You are on page 1of 13

Republic of the Philippines

Department of
Education
DIAGNOSTIC TEST IN ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan: Petsa: Iskor:


PANUTO: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.
1. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ang heograpiya o ang pag-aaral sa pisikal na katangian ng daigdig?
I. Sa pamamagitan nito, mauunawaan ang mga elemento na bumuo sa isang komunidad.
II. Maaaring matukoy ang mainam na paraan ng paghahanapbuhay sa isang lugar
III. Nakabubuo ng pang-unawa sa kaugnayan ng kapaligiran sa paghubog ng pamumuhay ng tao
IV. Nakatutulong ito upang masuri ang wastong paraan sa paglinang ng mga likas-yaman sa mundo.
A. I, II, III at IV B. I, II at III C. II at IV D. I at III
2. Sa aling panahon naranasan ng mga sinaunang tao ang Rebolusyong Agrikultural na nakapagtustos sa
pangangailangan nila sa pagkain?
A. Paleolitiko B.Mesolitiko C. Neolitiko D. Metal
3. Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga mahahalagang pangyayari na naganap sa panahong prehistoriko?
I. Nagkaroon ng permanenteng panirahan ang mga tao upang alagaan ang kanilang pananim.
II. Natutuhan ng tao ang magtunaw at magpanday ng bakal.
III. Gumamit ng apoy at nangaso ng mga hayop ang mga sinaunang tao.
IV. Natutong makipagkalakalan ang mga tao sa mga karatig-pook.
A. I, II, III, IV B. III, I, IV, II C. IV, III, II, I D. II, I, IV, III
4. Alin sa mga sumusunod na dahilan ang nagpapaliwanag na ang agrikultura ang nagbigay-daan sa pagkabuo ng
mga sinaunang pamayanan?
A. Nagbunsod ito sa pakikipagkalakalan ng tao sa ibang mga karatig-pook.
B. Natutunan ng tao ang paghahabi, paggawa ng palayok at iba pang gawain.
C. Nagkaroon ng permanenteng panirahan ang tao kaya’t lumaki ang populasyon.
D. Nagpagala-gala ang tao upang maghanap ng pagkain at iba pang pangangailangan.
5. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng ugnayang heograpiya-kasaysayan sa pag- usbong ng mga
sinaunang kabihasnan?
A. Umusbong ang mga sinaunang kabihasnan sa mga ilog-lambak na mahalagang salik sa pag-unlad ng mga
pamayanan.
B. Pinaunlad ng mga tao ang sistema ng pagsulat upang maitala ang mga mahahalagang
pangyayaring naganap.
C. Nagtayo ng mga templo at iba pang malalaking istruktura bilang mga lugar-sambahan para sa
inaniniwalaang mga diyos,
D. Naipamalas ng mga sinaunang tao ang mataas na uri ng kaalaman sa agham at teknolohiya.
6. Bakit binansagang The Gift of the Nile ang Ehipto?
A. Pinaniniwalaang ito ay regalo ng mga diyos sa mga taga Ehipto.
B. Kung wala ang Ilog Nile, ang buong Ehipto ay magiging disyerto.
C. Naging sagabal ang Ilog Nile sa pananalakay at pananakop.
D. Nagsilbing pangunahing ruta para sa kalakalan ang Ilog Nile.
7. Sinong pinuno ang nagpagawa ng Hanging Gardens of Babylon para sa kanyang asawa?
A. Ashurbanipal B. Hammurabi C. Nabopolassar D. Nebuchadnezzar
8. Ano ang tawag sa sinaunang paniniwala ng mga Tsino na may pahintulot ng langit ang pamunuan ng China?
A. Divine Origin B. Nirvana c. Mandate of Heaven d. Sinocentrism
9. Paano natin maipamamalas ang pagpapahalaga sa mga pamanang iniwan ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Ituring ang mga ito na bahagi ng nakaraan at hindi na angkop sa makabagong panahon.
B. Patuloy na kilalanin at tangkilikin ang mga amag na ito sa pag-unlad ng sangkatauhan.
C. Ilathala ang mga ito sa mga aklat upang mapag-aralan ng mga mag-aaral.
D. Itago ang mga labi at alaala ng mga kontribusyong ito sa mga museo.
10. Ano ang mahihinuha natin mula sa mga istrukturang tulad ng ziggurat, piramide, Great Wall of China at iba pang
