You are on page 1of 28

REPUBLIKA NG PILIPINAS

KOMISYON NG LALONG MATAAS NA EDUKASYON


SAMAR COLLEGES, INC.
Lungsod Catbalogan, Samar
Kolehiyo ng Edukasyon

MODYUL 4
ng
Pagtuturo-Pagkatuto
Sa
Panitikan ng Pilipinas 407

Pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya-2
(PINAL)

Inihanda ni:

Bb. Analiza O. Ebit


Instruktor, CoEd

1|Modyul sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2


/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KOMISYON NG LALONG MATAAS NA EDUKASYON
SAMAR COLLEGES, INC.
Lungsod Catbalogan, Samar
Kolehiyo ng Edukasyon

Tagapagsalita : Analiza O. Ebit


Ispeyalisasyon : Filipino
Pamagat ng Kurso : Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya-2
Panitikang Pilipinas
Koda ng Kurso : 20133, 20134, 20135

I. Deskripsyon ng kurso

Ang kursong ito ay may katumbas na tatlong (3) yunit. Ang kursong ito ay
magtatalakay tungkol sa paggamit ng mga iba’t ibang anyo ng literatura ng
Pilipinas galing sa sarili at iba’t ibang rehiyon sa pagtuturo, produksiyon at
pagtataya (assessment) na angkop sa elementarya.

A. Paksa/Aralin

Bilang ng Kabanata Pamagat ng Paksa/Aralin


Kabanata 10: • PANAHON NG BAGONG LIPUNAN
✓ KALIGIRANG KASAYSAYAN
✓ ANG PANULAANG TAGALOG
✓ ANG AWITING FILIPINO
✓ ANG DULA SA RADYO, TELEBISYON AT
PAHAYAGAN
✓ ANG TIMPALAK-PALANCA SA PANAHON ITO

Kabanata 11: • PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA


✓ KALIGIRANG KASAYSAYAN
✓ ANG PANULAANG TAGALOG
✓ ANG AWITING FILIPINO
✓ ANG DULA SA RADYO, TELEBISYON AT
PAHAYAGAN
✓ ANG TIMPALAK-PALANCA SA PANAHON ITO

Kabanata 12: • ANG PANITIKAN SA KASALUKUYAN


✓ KALIGIRANG KASASAYAN
✓ ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN
✓ PANULAAN, AWITIN, SANAYSAY
✓ ANG MGA PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON
✓ MGA PAHAYAGAN AT IBA PANG BABASAHIN
✓ MGA MANUNULAT SA KASALUKUYAN
✓ ANG TIMPALAK-PALANCA SA PANAHONG ITO
• PANUNURING PAMPANITIKAN

2|Modyul sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2


/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
B. Layunin
➢ Natatalakay nang masaklaw ang batayang konsepto ng
kalagayan ng panitikan bawat panahon
➢ Naisa-isa at abibigyang depinisyon ang mga panunuring
pampanitikan
➢ Nakapagbibigay ng sariling hinuha tungkol sa mga piling
saknong ng mga tula at awiting Filipino
➢ Nakagagawa ng pasusuri ng isang akdang pampanitikan

II. NILALAMAN

UNANG BAHAGI
(Pinal)

KABANATA10: PANAHON NG BAGONG LIPUNAN

✓ KALIGIRANG KASAYSAYAN
✓ ANG PANULAANG TAGALOG
✓ ANG AWITING FILIPINO
✓ ANG DULA SA RADYO, TELEBISYON AT PAHAYAGAN
✓ ANG TIMPALAK-PALANCA SA PANAHONG ITO

(Erlinda M. Santiago et.al)

✓ KALIGIRANG KASAYSAYAN

Nagsimula ang panahon ng Bagong Lipunan noong ika-21 ng Setyembre, 1972.


