You are on page 1of 6

MGA KILALANG POLITICAL DYNASTIES SA PILIPINAS

AT ANG MGA NAGING KONTRIBUSYON NILA SA BANSA

I. Pamilya Marcos
A. Kasaysayan ng Angkan
1. Ang Simula ng Dinastiyang Marcos
a. Ang Second Congressional District ng Ilocos Norte
1. Mariano Marcos y Rubio – siya ang sinasabing ugat ng dinastiyang
Marcos; nahalal siya bilang congressman ng ikalawang distrito ng
Ilocos Norte, dahil dito, siya ay naging bahagi ng House of
Representatives at kalauna’y naging kilala rito
2. Julio Nalundasan – siya ang naging matinding katunggali ni Mariano
Marcos. Nanalo si Nalundasan kaya naman noong gabi ng kaniyang
proklamasyon, siya ay nabaril at kalauna’y nabawian ng buhay
b. Ang Publisidad ng Pagkakapatay kay Nalundasan
1. Naging daan ang publisiyang natanggap ng kaso upang makamit ni
Ferdinand Marcos, anak ni Mariano Marcos, ang atensyon upang
makapagsimula na rin sa poltika
2. Ang Pagsibol ng Dinastiyang Marcos
a. Ferdinand Marcos
1. Bilang panimula sa politika, nagsilbi si Ferdinand Marcos ng tatlong
termino bilang congressman ng ikalawang distrito ng Ilocos Norte,
pagkatapos ng termino ay nagsilbi naman siya bilang Senate
President, at hanggang sa sumapit ang 1965 Philippine Presidential
Elections ay naihalal siyang pangulo ng Pilipinas
b. Iba pang Kasapi ng Pamilya Marcos
1. Elizabeth Marcos-Keon – gobernadora ng Ilocos Norte mula 1971
hanggang 1983, siya ay kapatid ni Ferdinand Marcos
2. Imee Marcos – chairman ng Kabataang Barangay mula 1975
hanggang 1986 at assemblyman ng Ilocos Norte sa Batasang
Pambansa, siya ay anak ni Ferdinand Marcos
3. Ferdinand Marcos Jr. – bise-gobernador ng Ilocos Norte mula 1980
hanggang 1983 at gobernador naman noong 1983 hanggang 1986,
anak siya ni Ferdinand Marcos
4. Fortuna Marcos Barba – sinasabing naging tagapamahala na
nakinabang sa government logging concession ng administrasyong
Marcos, kapatid ni Ferdinand Marcos
5. Pacifico Marcos – tagapamahala ng Medicare na siyang kumukolekta
sa mga compulsory insurance ng manggagawang Pilipino, kapatid
siya ni Ferdinand Marcos
6. Michael Edward Marcos-Keon – gobernador ng Ilocos Norte mula
2001 hanggang 2010; nagsisilbi ngayon bilang alkalde ng Laoag
B. Mga Positibong Kontribusyon sa Pilipinas
1. Agrikultura
a. Green Revolution – dumami ang produksyon ng palay dahil sa
kultibasyon ng IR-8 hybrid na palay. Mahigit pitong milyong dolyar ang
na-export na halaga ng bigas sa ilalim ng proyektong ito.
b. Pagtatatag ng Department of Agrarian Reform – ang kagawarang ito ang
siyang namamahala sa pamamahagi ng lupa
c. Masaganang Ani – kilala rin bilang Masagana 99; sa programang ito, mas
pinaunlad ang teknolohiya, pautang at pagsuporta sa presyo ng bigas at
paggamit ng murang pataba
d. Blue Revolution – ang mga pagkaing pandagat, gaya ng seafoods, ay
ipinamamahagi sa mga magsasaka upang palaguin at paramihin
e. Liberalized Credit – mahigit sang libong rural banks ang itinatag sa bansa
kung kaya’t naging possible ang mga pagpapautang sa mga
magsasakang Pilipino para sa pamumuhunan
i. Biyayang Dagat – pautang para sa mga mangingisda
ii. Bakahang Barangay – suporta sa mga nag-aalaga ng baka
iii. Masaganang Maisan, Maisagana, at Expanded Yellow
Corn Program – mahigit 1.4 milyon na mga magsasaka ng
mais ang nasuportahan gamit ang P4.7 bilyong loans
iv. Gulayan sa Kalusugan at Pagkain ng Bayan – nagbigay ng
halos 12.4 milyong pautang para hikayatin ang backyard at
communal gardening
v. Kilusang Kabuhayan at Kaunlaran (KKK) – sinuportahan
ang mahigit 25, 000 entrepreneurial projects gamit ang 2.8
bilyong pautang sa 500,000 benepisyaryo
f. Decontrol Programs – pagkakaroon ng price control policies sa palay at
mais
g. Tenant’s Emancipation Act of 1972 – ang kauna-unahang land reform
code sa bansa, sa ilalim ng batas na ito, 1.2 milyong magsasaka ang
natulungang maging leaseholder o may-ari ng mahigit 1.3 milyong
ektarya ng palayan at maisan
2. Edukasyon
a. Mas lumawak ang access sa free education
b. Tumaas ang literacy rate mula 72% hanggang 93%
3. Kalusugan
a. Primary Health Care Program – sa ilalim ng programang ito, naging
available ang mga medical care kahit sa mga pinakamalayong baryo sa
bansa; sa ilalim rin nito, tumaas ang life expectancy mula 53.7 years
hanggang 65 years; bumaba rin ang infant mortality rate mula 75 na
crude death rate hanggang sa 58
4. Imprastraktura
a. Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS) Housing
Projects – nagkaroon ng malawakang pabahay sa bansa; mahigit 230,
000 housing units ang nagawamula 1975 hanggang 1985
b. Home Mutual Development Fund (Pag-Ibig Fund)
c. Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB)
d. National Home Mortgage Finance
e. Pagtatayo ng LRT, Maharlika Highway, Marcos Highway, at San Juanico
Bridge
f. Maraming patubig, daan, at tulay, ang naipatayo
5. Ekonomiya
a. Export /Development – noong 1985, maraming uri ng produkto ang nai-
export ng bansa bukod sa mga tradisyonal na produkto gaya ng niyog,
asukal, at torso
b. Ang dollar-peso rate ay 3.90 piso kada dolyar
c. Tumaas ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas mula 8 bilyong
dolyar hanggan sa 32.5 bilyong dolyar dahil sa mga pautang ng mga
commercial banks
6. Kultura
a. Naitatag ang Cultural Center of the Philippines – ito ang pangunahing
institusyon para sa sining at kultura ng Pilipinas
b. Naitatag ang Folk Arts Theater – naging tanghalan ng mga napakaraming
performing arts sa kasaysayan ng pagkakatatatag nito
C. Mga Negatibong Kontribusyon sa Pilipinas
1. Korapsyon
a. Talamak ang korapsyon sa pangalawang termino ng dating Pangulong
Marcos
b. Nakinabang ang mga “crony” ng pamilya sa korapsyon
c. Lampas 400 bilyong piso ang sinasabing nanakaw ng pamilyang Marcos
sa kaban ng bayan, ill-gotten wealth kumbaga
2. Utang
a. Umabot ng halos 26.2 bilyong dolyar ang utang ng bansa noong panahon
ng panunugkulan ni Marcos
b. Nagkaroon rin ng lubhang devaluing ng Philippine peso mula 3.9
hanggang 20.53
3. Martial Law
a. ito ang naging pinaka-kontrobersiyal na isyu ng dating Pangulong Marcos
b. nakitaan ang panahong ito ng lubhang kahirapan, malawakang
karahasan, at pangungurakot sa pamahalaan
c. naging talamak rin ang salvaging at pagpapatay sa mga kritiko ng
administrasyon

