You are on page 1of 12

DAYAGNOSTIK TEST SA FILIPINO 10

Panuto: Basahin ang pahayag at tukuyin ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang
kahulugan. 1. Si Venus ay nagkaroon ng inggit kay Psyche dahil sa labis na kariktan nito. Natalbugan ng
dalaga ang kanyang kagandahan kaya siya ang labis na nagalit sa dalaga. a. inggit ~ nagalit c. inggit ~
selos b. kagandahan ~ kabaitan d. kariktan ~ kagandahan

2. Hindi ikinatuwa ni Cupid ang pagtataksil ni Psyche sa kanya kaya siya ay umalis at nilisan ang tahanan
nilang dalawa. a. ikinatuwa ~ pagtataksil c. umalis ~ nilisan b. ikinatuwa ~ umalis d. pagtataksil ~ nilisan

3. Matindi ang inggit ni Venus sa taglay na kagandahan ni Psyche kaya’t siya ay naging sakim sa
pagnanais ng kapahamakan nito. Binigyan niya ito ng maraming pagsubok. a. inggit ~ sakim c.
kapahamakan ~ kagandahan b. pagnanais ~ pagsubok d. matindi ~ binigyan

4. Inutusan ng dalawang prinsesa si Psyche na tapatan ng lampara ang mukha ni Cupid at saksakin ito ng
balaraw ngunit dahil sa kagwapuhan ng asawa hindi nagawa ni Psyche ang iniatas ng mga kapatid. a.
lampara ~ balaraw c. tapatan ~ mukha b. asawa ~ kagwapuhan d. inutusan ~ inatasan

Panuto: Basahin ang pangungusap at bigyang-kahulugan ang mga mahihirap na salita o ekspresyong
ginamit sa akda batay sa konteksto nito.

5. Nanginginig ang kanyang kalamnan sa kapatid nang mapagtanto niya na ito pala ang dahilan ng
kanyang pagkasawi sa buhay. a. inis na inis b. ilang na ilang c. tuwang-tuwa d. galit na galit

6. Masyadong narahuyo si Mathilde sa mga mamahaling bagay na hindi kayang ibigay ng kanyang asawa
na isang simpleng mamamayan lamang. a. naakit b. napahanga c. nabighani d. napasaya

7. Ibig na ibig niyang makatakas mula sa mundong kanyang nakalakhan. Hindi niya ibig na mabagabag
ang kanyang isipan sa mga nangyayari sa kapaligiran. a. magulo b. matunton c. masanay d. mahirati

Panuto: Ayusin at kilalanin ang magkakaugnay na salita ayon sa antas o tindi ng kahulugan. 8. ____ •
silipin • sulyapan • tanawin • tingnan
a. sulyapan b. tanawin c. silipin d. tingnan silipin tingnan sulyapan tanawin tingnan silipin tanawin
sulyapan tanawin sulyapan tingnan silipin

9.____ • iyak a. nguyngoy • Hikbi hagulgol • nguyngoy hikbi • hagulgol iyak

b. hikbi c. iyak d. hagulgol nguyngoy hagulgol iyak iyak ngungoy hikbi hagulgol hikbi nguyngoy

• 10 ____ • namayani a. namayani b. nangibabaw c. naghari d. namayagpag • Nangibabaw nangibabaw


naghari namayagpag namayani • naghari naghari namayani namayani nangibabaw • Namayagpag
namayagpag namayagpag nangibabaw naghari

Panuto: Bigyang-reaksyon ang mga kaisipan o ideya na inilalahad ng talata.

Sa isang sulok ng istaked iniupo ng dalawang pulis si Tata Selo. Napasubsob si Tata Selo pagkaraang
siya’y maiupo. Ngunit nang marinig niyang muling ipininid ang pintong bakal ng istaked, humilahod na
ginapang niya ang rehas. Mahigpit na humawak doon at habang nakadapa’y ilang sandali ring iyo’y tila
huhutukin. Tinawag niya ang mga pulis ngunit paos siya at malayo na ang mga ito. Nakalabas ang kanang
kamay sa rehas, bumagsak ang kanyang mukha sa sementadong lapag. Matagal siyang nakadapa bago
niya narinig na tila may gumigising sa kanya. “Sipi mula sa Tata Selo ni Rogelio R. Sikat”

11. Makatarungan ba ang pagpapahirap na ginawa ng mga pulis kay Tata Selo? a. Oo, dahil may
kasalanan siya. b. Hindi, sapagkat sila lamang ang humusga rito at nagbigay parusa. c. Oo, sapagkat
nakagawa siya ng isang krimen at dapat niya itong pagbayaran. d. Hindi, dahil dapat idaan sa tamang
proseso ang nangyari bago nila ito parusahan.

