Professional Documents
Culture Documents
Sabayang Pagbigkas Sample
Sabayang Pagbigkas Sample
“Katutubong Talino, Talinong Filipino” (tulang pansabayang bigkas na naka-angkla sa opisyal na tema
ng Buwan ng Wika 2022: “Filipino at Mga Katutubong Wika: Kasangkapan sa Pagtuklas at Paglikha“)
ni Arlan Camba (Polytechnic University of the Philippines)
i
Hinahabi ng dila
usal ng pag-unlad,
kultura ng salita
ay apoy na lumaganap;
ikinalat
katutubong mga binhi
ng paglikha at pagtuklas;
umusbong at nagkaugat,
yumabong at inianak,
dunong
ng katutubong talino
wisyo
ng talinong Filipino.
ii.
Filipino;
ang wika kong nililinang,
pinagyaman…
katutubong mga wika
ang matibay na saligan,
pinagyabong ng wikaing
inuusal
sa lupalop at saanman;
sa libu-libong kapuluan,
sa sulok ng kanayunan,
sa kanugnog na sityo’t
mga bayan-bayan;
Filipino ang nagbanig –
katutubong karunungan,
wika itong kasangkapan
upang tuklasin
upang likhain
upang baklasin
nang muling buuin
ang dinistrungkang galing
ng bayang hitik sa talino
Pahina 1
SENIOR HIGH SCHOOL
Unang Semestre AY 2022-2023
iii
iv.
Pahina 2
SENIOR HIGH SCHOOL
Unang Semestre AY 2022-2023
v.
Filipino’y kasangkapan
sa pagtuklas at paglikha;
ang saliga’y ang mayamang
katutubo nating wika
‘di sukatan ng talino
ang antas ng ating dila
bawat wika at wikain
tinuturing na dakila;
Filipino ay larangan
ng paglikha at pagtuklas;
katutubong mga wika
ay wika ng mga pantas,
ang lalim ng karunungan
nang lubusang matalastas
sa sariling wika lamang
mauugat ang dalumat!
Filipino
ang tutuklas
Filipino
ang lilikha
Filipino ang hulmahan-
katutubo nating diwa;
Filipinong ang sandiga’y
katutubo na salita,
Filipino
walang iba;
Ang Pambansa nating Wika!
Pahina 3