You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

SANAYANG PAPEL NG PAGKATUTO

Pangalan: ___________________________ Baitang at Pangkat: ____________ Iskor: ____


Asignatura: Music 5 Guro: ___________________________
Markahan: Ikaapat Linggo: 7-8 MELC Code: MU5HA-IVh-2

Mga Major Triad Bilang Pnasaliw sa mga Simpleng Awit

A. Tuklasin

Sa nakaraang aralin, nagkaroon ka ng pagkakataon na makaawit ng round


song at partner song. Sa pagpapatuloy ng aralin sa Musika, panibagong paksa na
naman ang iyong matututunan.

Sa panahon ng pandemya, nanaig pa rin sa bawat isa ang pagtutulungan.


Naging matibay ang pagbubuklod ng pamilya dahil sa community quarantine na
ipanapatupad. Bagamat may takot, ang pagmamahal ng pamilya ang nagpapasaya
sa bawat isa. Ang tawag dito ay harmony. Alam mo ba na ang harmony ay makikita
rin sa musika, awit, o tugtog? Bilang isang elemento ng musika, mas nagiging
makulay at kawili-wili ang bawat kanta o tugtog. Sa araling ito, magagamit mo ang
major triad bilang pansaliw sa mga simpleng awit.

B. Suriin

Ang harmony ay isang elemento ng musika na tumutuon sa maayos at


magandang pagsama-sama ng mga nota habang tinutugtog o inaawit.

Narito ang mga major triad bilang pansaliw sa mga simpleng awit, kanta, o
tugtog.

1. Ang tonic ay unang digri o first degree ng diatonic scale na ginagamitan


ng simbolong I. Samantalang ang triad ay binubuo ng tatlong nota na
nakaayos ng vertical. Binubuo ito ng mga note na do, mi, at so ang tonic
chord o tonic triad. Katumbas din ito ng C Major chord.

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

2. Samantala, ang Subdominant chord ay makikilala sa taglay nitong


senyas kromatikong flat ( ). Ito ang pang-apat na digri o fourth degree
ng diatonic scale at ginagamitan ng simbolong IV. Katulad ng tonic chord,
ang Subdominant chord ay nasa ayos din na vertical kung nasa staff.
Binubuo ito ng mga note na fa, la, at do na katumbas din ng F Major
chord.

3. Ang Dominant chord naman ay katumbas ng G Major Chord na binubuo


ng mga note na so, ti, at re. Nakaayos din ito vertical katulad ng ibang
chord. Ang panandang ginagamit sa dominant chord ay ang simbolong V.
Nagtataglay ang Dominant chord ng senyas kromatikong sharp ( # ) na
nakalagay sa ikalimang linya ng staff.

Sa C Major scale, ang tonic chord ay binubuo ng mga note na may pitch name
na C, E, at G. Ang subdominant chord naman ay binubuo ng mga pitch name na F,
A, at C. Samantala, ang dominant chord naman ay binubuo ng mga pitch name na
G, B, at D.

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

Tonic, Subdominant, Dominant ng G Major Scale

Tonic, Subdominant, Dominant ng F Major Scale

C. Mga Gawain sa Pagkatuto

Gawain 1 – Iguhit Mo
Panuto: Iguhit ang tonic, subdominant, at dominant ng C Major Scale. Kopyahin
ang staff sa iyong sagutang papel.

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XII
DIVISION OF SULTAN KUDARAT
EAST ISULAN DISTRICT

Gawain 2 – Kumpletuhin Mo

Panuto: Kumpletuhin ang major triad ayon sa uri nito. Kopyahin ang nasa ibaba sa
iyong sagutang papel at doon sagutin ang gawain. Ang unang bilang ay nasagutan
na para sa iyo.

D. Sanggunian

Caulin So Yen, Yieldeza E. Sarang, Editha D. Halanduman, Elvira S. Mangontra,


Dino C. Gomez, and Crescencia R. Pagal. MAPEH 5 Quarter 4 Module 6 Self-
Learning Module. Division of Ozamiz City, 2021.

Copacio, Hazel P and Emilo S. Jacinto. Edited by Jose S. Buenconsaje, PhD,


Josephine Cecilia L. Baradas, Jose Manuel L. Sicat, Lisa I. Tapang, Marc J. San
Valentin. Halinat Umawit at Gumuhit. Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016.

Bumuo sa Pagsulat ng LAS

Manunulat: Imee T. Reyes


Editor/Tagalapat: Ronald F. Ramirez
Tagasuri: Wilma R. Dela Cruz, Ronald F. Ramirez
Tagamasid Pampurok: Rima D. Magdayao, PhD
Paaralan: Bonita Elementary School
Distrito:Silangang Isulan

DSK-CID-LRMS-LAS-v1r0.0e03.09.21
Serbisyong may Integridad, Kalidad, Angat, at Tapat

Address: Kenram, Isulan, Sultan Kudarat


Telephone No.: (064) 471 1007
Website:https://depedsultankudarat.orgEmail: depedsk.r12@deped.gov.ph

You might also like