Nagpatuloy pa rin ang Gawad Carlos Palanca sa pagbibigay patimpalak. Halos
tungkol sa ikauunlad ng bayan ang naging karaniwang paksain ng mga akda
tulad ng Luntiang Rebolusyon (Green Revolution), pagpaplano ngpamilya,
wastong pagkain (Nutrition), "drug addiction," "polusyon," at iba pa. Pinagsikapan
ng Bagong Lipunan na maputol ang malalaswang mga babasahin, gayundin
ang mga akdang nagbibigay ng masasamang impluwensya sa moral ng mga
mamamayan. Ang lahat ng mga pahayagang pampaaralan ay
pansamantalang pinahinto, at maging ang mga samahang pampaara-
Nagtatag ang pamahalaang militar ng bagong kagawaran na tinawag na
"Ministri ng Kabatirang Pangmadla" upang siyang mamahala at sumusubaybay
sa mga pahayagan, aklat, at mga iba pang babasahing panlipunan. Muling
naibalik ng dating unang Ginang Imelda Marcos sa Pagpapanibagong-buhay
ang ating mga sinaunang dula tulad ng Senakulo, Sarsuela, Embayoka ng mga
Muslim, at iba pa. Ipinatayo niya ang Cultural Center of the Philippines, Folk Arts
3|Modyul sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
Theater, at maging ang Metropolitan Theater ay muli rin niyang ipinagawa upang
mapagtanghalan ng mga dulang Pilipino.

Naging laganap din ang pag-nwit noon sa wikang Pilipino. Maging ang mga
ipinadadnla sa ibang bansa ay awiting Pilipino rin ang inaawit. Ang mga
lingguhang babasahin tulad ng Kislap, Liwayway, at iba pa ay malaki ang
naitulong sa pagpapaunlad ng Panitikan. Naging lagusan ito ng manunulat
upang mailathala ang kanilang mga akda. Tahasang masasabi na nagningning
din ang Panitikang Filipino nang panahong ito.

✓ ANG PANULAANG TAGALOG SA BAGONG LIPUNAN

Ilang buwan ang nakalipas pagkatapos idiklara ang Batas Militar, ang mga
sumusunod na "Slogan" ng Bagong Lipunan ay nabasa at narinig ng mga
mamamayan:

➢ "Sa ikauunlad ng bayan Disiplina and kailangan"


➢ "Tayo'y kumain ng gulay Upang humaba ang buhay"
➢ "Magplano ng pamilya Nang ang buhay ay lumigaya"
➢ "Ang pagsunod sa magulang Tanda ng anak na magalang"
➢ "Tayo'y magtanim Upang mabuhay" tayo'y magbigayan at huwag
magsiksikan.

Naging Paksa rin ng mga tula ang pagkakisa, Dirlktor tlaga, ng pagpaPahalaga
sa pambansang ugali, kagandahan lg kapaligiran, at iba pa. Rabilang sa rnga
nagsisulat ng tula nang panahong ito Sina Ponciano Pineda, ang
kasalukuyanng surian ng Wlkang Pambansa, Aniceto Silvestre, Jose Garcia
Relevo, Bienvenido Ramos, Vicente Dimasalang, Cir Lopez Francisco, Pelagio
Sulit Cruz,.at iba pa.

Tunghayan natin ang isa sa mga tula ni G, Ponciano Pineda.

Pilipino: Isang Depinisyon

ni Ponciano B. P. Pineda

I
Anoka? Anosiya? Anoako? Ano tayo?
Sabi nila'y Pilipino Ugat ay álangan anak-dagat ang ninunong hafid dito ng
barangay Galing doon malayo, s
a matandang kalupaan dito sila ipinadpad ng magandang kapalaran.
Naibigan itong pulo kaya't dito nangagkuta
Nanirahan, nangaglahi, nangabuhay nang sagana
May ugaling katutubo, may gobyerno at bathala

4|Modyul sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2


/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
II

May samahan at ibigan, maayos at payapa


May sariling wika Tayo raw ito
Sa ante-panahon ng kolonyalismo.
Walang abogMula sa kanluran ang dayo'y sumapit
Ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig
Siniil ang laya, kinamkam ang yaman
Barangay ay binuwag Mga tala ay sinunog

