You are on page 1of 1

Noong ika-21 ng Steyembre, ginunita ang ika-42 anibersaryo ng pagdedeklara ni dating Pangulong

Ferdinand Marcos sa Martial Law. Dahil ditto, pumutok nan man ang isyu kung dapat bang ilibing si
Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Ngunit taglay nga ba ni Marcos ang katangian ng isang bayani?

Ang bayani ay magiting at matapang. Nakipaglsagupaan si Marcos noong Ikalawang Digmaang


Pandaigdig at pinagtatanggol din niya ang Bataan laban sa mga Hapones at naging isa sa mga biktima ng
“death march”. Ngunit, bakit ang ating mga lolo, maging lolo man yan sa tuhod at talampakan, ay hindi
naman inihimlay sa LIbingan ng mga Bayani? Sa yaman nga ng kanilang pamilya ay kaya nilang
magpatayo ng malaki at mamahaling museleo para kay Marcos.

Ang isang bayani ay gumawa ng maganda at mabuti para sa ika-uunlad ng bansa. Matagumpay na
pinaunladi Marcos ang ating bansa sa mahigit 20 taon niyang panunungkulan. Hindi mo mabibilang sa
iyong iyong mga darili sa kamay at paa ang mga nagawa ni Marcos para sa ating bansa. Sa kanyanng
panunungkulan ang Pilipinas ang pangalawa sa pinakamayamang bansa sa Asya sumunod sa Japan. Ang
Pilipinas din ang unang nagkaroon ng paliparan at tren. Ang palitan ng dolyar sa piso ay USD 1.00 =
PHP 1.50, pintayo niya ang San Juanico Bridge, at marami pang iba. Sa kabila ng maunlad na
ekonomiya, 33% naman ng mga utang pandayuhan na katumbas ng 8 bilyong dolyar ay napunta sa bulsa
ni Marcos. Pinatalsik nga niya ang mga anay ng gobyerno ngunit siya mismo ay korupt. Mahigit $10
bilyon ang kanyang ninakaw sa kaban ng bayan at noong 1975, ang 57% ng mga pamilyang Pilipino ay
iniulat na mahirap. May pera silang nakalaan sa koleksyon ng sapatos ni Imelda samantalang milyun-
milyong mga Pilipino ang walang makain.

Ang isangg bayani ay nagbuwis ng buhay para sa kanyang kapwa. Ngunit sa Marcos pa nga ang
nagpapatay sa mga kumakalabang mamamayan sa kanya na kabutihang panlahat lang ang inaasam. Ito
raw ay paraan ng pagdidisiplina pero bakit kailangang may buhay na madamay?

Kung si Ninoy at Cory Aquino nga ay hindi nakalibing sa Libingan ng mga Bayani, si Marcos pa kaya na
maituturing na isang kriminal. Hindi natin maipagkakaila na isa siya sa mga pinakamahusay na pangulo
na humawak sa ating bansa. Marami siyang napatunayan sa mahabang panahon na siya ay nanungkulan.
ngunit maituturing ba nating bayani ang isang lider na ganid sa kapangyarihan at kinuha ang panahong
hindi na nararapat sa kanya? Kung siya ay ihihimlay sa Libingan ng mga Bayani, parang boses lang din ng
isang diktatdor ang nag-uutos sa mga Pilipinong siya ay ihimlay sa piling ng mga bayani. Ano na ang
iisipin ng mga susunod na henerasyon? Ang isang magnanakaw at mamamatay-tao ay itinuturing na
bayani? Pinatalsik sa pwesto bilang pangulo ngunit ihihimlay sa Libingan ng mga Bayani? Parang
paglaagay ng mantsa sa isang putting damit. Parang uwak sa piling ng mga putting kalapati. Parang taksil
na nagmamabuti.

You might also like