naipatayo noong panahon ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Madalas ang digmaan noong sinaunang panahon kaya nagpatayo ng mga pananggalang sa mga kaaway.
B. Relihiyoso ang mga sinaunang tao kaya nagpatayo sila ng mga bahay-sambahan at tirahan ng kanilang mga
diyos.
Republic of the Philippines
C. Malawak at may mataas na antas ng kaalaman sa inhinyeriya, agham at matematika ang mga tao sa mga
sinaunang kabihasnan. Department of
D. Ipinatayo ang mga istruktura upang magsilbing paalala sa mga susunod na salinlahi sa kadakilaan ng mga
sinaunang kabihasnan. Education
11. Ano ang mahihinuha natin mula sa mga istrukturang tulad ng ziggurat, piramide, Great Wall of China at iba pang
naipatayo noong panahon ng mga sinaunang kabihasnan?
A. Madalas ang digmaan noong sinaunang panahon kaya nagpatayo ng mga pananggalang sa mga kaaway.
B. Relihiyoso ang mga sinaunang tao kaya nagpatayo sila ng mga bahay-sambahan at tirahan ng kanilang mga diyos.
C.Malawak at may mataas na antas ng kaalaman sa inhinyeriya, agham at matematika ang mga tao sa mga sinaunang
kabihasnan.
D.Ipinatayo ang mga istruktura upang magsilbing paalala sa mga susunod na salinlahi sa kadakilaan ng mga sinaunang
kabihasnan.
12. Kung ang Ehipto ay may Great Pyramid, hieroglyphics, pharaoh at Ilog Nile, sa aling kabihasnan naman maiuugnay ang
Great Wall, calligraphy, dinastiya at Yellow River?
A. China
B. Indus
C. Mesoamerica
D. Mesopotamia
13. Ano ang tawag sa pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunang Hindu sa panahong Vedic?
A. Basbas ng Kalangitan
B. Eight-Fold Path
C. Siklo ng Dinastiya
D. Sistemang Caste
14. Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mga antas o pangkat sa lipunang Ehipto noong sinaunang panahon?
A. May kanya-kanyang gawain ang mga tao
B. Walang pagkakapantay-pantay ang mga tao
C. Watak-watak o walang pagkakaisa ang mga tao
D. Nakabatay sa kakayahan ang pagpapangkat sa mga tao
15. Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga daloy ng pangyayari na naglalarawan sa Siklo ng Dinastiyang
pinaniwalaan ng mga sinaunang Tsino?
I. Dumating ang mga kalamidad, nag-alsa ang mga tao at nagtangkang manakop ang mga dayuhan.
II. Umusbong ang bagong dinastiya na may magaling na pinuno kaya’t nagkaroon ng pag- unlad at
kapayapaan.
III. Inagaw ng mga pinuno ng pag-aalsa ang kapangyarihan ng emperador.
IV. Mahihinang pinuno ang pumalit at nagkaroon ng pagmamalabis sa kapangyarihan.
A. II, III, I B. II, III, I, I C. IV, III, II, I D. II, IV, I, III
16. Kung ang Ehipto ay may Great Pyramid, hieroglyphics, pharaoh at Ilog Nile, sa aling kabihasnan naman maiuugnay ang
Great Wall, calligraphy, dinastiya at Yellow River?
A. China B.Indus C. Mesoamerica D. Mesopotamia
17. Ano ang tawag sa pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunang Hindu sa panahong Vedic?
A. Basbas ng Kalangitan B. Eight-Fold Path C. Siklo ng Dinastiya D.Sistemang Caste
18. Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mga antas o pangkat sa lipunang Ehipto noong sinaunang panahon?
A. May kanya-kanyang gawain ang mga tao B. Walang pagkakapantay-pantay ang mga tao
C. Watak-watak o walang pagkakaisa ang mga tao D.Nakabatay sa kakayahan ang pagpapangkat sa mga tao
19. Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga daloy ng pangyayari na naglalarawan sa Siklo ng Dinastiyang
pinaniwalaan ng mga sinaunang Tsino?
I. Dumating ang mga kalamidad, nag-alsa ang mga tao at nagtangkang manakop ang mga dayuhan.
