You are on page 1of 33

LEARNING AREA Science 3

LEARNING DELIVERY MODULAR Distance Learning (Learners-Led Modality)


MODALITY

Paaralan Baitang 3
TALA SA
PAGTUTURO Guro Asignatura Science
Petsa Markahan UNA
Oras Bilang ng Araw __Araw (Week4)

1. Nasasabi kung ang mga bagay tulad ng solid, liquid o gas ay


mainit o malamig.
I. LAYUNIN 2. Nailalarawan kung ano ang nangyayaring pagbabago sa anyo ng
mga solid, liquid at gas kapag ito ay naiinitan at kapag ito ay
lumalamig
A. Pamantayang The learners demonstrate understanding of ways of sorting materials
Pangnilalaman and describing them as solid, liquid or gas based on observable
properties
B. Pamantayan sa Pagganap The learners should be able to group common objects found at home
and in school according to solids, liquids and gas
The learners should be able to…
Describe changes in materials based on the effect of temperature:
C. Mga Kasanayan sa 1 solid to liquid
Pagkatuto 2 liquid to solid
3 liquid to gas
4 solid to gas
S3MT-Ih-j-4
D. Pinakamahalagang Describe changes in materials based on the effect of temperature:
Kasanayan 1 solid to liquid
sa Pagkatuto (MELC)
2 liquid to solid
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa 3 liquid to gas
pagkatuto 4 solid to gas
oMELC) S3MT-Ih-j-4
E. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN
Mainit ba o Malamig?
III. KAGAMITAN PANTURO

A. Mga Sanggunian

MELC ESP 3 Q1 pg 497


a. Mga Pahina sa Gabay ng
PIVOT BOW pg 114
Guro
Curriculum Guide pg 4-15
b. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
Science Module 3 pp. 5-15
c. Mga Pahina sa Teksbuk
d. Karagdagang Kagamitan
Module 2
mula sa Portal ng Learning
Resource https://lrmds.deped.gov.ph
B. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Alamin
Magandang Araw!
Ano ang nararamdaman mo ngayon? Ikaw ba ay naiinitan o nilalamig?
Subukin mong pagdaupin o pagdikitin ang iyong mga palad at pagkiskisin
ito sa loob ng 30 segundo, ano ang iyong naramdaman? Mainit ba o malamig
ang iyong mga p
Kailan mo masasabing mainit o malamig ang isang bagay?
Halina’t tuklasin natin sa araling ito kung ang mga bagay na solid, liquid at
gas ay mainit o malamig gamit ang ibat-ibang paraan.

Tuklasin

Gawain 1: Obserbahan Natin

Panuto:
1. Suriin ang mga sumusunod na larawan sa ibaba.
2. Tukuyin ang bagay na nasa larawan at isulat kung ito ay mainit o
malamig.

1._______________

2. ________________

3. ____________________

4. ______________

5.______________
Gawain 2: “Touch Me” (Mainit ba o Malamig?)

Panuto: Isagawa ang mga sumusunod at sagutin ang mga tanong.


1. Kumuha ng 2 baso.
2. Salinan ng mainit na tubig ang isang baso at ang
isa ay salinan ng tubig na may yelo.

3. Hipuin ang 2 baso na may lamang tubig.

Mga Tanong:
1. Alin sa dalawang baso ang mainit? Malamig?
2. Paano mo nasabi na ang tubig ay mainit o malamig?
3. Ano ang ginawa mo para malaman mo kung ang tubig ay
mainit o malamig?

Gawain 3: Basahin natin


Panuto :
1. Ang larawan sa ibaba ay nagpapakita ng tatlong baso na may
lamang tubig na may iba-ibang temperatura. Upang malaman kung gaano ito
kalamig o kainit ang bawat isa ay nilagyan ng thermometer. Pag-aralan ang
larawan at tingnan kung ano ang temperatura ng bawat isa.
2. Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

Note: (gamit ang thermometer, sukatin ang temperature ng tubig)

1. Ano ang temperatura ng mainit , maligamgam at malamig na tubig?


2. Alin ang may mataas na temperatura?
3. Alin ang may mababang temperatura?
4. Ano ang tawag sa instrumentong panukat sa temperatura?
5. Paano ito isinusulat?
Mga Tanong :
1.Ano ang hugis ng tubig na nasa bote?
2. Ano ang hugis ng tubig na nasa baso?
3. Ano ang hugis ng tubig na nasa mug?
4. Nabawasan ba ang dami ng tubig?
5. May depinido bang dami ang tubig o liquid?

B. Pagpapaunlad
Subukin

Piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Kapag ang tubig ay naiinitan, ang temperatura nito ay----
A. mainit
B. bumababa
C. tumataas
D. normal lamang
2. Ang kumukulong tubig ay----
A. malamig
B. mainit
C. maligamgam
D. napakalamig
3. Paano natin malalaman kung mainit o malamig ang isang bagay? Sa
pamamagitan ng ____
A. pagtikim
B. pag-amoy
C. paghipo
D. pagsukat
4. Kapag ang temperature ng tubig ay umabot sa 0 digri selsius, ito ay ____
A. mainit
B. napakainit
C. maligamgam
D. malamig
5. Isa sa mga paraan kung paano malalaman kung mainit o malamig ang isang
bagay ay sa pamamagitan ng----
A. pakikinig
B. pag-oobserba
C. pag-amoy
D. wala sa nabanggit

Balikan
Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Maglista ng limang (5) gawaing pangkaligtasan sa paggamit ng
produkto/kagamitan na ginagawa mo sa inyong tahanan.

2. Bakit mahalaga na sundin ang mga ito?


Suriin
Base sa mga larawan sa Gawain 1, natukoy mo ba ang solid, liquid at gas na
mainit at malamig? Ang kumukulong tubig sa kaldero na nakasalang sa apoy,
ningas ng kandila at usok na lumalabas sa takuri ay mainit samantalang ang
popsicle at inumin na may yelo ay malamig. Sa pamamagitan ng pag-oobserba
sa larawan, ang apoy, ningas at usok na lumalabas ay nagbibigay ng ideya na
ang bagay ay mainit, samantala, ang yelo ay nagbibigay ng ideya na ang bagay
ay malamig.

