You are on page 1of 1

PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

Bunga ng nagaganap na malawakang kilos protesta ng iba’t-ibang samahan at ang masigasig na aktibismo ng mga
kabataan noong Panahon ng Isinauling Kalayaan, idineklara ni Pangulong Marcos ang Batas Militar noong Setyembre 21,
1972. Ito ang nagpasimula ng pagpapakilala ng Pangulo sa tunguhin sa kanyang pamamahala ang pagkakamit ng ating
bansa ng kaunlaran sa pamamagitan ng pagkakaroon ng isang Bagong Lipunan. Masasabing ang panahong ito ng ating
kasaysayan ay mahahati sa dalawang bahagi. Ang una ay sumasakop sa panahon ng mula sa pagdedeklara ng Batas Militar
at nauukol sa pagtatag ng isang Bagong Lipunan ng mga Pilipino. Nagtatapos ito sa pagsisimula naman ng ikalawang
bahagi na maaaring tawaging Ikatlong Republika. Masasabi gayunpaman, na bagama’t itinigil na ang pamamalakad ng bansa
sa ilalim ng Batas Militar noong Enero 17, 1981 sa pagsisimula ng Ikatlong Republika, ang mga simulain ng Bagong Lipunan
ay patuloy pa ring itinaguyod sa nasabing panahon.

Kasabay ng deklarasyon ng Batas Militar ang pansamantalang pagpapahinto ng publikasyon ng mga pahayagan,
sirkulasyong ng mga ito, pambansa man o pampaaralan. Pinahinto rin ang pagpapalabas ng mga panooring pantelebisyon
at pagtatanghal ng mga pelikula. Pansamantalang natigil ang mga programa sa radyo. Nang lumaon, unti-unting ibinalik
ang mga ito ngunit sa pagkakataong ito ay isinailalim sa pamamahala ng Ministri ng Kabatirang Pangmadla. Pinamunuan
ang nasabing Ministri ni Francisco “Kit” Tatad.

Pinakamasiglang bahagi ng panitikan ng panahong ito ang dula na nagkaroon ng pangunahing tagapagtaguyod sa katauhan
ng noon ay Unang Ginang ng bansa na si Imelda Marcos. Bukod sa tagapagpayo at pagsasaayos ng mga gusaling kultural,
masugid din niyang pinamahalaan ang pagtatanghal ng mga sinaunang dula at palabas.

Panulaan

Isa sa mga bagay na laging maaalala hinggil sa panahon ng Bagong Lipunan ang malaganap na popularidad ng mga islogan.
Ginamit ang nasabing islogan upang maiparating sa mga mamamayanan ang mga programang pangkabuhayan,
pagbabagong panlipunan at kahalagang pantao na siyang binagyan-diin ng pamahalaan upang magkaroon ng pagbabago
ang lipunan. Naririto ang ilang halimbawa ng mga islogang ginamit noong panahong yaon:

Hinggil sa Kahalagahang pantao:

Sa ikauunlad ng bayan,
Disiplina ang kailangan.

Ang pagsunod sa magulang


Tanda ng anak na magalang.

Hinggil sa programang pangkabuhayan:

Magplano ng pamilya
Nang buhay ay lumigaya.

Tayo’y magtanim
Upang mabuhay.

You might also like