II. Umusbong ang bagong dinastiya na may magaling na pinuno kaya’t nagkaroon ng pag- unlad at
kapayapaan.
III. Inagaw ng mga pinuno ng pag-aalsa ang kapangyarihan ng emperador.
IV. Mahihinang pinuno ang pumalit at nagkaroon ng pagmamalabis sa kapangyarihan.
A. I, II, III, IV C. IV, III, II, I
B. II, III, I, IV D. II, IV, I, III
20. Ano ang tamang pagkakasunud-sunod ng mga daloy ng pangyayari na naglalarawan sa Siklo ng Dinastiyang
pinaniwalaan ng mga sinaunang Tsino?
I. Dumating ang mga kalamidad, nag-alsa ang mga tao at nagtangkang manakop ang mga dayuhan.
II. Umusbong ang bagong dinastiya na may magaling na pinuno kaya’t nagkaroon ng pag- unlad at
Republic of the Philippines
kapayapaan.
Department of
III. Inagaw ng mga pinuno ng pag-aalsa ang kapangyarihan ng emperador.
IV. Mahihinang pinuno ang pumalit at nagkaroon ng pagmamalabis sa kapangyarihan.
A. I, II, III, IV Education
B.. IV, III, II, I C. II, III, I, IV D. II, IV, I, III
21. Bilang kabataang nabubuhay sa makabagong panahon, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga naiwang
pamana ng ating mga ninuno sa iyong sariling komunidad?
I. Kunan ng mga larawan ang mga makasaysayang pook o gusali na matatagpuan sa sariling
lugar.
Republic of the Philippines
II. Bumisita sa mga museo at mga makasaysayang pook/gusali na makikita sa sariling bayan o
lungsod. Department of
III. Pag-aralan ang kasaysayan ng mga pook o gusali sa sariling lugar na itinuturing na
makasaysayan. Education
IV. Ituring ang mga ito na bahagi ng nakaraan at walang kaugnayan sa ating
makabagong panahon.
A. II at III
B. I at II
C. I at III
D. III at IV
22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagsilang ng Demokrasya sa Athens noong 500 BCE?
A. Nagkaroon ng malaking bahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad ng kanilang
pamahalaan.
B. Naisulong ang dayuhang kalakalan upang mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap.
C. Naipatapon nila ang mga mamamayang di-sumasang-ayon sa patakaran ng pamahalaan.
D. Nagpamahagi ng malaking lupang sakahan sa walang lupang magsasaka.
23. Bakit natalo ang puwersang Greek laban sa mga Persyano sa Labanan sa Thermopylae?
A. Ipinagkanulo ng isang Greek ang isang lihim na daanan patungo sa kampo ng mga Greek.
B. Sinuportahan ng ilang Spartan ang pwersang Persyano.
C. Higit na marami ang puwersa ng mga Persyano
D. Mahina ang mga sandata ng mga Greeks
24. Ano ang tawag sa isinulat na kodigo ng mga batas sa Rome?
A. Twelve Tables
B. Code of Conduct
C. Batas ni Julius Caesar
D. Kodigo ni Hammurabi
25. Alin sa mga sumusunod ang naging resulta ng pagpapaunlad ng pamumuhay ng mga tao sa panahon ni Julius Caesar?
A. Idineklara siyang diktador habang buhay.
B. Inabuso ni Julius Caesar ang kanyang katanyagan.
C. Tumindi ang suporta ng mga tao kay Julius Caesar.
D. Nagbalak ng masama ang mga opisyal kay Julius Caesar.
26. Bakit mahalaga sa Rome ang pagkapanalo sa Digmaang Punic laban sa Carthage?
A. Naisakatuparan ang pananakop sa iba pang karatig na bansa.
B. Napagpasyahan kung sino ang mamumuno sa Mediterranean.
C. Naging sentro ng kalakalan Republic
at kabihasnan ang Philippines
of the bansang mananalo.
D. Nagkaroon ng kalayaan ang mga Phoenicians laban sa mga Romans.
Department of
27. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang tuluyangEducation
nagpabagsak sa pamamayani ng mga Aztec sa Mesoamerica?
A. Biglaang pagbaba ng populasyon.
B. Pagkalat ng epidemya ng bulutong.
C. Walang humpay na pakikidigma sa mga karatig-bansa .
D. Pagdating ng mananakop na Espanyol na si Hernando Cortes.

