You are on page 1of 2

7 Reasons Why Marcos is Not a Hero

#NeverAgain #EndHistoricalRevisionism

“Maraming ipinatayong imprastratura si Marcos noon katulad ng CCP, San Juanico Bridge, at iba pa.”

Mula sa isang nominal na halaga na $0.36 bilyon noong 1961, ang utang ng Pilipinas ay tumaas sa
napakalaking halaga na $28.26 bilyon noong 1986. Maaari man nating bigyan ng kredit ang rehimen sa
mga imprastrakturang ipinatayo nito, ngunit malinaw sa mga datos na malaki ang kinalaman ng mga ito
sa paglobo ng ating budget deficit at mga utang panlabas. Bukod sa pinagkakitaan ito ng mga Marcos at
ng kanilang mga crony, nagamit rin nila ito sa pagpapapaganda ng imahe ng rehimen. Karamihan sa mga
ito’y tahasang mapag-aksaya at hindi produktibo.

https://martiallawmuseum.ph/magaral/martial-law-in-data/

“Maunlad at mayaman ang Pilipinas dahil Golden Age ang ekonomiya noon.”

Hindi nagtagal ang ipinagmamalaking “kasaganahan” ng rehimen. Tumingkad ang mga pahiwatig ng
nalalapit na pagbagsak ng ekonomiya sa pagtatapos ng 1970s. Mula 1.2% ng GNP noong 1978, umakyat
ang deficit sa 4.3% ng GNP pagdating ng 1982. Naitala ng mismong Ministry of Health natin na 3/4s ng
mga batang Pilipino ay dumaranas noon ng malnutrisyon. Nalathala rin sa mga pag-aaral ang kakulangan
sa mga sanitation facility at malinis na tubig na inumin, gayundin ang di-pantay na distribusyon ng mga
ospital at doktor sa mga pook na urban at rural. Nauwi rin sa mga demolisyon at relokasyon ng mga
maralitang tagalungsod ang mga programa ng pabahay. Wala silang kakayahang bayaran ang mga ito.

https://verafiles.org/articles/vera-files-fact-sheet-must-reads-philippine-economy-under-ma

“Mas ligtas ang mga mamamayan sa Pilipinas noong panahong nasa ilalim ng batas militar ang
bansa.”

Ang historian na si Alfred McCoy, sa kanyang tanyag na papel na, " Dark Legacy: Human Rights under the
Marcos Regime," ay nagbibigay ng mas mataas na bilang ng mga biktima ng karapatang pantao sa ilalim
ni Marcos: 3,257 ang napatay, 35,000 ang pinahirapan at 70,000 ang nakakulong. Ang panahon sa
pagitan ng Setyembre 21, 1972 hanggang Peb. 25, 1986 ay idineklara ni Ferdinand Marcos ang batas
military. Nang siya ay tumakas sa bansa, ito ay nagresulta sa kung ano ang inilalarawan ng batas na
maraming “kamatayan, pinsala, pagdurusa, pagkakait at pinsala.”

https://verafiles.org/articles/vera-files-fact-sheet-sins-martial-law-tranches
“Sa panahon ni Marcos, ang 1.50 pesos ay katumbas ng isang dolyar.”

Ito ay isang kasinungalingan. Ang totoo, nasa Php 3.9: $1 na ang palitan noong nanalo ng unang termino
si Marcos. Noong 1969, dahil sa labis na paggasta ni Marcos sa kanyang reeleksyon, bumagsak ang
pambansang ekonomiya. Kinailangan nating kumuha ng loan mula sa International Monetary Fund (IMF)
upang tugunan ang krisis na ito. Magpapatuloy ang pangungutang ng pamahalaang Marcos hanggang sa
mga susunod na dekada. Tatlong taon bago magdeklara si Marcos ng batas militar, nasa Php 6: $1 na
ang palitan. Noong 1984 naman, dalawang taon bago mangyari ang EDSA People Power, nasa Php 18: $1
na ang palitan.

https://verafiles.org/articles/vera-files-fact-sheet-must-reads-philippine-economy-under-ma

“Best president si Marcos. Siya ang Lee Kuan Yew ng Pilipinas.”

“Only in the Philippines could a leader like Ferdinand Marcos, who pillaged his country for over 20 years,
still be considered for a national burial. Insignificant amounts of the loot have been recovered, yet his
wife and children were allowed to return and engage in politics.” – Lee Kuan Yew (2000)

Lee Kuan Yew. 2000. From Third World to First: the autobiography of Lee Kuan Yew

“Dapat sisihin ‘yang si Imelda. Maganda sana panunungkulan ni Ferdinand Marcos kung hindi dahil
sakanya.”

Si Marcos ay nahatulan ng pagpatay at paggawa ng kung ano-anong kasinungalingan bago niya pa


nakilala si Imelda. Si “Ferdi” bilang tawag sa kanya ng kanyang mga kasamahan, ay nanguna sa Bar
Exams noong 1939 sa score na 92.35 ngunit siya ay inakusahan ng pagdaraya. Sa muling pagkuha ng
pagsusulit, nakakuha siya ng perpektong marka. Gayunpaman, hindi malinaw kung nakapuntos siya ng
100% na ganoon o nanloko lang muli. Habang nagre-review para sa bar exam, nakulong si Marcos dahil
sa pagpatay dahil siya ay napatunayang nagkasala at hinatulan ng kamatayan. Umapela ang angkan ni
Marcos sa Korte Suprema. Matapos mag-aral ng abogasya sa Unibersidad ng Pilipinas, naghanda si
Marcos para sa kanyang sariling kaso at sa huli, siya at ang kanyang mga kasama ay naabsuwelto sa lahat
ng krimen.

https://www.8list.ph/martial-law-philippines-millennials/

“Matalino si Marcos. Yung mga achievements niya pang Hall of Fame.”

Ngunit ang kanyang mga krimen ay naging opisyal na nakalathala sa Guiness Book of World Records.
“Ferdinand Marcos: Greatest Robbery of a Government.”

https://www.guinnessworldrecords.com/world-records/65607-greatest-robbery-of-a-government

You might also like