12. Ang pagmamakaawa ng anak na dalaga ni Tata Selo sa mga pulis. Ano ang inyong gagawin? a.
Sasabihin ko sa pulis na ilabas siya sa loob ng piitan dahil wala siyang kasalanan. b. Sasama ako sa kanya
sa loob sapagkat hindi ko nanaisin na siya ay makulong mag-isa. c. Hahayaang hustisya na lamang ang
magdesisyon para sa aking ama at susundin ang kaparusahan na ibibigay rito. d. Magmamakaawa ako sa
mga pulis at sasabihing matanda na ang aking ama at baka pwede na hayaan na lamang siyang “i house
arrest.”

Panuto: Piliin ang angkop na pandiwa na na dapat gamitin sa pangungusap o pahayag bilang aksiyon.
13. Habang sina Lucio ay naglalaro ng bola sa labas ng bahay ay biglang may dumaan na isang motor.
Nabigla si Lucio sa pangyayari kaya siya ay tumakbong umiiyak. a. nabigla b. dumaan c. tumakbong
umiiyak d. naglalaro ng bola

14. Tinawanan ni Enrico ang pagkadapa ng kanyang kapatid sapagkat sumubsob ang mukha nito sa
putikan na kanilang dinaanan. a. tinawanan c. sumubsob b. pagkadapa d. dinaanan

Panuto: Piliin ang angkop na pandiwa na dapat gamitin sa pangungusap o pahayag bilang karanasan.

15. Napaibig ni Eleonor si Errol dahil masarap daw itong tumawa pero tumatawa lamang ito sa kuwento
ni Basya. a. napaibig b. tumawa c. nagkuwento d. tumatawa

16. Napapansin na ng Sambayanang Pilipino ang pagbabago sa bansa sapagkat kumikilos na ang mga
tauhang itinalaga ng ating Pangulong Duterte. a. kumikilos b. napapansin c. pagbabago d. itinalaga

Panuto: Piliin ang angkop na pandiwa na dapat gamitin sa pangungusap o pahayag bilang pangyayari.

17. Sa sobrang galit ni Frollo kay Esmeralda kumukulo ang dugo nito kapag kanyang nakikita kaya’t
umiiwas siya rito. a. galit b. kumukulo c. umiiwas d. nakikita

18. Naligo ang mga kabataan sa ilog malapit sa kanilang bahay ngunit sa hindi inaasahang pangyayari
nalunod ang isa sa kanila kaya sila ay humahagulgol na umuwi ng bahay. a. naligo b. umuwi c. nalunod d.
inaasahan

Panuto: Itala at piliin ang salitang katulad at kaugnay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa
pangungusap.

19. Talagang wala nang dapat gawin kundi sumalagmak sa munting gusgusing sopa at magpalahaw. Alin
sa mga sumusunod na mga salita ang katulad ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. humiga

b. napalugmok c. napaupo
d. bumagsak

20. Sa pagsugpo nang labis na kahirapan, kailangang bigyang priyoridad ang mahabang panahong
pagpapaunlad. Ang mahabang panahong pagpapaunlad ay lilikha ng mga hanapbuhay para sa
kasalukuyan at sa darating pang henerasyon. Batay sa binasa, alin sa mga sumusunod ang hindi
kasingkahulugan ng salitang kahirapan? a. pagkadukha b. pagkagipit c. paghihikahos d. pamumulubi

21. Idinaiti niya ang mga yaon sa kaniyang dibdib, at sa wakas ay naitaas niya ang kaniyang paninging
hilam sa luha. Alin sa mga sumusunod na mga salita ang katulad ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?

a. puno b. tangis c. malakas

d. umaagos

22. Iniisip niyang umaalembong ang kaniyang asawa kung kaya’t ito’y nagpagupit. Alin sa mga
sumusunod na mga salita ang katulad ang kahulugan ng salitang may salungguhit? a. nagbabago

b. lumalandi

c. nag-iinarte

d. nagpapaganda

Panuto: Bigyang-reaksiyon ang pagiging makatotohanan/di-makatotohanan ng mga pangyayari sa


maikling kuwento.

