You are on page 1of 2

G-16

FILIPINO
ILAGAN, MICKAELA NICOLE A.
WEEK 6
G8-ZINNIA

Repleksiyon
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Batay sa PHIVOLCS, Sa nakalipas na 24 oras, ang
Taal Volcano Network o TVN ay walang naitalang
volcanic earthquake. May naganap na upwelling ng
mainit na volcanic gas sa lawa ng Main Crater na
lumikha ng plume na may taas na isang libong
(1,000) metro na napadpad sa timog-kanluran. Ang
pagbuga ng sulfur dioxide o SO2 ay humigit-
kumulang 1,140 tonelada kada araw noong ika-27
ng Marso 2022. Huling nasukat sa lawa ng Main
Crater ang mataas na temperatura na 63.7ºC
noong ika-25 ng Pebrero 2022. Batay sa sukat ng
ground deformation ng bulkan gamit ang
electronic tilt, continuous GPS at InSAR monitoring,
nakakapagtala ng marahang pag-impis ng Taal
Volcano Island at ng kalakhang Taal simula noong
Oktubre 2021.
Ang Alert Level 3 (Magmatic unrest) ay kasalukuyan
nakataas sa Taal Volcano. Sa kalagayang ito, ang
magma na nanunuot sa ilalim ng Main Crater ay
maaaring magdulot ng karagdagan o malakas na
pagputok. Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS sa
lahat na lumikas mula sa Taal Volcano Island o TVI at
mga high-risk barangays ng Bilibinwang at Banyaga,
Agoncillo at Boso-boso, Gulod at silangang bahagi ng
Bugaan East, Laurel, Batangas dahil sa panganib ng
pyroclastic density currents at volcanic tsunami kung
sakaling magkaroon ng malakas na pagputok. Maigting
na pinaaalalahanan ang lahat na ang buong TVI ay isang
Permanent Danger Zone (PDZ) at ang pagpasok dito at
sa mga high-risk barangays ng Agoncillo at Laurel ay
dapat ipagbawal. Lahat ng mga aktibidad sa Taal Lake
ay dapat ipagbabawal sa ngayon. Hinihikayat ang mga
residente sa paligid ng Taal Lake na maging
mapagmatyag at mag-ingat dahil sa posibleng ashfall at
vog at maging laging handa sa posibleng evacuation
kung sakaling ang aktibidad ng Taal ay lumala. Ang mga
may-katungkulan sa civil aviation ay nararapat na
humikayat sa mga piloto na iwasang magpalipad malapit
sa bulkan dahil sa naglilipanang abo, umiitsang bato, at
pyroclastic density currents tulad ng base surge na
maaaring makaapekto sa aircraft na idudulot ng
posibleng biglaang pagputok ng bulkan. Ang DOST-
PHIVOLCS ay masusing nagbabantay sa kalagayan ng
Bulkang Taal 24/7 at handang agarang ipabatid ang
anumang pagbabago nito sa lahat ng kinauukulan.

You might also like