You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph website:
www.depedzambales.ph

GAWAING PAGKATUTO
SCIENCE 3
Week 6

I. Panimula
Ano sa iyong palagay ang mangyayari sa solid kapag
nainitan o naarawan na hindi ito dadaan sa pagiging liquid?
Nakakita na ba kayo ng naphthalene balls? Ang
naphthalene balls ay tinatawag din na mothballs na ginagamit
sa damit. Ito ay inilalagay sa loob ng lagayan ng damit upang
hindi bahayan ang mga ito ng insekto. Ito ay kulay puti at
mistulang holen at ito ay solid.
Naglalagay ba ng mothball ang iyong nanay sa loob ng
inyong kabinet? Ano ang nangyari sa mothballs?
Sa aralin natin ngayon, malalaman natin kung ano ang
tawag sa pagbabagong nangyayari sa mothball. Halina’t ating
alamin.

1
II. Kasanayang Pampagkatuto
Describe changes in material based on the effect of
temperature: solid to gas (S3MT-Ih-j-4).
III. Mga Layunin:
Pagkatapos mong sagutan ang gawaing pagkatuto na
ito, ikaw ay inaasahang:

1. naipaliliwanag kung ano ang mangyayari sa mga bagay na


solid kapag naiinitan o nahahanginan;
2. nailalarawan ang pagbabagong nangyayari mula solid na
nagiging gas;
3. nakapagbibigay ng mga halimbawa ng mga bagay; at
4. natutukoy kung ang bagay ay nagpapakita ng prosesong
sublimation.

IV. Pagtalakay
Basahin nang tahimik at pag-aralan ang kuwento sa
ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga pamatnubay na tanong
sa iyong sagutang papel.

Si Bb. Dominguez, guro sa ikatlong baitang, ay nagpakita


ng isang eksperimento tungkol sa pagbabago ng solid na
naging gas sa kaniyang klase sa
Science.

Una, kumuha siya ng


mothball.

Pagkatapos, ibinalot ito sa malinis na panyo.


2
Dinurog niya ito at inilagay sa isang malinis na lalagyan.

Ang sumunod niyang ginawa ay ibinilad ito sa ilalim ng init


ng araw.

Matapos ang kaniyang ginawa, hinayaan muna nila ito ng


tatlumpong minuto. Napansin ng mga bata na ang mothball sa
lalagyan ay kumukunti.

Pamatnubay na Tanong:

1. Ano ang ginamit ni Bb. Dominguez sa kaniyang


eksperimento?
2. Ano ang ginawa niya sa mothballs na kaniyang ginamit?
3. Ano ang nangyari sa dinurog na mothball matapos ang
tatlumpong minuto?
4. Ano ang nangyari sa mga mothball na nawala sa
lalagyan?
5. Ano ang epekto o dulot ng init sa mothball?

Sa ginawang eksperimento ni Bb. Dominguez, siya ay


gumamit ng mothball. Dinurog niya ito, inilagay sa malinis na

3
lalagyan at ibinilad niya ito sa ilalim ng init ng araw. Matapos ang
inilaang tatlumpong minutong paghihintay, kumunti ang mothball
na nasa lalagyan at ang ilan sa mga ito ay sumama sa hangin.
Dahil sa tulong ng hangin at init ng kapaligiran, ang ibang bahagi
ng mothball ay nag-evaporate at naging gas na hindi dumaan sa
pagiging liquid. Ang prosesong ito ay tinatawag na sublimation.
Ang ilan pa sa halimbawa ng bagay na sumasailalim sa
sublimation ay ang mga albatross. Ang albatross ay ginagamit na
pabango sa loob ng palikuran o CR.

V. Gawain:
A. Hanap ko, Guhit ko
Panuto: Kunin ang iyong sagutang papel. Humanap ng 5
bagay na solid na makikita sa loob ng tahanan na maaaring
maging gas. Gumawa ng talaan. Sa unang hanay, isulat ang
pangalan ng bagay na iyong nahanap. Sa pangalawang
hanay ay iguhit naman ito.

PANGALAN LARAWAN
1.

2.

3.

4.

4
5.

B. Tama ba o Mali
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Lagyan ng tsek
(√) ang bilang kung ito ay nagpapakita ng prosesong
sublimation at ekis (X) kung hindi.

