You are on page 1of 1

Pangalan: ________________________________ Baitang/Seksyon:_______________

Asignatura: Science 3 Guro: _____________________________ Iskor: ___________


Aralin : Quarter 1 ; Week 2; LAS 1
Pamagat ng Gawain : Pagbabagong Anyo ng Solid na Nagiging Liquid
Layunin : 1. Nailalarawan kung ano ang mangyayari sa kandila kapag ito
ay nainitan at lumamig; at
2. Nailalarawan ang pagbabago ng isang bagay batay sa
epekto ng temperatura.
Sanggunian: Science MELCs, Science 3 SLM Module 3
Manunulat : Gretchen Rose L. Billanes
Editor ng Nilalaman: Gladys P. Viola, MT-II
_____________________________________________________________________________________
Konsepto ng Aralin:
Kapag ang isang materyal o bagay ay nagkaroon ng malaking pagbabago sa
temperatura, ang anyo nito ay maaring magbago. Ang init at lamig ay isa sa mga dahilan ng
pagbabago ng anyo nito. Ang kandila, ice cubes, krayola at iba pang solid na bagay ay
maaring magbago ang anyo kapag ito ay pinainitan. Ito ay malulusaw at magiging liquid.
Ang anyong liquid ng kandila, krayola at ice cubes ay babalik sa pagiging solid kapag
ito ay pinalamig.
Ang Liquid ay may kakayahang dumaloy. Ang pagdaloy nito ay maaaring mbilis o
mabagal.
Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng
tamang sagot at isulat sa sagutang papel

____1. Ano ang mangyayari sa yelo kapag ito ay inilagay sa baso?


a. titigas b. lalaki c. matutunaw d. walang pagbabago
____2. Ano ang mangayayari sa yelo kapag pinainitan o pinaarawan?
a. matutunaw b. sasabog
c. titigas d. mananatili sa kanyang anyo
____3. Sa loob ng limang (5) minuto, ang sinindihang kandila ay
magiging ______?
a. abo b. gas c. liquid d. solid
____4. Ano ang magiging epekto kapag inalis ang init sa krayola?
a. Ito ay matutunaw.
b. Ito ay babalik sa dating anyo.
c Ito ay titigas muli ngunit iba na ang hugis.
d. Ito ay walang mangyayaring pagbabago.
____5. Ang sumusunod na mga pangungusap ay wasto MALIBAN sa ISA.
Alin dito?
a. Ang mantikilya ay solid bago isalang sa apoy.
b. Ang kandila na solid ay magiging liquid kapag naiinitan.
c. Ang solid na floorwax ay magiging liquid kapag naiinitan.
d. Ang butter ay hindi nagbabago kahit mainitan o lumamig.

You might also like