Isa pang paraan upang malaman kung malamig o maiinit ang solid, liquid at
gas ay sa pamamagitan ng paghipo o paghawak dito gaya ng ginawa sa
Gawain 2. Naramdaman mong mainit ang tubig na galing sa kalan at malamig
ang tubig na may yelo nang ito ay iyong hipuin.

At t upang malaman kung gaano kainit o kalamig ang solid, liquid o gas ang
kagamitan na ginagamit ay tinatawag na thermometer. Magkaiba ang
thermometer na ginagamit sa pagsukat ng temperatura ng katawan ng tao at sa
pagsukat ng temperatura na ginagamit sa tubig lalot higit kung ito ay mainit.

Sa Gawain 3, ay iyong nakita sa larawan ang temperatura ng tubig na may


yelo, malahimhim na tubig at tubig na mainit sa larawan. Alin sa tatlo ang may
pinakamababa na gemperatura? At alin naman ang may pinakamataas. Iyong
tandaan na ang bagay na mababa ang temperatura ay malamig samantalang
ang mataas ang temperatura ay mainit. Ang kumukulong tubig ay may
temperaturang 100 digri Celsius samantalang ang yelo ay may temperaturang 0
digri Celsius.

Sa pagsukat ng temperatura ng kumukulong tubig tandaan na hindi puedeng


gamitin ang thermometer na ginagamit sa pansukat ng temperatura ng katawan
ng tao. Ito ay maaring sumabog at maging sanhi ng aksidente.

G.Pakikipagpalihan Pagyamanin
Gawain 1: Isulat kung Tama o Mali ang sinasabi ng mga pangungusap. Isulat
ang iyong sagot sa patlang sa unahan ng bilang.
__________1. Ang kumukulong sopas ay mainit.
__________2. Ang sorbetes (ice-cream) ay malamig.
__________3. Ang yelo ay malamig.
__________4. Masasabi natin na mainit o malamig ang isang
bagay sa pamamagitan ng pakikinig.
__________5. Ginagamit natin ang thermometer upang makuha o masukat
ang temperature ng isang bagay.

Gawain 2: Isulat kung ang bagay ay mainit o malamig.

1. __________ 2. ___________
3. ______ 4.___

5. __________

Gawain 3: Piliin kung alin ang naiiba sa pangkat. Isulat ang iyong napiling
sagot sa iyong sagutang papel.

1. iced-tea, halo-halo, mais con-yelo, monggo

2. sopas, arroz caldo, tsaa, ice-cream

3. kape, kandila na may sindi, ice-candy, apoy

4. yelo, araw, coca-cola, pineapple juice

5. kumukulong tubig, kumukulong sopas, maliliit na piraso ng yelo,


kumukulong sinaing

Karagdagang Gawain
A *Magbigay ng lima (5) pang halimbawa ng mainit at malamig na
bagay. Iguhit ang mga ito sa inyong notebook at lagyan ng pangalan.
1. 3.
2. 4.
5.
B* Pag-aralan ang paggamit ng clinical thermometer. Kunin ang body
temperature ng mga kasama mo sa ba

C. Paglalapat Isaisip
Isulat ang hinihinging kasagutan sa mga guhit na nakatapat sa parihaba.

Paano mo
Isagawa
Gawain 1: Pangkatin ang mga sumusunod na solid, liquid at gas na nasa loob
ng kahon kung mainit o malamig . Isulat ang inyong sagot sa angkop na
bituin.

isang tasang kape halo-halo


maliliit na piraso ng yelo kumukulong tubig
ice-cream ice candy
apoy iced-tea
kandilang may sindi sopas na bagong luto

Mainit na
mga Malamig na
Bagay mga Bagay

Gawain 2: Sagutin ang tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang papel.
 Ano ang madalas inumin o kainin kapag mainit ang panahon?
Kapag malamig? Maglista ng lima (5).

Tayahin

Panuto:Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang


papel.
1. Kailan natin masasabi na mataas ang temperatura?
A. kung mahangin
B. kung maalinsangan
C. kung malamig
D. kung mainit

2. Malalaman mo kung ang isang bagay ay mainit o malamig sa


pamamagitan ng ____
A. pag-amoy
B. pakikinig
C. paghipo
D. pag-amoy
3. Ang usok na lumalabas sa kalderong nakasalang sa apoy ay
nagpapahiwatig na ito ay_____
A. malamig
B. napakalamig
C. mainit
D. maligamgam
4. Ang araw, apoy, kandilang may sindi ay mga bagay na____
A. malamig
B. normal lamang
C. mainit
D. nagyeyelo
5. Alin sa mga sumusunod na instrumento ang ginagamit sa
pagkuha o pagsukat ng temperatura ng mga bagay?
A. thermometer
B. medida
C. ruler
D. patpat

V. PAGNINILAY Naunawaan ko na_________________________.


Nabatid ko na_____________________________.

LEARNING AREA Science 3


LEARNING DELIVERY MODULAR Distance Learning (Learners-Led Modality)
MODALITY
Paaralan Baitang 3
TALA SA
PAGTUTURO Guro Asignatura Science
Petsa Markahan UNA
Oras Bilang ng Araw __Araw (Week5)

* Nasasabi kung ang mga bagay tulad ng solid, liquid o gas ay mainit o
malamig.
I. LAYUNIN
* Nailalarawan kung ano ang nangyayaring pagbabago sa anyo ng mga
solid, liquid at gas kapag ito ay naiinitan at kapag ito ay lumalamig
F. Pamantayang The learners demonstrate understanding of ways of sorting materials
Pangnilalaman and describing them as solid, liquid or gas based on observable
properties
G. Pamantayan sa Pagganap The learners should be able to group common objects found at home
and in school according to solids, liquids and gas
The learners should be able to…
Describe changes in materials based on the effect of temperature:
H. Mga Kasanayan sa 1 solid to liquid
Pagkatuto 2 liquid to solid
3 liquid to gas
4 solid to gas
S3MT-Ih-j-4
I. Pinakamahalagang Kasanayan Describe changes in materials based on the effect of temperature:
sa Pagkatuto (MELC) 1 solid to liquid
(Kung mayroon, isulat ang 2 liquid to solid
pinakamahalagang kasanayan sa 3 liquid to gas
pagkatuto 4 solid to gas
pMELC) S3MT-Ih-j-4
J. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN Pagbabagong Anyo ng Solid tungo sa Liquid

