You are on page 1of 1

Department of Education

Division of Cebu Province


District of Compostela
Region VII- Central Visayas
Compostela Science and Technology High School
Cogon, Compostela Cebu
School ID: 312406

Pangalan: Christine Marie Sacedon Uri ng Sulatin: ABSTRAK


Baitang at Seksyon: 12- Eisntein Petsa: Setyembre 26, 2022
PAGSULAT SA FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK)

Institusyon: Compostela Science and Technology High School


Kinatatayuan: Cogon, Compostela, Cebu
Pamagat: WATER TREATMENT SA PAGGAMIT NG BULAK, ULING, BUHANGIN, AT SAWDUST BILANG
FILTER MEDIA SA PAMAMAGITAN NG PAGSASALA
May-Akda: EUGENE JOHN LOUIE JABATAN
KAREN ANN MANSAY
DOMINIC PRINCEGABRIEL E. REYNES
Petsang Nagsimula: Agosto 5, 2018
Petsang Nagtapos: Marso 20, 2019

Ipinakilala sa pag-aaral ang mga dahilan ng isinagawang pananaliksik na ito. Isa na rito ang mga
kanal, na maaaring magdulot ng panganib sa tao, at sa mga uri ng halaman at hayop. Tinatalakay din ang mga
alternatibong water filter dahil ang bansa ay walang badyet o teknolohiya sa pag-install ng mga water filter
media kaya’t nakahanap ang mga mananaliksik ng mga alternatibo kung saan ang mga materyales ay
madaling mahanap sa kapaligiran. Ang pag-aaral ay naglalayong matulungan ang kapaligiran at mga taong-
bayan sa paligid. Nais ng mga mananaliksik na imbestigahan ang labo ng wastewater kapag ito ay sinala sa
pamamagitan ng water filter na may materyales na bulak, sawdust, buhangin at uling. Ang mga mananaliksik
ay gumamit ng Quantitative Research sa ilalim ng Experimental Design bilang disenyo ng pananaliksik. Ang
One Sample Kolmogorov-Smirnic Test sa ilallim ng Non-Parametric ay ang nagsisilbing statistical treatment na
ginamit upang matukoy kung ang dalawang sample ng data ay mula sa parehong kontribusyon. Base sa
resultang lumabas sa isinagawang pananaliksik, ang Setup A at Setup C ay matagumpay sa pagpapababa ng
labo ng wastewater. Habang ang Setup B ay mas lalong lumala ang labo ng wastewater. Ayon rin sa lumabas
na resulta, mayroong malaking pagkakaiba sa pagitan ng antas ng labo na natamo bago at pagkatapos ng
proseso ng pagsasala mula sa iba’t-ibang uri ng water filter media. Natuklasan sa pag-aaral na ang sa
paggamit ng buhangin, uling, sawdust, at bulak bilang pagsasala ng wastewater ay epektibo sa pagpapababa
ng antas ng labo ng wastewater. Hindi man ito 100% na malinis ngunit ito ay makakatulong sa paglutas ng isa
sa mga suliranin ng bansang Pilipinas.

You might also like