28. Sino ang mananakop na Espanyol ang lumupig sa Imperyong Inca noong 1532?
A. Hernan de Soto
B. Francisco Pizzaro
C. Hernando Cortes
D. Miguel Lopez de Legazpi

29. Bakit tinawag na “Dark Continent “ ng mga Kanluranin ang Africa?


A. Hindi nila ito nagalugad kaagad
B. Mahirap marating ang Africa
C. Limitado ang alam nila dito.
D. Malayong kontinente ito

30. Anong relihiyon ang nakapagtatag ng pamayanan at kalaunan ay namayani sa mga kultura at kabihasnan
ng Kanlurang Africa?
A. Katolisismo
B. Shintoismo
C. Buddhismo
D. Islam
31. Aling imperyo sa sinaunang Africa ang naging makapangayarihan dahil sa kalakalan ng ginto?
A. Aztec, Inca at Maya
B. Ghana, Mali at Songhai
C. Peru, Ecuador at Bolivia
D. Athens, Sparta at Thebes
32. Naniniwala sa Animism ang mga sinaunang taga-Melanesia at Micronesia, dahil?
A. Laganap ang paniniwala sa mana
B. Bahagi ito ng kultura ng kanilang mga ninuno
C. Ipinapakita ng mga diyos atRepublic
diyosa nilaof
angthe
mga nangyari sa nakaraang siglo
Philippines
D. Ipinababatid ng diyos ng kalikasan ang mga kaganapan tulad ng tagumpay sa labanan at pag-unlad
ng kabuhayan Department of
Education
33. Anong sistemang pang-ekonomiya ang katapat ng Piyudalismo na gumabay sa paraan ng pagsasaka sa buhay ng
magbubukid?
A. Manoryalismo
B. Merkantilismo
C. Paglitaw ng Burgis
D. Paggamit ng salapi
34. Bakit itinatag ang sistemang Piyudalismo sa Europe noong Gitnang Panahon?
A. Dahil hinangad ng mga mamamayan na magkaroon ng proteksyon laban sa mga barbaro.
B. Upang hatiin ang Europa sa mga pangkat ng mga barbaro at karaniwang tao
C. Upang kamkamin ng mga Maharlika ang lupain ng mga mahihirap
D. Dahil sa malaki ang naitulong nito sa pag-unlad ng Europa
35. Alin sa mga sumusunod ang magandang naidulot ng mga Krusada?
A. Nagkaisa ang mga Muslim at Kristiyano
B. Nabawi ng mga Europeo ang Banal na Lupain
C. Naisakatuparan ng mga Muslim ang pagtatanggol sa Banal na Lupain
D. Napalaganap ang kalakalan na naging salik sa pag-unlad ng mga bayan at lungsod
36. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag sa Guild system noong Gitnang Panahon?
A. Pag-unlad ng agrikultura sa mga bayan
B. Pagpapalaganap ng sistemang piyudal sa mga bayan
C. Samahan ng mga nagtatrabaho na may magkatulad na hanapbuhay
D. Samahan ng mga mangangalakal sa mga pamilihang bayan sa Europa

37. Ang Renaissance na nagsilbing tulay sa Gitnang Panahon tungo sa Makabagong Panahon sa Europa ay maraming mga
hatid na pagbabago. Alin sa mga sumusunod ang mahalagang pagbabagong pampulitika na naganap sa Europa sa
panahon ng Renaissance?
I. Humina ang kapangyarihan ng mga maharlika at nagwakas ang piyudalismo
II. Nakapagtatag ng sentralisadong pamahalaan ang mga hari at reyna sa nasyon na kanilang pinamunuan
- nabuo ang mga nation-states

III. Nagkaroon ng Repormasyon na pinamunuan ng paring Aleman na si Martin Luther.


IV. Sumikat at nakaimpluwensiya ang pilosopiyang Machiavellian
A. I B. I at II C. I, II, III D. I, II, III at IV
38. Sa larangan ng ekonomiya, alin ang maituturing mong pinakamahalagang pagbabago sa panahon ng
Renaissance?