_____ 1. Ang air freshener ay lumiliit makalipas ang ilang araw.

_____ 2. Ang albatross ay hindi naglalaho kailanman.

_____ 3. Nauubos ang car air freshener ng hindi ito natutunaw.

_____ 4. Ang dry ice ay isang halimabawa na nagpapakita ng


proseso ng sublimation

_____ 5. Dumadami ang camphor kapag naiinitan.

C. Masaya ka ba?
Panuto: Pag-aralan ang mga nasa larawan sa bawat bilang.
Iguhit ang masayang mukha kung ang solid ay
magiging gas kapag nainitan at malungkot na mukha
kung hindi.

______1. Kandila

5
______2. naphthalene balls

_____3. Asukal

_____4. air freshener

_____5. Albatross

D. Krosword
Panuto: Sagutin ang krosword puzzle gamit ang mga gabay
na tanong na nasa ibaba upang matukoy ang mga
halimbawa ng mga solid na nagiging gas. Isulat ito sa iyong
sagutang papel.

6
Pahalang: Pababa:
1. Inilalagay sa loob ng cabinet 2. Ito ay inilalagay sa
upang hindi bahayan ng mga palikuran o CR upang
insekto. manatiling mabango.

3. Ito ay isang tuyong yelo na


ginagamit sa pagpapalamig. 4. Ito ay ginagamit sa
panggamot sa eksema at
5. Ito ay inilalagay sa loob ng bahay iba pa.
o sasakyan upang manatiling
mabango ang loob nito.

VI. Pagsusulit
Panuto: Pag-aralan ang bawat bilang. Piliin ang titik ng
tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang pagbabago ng solid na nagiging gas ay prosesong


tinatawag na ?
a. sublimation c. freezing
b. evaporation d. melting

2. May mga bagay na nagbabago mula solid na nagiging


gas kapag ?
a. nalalamigan c. pinagpapawisan
b. naiinitan d. natutunaw
3. Ang mga sumusunod na bagay ay nagiging gas
maliban sa isa, ano ito?
a. naphthalene ball c. mothball
b. air freshener d. mantikilya
7
4. Alin sa mga sumusunod ang nagiging gas kapag
naiinitan?
a. tinapay c. sorbetes
b. inumin d. mothball

5. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita


ng pagbabagong solid na nagiging gas kapag
nainitan?
a. ibinilad na dahon ng gabi
b. ibinilad na albatross
c. ibinilad na isda
d. ibinilad na asin

VII. Pangwakas
Panuto: Kumpletuhin ang mga pangungusap. Piliin ang
angkop na salita sa loob ng kahon. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.
kapaligiran liquid gas
sublimation hangin

Dahil sa tulong ng (1) at init ng (2) , ang


ibang mga bagay na solid ay nag-eevaporate at nagiging (3)
na hindi dumadaan sa pagiging (4) .
Ito ay tinatawag na prosesong (5) .

8
IX. Susi sa Pagwawasto
Pagtalakay sa Paksa
1. Ang ginamit ni Bb. Dominguez sa kaniyang eksperimento
ay mothballs.
2. Ang ginawa niya sa mothballs ay dinurog ito, inilagay sa
malinis na lalagyan at ibinilad niya ito sa ilalim ng init ng araw.
3. Matapos ang inilaang tatlumpong minutong paghihintay, kumunti ang
mothball na nasa lalagyan.
4. Ang nangyari sa mothball na nawala sa lalagyan ay sumama sa
hangin.
5. Dahil sa tulong ng hangin at init ng kapaligiran, ang ibang bahagi ng
mothball ay nag-eevaporate at nagiging gas na hindi dumaan sa
pagiging liquid.

Gawain A. Hanap ko Guhit ko


Mga posibleng sagot: air fresherner, albatross, camphor, glade
scented gel, car air freshener
(Tanggapin ang mga sagot na may kinalaman sa
sublimation)

B. Tama ba o Mali
1. √ 2. X 3. √ 4. √ 5. X

C. Masaya ka ba

1. 2. 3. 4. 5.

9
D. Krosword

E. Tukuyin mo Ako
1. Sublimation 3. gas 5. hangin
2. solid 4. araw

Pagsusulit
1. a 2. b 3. d 4. d 5. b

Pangwakas
1. hangin 3. gas 5. sublimation
2. kapaligiran 4. liquid

10

You might also like