You are on page 1of 6

Sangkap sa Nobela Kasagutan / Paliwanag

Tagpuan Tagpuan:
Sitio Ardiente – isang maliit na baryo kung saan
napadpad ang pamilya Cruz, dulot ng kamakailang
kasong hawak ng kanyang ama. Hindi nila lubos akalain
na ang pinakamalakas na pamilya sa larangan ng pulitiko
ay dito rin naninirahan. Sa baryong ito, umikot ang mga
hindi kanais-nais na pangyayari sa pagitan ng pamilya
Cruz at pamilya Ardiente; hindi naging kaaya-aya ang
pagsasama nila, bilang magka-baryo. Tumakas at muling
bumalik si Lily Cruz o mas tinaguriang Ivy Aguas na
kalaunan ginamit na pangalan upang pantakip sa
riyalidad na siya ay dito naninirahan dati. Muling
sumiklab ang kaniyang paghihiganti sa Sitio Ardiente, rito
ipinamalas ang kaniyang galit sa pamilyang kaniyang
kinamumuhian at ang pagtulong sa kapwa-biktima sa
pasakit ng pamilya Ardiente.

Unang bahay ng Pamilyang Cruz – nagsilbing simpleng


tahanan upang palakihing payak, mapamahal, at may
karunungang taglay si Lily Cruz ng kaniyang mga
magulang.

Tauhan Lily Cruz/ Ivy Aguas: ang nagiisang naghiganti sa isang


pamilya upang makamtan ang hustisya na sumira sa
kanyang pamilya at sa kanyang nakaraan. Siya ang
nagpapatunay sa mga taong ipinaglalaban ang tama sa
mga maling pagtrato ng ibang tao. Isang paninindigan
para sa kaniyang sarili at pamilya.

Camia Cruz: Ang ina ni Lily Cruz isa siyang guro na


tumutulong sa mga mahihirap. Siya ay naghahangad ng
pagbabago sa ating mundo sa pamamagitan ng
pagtulong sa ating mga kapwa.

Atty. Dante Cruz: Ang ama ni Lily Cruz, ay isang marangal


na tao na ipinag tatangol ang mga naaapi. Nagkaroon ng
kali-kaliwang hawak na kaso kaya’t napagdesisyunan
manirahan sa Sitio Ardiente.

Julio Ardiente: Isang mamumuno ngunit sa ilalim ng lahat


ay isang madilim na kulay ng kalupitan. Iniisip niya na
ang mga kababaihan ay hindi maaaring maging kasing
galing ng mga lalaki at kailanman hindi mapapantayan
ng mga ito ang mga kalalakihan.

This study source was downloaded by 100000841349170 from CourseHero.com on 09-24-2022 10:46:07 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/75309604/Ikatlong-grupo-I-Filipino-I-Wildflowerdocx/
Emilia Ardiente: Kaaway ni Ivy. Ambisyon ni Emilia na
makamit ang pag-apruba ng kanyang ama at makakuha
ng kapangyarihan na katulad ng kanyang ama at anak.

Helena Montoya: Siya ay isang kalaban ni Lily Cruz, na


gumamit ng kanyang mga babaeng sundalo na tinawag
na "The Dragon Ladies" upang magsagawa ng mga
misyon upang sirain at talunin ang kanyang mga kaaway.

Diego Torillo: Isa sa mga kaibigan ni Lily at tumulong sa


kanya sa pag kamit ng hustisyang kanyang minimithi.
Arnaldo Ardiente: Ang paburitong apo ni julio at ang mag
tutuloy ng pamana ng kanyang pamilya.

Banghay Panimula
Si Lily Cruz ay namuhay kasama ang kaniyang magulang
ng payak, puno ng pagmamahal, at may taglay na
karunungan. Ang kaniyang ina na si Camia ay isag guro
habang ang kanyang ama ay isang abugado. Dulot na rin
sa dinami-daming kasong hinahawakan ng tatay niya,
tiniyak nila ang kanilang mga buhay na panatag at
malayo sa kapahamakan. Lumipat ng lugar at sila ay
napadpad sa maliit na baryo na kung tawagin ay Sitio
Ardiente. Nagkaroon agad ng mga kaibigan si Lily at
naging kaibigan rin niya ang isa sa pinakabatang anak ng
mga Ardiente na si Diego. Minainam nilang alamin ang
isa’t isang magkabaryo, at dito nila nalaman ang pamilya
Cruz maging ang pamilya Ardiente.
Mas lalo Sumasabog ang pagkamunhi

Tunggalian
Nagkaroon ng kumplikasyon sa pagitan ng ama ni Diego
at ina ni Lily, pinagnanasahan ni Raul si Camia ng hindi
katanggap-tanggap sa mga asawa nila. Pinagtangkaan ng
masama ni Raul si Camia kung kaya’t si Dante ay
nagsampa ng kaso kay Raul sa ginawa nito sa kanyang
asawa.