“Hindi ba ninyo maipahahatid sa amin ang aking binili? Ako ba ang inaasahan ninyong magbibitbit niyan?
Isipin na lamang ninyo ang magiging ayos ko na may bitbit na bayong!” ang namumula sa galit na sabi ng
binata.

-Ang Tunay na Dakila


23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI makapagpapaliwag sa pagiging makatotohanan ng akda?

a. May mga taong masyadong mataas ang pagtingin sa sarili b. Ang tao ay nasisiyahan na makita ang iba
na nahihirapan. c. Kahiya-hiya para sa mga tao ang pagbibitbit ng bayong. d. Hindi pantay ang estado ng
ating lipunan

“Marami pa sa ating mga Pilipino ang hindi nagpapaka- Pilipino. Ang kanilang gawa, diwa at simulain ay
naglalarawan pa rin ng pagkaalipin, na wari bang nasisiyahan na sila sa ganong kalagayan.”

24. Alin sa mga sumusunod ang makapagpapaliwanag sa pagkamakatotohanan ng akda? a. Marami ang
hindi masaya sa pagiging isang Pilipino. b. Nagnanais na maging dayuhan ang maraming Pilipino. c.
Marami ang hindi kayang manindigan na sila ay Pilipino. d. Alipin pa rin ng impluwensya ng mga
dayuhan ang maraming Pilipino.

Lope K. Santos (1)May angking pagmamahal sa wikang pambansa at mga gawaing pampahayagan,
naging tagapatnugot o tagapangasiwa siya ng labintatlong iba’t ibang pahayagan. (2) Noon pa mang
taong 1905, nang kasalukuyang abalang-abala sa pag-aaral ng wikang Ingles ang mga mamamayang
Pilipino, si Mang Openg naman, iyang ang tawag sa kanya ng kanyang mga kaibigan, ay buong tiyaga
nang nanaliksik, nag-aaral at bumuo ng isang gramatikang Tagalog. (3) Baha-bahagi rin niyang
ipinalathala ang mga ito sa mga pahayagan, Salamat na lamang sa gamitong pagpupunyagi at nang
ipahyahag ng Pangulong Manuel L. Quezon noong taong 1937 na ang Tagalog ang saligan ng wikang
pambansa, agad may naiharap na isang gramatikang aklat na maingat na naisaayos sa loob ng humigit-
kumulang sa tatlumpu’t limang taon. (4) Sa pagsisikap niya ay umunlad ang palatuntunan ng
pamahalaan tungkol sa wikang pambansa. (5) Itinaguyod niya ang kinabukasan ng ating wikang
pambansa (6) Ito si Ginoong Lope K. Santos- isinilang na dukha at namatay ring dukha. (7) Hindi niya
ginamit ang kaniyang katalinuhan sa pagpapayaman;(8) hindi niya sinamantala ang mga katungkulang
hinawakan sa pagkakamit ng limpak-limpak na salapi. (9) Ang kaniyang walang sawang pagtataguyod
ang maipampapatunay niya sa pagmamahal sa wikang pambansa.

______ 25. Matapos basahin ang akda, aling pangungusap ang nasa pokus tagaganap? a. 1 b. 2 c. 5 d. 6

______ 26. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng pandiwa na nasa pokus sa layon? a. 2 b. 3 c. 4
d. 5
Panuto: Suriin ang pokus ng pandiwa: ganapan at sanhi sa binasang kuwento. 1. Ikinaputol ng kawing ng
mga gunitang iyon ni Mang Lope ang paghawak ni Aling Nena sa kaniyang balikat upang tanungin kung
hindi siya mangingitid nang gabing iyon. 2. Nagsisilbing pangitiran ni Mang Lope ang malawak na
karagatang biyaya ng Diyos sa kanilang pamilya subalit hindi ito ang biyayang nais ni Mang Lope para sa
kaniyang anak na si Nilo. 3. Gayunpaman, ang pag-uusap ng mag-asawa ay ikinabalik ng dating saya at
pagmamahal sa pagitan ng mag-asawa at ng kanilang anak. 4. Ang kanilang pamilya ay namuhay ng
matiwasay at Masaya. (mula sa “May Daigdig sa Karagatan” ni Clemente M. Bautista)