I. Lumaki ang populasyon at humantong sa urbanisasyon.


Republic of the Philippines
II. Higit sa agrikultura, ang industriya ang naging batayan ng ekonomiya.
III. Department of
Umunlad nang husto ang pakikipagkalakalan ng mga Europeo lalo sa Asya.
IV. Natatag ang banking system at guild system.
Education
A. III B. I at III C. I, II, III D. IV

39. Ang pananakop ng mga Turkong Muslim sa Kanlurang Asya ay nagresulta sa pagkontrol ng mga ito ng rutang
pangkalupaan na dinaraanan ng mga Europeo sa pakikipagkalakalan sa Asya. Tanging ang ibang Italyano lamang ang
kanilang pinayagan na gamitin ang nasabing rutang pangkalakalan Dahil dito

A. Sinakop ng mga Europeo ang mga Asyano


A. Naglunsad ng mga Krusada ang mga Europeo upang bawiin ang Banal na Lupain
B. Naghanap ng bagong ruta patungong Asya ang mga bansang Europeo upang maipagpatuloy ang naudlot na
kalakalan;
C. Naghanap ng bagong ruta patungong Asya ang mga bansang Europeo upang ipalaganap ang Kristiyanismo

40. Ang Portugal ang bansang


Europeo na nanguna sa pagtuklas sa
bagong ruta patungong Asya. Gamit ang
mapa sa kaliwa, taluntunin mo ang rutang
dinaanan ng pangkat nina Vasco Da Gama
sa paglalayag mula sa Portugal patungong India.
Paano mo ito ilalarawan?
https://www.alamy.com/stock-photo/vasco-da-gama-
in- india.html

A. Pahilagang-silangan , patungong India


B. Pakanluran, mula Portugal patungong India
C. Pasilangan, mula sa Portugal patungong India
D. Patimog, mula sa Portugal patungong Cape of Good Hope

41. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng unang yugto ng imperyalismog
Kanluranin?
A. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
B. Pagsunod sa patakarang merkantilismo.
C. Paghahangad ng katanyagan at karangalan.
D. Pagpapalakas ng kapangyarihan ng mga monarko.
42. Ang imperyalismo ay higit na malawak kaysa kolonyalismo sapagkat tumutukoy ito sa tuwiran at di- tuwirang
pananakop ng isang malaki o makapangyarihang bansa sa isang maliit o mahinang bansa upang magpalawak ng
teritoryo at kapangyarihan ang una. Anong anyo ng imperyalismo ang naranasan ng Pilipinas sa kamay ng mga
Kastila?
Republic of the Philippines
A. Mandate. Department
B. Protectorate. C. Kolonya. of D. Sphere of Influence

43. Ang Espanya ay isa sa mga namayagpag noonEducation


sa unang yugto ng imperyalismo sa Europa. Alin ang
pinakamahalagang bunga ng pagtuklas at pananakop ng lupain ng Espanya?
A. Napatunayan ng ekspedisyon ni Magellan na ang mundo ay bilog.
B. Narating ng ekspedisyon ni Magellan ang Asya gamit ang rutang pakanluran.
C. Ang Pilipinas ay narating ng pangkat ni Magellan at nagkaroon ng Labanan sa Mactan.
D. Natalo nito ang Portugal bilang karibal sa larangan ng pagtuklas at pananakop ng mga
lupain.

44. Para sa iyo, alin sa mga sumusunod na epekto ng Rebolusyong Siyentipiko ang pinaka napapakinabangan mo
ngayon?

A. Kailangan lagi magduda ang tao.


A. Nabuo ang teorya ukol sa Law of Universal Gravitation.
B. Ang pag-eksperimento ay dapat isagawa ng lahat ng siyentista.
C. Naimbento ang mga makabagong kagamitan sa paglalayag.

45. Ang mga sumusunod ay bunga ng Rebolusyong Industriyal, MALIBAN SA ISA


A. Maraming nawalan ng trabaho.
B. Nauwi sa suliranin sa mga likas na yaman.
C. Napanatili ang mga tradisyunal na pagpapahalaga ng mga tao
D. Naghanap ang mga Europeo ng karagdagang kolonya upang magsuplay ng hilaw na materyales at maging
pamilihan ng mga sobrang produkto

46. Sina Hobbes at Locke ay nakilala sa kanilang mga pananaw ukol sa pamamahala. Kaninong
pananaw ang higit na makatao?
A. Kay Hobbes, dahil ang interes ng estado ang pinakamahalaga
B. Kay Hobbes, naniniwala siya na ang absolute monarchy ang pinakamahusay na pamahalaan.
C. Kay Locke, sapagkat dapat na patalsikin ang lider upang manaig ang mga mamamayan.
D. Kay Locke, naniniwala siyang ang tao ay ipinanganak na malaya at pantay-pantay at nagtataglay ng tatlong
likas na karapatan.