III. KAGAMITAN PANTURO

B. Mga Sanggunian

MELC ESP 3 Q1 pg 497


e. Mga Pahina sa Gabay ng
PIVOT BOW pg 114
Guro
Curriculum Guide pg 4-15
f. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
Science Module 3 pp. 16-28
g. Mga Pahina sa Teksbuk
h. Karagdagang Kagamitan
Module 2
mula sa Portal ng Learning
Resource https://lrmds.deped.gov.ph
C. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
D. Panimula Alamin
Magandang Araw!
Pamilyar ka ba sa mga solids na inilalagay natin sa refrigerator
tulad ng yelo, ice cream at butter? Naiisip mo ba kung bakit sila
kailangang nasa loob ng refrigerator? Halina’t tuklasin natin sa
pamamagitan ng mga sumusunod na gawain
Tuklasin
Gawain 1: Paano nagiging liquid ang solid?
Kagamitan : piraso ng yelo , kawali, lutuan
Panuto :1. Kumuha ng piraso ng yelo mula sa refrigerator at ilagay
sa kawali na nakasalang sa lutuan. Maging maingat sa
pagawa nito. Magpatulong sa kasama sa bahay.

2. Isulat ang iyong hinuha sa mangyayari sa yelo sa iyong sagutang


papel.
3. Buhayin ang apoy ng kalan at obserbahan ang mangyayari sa
yelo.
4. Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel
Mga Tanong:
1. Nasa anong anyo ang yelo na galing sa refrigerator?
2. Ano ang nangyari sa yelo pagkaraan ng ilang minuto na ito ay
nasa kawali na nakasalang sa apoy?
3. Ano ang dahilan at nagkaroon ng pagbabago ang anyo ng yelo?

Gawain 2: Matutunaw ka ba sa init?


Kagamitan : kandila, posporo
Panuto:
1. Kumuha ng kandila.
2. Isulat ang iyong hinuha kung anong mangyayari sa kandila kapag ito
ay sinindihan sa iyong sagutang papel.
3. Sindihan ang kandila. Siguraduhing maingat sa paggawa nito.
Humingi ng tulong sa iyong kasama sa bahay.

4. Obserbahan ang mangyayari sa kandila.


5. Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.

Mga Tanong:
1. Nasa anong anyo ang kandila?
2. Ano ang nangyari sa kandila pagkaraan ng ilang minuto na ito ay
sinindihan?
3. Ano ang dahilan at nagkaroon ng pagbabago ang kandila?

Gawain 3: Anong Mangyayari?


Panuto :
1. Pagmasdang mabuti ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga
tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Mga Tanong:
1. Ano ang mangyayari sa mga piraso ng yelo na hahayaan sa labas ng
refrigerator?
2. Ano ang mangyayari sa ice-cream, popsicle stick at butter kapag ito ay
hinayaan na nakalabas sa refrigerator?

E. Pagpapaunlad
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Alin sa mga sumusunod na solid ang nagbabago ng mabilis tungo sa
liquid kapag inilabas mo mula sa freezer?
A. yelo
B. mantekilya
C. kandila
D. asukal
2. Ang pagbabagong nagaganap sa solid tungo sa pagiging liquid ay
tinatawag na ____
A. evaporation
B. freezing
C. melting
D. sublimatiojn
3. Alin sa mga sumusunod na bagay ang nagbabagong anyo tungo sa
liquid kapag iniinit o itinapat sa araw?
A. bato
B. floorwax
C. kahoy
D. semento
4. Kapag ang ice-cream ay inilabas mo mula sa freezer, ano ang
mangyayari dito?
A. titigas
B. mag-iiba ang kulay
C. matutunaw
D. mawawala
5. Ano ang mangyayari sa maliliit na piraso ng kandila na nasa kutsara
kapag ito ay nainitan?
A. mabubuo
B. mawawala
C. magkakakulay
D. matutunaw

Balikan
Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Magbigay ng limang (5) halimbawa ng mainit at malamig na bagay
2. Kailan mo masasabing mainit o malamig ang isang bagay?

Suriin
Ano ang masasabi mo sa mga gawaing iyong sinagutan? Naunawaan mo ba
ang mga pagbabagong naganap sa yelo at sa kandila?
Upang lubos mong maunawaan, narito ang paliwanag sa sa iyong naging
obserbasyon.
 Ang yelo na nasa anyong solid ay natunaw o naging liquid dahil ito ay
nainitan sa kawali na nakasigang sa kalan.

 Ang kandila na nasa anyong solid ay utay utay na natutunaw at naging


liquid dahil sa init ng apoy ng ito ay sinindihan.

Ang pagbabagong anyo ng solid tungo sa liquid ay tinatawag na melting.


Ang init sa paligid ang dahilan ng pagbabagong anyo ng solid tulad ng yelo at
kandila tungo sa liquid.
Ang yelo, ice-cream, popsicle stick at butter ay kailangang nasa loob ng
refrigerator upang mapanatili ang anyong solid. Matutunaw ang mga ito kung
hayaang nasa labas ng refrigerator dahil sa init na nanggagaling sa paligid.

G.Pakikipagpalihan Pagyamanin
Gawain 1: Suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang salitang
TAMA kung wasto ang sinasabi ng pangungusap at MALI kung hindi wasto.

__________1. Ang kandila ay nasa anyong solid kapag ito ay hindi naiinitan.
__________2. Ang kandila ay nagiging liquid kapag ito ay nainitan.
__________3. Ang butter ay hindi natutunaw o lumalambot matapos ilabas
sa refrigerator.
__________4. Ang popsicle ay nananatiling nasa anyong solid
stick matapos itong hayaan sa labas ng
refrigerator.
__________5. Ang ice-cream ay maaaring matunaw kapag
nainitan.

Gawain 2: Gumawa ng mga listahan ng mga solids na nagiging liquid at


nakatutulong sa iyo. Isulat ang pangalan ng solid sa unang kolumn at sa
ikalawa ay paano mo nagagamit ang solid kapag ito ay natunaw na.

Solid na nagiging liquid Gamit ng liquid

Karagdagang Gawain
Magbigay ng limang (5) halimbawa ng solids na kapag inilabas mo
mula sa refrigerator ay nagiging liquid. Isulat ang iyong sagot sa labas
ng star.