Kasukdulan
Ang kanyang ama ay namatay ng dahil sa atake sa puso
at nasaksihan rin nito ang ginawang karumaldumal ni
Raul sa kanyang ina. Nakatakas si Lily sa kamay ng mga
ito at siya ay natagpuan ng isang kayamanang tao na si
Prianka Aguas. Tinuring niya itong sariling anak; pinalaki
niya itong matalino at maganda, ipinama nito lahat kay

This study source was downloaded by 100000841349170 from CourseHero.com on 09-24-2022 10:46:07 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/75309604/Ikatlong-grupo-I-Filipino-I-Wildflowerdocx/
Lili ang kaniyang ari-arian. Ginamit ng mabuti ni Lily ang
kayamanang iniwan, kung kaya’t nakahanap siya ng
paraan upang mabigyang hustisya ang kaniyang mga
magulang.

Kakalasan
Kung ang isang tao ay umalis, ito ay kalaunan babalik. Si
Ivy Aguas ang humarap sa lumala at dumadaming taong
nagdurusa sa hawak ng mga Ardiente. Tiniyak niya ang
kaniyang plano upang pabagsakin ang mga Ardiente at
kung paano niya makakamtan ang hustisya na nararapat
sa kaniyang magulang, sarili, at mamamayan rito.

Wakas
Tanging ang hamon sa kaniya ay ang pagpapanatili ng
pag-ibig sa kaniyang puso, ang awa at ang pagbibigay-
daan para sa kapatawaran at katarungan na sa
pamamagiyan ng lahat ng ito, ang pag-ibig ay pumipigil
sa kasamaan, ang pag-ibig ay nagpapagaling ng sakit o
poot sabphso, at ang pag-ibig ay nagpapatawad.

Pananaw Ang teleseryeng “Wild Flower” ay mapapansing


gumagamit ng unang pananaw na nangangahulugan na
ang isa sa mga karakter ng teleserye ang siyang
nagsasalaysay ng mga pangyayari. Makikitang umiikot
ang mga pangyayari sa pananaw ng karakter na si Lily
Cruz at sa kanyang mapait na karanasan na nagmula sa
Pamilya Ardiente. Ang lahat ng pagsasalaysay ay
naggaling kay Lily Curz, isiniwalat niya ang kaniyang
damdamin at paghihimagsik sa kinamumuhiang pamilya.
Mapapansin din natin sa kaniyang pagsasalaysay ay
gumagamit ito ng mga panghalip na ako, akin, kami,
namin, amin, ko at iba pa na ilan lamang sa halimbawa
ng mga panghalip na ginagamit sa unang panauhan. At
dahil nga siya ang nagsasalaysay ng kuwento
mapagtitibay natin ang kahulugan ng unang panauhan o
pananaw.
Tema Ang kuwento ay umiikot sa pagaapi ng mga Ardiente at
ang pagbabalik ng kanilang ginawang karumal-dumal na
pasakit sa mga mamamayan. Isa na rito ang kaisa-isang
dalagita na may angking ganda at tapang o mas kilalang
si Ivy Aguas na nanguna sa pagbabagsak ng
pinakamalakas na pamilya sa baryo nila. Maihahaintulad
natin ito sa mga taong ipinaglalaban ang tama at kapag
mali, ito’y tinututulan.

This study source was downloaded by 100000841349170 from CourseHero.com on 09-24-2022 10:46:07 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/75309604/Ikatlong-grupo-I-Filipino-I-Wildflowerdocx/
Damdamin Pagkagalit - Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng
dalawang magkaibang pamilya, na nagdulot sa hindi
kanais-nais na pag-aaway at patayan. Hindi palagiang
ang damdamin sa pagitan ng magkabilang pamilya ay
puno ng galit. Naging daan ng pagkagalit ni Lily Cruz na
magkaroon ng plano kung pano pabagsakin ang mga
Ardiente upang makamit ang inaasam na hustisya.

Kilig/Pagmamahal - Ang bawat miyembro nito ay hindi


naayon sa karamihan, may kaibahan sa isa’t isa.
Nagkakaroon ng interests sina Arnaldo, Digeo, at Jepoy
kay Lily na kung saan dito maipapakita na hindi lamang
pait sa puso ang nadarama nila; pag-ibig sa isa’t isa ang
isa sa nangingibabaw sa kanilang mga puso.

Pagkalungkot- Ito ay nadama ng bida sa kuwento, hindi


lubos matanggap ni Ivy ang pagpanaw ng kaniyang ama.
Naranasan din nila ang damdaming ito noong naghihirap
sila at mga mamamayang nasa kamay ng mga Ardiente.