47. “Kung walang representasyon, walang pagbubuwis” . Ito ang isinigaw ng mga Amerikano nang
sila ay maghimagsik laban sa mga Ingles. Ano ang ipinahihiwatig ng slogang ito?

A. Ayaw ng mga Amerikano na magbayad ng mataas na buwis.


B. Dapat ay magbayad ng buwis ang mga Amerikano sa mga Ingles.
C. Nais ng mga Amerikano na magkaroon ng kinatawan sa Parliamentong Ingles.
D. Ang mga Amerikano ay nagbabayad ng buwis kaya dapat na bigyan ng kinatawan sa Parilamento.
Republic of48.
the Paano nakaimpluwensiya ang nasabing pananaw sa
Philippines
Ayon kay John Locke, isa mga naganap na Rebolusyong Amerikano at Rebolusyong Pranses?
sumikat na pilosopo sa Panahon ng Department of
A. Tinutulan ng mga Amerikano at mga Pranses noon ang
hindi patas na pagbubuwis.
Kaliwanagan, Education
B. Ipinaglaban ng mga Pranses ang kanilang kalayaan sa
absolutong pinuno.
“Ang tao ay ipinanganak na malaya C. Hinangad ng mga Amerikano ang makawala sa hindi patas
at pantay-pantay at nagtataglay ng tatlong na pamamalakad ng kanilang mananakop at hinangad naman
ng mga Pranses na makalaya sa kanilang absolutong hari.
likas na karapatan: sa buhay, sa kalayaan,
D. Inilaban ng Ikatlong Estado ng France ang kanilang
at sa ari-arian. Kung hindi ito matutugunan representasyon laban sa Una at Ikalawang Estado.
ng pamahalaan, may karapatan ang mga
tao na patalsikin ito.”
49. Sa naganap na Rebolusyong Amerikano, bakit naging mahalaga ang pagkapanalo ng mga Amerikano laban sa mga
Ingles?

A. Sumibol ang pagkakaisa ng 13 kolonya ng Britanya sa Amerika.


B. Napatunayan ng mga Amerikano at Pranses na mahalaga ang pagkakaibigan nila.
C. Nagsilbi itong inspirasyon sa iba pang kolonya upang maghangad din na makalaya sa kanilang mga mananakop.
D. Napatunayan ng mga Amerikano na maaari nilang ipaglaban ang kanilang kalayaan sa kilalang
makapangyarihang imperyong Britanya noon.

50. Alin sa mga sumunod ang pangunahing dahilan ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin?

A. Urbanisasyon at paglaki ng populasyon sa Europa.


B. Makabagong pamamaraan sa heograpiya at mga bagong tuklas na kagamitan sa paglalayag.
C. Paghahangad na yumaman at lumawak ang kani-kanilang teritoryo at kapangyarihan sa pamamagitan ng
pananakop.
D. Pangangailangan sa mga hilaw na sangkap at pagkakaroon ng sobrang yaring produkto hatid ng
industriyalisasyon.

51. Ang mga nasyonalistikong mamamayan ay naghahangad gumawa ng mga bagay na


maipagmamalaki ng kanilang bansa o kanilang sinisikap na gumawa ng mga bagay para sa
ikabubuti ng Inang Bayan. Bilang isang mag-aaral, alin ang kaya mong gawin para sa iyong Inang
Bayan sa ngalan ng nasyonalismo?
A. Pagtangkilik sa produktong Pilipino.
B. Maging kinatawan sa SEA Games.
C. Pagbabalik-tanaw sa EDSA Revolution.
D. Paglilingkod nang matapat sa bayan bilang kawani ng pamahalaan.

52. Ang pag-uunahan ng mga makapangyarihang bansa na sumakop ng mga lupain at magkaroon ng
kontrol sa mga pinagkukunang yaman at kalakal ng Asya at Africa ay lumikha ng samaan ng loob at
pag-aalitan ng mga bansa. Alin sa mga SANHI ng Unang Digmaang Pandaigdig ang tumutukoy dito?