27.Ikinaputol ng kawing ng mga gunitang iyon ni Mang Lope ang paghawak ni Aling Nena sa kaniyang
balikat upang tanungin kung hindi siya mangingitid nang gabing iyon. Batay sa pangyayaring inilahad,
ang pangngusap ay nagpapakilala ng pokus sa_______. a. ganapan

b. layon

c. kagamitan

d. sanhi

28.Batay sa binasang teksto, aling bilang ng pangungusap ang gumamit ng pokus ng pandiwa na
ganapan? a. pangungusap 1 b. pangungusap 2 c. pangungusap 3 d. pangungusap 4

29.Sa huling pahayag sa talata, malinaw ang konsepto na mahalaga ang pag-uusap upang maibalik ang
dating sigla sa ugnayan ng pamilya. Aling salita ang nagsilbing dahilan ng kilos o aksiyon sa
pangungusap? a. pahayag

b. malinaw

c.maibalik

d. pag-uusap

30. Batay sa binasang teksto, aling bilang ng pangungusap ang gumamit ng pokus ng pandiwa na sanhi?
a. b. c. d.
pangungusap 1 pangungusap 2 pangungusap 3 pangungusap 4

Panuto: Suriin ang nobela batay sa pananaw/teoryang pampanitikan na angkop dito.

“Nasa loob ng istaked si Tata Selo. Mahigpit na nakahawak sa rehas. May nakaalsang putok sa noo.
Nakasungaw ang luha sa malabo at tila lagi nang may inaaninaw na mata. Kupas ang gris niyang suot,
may mga tagpi na ang siko at paypay” -Tata Selo

31. Ang teoryang sosyolohikal ay may paksang nagbibigay ng kaapihang dinanas ng tauhan sa kwento.
ang akda rin ay nagiging salamin sa mga tunay na nangyayari sa lipunan. Batay sa pahayag sa itaas, ang
pinakaangkop na sitwayon sitwasyon ang kaugnay rito ay ang______. a. pagbawi sa lupang sinasaka ni
Tata Selo b. pagtaga ni Tata Selo sa may-ari ng sakahan c. pandaraya sa kanya ng may-ari ng sakahan d.
pagkakulong ni Tata Selo dahil sa pagtatanggol sa kanyang karapatan

Gayunman, sa sumunod na sandali, muling sinakmal ng matinding pangamba si Sisa. Nang


makasalubong niya ang dalawang sibil. Pilit na tinatanong siya kung saan niya diumano itinago ang
dalawang onsang ninakaw ng kanyang anak. Pilit na pinaamin din siya tungkol sa paratang ng kura. Kahit
na magmamakaawa si Sisa, hindi rin pinakinggan ang kanyang pangangatwiran. Hindi siya pinaniwalaan
ng mga sibil. At sa halip pakaladkad na sinama siya sa kuwarter. Noli Me Tangere

32. Ang pagiging malupit ng mga sibil ay sinasabing isang halimbawa ng Realismo sapagkat ito ay
maihahalintulad sa mga taong ______ a. mapagsamantala sa kahinaan ng nakakarami b. walang
pakialam sa damdamin ng kapwa sapagkat sila’y makasarili c. mahihina na hindi kayang maipagtanggol
ang kanilang sariling kapakanan d. may posisyon ngayon sa lipunan na ginagamit ang kapangyarihan
upang gawin ang nais nilang gawin

Marumi ang mundo. Maraming kasuklam-suklam na pangyayaring gawa ng tao.Natural sa tao ang
manakit ng kapwa lalo na kung ito ay mahina at walang lakas lumaban. Ito ay nagpapatunay na ang
buhay ay mabangis, karumal-dumal at walang awang kagubatan. Noli Me Tangere

• Read more on Brainly.ph https://brainly.ph/question/954343#readmore


33. Batay sa pahayag, ang teoryang pampanitikang ginamit dito ay ______. a. realismo b. naturalismo c.
humanismo d. eksistensyalismo

Marahang-marahang Manaog ka irog, at kata’y lalakad Maglulunoy katang Payapang-payapa sa tabi ng


dagat -Sa Tabi ng Dagat

34. Ang saknong na binasa ay ginamitan ng teoryang Romantisismo sapagakat____. a. pinapaksa ang
relihiyon b. pinagtutununan ng pansin ay ang katotohanan c. pinag-uukulan ng pansin ang emosyon at
damdamin d. pinag-uusapan ay ang mga rebolusyonaryong gawain

Panuto: Ibigay ang katumbas na salita ng mga sumusunod na salita mula sa akda.