F. Paglalapat Isaisip
Kumpletuhin ang pangungusap upang mabuo ang konsepto
1. Ang mga solid tulad ng ________ , _________ at ___________ ay nagiging liquid
kung ito ay __________________.
2. Ang pagbabagong anyo ng solid tungo sa liquid ay tinatawag na
_________________________.
3. Ang temperature sa loob ng refrigerator ay ____________________.

Isagawa
Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Kararating lang ng nanay mo galing sa supermarket. Nakita mo
ang dalang ice-cream nito. Ipinatong niya iyon sa lamesa at
nagsimula ng ayusin ang kanyang mga pinamili. Hinugasan niya
ang mga prutas at gulay. Nakalimutan niyang ipasok ang ice-
cream sa refrigerator. Ano kaya ang mangyayari sa ice-cream?

2. Magluluto ng hotcake ang ate mo at kailangan niya ng butter o


mantekilya. Ihahalo niya ito sa harina upang maging masarap ang
lasa. Inilabas ng ate mo ang butter mula sa refrigerator at hinayaan
lang itong nakapatong sa lamesa. Ano kaya ang mangyayari sa
butter?
Tayahin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1.Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang ang isang solid ay
matunaw ng mabilis?
A. tubig
B. init
C. yelo
D. hangin
2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita kung saan ang prosesong melting
ay nagaganap?
A. kumukulong tubig
B. pagluluto ng sopas
C. chocolate bar na pinainitan
D. ice-candy na inilagay sa freezer
3.Ang butter o mantekilya ay magbabagong anyo tungo sa pagiging _______
kapag pinainitan.
A. solid
B. gas
C. liquid
D. vapor
4.Ang mga sumusunod ay maaaring magpalit ng anyo mula solid tungo sa
liquid maliban sa isa, alin ito?
A. mantekilya
B. yelo
C. kandila
D. graba
5.Ang krayola ay inilagay mo sa lata at isinalang sa kalan ng ilang minuto.
Ano kaya ang mangyayari sa krayola?
A. mawawala it
B. hindi magbabago ang krayola
C. matutunaw ito dahil pinainitan
titigas ito dahil pinainitan

V. PAGNINILAY Naunawaan ko na_________________________.


Nabatid ko na_____________________________.
LEARNING AREA Science 3
LEARNING DELIVERY MODULAR Distance Learning (Learners-Led Modality)
MODALITY

Paaralan Baitang 3
TALA SA
PAGTUTURO Guro Asignatura Science
Petsa Markahan UNA
Oras Bilang ng Araw __Araw (Week6)

* Nasasabi kung ang mga bagay tulad ng solid, liquid o gas ay mainit o
malamig.
I. LAYUNIN
* Nailalarawan kung ano ang nangyayaring pagbabago sa anyo ng mga
solid, liquid at gas kapag ito ay naiinitan at kapag ito ay lumalamig
K. Pamantayang The learners demonstrate understanding of ways of sorting materials
Pangnilalaman and describing them as solid, liquid or gas based on observable
properties
L. Pamantayan sa Pagganap The learners should be able to group common objects found at home
and in school according to solids, liquids and gas
The learners should be able to…
Describe changes in materials based on the effect of temperature:
M. Mga Kasanayan sa 1 solid to liquid
Pagkatuto 2 liquid to solid
3 liquid to gas
4 solid to gas
S3MT-Ih-j-4
N. Pinakamahalagang Describe changes in materials based on the effect of temperature:
Kasanayan 1 solid to liquid
sa Pagkatuto (MELC)
2 liquid to solid
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa 3 liquid to gas
pagkatuto 4 solid to gas
qMELC) S3MT-Ih-j-4
O. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN
Pagbabagong Anyo ng Liquid tungo sa Solid
III. KAGAMITAN PANTURO

C. Mga Sanggunian

MELC ESP 3 Q1 pg 497


i. Mga Pahina sa Gabay ng
PIVOT BOW pg 114
Guro
Curriculum Guide pg 4-15
j. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
Science Module 3 pp. 16-35
k. Mga Pahina sa Teksbuk
l. Karagdagang Kagamitan
Module 2
mula sa Portal ng Learning
Resource https://lrmds.deped.gov.ph
D. Listahan ng mga Kagamitang
Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
G. Panimula Alamin
Magandang Araw!
Sa Aralin ito, natutunan mo kung paano ang solid ay nagbabago
tungo sa pagiging liquid. Naobserbahan mo din kung paano ang
maliliit ng piraso ng yelo ay natunaw nang ito ay hinayaan sa labas
ng refrigerator.
Naisip mo ba kung paano ang maliliit na piraso ng yelong
natunaw at naging liquid ay pwede uling maging solid?

Tuklasin
Pamilyar ka ba sa freezer? Nakakapagbukas ka ba ng freezer? Ano ang
naobserbahan mo sa loob nito? Paano mo ilalarawan ang temperatura sa loob
nito? Ano ang gamit ng freezer? Halina’t tuklasin natin sa mga sumusunod na
gawain.

Gawain 1: Ice candy for sale


Panuto : Basahin at pag-aralan ang maikling kuwento. Pagkatapos ay
sagutin ang mga sumusunod na tanong.

Isang araw ng Sabado noon. Mainit ang panahon. Nasa labas ng


bahay ang magkapatid na Kim at Sophia. Masaya silang naglalaro at minsan
ay naghahabulan pa. Hanggang sa sila ay mapagod, naisipan nilang maupo sa
tabi na puno na nasa labas ng bahay. Sa kanilang pagkakaupo doon ay
napatingin sila sa gate ng kanilang kapitbahay at doon ay nakita nila ang
nakasulat dito na “Ice Candy for Sale Here”.

Kumuha ng ilang barya si Kim sa kanyang bulsa at bumili ng 2


piraso ng ice-candy. “Ang sarap naman nito”, ang sabi ni Sophia. Ang tigas,
malamig at matamis din. Lasang mangga, at parang may gatas pa” dagdag
naman ni Kim.
Nang sumunod na araw ay naisipan nilang gumawa ng sariling
ice-candy. Nagpaturo sila sa kanilang nanay kung paano gumawa nito.
Naghanda sila ng apat na baso ng tubig, isang tasa ng asukal at gatas na
evaporada at hiniwang maliliit na mangga bilang flavor. Pinagsama-sama nila
ang mga ito at hinalo. Pagkatapos inilagay nila ito sa plastic ng ice-candy.
Sinabi na nanay nila na ilagay nila ito sa freezer para sa susunod na araw ay
pwede na nilang kainin.