A. Alyansahan B. Imperyalismo C. Militarismo D. Nasyonalismo


53. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging hudyat at dagliang dahilan ng
pagsisimula ng Unang Digmaang Pandaigdig?
Republic of the Philippines
A. Ang paglusob ng Russia sa Germany sa pangunguna ni Grand Duke Nicholas.
Department of
B. Ang paglalahad ni Pangulong Woodrow Wilson ng kanyang Fourteen Points.
C. Nang imungkahi ni Pangulong Theodore Roosevelt na bawasan ang armas ng mga bansa.
Education
D. Pagpatay kay Archduke Franz Ferdinand at sa asawa nito habang nasa Bosnia.

54. Bakit tuluyang lumahok ang United States sa Unang Digmaang Pandaigdig at
magpahayag ng laban sa Germany?

A. Dahil sa tagumpay ng Germany, Turkey at Austria Hungary sa labanan sa Tannenberg.


B. Nagalit ang US sa unrestricted warfare ng Germany kung saan paulit-ulit ang pagpapalubog ng mga
barko na may lamang inosenteng sibilyan.
C. Upang tulungan ang puwersa ng Allied Powers na binubuo ng Great Britain, France at Russia na
nakararanas ng palagiang pagkatalo sa laban.
D. Upang suportahan at masigurong matatag ang Great Britain na kaalyado at kapalitan ng kalakal ng
United States.

55. Ang pagdami ng mga bansang nasangkot sa Unang Digmaang Pandaigdig ay dahil sa

A. Alitan sa teritoryo at soberenya.


B. Alyansang nabuo ng mga bansa.
C. Kompetisyon sa pagsakop ng lupain.
D. Malakas na puwersang militar.

56. Bakit tumiwalag ang Germany sa Liga ng mga Bansa?

A. Dahil hindi sang-ayon ang mga Aleman sa mga probisyon ng Kasunduang Versailles na nagpahiya
sa posisyon nito.
B. Dahil itinatag ni Adolf Hitler ang Republika ng Weimar at unti-unting isinakatuparan ang mga
plano sa muling pagbangon nito.
C. Dahil sa layuning muling ilagay sa rurok ng kapangyarihan ang Germany sa pamamagitan ng
pagpapalakas ng hukbong sandatahan.
D. Dahil sa kagustuhan ni Hitler na maipalaganap ang ideolohiya ng Nazismo na mag iisa sa kalakhang
Europa.

57. Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang samahang pandaigdig na itinatag noong Oktubre 24, 1945 na
may layuning mapanatili ang kapayapaan at kaligtasan ng mundo

A. Association of Southeast Asian Nation


B. League of Nations
C. North Atlantic Treaty Organization
D. United Nations

58. Ang komunismo ay ang ideolohiyang sinusunod ng Russia at China. Alin sa mga sumusunod
ang prinsipyong pinaniniwalaan ng komunismo?

A. Ang namumuno ay may lubos na kapangyarihan at puno ng relihiyon ng estado.


B. Hindi binibigyan ng karapatang sosyal, politikal at pangkabuhayan ang mga babae.
C. Mamamayan ang tuwirang namimili ng mga mamumuno sa pamahalaan.
D. Pamahalaan ang nangangasiwa sa sistema ng produksyon at distribusyon ng pag-aari.
59. Anong mga bansa ang tinawag na superpowers sa panahon ng Cold War?

A. Great Britain at Italy C. US at Japan


B. Italy at Germany D. US atofUSSR
Republic the Philippines
Department of
60. Ang Cold War ay ang tahimik na tunggalian ng ideolohiya at kapangyarihan sa pagitan ng mga
Superpowers. Ang mga sumusunod ay mga mabuting dulot nito MALIBAN sa
Education
A. Maraming imbensyon ang naisagawa tulad ng satellite at mga puwersang nukleyar na ginagamit
sa medisina at komunikasyon.
B. Nabuo ang International Monetary Fund at World Bank na makatutugon sa
pangangailangang pinansyal ng mga bansa.
C. Naitatag ang North Atlantic Treaty Organization na isang samahang pangsandatahan ng mga bansa
sa Kanluran.
D. Nagkasundo na tapusin ang armrace at ituon ang badyet sa ekonomiya at mahahalagang mga
proyekto.