35. Emiio Aguinaldo: Cavite ; Jose Rizal : _________ a. Dapitan b. Laguna c. Batangas d. Fort Santiago 36.
Cavite: _________; Nueva Ecija: bigas at sibuyas a. mais at palay b. tahong at talaba c. durian at marang
d. niyog at kopra

37. Bangus: Dagupan ; ________: Tagaytay a. dilis b. danggit c. tawilis d. talakitok 38. Luneta:
Monumento ni Rizal ; _________: Aguinaldo Shrine a. Kawit b. Tanza c. Dasmariñas d. Trece Martires

39. Rehiyon 4-A: ________; Rehiyon 4-B : MIMAROPA a. CAR b. NCR c. ARMM0 d. CALABARZON

Panuto: Gamiitin ang angkop na mga pamantayan sa pagsasaling-wika.

40. “A house divided against itself cannot stand” a. Kailangang magsama-sama ang buong pamilya b.
Magkaisa tungo sa ikatatagumpay ng anomang gawain c. Hindi makakatayo ang isang bahay kapag hindi
kompleto ang pamilya d. Lahat ng kabilang ay nararapat lamang na magkaisa at magtrabaho bilang isa
upang magtagumpay

41. “Leopard can’t change his spots” a. hindi kayang baguhin ang ugali ng tao b. hindi magbabago ang
balat ng isang tao c. mahirap nang baguhin ang kinasanayan d. mahirap nang itama ang mga maling
gawain
42. “A piece of cake” a. mabusising gawain b. matagal tapusin ang gawain c. mahirap tapusin ang gawain
d. kayang-kayang tapusin ang gawain

43. “A blessing in disguise” a. magandang pagkakataon b. magandang balitang dumating c. magandang


pangyayaring hindi inaasahan d. magandang pangyayari na hindi napuna noong umpisa

Panuto: Gamitin ang wastong mga pahayag sa pagbibigay-kahulugan sa damdaming nangingibabaw sa


akda. 44. “Binawi niya ang aking saka kaya tinaga ko siya.” Ang damdamin sa loob ng pahayag ay _____
a. pagkagalit b. pagkapoot c. pagkainis d. pagkamuhi

45. “Alam n’yo”, aniya sa malakas at nagmamalaking tinig, “ako’y may sandaang damit sa bahay.” Ang
pahayag ay nagpapakita ng damdaming______. a. pagmamalaki b. pagmamayabang c. pagkamasaya d.
pagkatuwa

Panuto: Bigyan ng kaukulang pagpapakaluhugan ang mahahalagang pahayag ng awtor/mga tauhan sa


akda.

46. “Sabihin ninyo sa kanya na ang tubig ay matabang at naiinom, ngunit nakatatalo sa alak at serbesa at
pumapatay ng apoy, na kapag pinainit ay naging dagat na malawak at minsa’y magwawasak ng
sangkatauhan at magpapayanig ng sandaigdigan” –Isagani Ang pahayag ay
nangangahulugang______________ a. Hindi kailanman matatalo ng apoy ang tubig. b. Mas mabuting
uminom ng tubig kaysa sa alak. c. Kayang gapiin ng mga Pilipino ang mga kastila kapag pinainit. d. Ang
alak ay nagiging apoy na maaaring magwasak sa sangkatauhan.

47. Ah! Nais kong mamatay, iwanan ang aking bayan ng isang dakilang pangalan, ipagtanggol siya sa mga
dayuhan” -Isagani. Ang pahayag ng tauhan ay nangangahulugang nais niyang _______ a. magapi ang
mga dayuhan b. mamatay nang lumalaban c. mag-iwan nang isang dakilang pangalan d. mamatay nang
ipinagtatanggol ang bayan

48. “Babalik tayo sa alabok, Itay, at tayo ay ipinanganak na walang baro,”- Kabesang Tales. Ang pahayag
ay nangangahulugang______________

a. Ang mga tao ay nagmula sa alabok. b. Tayo ay mamamatay nang walang pag-aari. c. Ipinanganak tayo
at nakatadhana ding mamatay. d. Tayo ay ipinanganak na pantay- pantay sa mundo.
Panuto: Ibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pahayag na ginamit sa nabasang nobela.

49. “Ang wika ay ang pag-iisip ng bayan”. Ang mga sumusunod ay pagpapakahulugan sa wika MALIBAN
sa ___________ a. sumasalamin sa isang bansa. b. simbolo ng kalayaan ng bayan. c. pagkakakilanlan ng
isang bansa. d. magdidikta sa kapalaran ng bansa.

