You are on page 1of 1

MAYNILA — Iginiit ng presidente ng Pulse Asia na hindi laging tama ang resulta ng mga pre-

election survey pagdating ng mismong araw ng halalan.

Ayon kay Pulse Asia President Ronald Holmes, kung minsan ay ang mga pangalang nasa ibaba ng
survey ang biglang nasa taas pagdating ng mimsong araw ng botohan.

"Sen. Grace Poe, VP Jojo Binay and Mayor Rodrigo Duterte were 1, 2, 3 [respectively] in the June
2015 survey and then of course, that division, diffusion of votes changed and the actual results saw
then Mayor Duterte winning the presidential race in 2016," paliwanag ni Holmes.

Sang-ayon naman ang ilang political analyst sa pananaw ni Holmes tungkol sa mga pre-election
survey, lalo't sa partido ng pangulo ay nagbabangayan pa sina Sen. Manny Pacquiao at Energy
Secretary Alfonso Cusi.

"It's still too early and we have yet to find out kung papaano, how they will play out in the process,"
sabi ni Edmund Tayao.

Magbabago pa raw ang ihip ng hangin kapag nagsimula na rin ang filing ng certificates of candidacy
ng mga tatakbo sa halalan.

Ito'y kasunod ng paglabas ng pinakabagong Pulse Asia Survey, kung saan nanguna sina Pangulong
Duterte at anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.

Sa survey, 28 porsiyento ng mga respondent ang nagsabing iboboto nila si Mayor Sara kapag
tumakbo ito sa pagkapangulo habang 18 porsiyento naman ang boboto sa kaniyang ama kapag
tumakbo ito bilang vice president.

 Sara Duterte-Carpio most preferred as presidential bet in 2022 polls— Pulse Asia

Nagpasalamat ang Palasyo sa publiko sa resulta ng survey.

"'Yan po ay nagpapakita na kahit ano pa ang ipukol ng mga kritiko ni Presidente laban sa kanya, ay
patuloy pa rin pong nagtitiwala at naniniwala ang sambayanang Filipino sa liderato po ni Presidente
Duterte," ani Presidential Spokesperson Harry Roque.

Pero ayon kay dating Davao del Norte Governor Anthony del Rosario, na kaalyado ni Mayor Sara,
hindi tatakbo ang alkalde sa pagkapangulo kapag tumuloy ang ama nito sa pagtakbo bilang vice
president.

Para sa oposisyon, maaga pa para malaman talaga ang takbo ng politika para sa halalan 2022.

Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Vice President Leni Robredo, respectable ang mga
numero ni Robredo sa survey pero hindi pa talaga nagsisimula ang laban.

Tutok din umano ang pangalawang pangulo sa mga programa para labanan ang COVID-19.

Sinabi naman ni Sen. Panfilo Lacson na hindi gaanong mahalaga ang kasalukuyang sitwasyon pero
magagamit ito para sa pagplano para sa hinaharap

You might also like