II. Pamilya Ampatuan


A. Kasaysayan ng Angkan
1. Ang Simula ng Dinastiyang Ampatuan
a. Andal Ampatuan – siya ang hinirang ng noong pangulong si Ferdinand
Marcos bilang alcalde at officer-in-charge ng Maganoy (Shariff Aguak)
b. Alyansa at Koneksyon sa Pangulong Arroyo – naging suportado ng
pangulo ang ma Ampatuan kung kaya naman ay nagkaroon ng pahintulot
ang angkan upang bumuo ng isang private army. Lubhang naging
makapangyarihan ang mga Ampatuan sa Maguindanao noong nahalal na
gobernador ng Maguindanao ang patriarka nitong si Ampatuan Sr.
2. Iba pang Kasapi ng Pamilya Ampatuan
a. Rebeca Ampatuan – former director ng Regional Legislative Assembly ng
ARMM
b. Saudi Ampatuan – dating alkalde ng Maguindanao
c. Shaydee Ampatuan
d. Zaldy Ampatuan – dating gobernadora ng ARMM
e. Anwar Ampatuan Sr. – dating bise-mayor ng Shariff Aguak
f. Andal Ampatuan Jr. – dating mayor ng Datu Unsay
g. Sajid Ampatuan – tumakbo bilang alkalde bg Shariff Aguak subalit
nahatulan ng kasong graft, malversation, at falsification of document ng
Sandiganbayan
h. Aloha Ampatuan
i. Hoffer Ampatuan
B. Mga Positibong Kontribusyon sa Pilipinas
1. Sa pangkalahatang pananaw, walang tiyak (significant) na positibong
kontribusyon ang dinastiya sa Maguindanao at kahit sa kabuuan ng Pilipinas.
2. Liban na lamang sa mga local excutive orders na naipapatupad sa kanilang
mga pinamumunuan.
C. Mga Negatibong Kontribusyon sa Pilipinas
1. Maguindanao Massacre
a. Itinuturing ito bilang pinakamadugong political-related massacre sa bansa.
b. Bunsod ito ng tension sa pagitan ng pamilya Ampatuan at ng noo’y
mayoral candidate na si Esmael “Toto” Mangudadatu.
c. Halos 58 katao ang namatay, 37 sa mga ito ay mamamahayag
d. Naging tampulan ng kritisismo ang pangyayaring ito, karamihan ay
itinuturo ang dinastiya at labis na kapangyarihan bilang dahilan ng
insidente.
2. Korapsyon
a. Bukod sa karahasang naidulot ng dinastiya sa kasaysayan ng Pilipinas,
talamak rin ang pamilya sa korapsyon at katiwalian
b. Ang mga public funds ay ibinubulsa.
c. Fat dynasty – mas lalong lumalago ang kayamanan ng angkan habang
patuloy naman na nalulugmok ang pinamumuan sa kahirapan.
d. Sa 1.27 milyong populasyon ng Maguindanao, tinatayang P555,864
dapat ang annual local tax collection nito, subalit P204,292 lamang ang
nakokolekta.
e. Isa sa mga angkan ay ang administration and finance chief ng Regional
Legislative Assembly ng ARMM.
3. Pagpapabaya sa Edukasyon
a. Hindi nabibigyang-pansin ang mga pangangailangan sa edukasyon gaya
na lamang ng maayos na silid-aralan.
b. Mababa rin ang enrollment rate sa kanilang pinamumunuan. Kulang pa
ang mga gurong naitatalaga sa mga paaralan.
c. Kadalasan ay nasa dalawa hanggang tatlong guro lamang ang kada
barangay.
d. Talamak rin sa kanilang pamumuno ang mga ghost schools, ghost
teachers, teaching position for sale, at mga absentee teachers.

You might also like