50. “Ang Pilipinas ay tunay na lupain ng panukala”. Batay sa nabasa, ano ang pagpapakahulugan sa mga
Pilipino ng matalinghagang pahayag? a. b. c. d.

puro salita lamang. lubhang mapanuligsa. mapaghanap ng pagbabago. magaling lamang sa umpisa.

Panuto: Tukuyin ang papel na ginampanan ng mga tauhan sa akda sa pamamagitan ng: pagtunton sa
mga pangyayari, pagtukoy sa mga tunggaliang naganap, pagtiyak sa tagpuan, pagtukoy sa wakas.

51. Masakit mang makitang ikasal ang minamahal sa iba, hindi nakatiis si Isagani na pumunta sa kasal ni
Paulita at Juanito sa pagnanais na makita sa huling pagkakataon ang babaeng iniibig. Base sa pangyayari
sa pahayag, pinapakita ni Isagani na ___________ a. Walang maaaring humadlang sa isang taong
umiibig. b. Maaari pa ring masaya ang taong pinagpalit ng iniibig. c. Di bale nang masaktan masulyapan
lamang ang iniibig. d. Ang tunay na nagmamahal ay nagtitiis para sa kaligayahan ng iniibig.

52. Ipinagtapat ni Simoun kay Basilio ang kanyang planong pabagsakin ang mga Kastila sa pamamagitan
ng pagbuo ng isang kilusang lalaban sa mga ito. Hindi sang-ayon si Basilio sa plano ni Simoun. Naniniwala
siya na ang edukasyon ang susi sa pagkakaroon ng magandang ugnayan ng mga Pilipino at mga Kastila.
Ang papel na ginampanan nina Basilio at Simoun sa kanilang naging tunggalian ay ipabatid sa mga
Pilipino na____ a. kailangang labanan ang mga mananakop b. dapat pinagpaplanuhan ang bawat
hakbang na gagawin c. tayo ay may iba’t- ibang paraan sa pagtatanggol sa ating bayan d. palaging may
mga hahadlang sa ating mga pinaplanong gawin

Panuto: Gamitin ang malalim at mapanuring pag-unawa sa akda upang mapahalagahan at kalugdan ito
nang lubos.

53. “Pagkatapos na pumasok sa monasteryo si Maria Clara, untiunting nagbago ang pananaw ng Kapt.
Tiyago sa kanyang buhay. Nawala ng unti-unti ang kanyang pag-asa hanggang sa siya ay malulong sa
masamang bisyo na siyang naging sanhi upang siya ay unti-unting lumapit kay kamatayan.” Batay sa pag-
unawa sa akda, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pag-asa sa buhay? a. maglalayo sa tao sa
kamatayan. b. maglalayo sa tao sa masamang bisyo. c. makapagpapabago sa pananaw ng tao. d.
kakapitan ng tao upang magpatuloy sa buhay.

54. Si Basilio ay isang batang ulila na may pangarap na buhay. Subalit sa hirap ng buhay ay hindi niya
magawang makapag-aral. Lumuwas siya ng Maynila upang magpaalila at makapag-aral tulad ng ibang
kabataan. Namasukan siya sa bahay nina Kapitan Tiyago upang may ipangtustos. Nilalayuan siya ng
kanyang mga kamag-aral maging ng mga gurong Domiko. Sa kabila noon, ipinagpatuloy pa rin niya ang
kaniyang pag-aaral. Batay sa malalim at mapanuring pagunawa sa akda, anong karapatan ang
binibigyang-pagpapahalaga ng tauhan? a. matuto at makapag-aral. b. mabuhay ng maginhawa. c.
magkaroon ng pangarap sa buhay. d. magkaroon ng magandang kinabukasan.

55. “Ang eskwelahan ang batayan ng isang lipunan, ang eskwelahan ang librong kasusulatan ng
kinabukasan ng mga mamamayan,”sambit ni Simoun. Batay sa pagsusuri sa sinabi ng
tauhan,mauunawaang pinahahalagahan na ng mga Pilipino ang edukasyon noon pa man dahil ito
ang____ a. pinakamagandang kontribusyon ng mga Espanol. b. magiging daan para sa ikatatag at
ikasusulong ng bansa. c. magiging paraan para makatuklas ng pagbabago at imbensyon. d. magbibigay
ng kakayahang maipagtanggol ang lipi mula sa mga Espaňol.