III
Abakada'y ibinawal Ipinasiyang mga mangmang
Ang Iahat ng katutubong kayumanggi
At naging alipin ang bayan kong irog Ma-iloko,
ma-bisaya, ma-kapampangan, Ito tayo
PilipinoAt sa halip, at sa halip
Pinalitang lahat-lahat

IV
Ang gobyerno, ang relihiyon, ang ugali,
ang kultura Kinastila itong dila
Itong puso'y kinastila, Edukasyon ay hulog ng langit
Mula sa kanluran ang dayo'y sumapit
Ako ay hinamak, siya ay inapi,
ikaw ay hinamig Siniil ang laya,
kinamkam ang yaman Barangay ay binuwag
Mga tala ay sinunog Abakada'y
ibinawal Ipinasiyang mga mangmang

V
Ang lahat ng katutubong kayumanggi ang kulay
At naging alipin ang bayan kong irog
Ma-iloko, ma-bisaya, ma-kapampangan, ma-tagalog Ito tayo Pilipino ...
At sa halip, at sa halip Pinalitang lahat-lahat
Ang gobyerno, ang relihiyon, ang ugali, ang kultura Kinastila itong dila Itong
puso'y kinastila.
Edukasyon ay hulog ng langit

5|Modyul sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2


/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
✓ ANG AWITING FILIPINO SA BAGONG LIPUNAN

Ganito ang ilan sa mga awit na lumitaw nang mga unang taon ng Bagong
Lipunan.

➢ BAGONG LIPUNAN
I. May Bagong silang / may bago nang buhay Bagong bansa, bagong
dangal / sa Bagong Lipunan.
II. Nagbabago ang lahat / tungo sa pag-unlad at ating itanghal / Bagong
Lipunan
III. Anggabi'y nagmaliw nang ganap/ At lumipas na ang magdamag/
Madaling araw / ay nagdiriwang/ Sa umagang daratal
IV. Ngumiti na ang Pag-asa/ Sa umagang anong ganda (ulitin ang I) Tayo'y
magtanim TL ako sayo Anak Akoy Pinoy

Mga halimbawa ng awiting Filipino sa Panahong ito

TAYO'Y MAGTANIM

Lahat ng makakain ay ating itanim


Magtanim, magtanim tayo'y magtanim
Gawing kulay luntian ang kapaligiran
Magtanim, magtanim tayo'y magtanim
(koro)

Magtanim, magtanim
Magtanim tayo upang mabuhay (2x)

Noong 1975, nagbago ang takbo ng kasaysayan ang awiting Pilipino nang ang
'TL Ako Sa Iyo" ay awitin ng pangkat Cinderella. Ang awiting ito ay naging
popular sa tawag na himig-Maynila. Binubuo ito ng ilang "balbal" na Pilipino na
may kakaibang kumpas kaya mabilis na tinanggap ng mga tao. Narito ang
awit:

TL AKO SA 'YO

Ewan ko ba kung bakit type kita/ di ka naman guwapo


Kahit malabo ang pagpili ko/
TL ako sa iyo
Panay kantyaw ng mga utol ka/
Dehing ka raw bagay sa kagandahan ang mata ko/ at na TL
(koro)
Kalye liku-liko ang isip ko/ toyo ang utak ko.
Sabi ng Iola ay humanap ng iba
May pormat mayaman,

6|Modyul sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2


/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
TL wala naman-
(ulitin ng I)

at na ----- TL — Eta Ikaw ang true love ko.

Naging tanyag din si Rico J. Puno sa pag-awit nghimig-Maynila tulad


ngkaniyang 'The Way We Were". Narito ang isang saknong ng kaniyang awit.

Alaala / nang tayoy magsweetheart pa


Namamasyal pa sa Luneta /
Nang walang pera /
So it's the laughter / we vill remember /
The way we were / Remer&r the way we were/

Sa kaligirang ito ang ilan pang mang-aawit na kompositor ay nadagdag pa.