Pamamaraan Hindi gaanong diretso ang pagkakalatag ng mga


pangyayari, nagkaroon ng mga palamuting eksena
katulad ng pagbabalik tanaw ni Ivy sa kaniyang mapait
na karanasan. Sa simula lamang ipinasilip ang
mahihinuhang posibilidad sa teleseryeng nabanggit.
Pawang kamalasan ang mangyayari sa hinaharap, at ito’y
nagkatotoo dahil nabigyang linaw na kaagad ang mga
magiging atuwang ng bida at kung sino ang maari nilang
makalaban. Matapos maramdaman muli ng ating bida
ang sinapit ng kaniyang magulang at mapait na
karanasan, mas pinatibay nito ang kaniyang hangarin at
tiniyak niya na ito’y magiging matuwid na proseso.
Makikitang naging dalagita rin ang kaniyang
personalidad, dito nakahugot ng motibo upang mas
lumawak ang kaniyang kaisipan sa pagaklas sa Pamilya
Ardiente
Pananalita Sa kadahilanang ang teleserye ay puno ng
paghihimagsik, mapapansin na Imporal ang kanilang
pagsasalita. Hindi na nakokontrol ang kanilang damdamin
kaya’t ang takbo ng kanilang pagsasalita ay hindi na
naaayon sa karapat-dapat taglayin ng isang tao. Minsan
naman ay nagiging Pormal na pananalita, kung sila ay
hindi pa gaanong magkakilala; kailangang magpakilala
ng maayos.

Ipinamalas din ang accent at tono ng isang Pilipino,

This study source was downloaded by 100000841349170 from CourseHero.com on 09-24-2022 10:46:07 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/75309604/Ikatlong-grupo-I-Filipino-I-Wildflowerdocx/
kagaya ng isang Pilipino; ginamit nila ang kadalasang
tono na karaniwan ay mababa at hindi gaanong kabilis at
dahil tayo ay Pilipino; likas sa mga teleserye natin ang
magkapare-parehas na accent kung ito’y tubo talagang
Pilipinas.

Mapapansin din na gumamit ito ng iba’t ibang wika at


lenggwahe, una ang Ingles, Ikalawa ang Filipino at
Spanish, hindi man natin maisa-isa ang mga Spanish na
salita; ito naman ay nasaluan ang wikang Filipino kaya’t
nagmumukhang normal lang sa atin ang naturang
lenggwahe.

Gumagamit din ito ng mabulaklak at nakahihikayat ang


mga pangungusap ng mga tauhan sa kuwento; hindi
lamang pagkagalit ang kanilang nadarama, pati na rin
ang pag-ibig na nanatalantay sa kanilang mga iniibig.
Hindi matutukoy ang teleserye ng mga Pinoy kung hindi
nagamit ng mga makapukaw-damdamin na salita at
pangungusap; ang ibang tauhan ay nagdarama ng
pighati sa kanilang nananaranasan at ito’y nagdudulot ng
kanilang pagkalungkot na nadarama.

Nagamit rin ang mga salitang balbal para sa mga


nakatutuwang mga eksena sa loob ng teleserye.

Simbolismo Ang makapukaw-tingin ng pagsuot ni Ivy Aguas ng itim


na gown para sa kaniyang gaganaping kasal ay
nagsisimbolo ng isang misteryosong tao; may nililihim na
ayaw ipagbigay-alam kung kanino.

Hindi lahat nakakatakot ang takbo ng teleserye, siya rin


ang nagsisimbolo sa mga taong may ipinaglalaban at
patuloy pa ring sinusulung ang hustisya sa lahat. Isang
pag-uugali ng mga bayani kung kaya’t patuloy pa ring
nananalantay ang Republika ng Pilipinas. Isa rin sa
dahilan kung bakit nagkaroon ng Kalayaan ang Pilipinas;
kung walang taong nag-reklamo, walang boses ang
mapakikinggan at hahayaan na lamang ang kasakiman
ng mga taong may masasamang pag-uugali.

Sinematograpiya Naging wasto ang anggulo at lente ng kamera ng


pagkuha sa mga karakter sa teleserye, tama at
katanggap-tanggap upang matukoy kung sinong karakter
ang nararapat sa screen-time. Katamtaman ang kulay na

This study source was downloaded by 100000841349170 from CourseHero.com on 09-24-2022 10:46:07 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/75309604/Ikatlong-grupo-I-Filipino-I-Wildflowerdocx/
ipinakita upang hindi gaanong maging masakit sa mga
mata ng manonood. Nakuhaan din ang mga kultura ng
mga Pilipino ay nananalantay sa teleseryeng ito;
simbahan, korupt na politko, tamang paraan upang
mapukaw ang damdamin ng isang dalagita, at iba pa.
May mga eksenang hindi kaaaya-ayang masdan ng mga
kabataan, ito’y pinigyang importansya ng teleserye;
tamang anggulo sa mga maseselang katawan ng
kalalakihan at kababaihan. Ito’y ipinakita na gumamit sila
ng wastong timpla ng ilaw at lente ng kamira, hindi
nagkulang bigyang paaalala ang produksiyon kaya’t
kinakailangang mga matatanda lamang ang makapanood
nito.

This study source was downloaded by 100000841349170 from CourseHero.com on 09-24-2022 10:46:07 GMT -05:00

https://www.coursehero.com/file/75309604/Ikatlong-grupo-I-Filipino-I-Wildflowerdocx/
Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)

You might also like