Mga Tanong :

1. Nasa anong anyo ng matter ang biniling ice-candy ng magkapatid na


Kim at Sophia?

2. Anong uri ng liquid ang ginamit nina Kim at Sophia sa paggawa ng


ice-candy?

3. Anong solids ang ginamit sa paggawa ng ice-candy?


4. Paanong ang ice-candy na nasa anyong liquid ay nagbago ng anyo at
naging solid? ________________

5. Anong klaseng temperatura ang kailangan upang ang isang bagay na


liquid ay magbagong anyo tungo sa pagiging solid?
___________________

H. Pagpapaunlad
Subukin

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa iyong sagutang papel.
1.Kapag ang tubig ay inilagay mo sa freezer, ano ang mangyayari dito?
A. titigas
B. matutunaw
C. liliit
D. mawawala
2.Ano ang nangyari sa tunaw na kandila kapag ito ay lumamig?
A. lumambot
B. naglaho
C. tumigas
D. nag-iba ang kulay
3.Ang mga sumusunod ay maaaring magpalit ng anyo kapag pinalamig
maliban sa isa, alin ito?
A. tubig
B. ice candy
C. tinunaw na floor wax
D. bakal
4.Alin sa mga sumusunod na proseso ang tawag sa pagbabagong anyo ng
liquid tungo sa solid?
A. evaporation
B. freezing
C. melting
D. sublimation
5.Ano ang mangyayari sa tinunaw na mantekilya kapag inilagay ito sa freezer?
A. magbabagong anyo ito tungo sa solid
B. magbabagong anyo ito tungo sa gas
C. magbabagong anyo ito tungo sa liquid
D. magbabago ang kulay nito

Balikan
Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ano ang dahilan at nabago ang anyo ng solid tungo sa liquid?

2. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabagong anyo mula sa pagiging solid


tungo sa pagiging liquid?

Suriin
Base sa naging kasagutan mo sa Gawain 1 , nasabi mo na ang ice-candy ay
nasa anyong solid subalit ang tubig na ginamit mo sa paggawa ng ice-candy ay
nasa anyong liquid. Napag-alaman natin na ang tubig na ginawang ice-candy
ay pwedeng maging solid ng ilagay natin ito sa freezer. Natutunan din natin na
kapag ang temperature ay umabot na sa 0 digri selsius, ito ay napakalamig at
ang mga bagay na nasa anyong liquids ay pwedeng maging solid.

Para sa karagdagang kaalaman kung paano nagiging solid ang liquid, narito
ang mga dapat mong tandaan;

 Ang mga liquid ay nagiging solid kapag inilagay sa malamig na lugar o sa


freezer.

 Ang proseso ng pagbabagong anyo ng liquid tungo sa solid ay tinatawag


na freezing.

 Nangyayari ito kapag ang temperature ay umabot sa freezing point o ang


temperature ng tubig ay nasa 0 digri celsius.

G.Pakikipagpalihan Pagyamanin

Gawain 1: Iguhit ang kung ang pangungusap

ay tama at kung mali,

_____________1. Ang tinunaw na butter ay nagiging solid i kapag muling


nalamigan.
_____________2. Ang juice ay nasa anyong liquid.
_____________3. Ang tubig na nasa anyong liquid ay
magbabagong anyo tungo sa solid
kapag inilagay sa freezer.
_____________4. Ang proseso ng pagbabagong anyo ng
liquid tungo sa solid ay tinatawag na
melting.

_____________5. Ang isang bagay ay mainit kapag ang temperatura nito ay


umabot sa 0 digri Celsius.

Gawain 2: Punan ng tamang salita na kukumpleto sa pangungusap.

1. _____________ ang tawag sa proseso ng pagbabagong anyo ng liquid


to solid.

2. Ang chocolate syrup na pinalamig ay nasa anyong __________.

3. Ang tunaw na kandila matapos na ito ay lumamig ay nagbabago ng


anyo mula liquid tungo sa ____________.

4. Ang tubig ay nasa ____________________kapag umabot sa 0 digri


Celsius ang temperatura nito.
5. Ang mga liquids gaya ng buko juice, ice candy at chocolate syrup ay
pwedeng maging ______ kapag pinalamig.
Karagdagang Gawain
Maglista ng limang (5) halimbawa ng liquids na nagiging solid at
ipaliwanag kung paano ito nagbabago.

1. _________________ = ______________________

2. __________________ =_________________________

3. __________________ =________________________

4. __________________ =________________________

5. __________________ =________________________

I. Paglalapat Isaisip
Paano nagiging solids ang mga liquids? Kumpletuhin ang mapa ng konsepto sa ibaba.

kapag ito ay

Ang liquid ay
nagbabagong kapag ito ay
anyo tungong solid inilagay sa

Isagawa
Gawain : Gumuhit ng limang (5) mga bagay na nagbabago mula sa pagiging
liquid tungo sa solid. Lagyan ng kulay at isulat ang pangalan nito sa ibaba ng
larawan.

