You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A
Mauban South District
CAGSIAY III NATIONAL HIGH SCHOOL
MAUBAN, QUEZON

TANGGAPAN NG SUPREME STUDENT GOVERNMENT

Panukalang Proyekto
Titulo: Basura ng Paaralan, Ating Solusyonan
Nagpanukala: Jhun Jhusua D. Olili at Cathlyn P. Ibo
Petsa ng Pagsasagawa ng Proyekto: Nobyembre 7, 2022 – Hulyo 7, 2023
Makikinabang sa Proyekto: Mga Mag-aaral, Kawani at mga Guro ng Cagsiay III National High
School
Mungkahing Lugar ng Pagdarausan: Kampus ng Cagsiay III National High School
Pagkukunan ng Kagastusan: Pondo ng SSG

Saligang Katwiran:
Dahil sa pagbabago ng klima at ng panahon (climate change), maraming tao, hayop
at kapaligiran sa kabuuan ang labis na naapektuhan. Isa sa mga suliraning kinakaharap na
may kaugnayan sa sa climate change ay ang problema sa basura. Alinsunod sa Republic Act
9003 o mas kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000, ipinanukala ang
proyektong susugpo sa suliraning may kinalaman sa basura. Ang panukalang proyekto ay
naglalayong turuan ang mga mag-aaral sa wastong pagtatapon at pamamahala ng basura.
Inaasahan na kung ito ay magkakaroon ng kaganapan, higit na makikinabang ang mga mag-
aaral sapagkat magdudulot ito ng kaayaayang kapaligiran para sa kanilang pag-aaral. Bukod
pa roon, naniniwala ang mga nagpanukala na sa pagkakaroon ng tamang disiplina, lalong
lalo na sa basura, maiiwasan ang iba’t ibang uri ng sakit na maaaring makuha mula sa
maruming kapaligiran.
Pangkalahatang Layunin:
Ang layunin ng pagsasagawa ng proyekto ay:

 magkaroon ng maayos na pamamahala sa paghihiwa-hiwalay at pagtatapon ng


basura;
 magbigay ng pagkilala at gantimpala sa pangkat ng mga mag-aaaral na nagpakita ng
masinsing pagtugon sa proyekto; at
 mapahalagahan ang kalusugan ng bawat mag-aaral at mga kawani ng paaralan.
Konseptwal na Balangkas:

Pagpaplano hinggil sa Pagsasagawa ng Maipakita ang kalinisan


kalinisan para sa planong kalinisan para at kaayusan ng
paaralan. sa paaralan. paaralan sa
pamamagitan ng
pagsunod sa
INPUT PROCESS regulasyong
nangangalaga rito.

OUTPUT

Pakukuhaan ng Pondo: Pondo ng SSG


Inaasahang Kalahok: Mga Mag-aaral, mga kawani, mga guro ng Cagsiay III National High
School
Metodolohiya:
Upang maging matagumpay ang proyektong gawain, ang mga sumusunod na lapit at
pamamaraan ang gagamitin:

 Pagtatalaga ng mga opisyal ng SSG na siyang magmo-monitor ng kalinisan at


kaayusan sa bawat silid-aralan
 Pagbibigay ng pagkilala at gantimpala sa pangkat ng mga mag-aaaral na nagpakita ng
masinsing pagtugon sa proyekto. (Tingnan ang kalakip bilang 1)
Komitiba:

 Programa at gawain- mga opisyal ng SSG

Inaasahang Matamo:

 Nakasusunod nang maayos na pamamahala sa paghihiwa-hiwalay at pagtatapon ng


basura; at
 Nakapagbibigay ng pagkilala at gantimpala sa pangkat ng mga mag-aaaral na
nagpakita ng masinsing pagtugon sa proyekto. (Tingnan ang kalakip bilang 2)
 Napahalagahan ang kalusugan ng bawat mag-aaral at mga kawani ng paaralan.

Inihanda nina:

ELOISA O. CANDOL AL-JHON I. DERECHO


Kalihim ng SSG Pangulo ng SSG
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
Mauban South District
CAGSIAY III NATIONAL HIGH SCHOOL
MAUBAN, QUEZON

Pinagtibay ni:

JERONE A. BANAGAN
Tagapayo ng SSG

Nabatid ni:

WILSON S. MARTINEZ
Gurong Namamahala
Kalakip Blg. 1

Rubriks sa Pagbibigay-Puntos sa Maayos at Malinis na Silid-aralan

Rubriks sa Pagbibigay-Puntos sa Maayos at Malinis na Silid-aralan


5 4 3 2 1
May malinis at maayos na Dalawa sa Tatlo sa mga Apat sa mga Lahat ng
silid-aralan. mga bahagi o bahagi o bahagi o mga bahagi
Malinis ang mga sumosunod; kagamitan ng kagamitan ng kagamitan ng o
a. Bintana(Lingguhan, silid-aralan silid-aralan silid-aralan kagamitan
tuwing huwebes) ang hindi ang hindi ang hindi ng silid-
b. Pisara malinis o malinis o malinis o aralan ang
c. labas ng silid-aralan maayos. maayos. maayos. hindi
kasama ang pasilyo malinis o
d. kabuuan ng silid- (Halimbawa. (Halimbawa. (Halimbawa. maayos.
aralan Hindi malinis Hindi malinis Hindi malinis
e. palikuran ang pisara at ang silid- ang
Maayos ang hanay ng mga hindi maayos aralan, hindi palikuran,
upuan at iba pang kagamitan ang maayos ang sama sama
sa loob ng silid-aralas. paghihiwa- upuan at ang mga
Maayos na napaghiwa- hiwalay ng may mga basura, hindi
hiwalay ang mga basura. basura) basurang maayos ang
nagkalat sa hanay ng
kabuuan ng mga upuan
silid-aralan) at marumi
ang pisara)
Ang ibinigay na puntos ng itinalagang mag-momonitor na opisyales ng SSG ay hindi
mapapasubalian.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A
Mauban South District
CAGSIAY III NATIONAL HIGH SCHOOL
MAUBAN, QUEZON

Kalakip Blg. 2

Gantimpala sa mga Pangkat ng Mag-aaral na Nakatugon sa Proyekto

Hihirangin ang mga nagwagi batay sa nakuhang puntos sa kabuuan ng bawat kwarter.

Unang Gantimpala
10 set ng learning materials
Sertipiko ng pagkilala
Ikalawang Gantimpala
5 set ng learning materials
Sertipiko ng pagkilala
Ikatlong Gantimpala
3 set ng learning materials
Sertipiko ng pagkilala
Ikaapat na Gantimpala
2 set ng learning materials
Sertipiko ng pagkilala

You might also like