Kabilang dito Sina Freddie Aguilar, Florante, Jose Marie Chan, at ang
magkakasamang Tito, Vie and Joey. Naging matagumpay ang "Anak" ni
Freddie Aguilar dahil sa dalang diwa at damdaming ipinahahayag ng awiting
ito. Sa katunayan ay nagkaroon pa nga ito ng salin sa Hapon at sa iba pang
wika.
Narito ang awit:
“Anak"
ni Freddie Aguilar

I
No'ng isilang ka sa mundong ito Laking tuwa ng magulang mo.
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at catay mo
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo.

II
Sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo.
At sa umaga nama'y kalong ka ng iyong amang
Tuwang-tuwa sa iyo.
Ngayon nga ay malaki ka na

III
At nais mo'y maging malaya
Di man sila payag walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo.

IV
Di mo man lang inisip na ang
7|Modyul sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
kanilang ginagawa'y para sa 'yo.
Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin.

V
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas moy naligaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong "Anak, ba't ka nagkaganyan?"

VI
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha
Nang di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't nalaman mong
ika’y nagkamali (3x)

Narito pa ang awit ni Florante na kaisa ng Bagong Lipunan sa panawagan sa


lalong makabuluhang pamamayan.

AKOY PINOY

Ako'y isang Pinoy Ba puso't diwa


Pinoy na isinilang ga ating bansa
Ako'y hindi ganay sa wikang mga banyaga
Ako'y Pinoy na mayroong sariling wika.

➢ ANG DULA SA BAGONG LIPUNAN

Nanguna sa pagpapanibagong-buhay ng ating mga sinaunang duia ang ating


naging Unang Ginang ng bansa na si Gng. Imelda Romualdez Marcos. Binuhay
niya ang sarsuela ng mga Tagalog, Sinakulo, at Embayoka ng mga Muslim na
pawang itinanghal sa ipinakumpuni niyangMetropolitanTheater at
ipinatayongFolk Arts Theater at Cultural Center of the Philippines. Marami ring
mga paaralan at samahan ang nagtanghal ng naiibang dula. Ang Mindanao
State University ay nagtanghal sa Cultural Center of the Philippines ng isang
dulang pinamagatang "Sining Karnbayoka.

Ang 'Tales of Manuvu" na isang makabago o istilong rock na operang ballet ay


nakadagdag din sa dulaang Pilipino noong 1977.

Ito'y tinampukan nina Celeste Legaspi, Leah Navarro, Haji Alejandro, Boy
Camara, Anthony Castelo, Rey Dizon, Gina Mariano, at Iba pa. Sinulat ito ni
Bienvenido Lumpera at ang koryograpi ay kay Alice Reyes. Si Imee Marcos na
anak ang ating naging Pangulo ng bansa ay isa ring artista ng dulaan sa
kaniyang pagkakaganap bilang pangunahing papel sa "Santa Juana ng Koral"
at 'The Diary of Anne Frank."
8|Modyul sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
Lolongnakapagpasigla sa dula nang panahong iyon at maging ang mga
sumusunod na samahang pandulaan.

1. PETA- nina Cecile Guidote nt Lino Brocka


2. Repertory Philippines-nina Rebecca Godines at Zenaida Amador
3. UPRepertory — ni Behn Cervantes
4. Teatro Filipino — ni Rolando Tinio

➢ ANG RADYO AT TELEBISYON

Ang radyo ay patuloy pa ring tinatangkilik nang panahong ito. Ang kaniyang
mga dugtungang dula tulad ng "Si Matar", "Dahlia", alto angPalad Ro," "Mr.
Lonely," at iba pa ay siyang naging pampalipas oras o libangang pakinggan ng
mga wala pang telebisyon. Maging ang mga awitin ay rito unang napakinggan
ng ating mga kabataaan. Subalit di maikakaila na maraming artista sa radyo na
lumipat sa telebisyon sa dahilang mas malaki ang bayad sa pagganap sa
telebisyonkaysaradyo. Ang ilan sa mga artistang ito ay sina Augusto Victa, Gene
Palomo, Mely Tagasa, Lina Pusing, Ester Chavez, Luz Fernandez, at iba pa. Ang
mga dula sa telebisyon nang panahong ito na labis na finangkilik ngmarami ay
ang Gulong ng Palad, Flor de Lúna, Anna Liza, at iba pa. Ang Superman" at
'Tarzan" ay kinagiliwan din ng mga bata nang panahong ito.