61. Ang Treaty of Versailles ay ang kasunduang pangkapayapaan ng mga bansang lumahok sa Unang
Digmaang Pandaigdig. Aling parusa ang ipinataw sa Germany na titiyak sa kabutihan at kaligtasan ng
mga bansa?

A. Ang Germany ay pinagbayad ng malaking halaga sa mga bansang napinsala nito bilang reparasyon.
B. Ibinigay ng Liga ang mga kolonya ng Germany sa mga bansa upang walang sumuporta dito.
C. Ipinagbawal ang partisipasyon ng Germany sa anumang digmaang magaganap sa Europa.
D. Pinahina ang hukbong sandatahan ng Germany at pinagbawalang gumawa ng mga armas at
amyunisyon.

62. Isa sa mga sanhi ng World War I ay ang Nasyonalismo, ito ay ang damdaming makabayan na
nagbubunsod ng pagnanasa ng mga tao upang maging malaya ang kanilang bansa. Alin sa mga
sumusunod na pangyayari ang nagpapakita ng Nasyonalismo?

A. Ang pagnanais ng France na maibalik sa kanya ang Alsace-Lorraine na inangkin ng Germany


bunga ng French-Prussian War noong 1871.
B. Ang paghahangad ng Serbia na makuha ang Bosnia at Herzegovina sa Austria dahil sa mahigpit na
pamamahala nito.
C. Ang pagpapalakas ng sandatahan at pagpaparami ng armas ng Germany upang
mapangalagaan ang kanyang mga teritoryo.
D. Ang pagkampi ng Turkey sa Germany upang mapigilan ang Russia sa pag angkin sa kanyang
bansa.

63. Bakit naging agresibo ang mga hakbang ng Japan noong Ikalawang Digmaang
Pandaigdig?

A. Dahil sa makabagong armas pandigma na taglay nito na wala sa iba.


B. Dahil sa kanyang galit sa United States at mga kaalyado nito.
C. Dahil sa kanyang ambisyon na masakop at mamuno sa kalakhang Asya.
D. Dahil pinaghandaan ng Japan ang partisipasyon niya sa digmaan.
64. Ikaw ay naatasan ng iyong guro na magbalita sa klase ng mga pangyayari kaugnay sa krisis ng Russia at
Ukraine. Kasama sa iyong ulat ay kung ano ang suhestiyon at rekomendasyon ng UN sa usaping ito.
Anong sangay ng UN ang dapat mong subaybayan upang makakuha ng makatotohanan at lehitimong
balita?
Republic of the Philippines
Department of
A. Abangan ang taunang General Assembly ng lahat ng miyembro para sa kanilang mga komento.
B. Magsaliksik ng mga pahayag mula sa mga tagapangasiwa ng UN Secretariat sa
Education
pangunguna ng Sec.General na si Antonio Guterres.
C. Sumubaybay sa pampublikong pagdinig ng International Court of Justice na
naidokumento ng midya na kinikilala ng UN.
D. Panuorin ang mga pagpupulong na isinagawa ng UN Security Council gamit ang iba’t ibang anyo
ng sosyal midya.

65. Sa paanong paraan naisakatuparan ng mga mayayamang bansa ang Neokolonyalismo?

A. Sa pagbibigay ng foreign aid na maaaring pang-ekonomiya, kultural at pang militar.


B. Pagtanggap ng mga dayuhang mangagawa sa kanilang bansa.
C. Pagpapautang sa mga papaunlad na bansa ng walang kaakibat na kondisyon.
D. Pagsuporta sa mga dayuhang musika, sayaw,pelikula at babasahin sa bansang
nais sakupin.

66. Ang malaking pinsala sa buhay at ari-arian sa Europa ay mga negatibong dulot ng Unang Digmaang
Pandaigdig. Ano naman ang positibong naidulot nito?

A. Nabuo ang dalawang malakas na alyansa ng mga bansa ang Triple Alliance at Triple Entente.
B. Nagwakas ang mga imperyo sa Europa at maraming bansa ang lumaya tulad ng Finland at Latvia.
C. Naitatag ang United Nations, samahang pandaigdig na magpapanatili sa kapayapaan ng mundo.
D. Nasukat ang kakayahan sa pakikipaglaban na nagbunsod upang lalong palakasin ang depensa.
Republic of the Philippines
Department of
Education

You might also like