56. “Mabuting ipaubaya ninyo sa pamahalaan ang mga bagay na iyan. Mahusay na kayong mangastila,
ano pa ang nais ninyong matutunan? Magaral silang tulad ng ginawa mo at gumawa ng tulad ko, at
huwag manangan sa pangangailangan ng guro ng akademya. SIya na gusting matuto ay matututo at
magiging marunong.” Batay sa malalim na pagsusuri sa pahayag, alin sa mga sumusunod na kaisipan ang
nais ipabatid ng tauhan patungkol sa mga magaaral? a. mahilig maki-alam sa pamahalaan ay walang pag-
unlad b. kailangan nang makuntento sa pagkatuto ng wikang kastila c. hindi na dapat maki-alam pa sa
mga usaping pampamahalaan at pagtuunan na lamang ang pag-aaral d. kinakailangan ng masusing pag-
aaral nang sa gayon ay maging karapatdapat maging bahagi ng pamahalaan

57. “Hindi, ibig kong karunungan ang taglayin noong dapat magtaglay,noong makapag-iingat sa kanya,”
sagot ni Padre Florentino. “Kapag nagpakita ang mga mag-aaral ng katibayan ng pag-ibig sa kanya,kapag
nagkaroon na ng mga binatang may pananalig,mga binatang marunong magtanggol sa kanilang
karangalan at igalang ito,ay magkakaroon ng mga gurong may paglingap.”Batay sa pagsusuri sa pahayag
ni Padre Florentino,anong pagpapahalaga tungkol sa edukasyon ang mabubuo rito? a. May mga taong
may pribilehiyong makapag-aral lamang. b. Kailangang sumailalim sa mga pagsubok ang sinumang nais
makapag-aral. c. Ang karunungan ay para sa taong naghahangad nito at buo ang determinasyon. d. Ang
kaalaman ay mailap sa taong umaasam lamang nito ngunit di buo ang loob.

Panuto: Ipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na mga salitang hudyat
sa paghahayag ng saloobin/damdamin.
Totoo ang balitang magpapakasal si Paulita kay Juanito Pelaez. Parang bulang naparang ang pag-ibig ng
dalaga sa dating kasintahang si Isagani. Sa pagiging aktibo ni Isagani sa akademya, nagdalawang-isip si
Paulitang baka madamay pa siya sa malaking problema.

58. Ano ang iyong paniniwala ukol sa ginawang hakbang ni Paulita sa binasang teksto? a. b. c. d.

Palagay ko, mahal ni Paulita si Isagani. Sa ganang akin, nabulag lamang si Paulita sa pag-ibig. Sa aking
pananaw, pabago-bago ang isip ni Paulita. Sa paniniwala ko, natakot lamang si Paulita na mapahamak.

Sinabi niyang dapat lang na matuwa sila sa tagumpay ng mga mag-aaral. Ang bayan ay mangmang at
mahina pa ngayon ngunit bukas ay iba na. Ang paglakas ay di mapipigil, sapagkat minamahal nila ang
katwiran.

59. Sa iyong pagsusuri, ano ang iyong paniniwala ukol sa pahayag? a. Sa paniniwala ko, nasa bigat ng
katwiran ang ikapapanalo. b. Sa ganang akin, kapag may katwiran di mapipigilang ipaglaban. c. Sa aking
pananaw, matutong mangatwiran sa ano mang larangan. d. Sa aking palagay, nasa kamay ng mga mag-
aaral ang lakas ng pamahalaan.

Walang kabuluhan ang kamatayan ng marami kung ang kapalit ay katahimikan at kaligtasan ng bayan,
ang matatag na paliwanag ni Simoun.

60. Sa iyong pagsusuri, ano ang iyong paniniwala ukol sa pahayag? a. Sa aking pananaw, sa buhay ng tao
kung minsan ay kailangang ang katahimikan ay kaligtasan. b. Sa ganang akin, sa buhay ng tao kung
minsan ay kailangang may mamatay upang may makinabang. c. Sa aking palagay, sa buhay ng tao kung
minsan ay kailangang ang kamatayan ay inilalaan para sa bayan. d. Sa paniniwala ko, sa buhay ng tao
kung minsan ay kailangang magsakripisyo para sa mas mabuting kalalabasan.

You might also like