako.”
“Maaari ba kitang makalimutan, e ikaw ang pinakamahalaga sa akin?” ang amo ni Nanay,
sabay yakap sa akin.
“Nasiraan ka ba ng sasakyan Nanay?”
“Hindi, natrapik lang kami sa haywey.”
Napawi ang lungkot at luha ko at napalitan ng ginhawa’t tuwa. Tama nga pala ang
guwardiya. Natrapik lang si Nanay

You might also like