➢ ANG PELIkULANG PILIPINO

Nagkaroon ng taunang Pista ng mga Pelikulang Pilipino sa Panahong ito. Sa


tuwing may ganitong kapistahan ay pawang mga Pelikuang Pilipino lamang ang
ipinalalabas sa mga sinehan sa Manila. Ginagawaran ng gantimpala at
pagkilala ang nagwaVaging rnga pelikula at artista.

▪ MGA HALIMBAWA NG MGA PELIKULA SA PANAHONG ITO

MayniIa .... Sa mga Kuko ng Liwanag"—- sinulat ni Edgardo Reyes.


Isinapelikula sa direksiyon ni Lino Brocka at sa pangunguna ni Bembol Roco.

"Minsa'y Isang Gamu-gamo"— ang pangunahing bituin (lito ay si Nora


Aunor. "Ganito Kami Noon .... Paano Kayo Ngayon" — pina•ngunahan nina
Christopher de Leon at Gloria Diaz. "Insiang" — pinangunahan ni Hilda
Coronel.

9|Modyul sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2


/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
"Aguila"— pinangunahan nina Fernando Poe Jr, Jay Ilagan, at Christopher
de Leon. Ngunit hindi pa rin napahindian nang panahong ito ang mga
pelikulang nahihinggil sa sex na kinagigiliwan ng mga tao. Mula sa mga
inangkat na pelikula sa ibang bansa na natutungkol dito at maging ang
ibang pelikulang Pilipino ay ito ang naging kasangkapan ng mga
prodyuser sa pagkita ng salapi mula sa takilya.

✓ ANG MGA PAHAYAGAN KOMIKS, MAGASN, AT IBA _PANG BABASAHIN

Sa panahong ito ng Bagong Lipunan, nagbihis ng panibagong anyo ang


nilalaman ng mga pahayagan. Ang mga balitang dati'y naglalahad ng
karahasan tulad ng patayan, nakawan, panggagahasa, at iba pa ay napalitan
ng mga balitang pangkaunlaran, pang ekonomiko, disipllina, pangkultura,
turismo, at iba pa. Narito ang mga sumusunod na pahayagan:

1. Bulletin Today
2. Times Journal
3. 'People's Journal
4. Balita
5. Pilipino Express
6. Phil. Daily Express
7. Evening Express
8. Evening Post

Sadyang nakahiligan nang basahin ng mga mamamayang Pil- ipino ang


magasing Liwayway simula pa noong 1922. Bukod sa Liwayway, ang ilan pang
magasing mababasa nang panahong ito ay ang mga sumusunod:

1. Kislap

2. Bulaklak

3. Extra Hot

4. Jingle Sensation

Bukod sa mga magasin, para namang mga kabuteng nagsisulpot ang


mga komiks na siyang kinagiliwang basahin ng marami. Kabilang dito ang mga
sumusunod:

1. Pilipino

2. Extra

3. Love Life

10 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
4. Hiwaga

5. Klasik

6. Espesyal

KABANATA 11: PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

✓ KALIGIRANG KASAYSAYAN
✓ ANG PANULAANG TAGALOG
✓ ANG AWITING FILIPINO
✓ ANG DULA SA RADYO, TELEBISYON AT PAHAYAGAN
✓ ANG TIMPALAK-PALANCA SA PANAHON ITO
(Erlinda M. Santiago et.al)

PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

✓ KALIGIRANG KASAYSAYAN
Makaraan ang sampung taong pagkakasailalim ng Pilipinas sa Batas
Militar at sa tinamasang bahagyang pagbabago sa kalakarang buhay
ng mga Pilipino na nagsimula sa panahon ng Bagong Lipunan, muling
inalis ang bansa sa ilalim ng nasabing batas noong ika-2 ng Enero, 1981.
Ang pagkakaalis ng bansa sa ilalim ng Batas Militar ay isang
pagbabago sa tingin ng mga naglilingkod sa pamahalaan. Sa
kanilang pananaw, ang Pilipinas noon ay isa na namang bagong
bansa, kaya't ito'y tinawag ng dating Pangulong Marcos na "Ang
Bagong Republikang Pilipinas."

