You are on page 1of 2

IMELDA MARCOS IS THE BEST FIRST LADY IN THE PHILIPPINE

Noon pang unang panahon at hanggang sa ngayon, marami ng haka-haka ang lumalabas hinggil
sa sinasabing tagong yaman ng mga Marcos. Ang ilan dito ay sinasabing, ito raw di umano ay yamang
ninakaw lamang ng mga Marcos. Ngayon alamin natin kung saan nga ba nagmula at kung papaano
nakuha ng mga Marcos ang kanilang yaman.

Batay sa Tagean-Tallano Kingdoms of Maharlika at Ang Marcos Wealth (Em’s Ph) na


mapapanuod sa youtube, ay may isang Maharlikang angkan, na syang namuno ng ika-9 hanggang ika-15
siglo sa Pilipinas bago pa dumating ang mga Kastila. Sa mga panahong iyan, ang Tagean-Tallano clan
ang siyang pinakamayamang angkan sa Pilipinas. Sa mga sumunod na hinerasyon, sila ay nagkaroon ng
katiwala sa katauhan ni Father Jose Antonio Diaz. Si Father Diaz ang siyang tumayo bilang negosyador at
katiwala ng ginto ng Royal Family. Sa kabilang banda, inupahan naman ni Father Diaz ang serbisyo ni
Attorney Ferdinand E. Marcos. Si Atty. Marcos ay isang napakahusay na abogado na kung saan ay naging
Bar Topnotcher noong 1939 na may average na 98.91%. Siya rin ay naging tanyang nang matagumpay
niyang ipagtangol ang kaniyang sarili sa “Nalundasan Case” noong 1939. Kapalit ng serbisyo niya at ni
Father Diaz sa Tagean-Tallano clan, ay binayaran sila ng 30% mula sa 640,000 metrikong toneladang
ginto na naging kasunduan naman ng Principe Tagean-Tallano at ni Pope Piux XII. Kaya noong 1949,
ang dalawang lalaking pinakamayaman sa Pilipinas ay sina Father Jose Antonio Diaz at si Atty.
Ferdinand E. Marcos.

Noong 1965, si Atty. Ferdinand E. Marcos ay naging presidente ng bansang Pilipinas. Ngunit
bago pa man maging pangulo ng Pilipinas si Marcos, ay may dayuhang utang na ang Pilipinas na
umaabot sa 13.5 bilyong dolyar. Bahagi ng kaniyang personal na ginto ay itinulong niya upang mapalakas
ang bansa, at nagkaroon din siya ng maraming proyektong pang imprastraktura. Bago mapatalsik si
Marcos, siya ay nag-iwan ng 2.5 bilyon dolyar na reserves sa Central Bank at naiwang 1 bilyong dolyar
na utang ng bansa. Gayundin ay naihambing siya sa mga iba pang naging pangulo ng Pilipinas. May mga
datos ring nakalap sa Philippine Statistics Authority hinggil sa mga naging utang ng bansa sa bawat
termino ng mga naging pangulo. Makikita roon ang buod na gastos mula 1966 hanggang 1997 ng bawat
pangulong naka-upo. Batay sa datos, si Marcos ang may pinakamaliit na naging gastos sa loob ng 20
years.

Sa kabilang banda, ito ay pinabulaan sa rappler na may titulong “(ANALYSIS) Marcos debt: Ano
ang katotohanan” na isunulat ni JC Punongbayan noong December 10, 2021. Ayon sa may akda, mali di
umano ang naging kompyutasyon sa unang pahayag. Una, hindi raw 1 bilyon dolyar ang naiwang utang
ni Marcos kundi, 26.25 bilyong dolyar. Ikalawa, hindi rin daw 13.5 bilyong dolyar ang minanang utang ni

Sources: *https://www.youtube.com/watch?v=cq0oD1UJFAA
*https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/analysis-what-is-the-truth-about-marcos-administration-debt/
*https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/tallano-gold-lies-ill-gotten-wealth-marcos-myths-busted-series/
Marcos kung hindi ay 0.8 bilyong dolyar. Ikatlo, ay ang pagkukumpara ng mga datos ng mga naging
utang ng bawat presidente. Ika-apat, ang naiwang reserves sa Central Bank na 2.5 bilyong dolyar bago pa
mapatalsik si Marcos. Kung susuriin raw ang datos ng Central Bank noong Pebrero 1986, ang gross
international reserves ng bansa ay 925.6 milyong dolyar lamang. Kaya talagang hindi kakayaning bayaran
ng Pilipinas ang utang nito. Ikalima, ang hindi pagdeklara sa mga na inamin ni Marcos na hindi na
kayang bayaran ng Pilipinas ang pangdayuhang utang, kaya ito ay nagdeklara ng “debt monetarium”. Ika-
anim, ito naman ay akda ng rappler.com noong Enero 20, 2022 na wala di umanong Tallano gold at si
Imee Marcos na rin daw ang mismong may sabi na ang kanilang yaman ay “urban legend”. Ikapito,
papaano raw magkakaroon ng milyon-milyong toneladang ginto ang mga Marcos na kung saan ay hindi
pa daw lalagpas sa 200,000 metrikong toneladang ginto ang namimina sa kasaysayan ng buong mundo.
Marami pang nagging argumento tungkol sa yaman ng mga Marcos.

Ano nga ba ang tunay na kaganapan hinggil sa yaman ng mga Marcos, ito ba ay ninakaw lamang
o sadyang pinaghirapan ito ni Atty. Ferdinand E. Marcos?

Sources: *https://www.youtube.com/watch?v=cq0oD1UJFAA
*https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/analysis-what-is-the-truth-about-marcos-administration-debt/
*https://www.rappler.com/newsbreak/podcasts-videos/tallano-gold-lies-ill-gotten-wealth-marcos-myths-busted-series/

You might also like