You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Batangas City
MALITAM ELEMENTARY SCHOOL

BANGHAY ARALIN SA ARTS 5


Unang Markahan
Ikaapat na Linggo

September 13, 2022


2:10 – 2:50 SSES 5-Quirino

A. Layunin:
a. Natatalakay ang kahalagahan ng mga yaman ng lahing Pilipino at likhang-sining gaya ng
Manunggul Jar at Balanghay.
b. Nakaguguhit ng isang yaman ng lahing Pilipino gamit ang crosshatching at contour shading.
c. Napahahalagahan ang mga yaman ng lahing Pilipino at likhang-sining ng Pilipinas

B. Pamantayang Pangnilalaman:
Demonstrates understanding of lines, shapes, and space; and the principles of rhythm and balance
through drawing of archeological artifacts, houses, buildings, and churches from historical periods
using crosshatching technique to simulate 3- dimensional and geometric effects of an artwork

C. Pamantayang Pagganap:
creates different artifacts and architectural buildings in the Philippines and in the locality using
crosshatching technique, geometric shapes, and space, with rhythm and balance as principles of
design. puts up an exhibit on Philippine artifacts and houses from different historical periods
(miniature or replica)

D. Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto (MELC)


Creates illusion of space in 3-dimensional drawings of important archeological artifacts seen in books,
museums (National Museum and its branches in the Philippines, and in old buildings or churches in
the community. A5PR-If

II. Paksang Aralin:


Paksa: Sinaunang Bagay, Ating Italakay
Sanggunian: MELC ADM- Module 4
Integrasyon: ESP Pag papahalaga sa mga architectural designs ng mga bagay at gusali na
makikita sa ating bansa at sa sariling komunidad

III.Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Balik Aral
Punan ang patlang ng tamang sagot
________1. ay isang uri ng payak na tahanang kinagisnan nating mga Pilipino. Ito ay gawa sa
mga kagamitang madalas nating makita sa kapaligiran tulad ng kawayan, dahon ng niyog, nipa,
damong kogon, at iba
________2. May mataas na kisame at mga nakakurbadang suleras nito ang naghahatid ng
kapita-pitagang anyo. Ito ang opisyal na tirahan ng pangulo ng bansa.
________3. Dito makikita ang mga antigong bagay tulad ng pang-alis ng ipa ng palay, punka o
bentilador na nakalagay sa kisame at mga pansala ng tubig. Ang kabuuan ng bahay ay
maluwang at maaliwalas
________4. isang uri ng bahay na kilala sa Pilipinas. Naitayo ang mga ito sa panahon ng
pananakop ng mga kastila,
________5. Ito ay napapalamutian ng panolong, ang katutubong disenyong Muslim na sarimanok
at Naga na inuukit sa kahoy.
2. Pagganyak:
Kilalanin natin ang larawang ito.
Tanong:
1.Ano ang masasabi mo sa dalawang larawan.?
2.Pamilyar ka ba sa mga larawan ganito?
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad:

Ang Manunggul Jar ay isang banga na pinaniniwalaang ginagamit para sa secondary burial,
kung saan inilalagay sa loob ang mga buto ng namatay, ngunit hindi na binabaon ang banga.
Karaniwang makikita ito sa Tabon Cave (1). Mayroon itong dalawang pigura sa tuktok ng takip, ang
isa ang nagsasagwan ng bangka at ang nasa harap ay tila bangkay na natiklop sa dibdib ang mga
kamay. Sinasabing ang bangka na ito ay naghahatid ng namatay na kaluluwa patungo sa huli nitong
hantungan.
Tunay na walang katulad ang disenyo at hubog ng Banga ng Manunggul, at itinuturing na
mahusay ang naghubog nito. Pinapatunayan nito na mayroong paniniwala sa susunod na buhay, o
buhay pagkatapos ng pagkamatay, ang mga unang tao sa Pilipinas

Ang Balanghay ay ang tawag sa bangka noong unang panahon at tinatayang


pinakamatandang ginamit na sasakyang pantubig at nagmula sa Timog-Silangang Asya. Ang mga
bahagi nito ay natagpuan sa karatig lugar ng Butuan sa Agusan Del Norte noong huling bahagi ng
1970.
Ito ay isang tablang bangka na karatig sa isang nakaukit na bangka sa pamamagitan ng
panuksok at sabat. Una itong nabanggit noong ika-16 na siglo sa salaysay ni Pigafetta, at kilala ito
bilang ang pinakamatandang sasakyang pantubig na matatagpuan sa Pilipinas.
Paggamit ng Crosshatching at Contour shading

2. Pagtalakay:
Ang mga antigo o lumang kagamitan ay hindi lamang pinahahalagahan dahil sa angking
katangian ng mga ito. Pinayayabong din at pinagyayaman ng mga ito ang kasanayan, sining at
kultura ng bansa. Ang mga kagamitan sa loob ng tahanan lalo na ang mga sinauna ay
pinahalagahan dahil taglay nito ang pambihirang katangiang sining, mataas na halagang salapi at
mga kuwento na may kinalaman sa kasaysayan ng pamilya o tao.

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang larawan na nasa ibaba gamit ang Crosshatching at Contour
Shading. Suriin ang ginawang likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrik na
makikita sa “Susi sa Pagwawasto”.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang larawan na nasa ibaba gamit ang Crosshatching at Contour
Shading. Suriin ang ginawang likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos gamit ang rubrics
2. Paglalahat:

Panuto: Punan ang patlang ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa araling ito.

IV. Pagtataya:
1. Italakay ang mga kahalagahan ng mga sumusunod na artifacts:
a. Manunggul Jar
_______________________________________________________________________
_________________________________________________________
b. Balanghay
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_________________________________________________
. Iguhit sa loob ng kahon ang larawan na nasa ibaba gamit ang Crosshatching at Contour
Shading

3. Bakit mahalaga ang paggamit ng crosshatching at contour shading sa pagguhit ng isang bagay?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

V. Kasunduan:
Sumulat ng sanaysay tungkol sa mga artifacts na makikita sa inyong komunidad at ipaliwanag kung
paano mo ito pahahalagahan. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.

Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.________
B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa remediation.______
C. Iba pang gawain:______________________________________________________________

You might also like