Isa namang mananalaysay ang nagsabi na ito ang panahon ng


Republika, Ang unang republikang kaniyang isinasaalangdang ay ang
Republikang Pilipinas sa panahon ni Emilio Aguinaldo; ang ikalawa ay
ang paglaya natin sa ilalim ng pamahalaang Amerikano; at itong
ikatlo, dahil muli na naman daw naging malaya ang bansa dahil sa
pagkakaalis nito sa ilalim ng Batas Militar. Ngunit nang panahong ito,
di-mapasusubaliang maraming mamamayan ang tumututol at
nagpupuyog ang kalooban dahfl sa Patuloy na paghihirap ng ban sa
at di-pagdama sa tunay na kalayaan, Lalo pang nag-alab ang
ganitong damdamin nang patayin noong Agosto
to 21, 1983 ang dating Senador ng bansa na si Benigno Aquino. ang
idolo ng masang Pilipino na matagal na nilang mithing maging
pangulo ng bansa.

11 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
Sa pagpapatuloy ng ganitong kalagayan nang panahong ito, masasabing
malaki ang naging pagbabago sa ating panitikan. Maraming mga manunulat
ang nangagsisulat ng mga -paksang nadarama sa buhay tulad ng pakikisama,
paggawa, pagdadalamhati, kahirapan, pulitika, at imperyalismo. Masasabing
maningning pa rin ang Panitikang Filipino nang panahong ito.

✓ ANG PANULAANG TAGALOG SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

Sa pagpapatuloy ng ganitong kalagayan nang Minahong ito, masasabing


malaki ang naging pagbabago sa ating panitikan. Maraming mga manunulat
ang nangagsisulat ng mga paksang nadarama sa buhay tulad ng pakikisama,
paggawa, pagdadalamhati, kahirapan, pulitika, at imperyalismo. Ang mga tula
sa panahon ng ikatlong Republika ay may pagkaromantiko atrebolusyonaryo.
Lantaran kungito'y tumuligsa sa mga nagaganap noon sa atingpamahalaan.
Ang hinaingngmga mamamayan ay nakatambad sa wikang maapoy,
marahas, makulay, at tila mapagtungayaw. Tunghayan natin ang ilan sa mga
tula nang panahong ito:

“Uod’’

ni Rodolfo S. Salandanan

Isangsubongkaninsa lipaking palad,

Ang tinititigan ng matang malungkot,


'Sang kimis na awa na magiging lunas
Sa nanghapding tiyan sa pamamaluktot. ... nahan, O, Bathala ... ang iyong
kalinga!
'Sang yayat na pisngi ang dinadaluyan

N namuong luhang hindi


Mga labing mamad at tiim na bagang
Ang nagihimagsik sa pagdaralita;
O, nahan ang tunay Na batag ng buhay!
Isang pinggang tigib at saganang hapag

Ang buong ganang pinagsasaluhan,


Ng mga nilikhang kung Baan nabuhay
At saan nanggaling ay hindi malaman
O, Bayan kong sinta ,Ikaw ba’y akin pa?