Tayahin

Panuto:Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1.Alin sa mga sumusunod ang makatutulong upang ang isang liquid ay mabuo
ng mabilis?
A. init
B. lamig
C. hangin
D. araw
2.Kapag muling nalamigan ang kandilang lusaw, ito ay nagiging____
A. solid
B. liquid
C. gas
D. wala sa nabanggit
3.Alin ang halimbawa ng pagbabagong nagaganap mula sa liquid tungo sa
solid?
A. pagluluto ng spaghetti
B. pag-iinit ng sopas
C. paggawa ng ice candy
D. paggupit ng papel
4.Ang tubig ay magiging ____kapag inilagay sa freezer
A. vapor
B. yelo
C. gas
D. liquid
5.May dalang ice-cream ang tatay mo ng umuwi galing sa trabaho, nang
buksan mo ito ay halos matunaw na.
Gusto mong kainin ito ng matigas, ano ang dapat mong gawin?
A. kakainin mo na lang kahit natutunaw na
B. ilagay muna ito sa freezer
C. paiinitin mo ito sa kawali
D. lalagyan mo ng yelo para lumamig

V. PAGNINILAY Naunawaan ko na_________________________.


Nabatid ko na_____________________________.
LEARNING AREA Science 3
LEARNING DELIVERY MODULAR Distance Learning (Learners-Led Modality)
MODALITY

Paaralan Baitang 3
TALA SA
PAGTUTURO Guro Asignatura Science
Petsa Markahan UNA
Oras Bilang ng Araw __Araw (Week7)

* Nasasabi kung ang mga bagay tulad ng solid, liquid o gas ay mainit o
malamig.
I. LAYUNIN
* Nailalarawan kung ano ang nangyayaring pagbabago sa anyo ng mga
solid, liquid at gas kapag ito ay naiinitan at kapag ito ay lumalamig
P. Pamantayang The learners demonstrate understanding of ways of sorting materials
Pangnilalaman and describing them as solid, liquid or gas based on observable
properties
Q. Pamantayan sa Pagganap The learners should be able to group common objects found at home
and in school according to solids, liquids and gas
The learners should be able to…
Describe changes in materials based on the effect of temperature:
R. Mga Kasanayan sa 1 solid to liquid
Pagkatuto 2 liquid to solid
3 liquid to gas
4 solid to gas
S3MT-Ih-j-4
S. Pinakamahalagang Describe changes in materials based on the effect of temperature:
Kasanayan 1 solid to liquid
sa Pagkatuto (MELC)
2 liquid to solid
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa 3 liquid to gas
pagkatuto 4 solid to gas
r MELC) S3MT-Ih-j-4
T. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN
Pagbabagong Anyo ng Liquid tungo sa Gas
III. KAGAMITAN PANTURO
D. Mga Sanggunian

MELC ESP 3 Q1 pg 497


m. Mga Pahina sa Gabay ng
PIVOT BOW pg 114
Guro
Curriculum Guide pg 4-15
n. Mga Pahina sa Kagamitang
Pangmag-aaral
Science Module 3 pp. 37-45
o. Mga Pahina sa Teksbuk
Module 2
p. Karagdagang Kagamitan https://lrmds.deped.gov.ph
mula sa Portal ng Learning Pinterest.com
Resource Youtube.com/watch

E. Listahan ng mga Kagamitang


Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
J. Panimula Alamin
Magandang Araw!
Nasubukan mo na bang magpakulo ng tubig? Ano sa palagay mo
ang mangyayari kapag hindi sinasadyang nakalimutan mong
nagpapakulo ka ng tubig at hinayaan mo lang siya kumulo sa loob
ng isang oras? Sa palagay mo ba ay may tubig pang matitira sa
lalagyan nito?

Tuklasin
Gawain 1: Ano ang mangyayari sa tubig kapag ibinilad sa araw?

Kagamitan : baso na may lamang tubig

Panuto:
1.Lagyan ng 10 ml na tubig ang baso. Markahan ang
baso ayon sa antas ng dami ng tubig sa loob.
2.Ilagay ang baso na may tubig sa tapat ng araw sa
loob ng 1 oras.

3.Isulat ang iyong hinuha sa mangyayari sa tubig na


nasa baso sa iyong sagutang papel.
4.Sagutan ang mga sumusunod na tanong sa iyong
sagutang papel.

Mga Tanong :
1.Ano ang nakita mong pagbabago sa tubig?
Nabawasan ba ang dami nito?
2.Ano ang dahilan at nabawasan ang dami ng
tubig?
3. Ano ang epekto ng sikat ng araw sa tubig?

Gawain 2: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Sagutin ang mga tanong.
Isulat sa iyong sagutang papel.

Mga Tanong:
1.Ano ang mangyayari sa mga basang damit na nakasampay sa ialim ng
araw?
2. Ano ang lumalabas mula sa loob ng kaldero?
3. Ano ang kulay ng usok na lumalabas sa kaldero?
4. Anong pagbabagong anyo ang ipinapakita ng mga
larawan?
5.Ano ang tawag sa prosesong ito ng pagbabagong anyo
ng liquid tungo sa gas?

K. Pagpapaunlad
Subukin
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1.Ang liquid ay nagiging _____ kapag inilalagay sa mainit na lugar.
A. solid
B. liquid
C. gas
D. ice
2.Ang liquid ay nagbabagong anyo tungo sa gas sa pamamagitan ng proseso na
tinatawag na _____
A. boiling
B. melting
C. vaporization/evaporation
D. freezing
3.Alin sa mga sumusunod ang pwedeng magbagong anyo mula sa liquid tungo
sa gas?
A. natunaw na ice-cream
B. pagpapakulo ng tubig
C. pagbibilad ng naphthalene balls sa arawan
D. paglalagay ng tubig sa freezer
4.Ang pagpapakulo ng tubig ay isang proseso ng pagbabagong anyo ng liquid
to gas na tinatawag na____
A. evaporation
B. freezing
C. melting
D. sublimation
5.Si Alexa ay naglagay ng basong may lamang tubig sa ilalim ng araw.
Pagkalipas ng ilang oras, napansin niyang nabawasan ang laman ng baso. Saan
napunta ang nabawas na tubig sa baso?
A. Ang tubig ay napunta sa ilalim ng baso
B. Ang tubig ay kinuha ng araw
C. Ang tubig ay nag-evaporate at naging gas
D. Ang tubig ay sinipsip ng baso

Balikan
Sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Anong pagbabago ng anyo ang nangyari nang ang tubig na inilagay sa


freezer ay naging yelo?
2. Ano ang dahilan ng pagbabago ng anyo ng liquid papuntang solid?
3. Ano ang tawag sa proseso ng pagbabagong anyo ng liquid tungo sa
solid?

Suriin
Kumusta ang iyong naging gawain para sa araling ito? Halina’t ating pag-
usapan.

