You are on page 1of 3

HOLY ROSARY ACADEMY OF LAS PIÑAS CITY

TAONG PANURUAN 2021-2022


KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK
SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO
SENIOR HIGH SCHOOL
Baitang 11
UNANG MARKAHAN

I. Aralin 4: Gamit ng Wika sa Lipunan


II. Nilalaman:
 Kahalagahan at tungkulin ng wika
 Sarili
 Lipunan
 Kapwa

 MICHAEL ALEXANDER HALLIDAY


 Siya ay isang linggwistikang Briton na ipinanganak sa Inglatera.
 Pinag-aralan niya ang wika at literaturang Tsino.
 Sa Exploration in the function of language, binigyang diin niya ang pagkakategorya sa wika
batay sa tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.

 Instrumental
Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya nga pakikipag-ugnayan sa iba.Ang paggawa ng
liham pangangalakal,liham sa patnugot, at pagpapakita ng mga patalastas tungkol sa isang produkto na
nagsasaad ng gamit at halaga ng produkto ay mga halimbawa ng tungkuling ito.
\\

 Regulatoryo
Pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao.Ang pagbibigay ng direksiyon gaya ng direksyon sa pagluluto
ng ulam,direksiyon sa pagsagot sa pagsusulit, at marami pang iba.

 Interaksyonal
Nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa;pakikipagbiruan; pakukuwento ng
malulungkot o masasayang pangyayari; paggawa ng liham- pangkaibigan; at iba pa.
 Personal
Ang pagpapahayag ng sariling pinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan. Kasama rin dito ang
pagsusulat ng talaarawan at journal, at ang pagpapahayag ng pagpapahalaga sa anumang anyo ng
panitikan.

 Heuristiko
Ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyong may kinalaman sa paksang pinag-aaralan.
Halimbawa :
pag-iinterbyu, pakikinig sa radyo, panonood sa telebisyon, at pagbabasa ng pahayagan,blog at aklat.

 Impormatibo
Ang kabaligtaran ng heuritisko. Kung ang heuristiko ay ang pagkuha o paghahanap ng impormasyon, ito
naman ay may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat at pasalita.

 Imahinatibo
Likas sa mga Pilipino ang pagkamalikhain. Sa pamamagitan ng wika napapagana ang imahinasyon ng
tao.
Nakasusulat ang tao ng:

> tula

> maikling kwento

> atbp.
Sagutin ang tanong: (GAGAWIN ITO SA ONLINE CLASS)

Bilang isang mag-aaral, paano mo malilinang ang iyong kakayahan sa pakikipagtalastasan?

___________________________________________________________________________

Para sa iyo, ano ang mas mainam na pamamaraan sa pagkalap ng impormasyon, paggamit ng aklat o internet?
Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong napili.

_____________________________________________________________________________________

III. Sanggunian:
 Dayag, Alma M. et.al (2017), Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon
City. Phoenix Publishing House, Inc. ph. 58-63

 https://www.youtube.com/watch?v=Au8FXv0M2Xk

You might also like