You are on page 1of 3

Ang Batas Militar at ang Panitikan

Ang Batas Militar ay pagpapataw nang panandalian kapangyarihang militar sa isang lugar dulot ng
pangangailagan. Ito ay ipinatutupad kung hindi na nagagampanan ng maayos ang tungkulin gaya
ng pananatili ng kaayusan ng lugar, nagkaroon ng malawakang paglabag sa batas, hindi makontrol
ang kaguluhan at pag poprotesta o nagkaroon ng giyera at pananakop. Sa ganitong sitwasyon ang
milltar na may pinakamataas na ranggo ang humahalili sa pangulo. Nagtataglay ito ng
kapangyarihang ehekutibo, lehistatibo at hudisyal.

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos ang batas Militar noong Setyembre


21,1972. Napasallalim ang Pilipinas sa Batas Militar mula 1972 hanggang 1981.
Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar marami ang ipinagbawal at isa na rito ang pagtuturo ng
panitikan. Pili lamang ang mga panitikan na nababasa at nasusulat noon.
Pansamantalang pinahinto rin ang publikasyon ng mga pahayagan at sirkulasyon ng mga ito,
pambansa man o pampaaralan.

Pinahinto rin ang pagpapalabas ng mga panooring pantelibisyon at pagtatanghal ng mga pelikula.
Pansamantalang naitigil din ang mga programa sa radyo. Ngunit lumaganap naman ang mga tula,
sanaysay at iba pang akda ukol sa pagsalungat sa Batas Militar. Malaki ang naging Pagbabago sa
ating panitikan sa panahong ito. Ngunit masasabing, maningning pa rin ang Panitikang Filipino sa
panahong ito.

Sa bisa ng Proclamation No. 1081 na nilagdaan ni Marcos, ipinatupad ang batas militar sa buong
Pilipinas. May mga nagsasabing nilagdaan ni Marcos ang proklamasyon Setyembre 17 o
Setyembre 22, 1972, ngunit Setyembre 21, 1972 ang petsang nakasaad sa dokumentong
nilagdaan ng dating pangulo. Sa talaarawan ni Marcos, isinulat niyang natapos niya, kasama sina
Johnny Ponce Enrile, Gen. Paz, Gen. Nanadiego, Kratad, at Piciong Tagmani," ang paghahanda ng
mga kautusan alas-8 ng gabi, Setyembre 21.

Setyembre 23, alas-3 ng hapon nang basahin ni Press Secretary Francisco


Tatad sa ere ang nilalaman ng Proclamation No. 1081. Sumahimpapawid naman si Marcos alas-
7:15 ng gabi upang bigyang-katuwiran ang proklamasyon. Aniya, kailangan umano ng "emergency
powers" upang puksain ang karahasang dala ng mga komunista.

Kasunod nito, ipinasara ang mga estasyon ng telebisyon, radyo, at mga diyaryo.
Naging mahigpit din ang seguridad at nagpatupad ng curfew. Inaresto at dinetine naman sa Camp
Crame ang mga personalidad na sumasalungat sa pangulo, tulad nina Sen. Benigno Aquino Jr.,
Sen. Jose Diokno, Sen. Francisco Rodrigo, at Sen. Ramon Mitra Jr. Inilabas din ni Marcos ang bibag
kautusan na nagbibigay-patnubay sa paramahala, kabilang na ang General Order No. 1 na
nagliliat ng lahat ng kapangyarihan sa kamay ng pangulo.

Sa kabila naman ng pangako ni Marcos na hindi mapapalitan ng batas militar ang 1935
Constitution, pinangunahan nito ang pagpapatupad sa 1973 Constitution.
Kinilala ng Korte Suprema ang naging pagpapalit ng Saligang Batas nang ibaba nito ang desisyon
sa Javellana v. Executive Secretary. Sa ilalim ng batas militar, sinasabing nasa 3,257 ang pinatay,
35,000 ang tinortyur, at 70,000 ang ipinakulong.

Umusbong naman ang larangan ng sining at kultura sa panahon ng batas militar. Sumikat ang mga
mang-aawit tulad nina Frieddie Aguillar at Joey Ayala at mga bandang tulad ng “The Jerks” at
"Asin" na lumikha ng mga kagparaganasa damdamin ng mga Pilipinong nag-aalsa laban sa
diktadura. Nakilala rin ang mga direktor tulad nina Lino Brocka, Ishmael Bernal, at Mike de Leon
na nagpakita ng realidad sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang mga pelikula.

Inilabas ni Marcos noong Enero 17, 1981 ang Proclamation No. 2045 upang pormal na wakasan
ang batas militar. Sa kabila naman nito, taglay pa rin niya ang kapangyarihang maglabas ng mga
panukala at nagawang manatili sa poder ng llan pang taon.

Sa panahon ng Batas Militar, ang pinaka masiglang panitikan ay ang Dula na


nagkaroon ng pangunahing tagapagtaguyod sa katauhan ng noong Unang Ginang ng
bansa na si Imelda Marcos.
P- Peace in Order ( Kapayapaan)
L-Land Reform (Reporma sa Lupa)
E- Economic Reform (Reporma sa Pangkabuhayan)
D- Development of Moral Values (Paglinang ng kahalagahang Pantao)
G Government Reform (Repormang Pampaaralan)
E- Educational Reform (Repormang Pampaaralan)
S- Social Reform (Repormang Panlipunan)

Naging karaniwang paksain ng mga lathalain sa babagi ng Dekada 70


ang tatlong tunguhin ng bansa sa ilalim ng bagong lipunan. Ito ay ang pagbabagong
panlipunan, kauniarang pangkabuhayan at kalinangang pangkultura ng bansa.

Aralin II
Ang Batas Militar at ang Panitikang Pilipino

Unang Ginang Imeida Marcos


Dahil sa interes at masugid na pagtaguyod ng Unang Ginang Imelda Marcos rasigla niya ang
dulaan noong panahon ng bagong lipunan. Ang isa sa dahilan ng gsigla ng anyong pampanitikan
ito ay ang pagpapaayos ng lumang tanghalan gaya Metropolitan Theatre. Naitanghal dit-ahg sa
Kampilam Leonardo Ilagan. sa sa Kasalani Orlando NadreT ales of the Manuvi Beinvenido
Lumbera.
Gawad Carlos Palanca

Nagpatuloy ang Palanca sa paggawad ng parangal sa mga dulang may isahing yugto, isang bagay
na nakadaragdag sa pagpapasigla ng dula sa panahong ito. Ang Sidewalk Vendoni Reul Molina
Aguila na naglalarawan ng buhay ng mga kabataang nagtitinda ng sigarilyo.

You might also like