Base sa Gawain 1, napansin mo ba ang pagbaba sa dami ng tubig sa baso ng


inilagay mo ito sa ilalim ng araw? Tama, umunti ang dami ng tubig bunga ng
epekto ng init ng araw. Ang tubig na nasa anyong liquid ay nababago ang anyo
tungong gas kapag ito ay naiinitan

Ang mga larawan sa Gawain 2 ay nagpapakita ng ilan pang gawain kung saan
nagkakaroon ng pagbabagong anyo ang liquid tungong gas. Tulad ng iyong
naoobserbahan sa inyong tahanan, ang basang damit na isinampay o ibinilad sa
araw ay natutuyo. Ito ay nangyayari dahil ang tubig sa basang damit ay naging
gas bunga ng init ng araw. Ganon din ang nangyayari sa tubig sa kalderong
isinasalang sa apoy. Ang mga puting usok na lumalabas dito ay nagpapakita na
ang tubig sa anyong liquid ay nagbabago ang anyo tungong gas habang
naiinitan. Bunga nito, umuunti ang dami ng tubig kapag ito ay pinakuluan ng
matagal.

Ang pagbabagong anyo ng liquid tungo sa pagiging gas ay tinatawag na


evaporation. Ang tubig na naging gas ay tinatawag na water vapor. Ang
pagbabago ng anyo ng liquid tungo sa gas ay nangyayari kung ito ay naiinitan.

G.Pakikipagpalihan Pagyamanin
Gawain 1: Punan ng wastong sagot ang mga patlang.
1. Ang liquid ay nagiging _____________kapag isinalang sa mainit na
apoy.
2. Kapag tayo ay nagpapakulo ng tubig sa kalan, may lumalabas dito na
____________.
3. Ang kape ay isang halimbawa ng liquid na pwedeng magbago ng anyo
tungo sa ____________.
4. Kapag matagal nakabilad sa araw ang tubig na nasa timba, ito ay
___________________.
5. Ang proseso ng pagbabagong anyo ng liquid tungo sa gas ay tinatawag
na ______________________

Gawain 2: Isulat kung Tama o Mali ang mga pangungusap.

___________1. Ang proseso ng pagbabagong anyo ng liquid


tungo sa gas ay tinatawag na evaporation.
___________2. Kapag nagpakulo ka ng tubig sa kalan, may
lumalabas na puting usok mula sa lalagyan.
___________3. Ang sorbetes ay pwedeng magbagong anyo
mula sa solid patungong gas.
___________4. Kapag hinayaan mong matagal na kumukulo ang
tubig na nasa takuri, ito ay hindi nababawasan.

___________5. May epekto ang init ng araw sa pagbabagong anyo ng tubig.


Karagdagang Gawain
Magsaliksik at ipaliwanag kung bakit kumakati o lumiliit ang tubig
sa mga ilog kapag panahon ng tag-araw.

L. Paglalapat Isaisip
Isulat ang iyong sagot sa mga cubes na nasa ibaba upang mabuo ang mga
pangungusap.

1. Ang liquid ay nagbabago ng anyo tungo sa pagiging gas


kapag ito ay

2. Ang pagbabago ng anyo ng liquid tungo sa gas ay tinatawag


na

3. Ang pagkatuyo ng mga basang damit, pag-unti ng tubig na nasa ilalaim ng araw at
paglabas ng usok sa kumukulong tubig ay nagpapakita ng pagbabagong anyo ng
Isagawa
Gawain 1: Maglagay ng alcohol o hand sanitizer sa iyong mga kamay.
Ilarawan kung ano ang iyong naramdaman at kung ano ang nangyayari sa
alcohol o hand sanitizer.
Tayahin
Isulat kung Tama o Mali ang mga pangungusap.

___________1. Kapag isinampay natin ang ating mga nilabhang


damit sa init ng araw, ang mga ito ay natutuyo.
___________2. Kapag sobrang init ng araw, natutuyo ang mga
sapa.
___________3. Nagbabago ang anyo ng tubig sa pagiging liquid
tungo sa pagiging gas sa pamamagitan ng
freezing.
___________4. Ang init ng sikat ng araw ay nagpapalamig sa
tubig ng mundo.
___________5. Ang proseso ng pagbabagong anyo ng liquid
dahil sa init ng araw ay tinatawag na sublimation.

V. PAGNINILAY
Naunawaan ko na_________________________.
Nabatid ko na_____________________________.
LEARNING AREA Science 3
LEARNING DELIVERY MODULAR Distance Learning (Learners-Led Modality)
MODALITY

Paaralan Baitang 3
TALA SA
PAGTUTURO Guro Asignatura Science
Petsa Markahan UNA
Oras Bilang ng Araw __Araw (Week8)

* Nasasabi kung ang mga bagay tulad ng solid, liquid o gas ay mainit o
malamig.
I. LAYUNIN
* Nailalarawan kung ano ang nangyayaring pagbabago sa anyo ng mga
solid, liquid at gas kapag ito ay naiinitan at kapag ito ay lumalamig
U. Pamantayang The learners demonstrate understanding of ways of sorting materials
Pangnilalaman and describing them as solid, liquid or gas based on observable
properties
V. Pamantayan sa Pagganap The learners should be able to group common objects found at home
and in school according to solids, liquids and gas
The learners should be able to…
Describe changes in materials based on the effect of temperature:
W. Mga Kasanayan sa 1 solid to liquid
Pagkatuto 2 liquid to solid
3 liquid to gas
4 solid to gas
S3MT-Ih-j-4
X. Pinakamahalagang Describe changes in materials based on the effect of temperature:
Kasanayan 1 solid to liquid
sa Pagkatuto (MELC) 2 liquid to solid
(Kung mayroon, isulat ang
3 liquid to gas
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto 4 solid to gas
s MELC) S3MT-Ih-j-4
Y. Pagpapaganang Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN
Pagbabagong Anyo ng Solid tungo sa Gas
III. KAGAMITAN PANTURO

E. Mga Sanggunian

MELC ESP 3 Q1 pg 497


q. Mga Pahina sa Gabay ng
Guro
PIVOT BOW pg 114

Curriculum Guide pg 4-15


r. Mga Pahina sa Kagamitang
Science Module 3 pp. 46-54
Pangmag-aaral
s. Mga Pahina sa Teksbuk
Module 2
t. Karagdagang Kagamitan https://lrmds.deped.gov.ph
mula sa Portal ng Learning Pinterest.com
Resource Youtube.com/watch

F. Listahan ng mga Kagamitang


Panturo para sa mga Gawain sa
Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
M. Panimula Alamin
Magandang Araw!
Nakakita ka na ba ng naphthalene balls o moth balls? Saan at
kailan ito kadalasang ginagamit ?. Alam mo ba ang nangyayaring
pagbabago sa anyo nito kapag ito ay naiinitan?

Tuklasin
Gawain : Ano ang Mangyayari sa naphthalene balls kapag
ibinilad sa ilalim ng araw?

Kagamitan : napthalene balls , may kulay na plato

Panuto :
1.kumuha ng 1 piraso ng naphthalene ball.
2. Ibalot ito sa malinis na tela at durugin hanggang
maging pino
3.Ilagay ang dinurog na naphthalene balls sa may kulay
plato
4.Ilagay sa lugar na nasisikatan ng araw at ibilad ito sa
loob ng 10 minuto
5.Sagutan ang mga tanong sa iyong sagutang papel

Mga tanong:
1. Sa anong anyo ang naphthalene balls bago ito painitan sa sikat ng
araw?

2. Gumawa ng hinuha kung anong mangyayari sa naphthalene balls pag


ito ay ibinilad sa araw?

3. Ano ang pagbabago sa anyo ng naphthalene balls ng inilagay o


ibinilad ito sa araw?

4. Kung may pagbabagong magaganap sa naphthalene balls, ano kaya


ang tawag sa prosesong ito?

N. Pagpapaunlad
Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.
1.Alin sa mga sumusunod na solid ang pwedeng magbagong anyo tungo sa
pagiging gas?
A. langis
B. popsicle sticks
C. kumukulong tubig
D. naphthalene balls
2.Ang dry ice na isang solid ay nagbago ng anyo tungo sa pagiging ____
A. solid
B. liquid
C. gas
D. halo-halo
3.Ang solid ay nagbabagong anyo tungo sa gas sa proseso ng_____
A. sublimation
B. freezing
C. boiling
D. vaporization
4.Bakit kaya ang moth balls/naphthalene balls ay naglalaho kapag inilagay mo
sa cabinet ng dalawang lingo?
A. Dahil mula solid ito ay nagiging gas
B. Dahil mula gas ito ay nagiging solid
C. Dahil mula liquid ito ay nagiging gas
D. Dahil mula solid ito ay bumabalik sa solid
5.Alin sa mga sumusunod ang nagbabagong anyo kapag nahanginan?
A. posporo
B. langis
C. iced tea
D. dry ice

Balikan
Sagutan ang mga tanong at isulat sa iyong sagutang papel

1. Anong pagbabagong anyo ang nangyayari kapag ang liquid ay


patuloy na pinapainitan?
2. Nakakaapekto ba ang mainit na temperatura sa mga pagbabagong
nagaganap sa solid ,liquid at gas? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Suriin
Nasiyahan ka ba sa ginawa nating experiment?

Napag-isipan mo na ba kung bakit naglalaho ang naphthalene balls na


inilalagay ng iyong nanay sa cabinet ng iyong damit?

Sa ginawang experiment, inobserbahan natin ang naphthalene balls ng ito ay


buo pa hanggang sa durugin ito, gayon din ng ilagay natin ito sa platong may
kulay at ibilad sa araw sa loob ng 10 minuto.

Napag-alaman natin na ang solid ay puedeng magbago ng anyo tungo sa


gas.Gaya ng nangyari sa napthelene balls, ito ay unti-unting naglaho at naging
gas ng ito ay mahanginan at napainitan.

Ang pagbabagong anyo ng solid tungo sa gas ay tinatawag na sublimation.

G.Pakikipagpalihan Pagyamanin
Isulat kung Tama o Mali ang mga pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang papel.

________1. Ang solid ay nagbabagong anyo tungo sa pagiging


gas sa proseso na kung tawagin ay sublimation.

________2. Ang moth balls o naphthalene balls ay ginagamit


upang hindi makalapit ang mga insekto sa ating
mga damit.

________3. Mananatiling buo at hindi mababawasan ang laki ng


napthelene balls kahit ibilad mo ng matagal sa
init ng araw.

________4. Ang dry ice ay isang halimbawa ng solid na


pwedeng maging gas.

________5. Ang naphthalene ball nasa anyong solid hanggat hindi


nahahanginan.

Karagdagang Gawain
Panuto: Tukuyin ang pagbabagong nagaganap sa bawat matter. Piliin
sa loob ng kahon sa ibaba ang sagot.

evaporation sublimation freezing melting

1. Kumukulong tubig _______________


2. Chocolate syrup na pinalamig _______________
3. Floorwax sa ilalim ng araw ___________________
4. Dry ice na nakahayang sa labas_________________
5. Tubig na naging yelo ________

O. Paglalapat Isaisip

Isulat ang iyong sagot sa mga puso na nasa ibaba upang mabuo ang mga
pangungusap.

1. Ang solid ay nagbabagong anyo tungong gas kapag ito ay


2. Ang proseso ng pagbabagong anyo ng solid papuntang gas ay tinatawag na

Isagawa
Gawain 1: Ilarawan sa loob ng kahon sa ibaba ang
pagbabagong nangyayari sa dry ice kapag hinayaan ito
na nakahayang sa labas at naiinitan.

Tayahin
Panuto: Basahin ang sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng tamang
sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang maaaring magpalit ng anyo kapag


nahanginan?
A. dry ice
B. yelo
C. kandila
D. bato
2. Ang moth balls ay unti-unting naglalaho at nagiging _____ kapag
nahanginan at naiinitan.
A. solid
B. liquid
C. gas
D. tubig

3. Ang pagbabagong nagaganap sa solid tungo sa pagiging gas ay tinatawag


na____
A. melting
B. freezing
C. evaporation
D. sublimation
4. Pagkaraan ng isang linggo, ang naphthalene balls na inilagay mo sa bukas
na garapon ay ______ang sukat.
A. lumaki
B. lumiliit ang sukat hanggang sa maglaho
C. nanatili sa kanyang laki
D. nabasa at naging tubig
5. Kapag _____ ang mga solid ay nagiging gas.
A. nalalamigan
B. naiinitan
C. natutuyo
D. nahahanginan

V. PAGNINILAY
Naunawaan ko na_________________________.
Nabatid ko na_____________________________.

You might also like