“PILIPINAS, SAWI KONG BAYAN”


ni Francisco So Rodrigo

12 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
Pilipinas, sawi kong Bayan
Naging bihag ka ng dayuhan;
Kay-tagal mong nakipaglaban
Upang ang laya ay makamtan.
Alay mo ay dugo at luha

Sa altar ng iyong paglaya;


Nataboy ang mga banyaga,
At ngalan mo ay naging dakila.
Ngunit ngayon, O Bayan kong kulang palad,
Anak mong sarili ang sa iyo'y bumihag;

Ginapos ka, tinakot ka at hinamak,


Sa lupa mong sarili, dangal mo't laya ay umiiyak.
Bayan, kumilos ka! Ang kalayaan ay ipaglaban!
O Pilipinas, dahil sa iyo, kami'y laban hanggang kamatayan

— Malaya: Editoryal / Opinion (January 3, 1986)

✓ ANG AWITNG FLIPINO SA PANAHON NG REPUBLIKA

Mga paksang madarama sa buhay ang nilalaman ng mga awiting Filipino nang
panahong ito. Ang kalungkutan o pagdadalamhati, kahirapan, paghahangad
ng tun ay na kalayaan, pag-ibig sa Diyos, sa bayan, at sa kapwa, ay ang mga
damdamin ng mga awit. Maraming kompositor ang nalungkot nang paslangin si
Ninoy Aquino, Jr. noong Agosto 21,1983€ Kabilang na rito Sina Coritha, Eric,
Freddie Aguilars at Sina Coritha at Eric ay bumuo ng isang awiting pinamagatang
"Laban Na" at unang inawit ito ni Coritha sa isinagawang NationalUnification
Conference ng Oposisyon noongMarso, 1985. Inawit din ito sa idinaos na
"Presidential Campaign Movement for Cory Aquino" upang magbigay
inspirasyon sa kampanya sa pagpapabagsak sa Marcos Movement noong
Pebrero 5, 1986. Narito ang awit: (ni Coritha at Erie)

➢ Mulingbinuhay naman ni Freddie Aguilar ang awiting "Bayan ko na sinulat


naman nina Jose Corazon de Jesus C. de Guzman noong panahonn
Amerikano. samadamdaming nilalaman at pagiging popular nito,
iminumungkahing tunghayan o panoorin na ang awit sa link na makikita sa
ibaba ng pamagat ng kanta

BAYAN KO PILIPINO
ni Freddie Aguilar

https://youtube.com/watch?v=n3tdVqGxspk&feature=share

13 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
✓ ANG PELIKULANG FLIPINO SA PANABON NG IKATLONG REPUBLIKA

Nagpatuloy pa rin ang pagdiriwang ng taunang Pista ng mg Pelikulang Filipino


nang panahong ito. Lalong di napigfl ang pagkagiliw ng mga tao sa mga
pelikulang nahihinggil sa sex. Kaya naman sinamantala ng mga ganitong uri
kahitna ito'y nakapagpapababa sa moralidad ng mga Pilipino.

✓ ANG MGA PAHAYAGAN, MAGASIN, AT IBA PANG BABASAHN

Tila pulitikang biglang nahati sa dalawang partido ang mga pahayagan nang
panahon ng ikatlong Republika. May mga pahayagang binansagang mga
"crony newspapers" ng marami nating mga kababayan dahil sa mga di-
makatotohanang pahayag na Caliwas sa mga tunay na nagaganap sa ating
kapaligiran. Kabilang sa mga ito ay ang

1.Bulletin Today

2. Peoples Journal,

3. at Peoples Tonight.

➢ Ang mga pahayagang tinangkilik naman ng marami at pinaniniwalaang


nagpapahayag ng mga totoong pang'ayari ay ang

1.Forum,

2. Daily Inquirer,

3. Manila Cimes,

4. at Malaya.

➢ Patuloy pa ring tinangkilik ng maraming kabataang Pilipino mga komiks at


magasin tulad ng mga sumusunod:

1.Kiislap,

2. Modern Magasin,

3. bulaklak,

4. Liwayway,

5. Jingle Sensation,

6.Lovelife,

7. Extra,

8. Aliwan,Hiwaga,
14 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
9.Holiday, at marami pang iba.

✓ ANG TIMPALAK-PALANCA SA PANAHON NG IKATLONG REPUBLIKA

Ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature,


pinakaprestihiyosonggawad pampanitikan ng bansa ay nagpatuloy pa rin sa
pagbibigay -gantimpala taun-taon sa larangan ng pagsulät ng
pinakamahusay na tula, maikling kuwento, sanaysay, at iisahin o dula. Ang
mga nagkamit ng unang gantimpala sa mga larangang nabanggit simula
noong 1981 hanggang 1985 ay ang mga sumusunod:

"Taga Sa Bato"— isang matalinghagang tulang isinulat ni Romulo A


Sandoval na gumamit ng sagisag na 'Victor Buenviaje"
Odyssey Ng Siglo"_ isang madamdaming tula ni Cresenciano C.
Marquez, Jr. na ikinubli ang tunay na pangalan sa sagisag na "Eva A
Dan.
" Sa Panahon Ng Ligalig"1983 — ni Jose F. Lacaba na gumamit ng
sagisag na "Bernardo Makiling." "

Bakasyunista1984" — ni Tomas F. Agulto na kumubli sa sagisagag na


"Sarhento J. de la Cruz."

"Punta Blangko1985"—— ni Mike L. Bigornia, sa sagisag na natiaraya


Negra" Mailing Kwento Di MO Masilip Ang Langit" 1981 ni BenJamin p.
Pascual sagisag na "Radamen"

Tatlong Kuwento Ng Buhay 1982 -ni Julian Candelabra" isinulat Lualhati


Bautista de la Cruz, sa gagisag na "Joy Marela)

"Pinagdugtung-dugtong Na Ilininga -Mula Sa tang Pinagpiyestahan ng


mga Bangaw"akda ni Agapito M. Luna nagtago sa sagisag na "Peping
de la Cruz."

"Sa Kaduwagan Ng Pilikmata"— Fidel D. Rillo, Jr sagisag na "Virginia


Rivera"

"Unang Binyag"-— ni Ernie Yang sa sagisag na «Home? Sanaysay 1981


— "Sa Sariling Panunuring Pampanitikan; mga hamonat Panangutan"_
sinulat ni Pedro L. Ricarte, na gumamit ng sagisagna "Priscilla R. Moreno."
1982.

15 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
Liham Sa Baul Ng Manunulat"— ni Fanny Garcia, sa sagisag na "Simone."
— KontemporaryongNobelang Tagalog"— ni Rosario Torres Yu, sa
sagisag na "J. de la Cruz"

"Mga Tinik Sa Dambuhalang Bato" — ni Lilia Q. Santiago sa sagisag na


"Abante Altamonte."

Walang nagkamit ng unang gantimpla sa larangan ng ganaysay noong


taong ito. Subalit isang espesyal na gantimpala ang natanggap ni Fidel Rillo, Jr.
sa kaniyang sanaysay na nasusulat sa Tagalog at may pamagat sa Ingles na
"Now For The Fun of the Flowing Gutter." Ang sagisag sa panulat na ginamit dito
ng mayakda ay "Don Miguel del Vino." Ang mga sumusunod ay sipi ng mga
maikling noong kuwento 1981nanagkamit ng unang gantimpala sa Timpalak-
Palanca 1985.

▪ Dl MO MASILIP ANG LANGIT ni Ramaden (Benjamin Pascual)


▪ SA KADUWAGAN NG PILIKMATA Virginia Rivera Fidel D. Rollo Jr.
▪ Unang vintage ni Homer (Ernie Yang)

✓ ANG DULA SA PANAHONG ITO

Salarangan ng dula, tanging ang unang gantimpala noong 1983 lamang


ang nasaliksik ng mga naghanda ng aklat na ito. Ang dula ay ang "Huling Gabi
sa Maragondon" ni Reanto O. Villanueva na gumamit naman ng sagisag na
Andres Magdale.

➢ ANG NOBELA SA PANAHONG ITO

Noong 1984, muling nagsimula ang Timpalak-Palanca sa pagpili


ngpinakamahusay na nobela. Angpagpili sa larangang ito ay isasagawa lamang
tuwing ikatlong taon nang gayo'y mabigyan na mahabang panahon ang ating
mga manunulat na makagawa nghigit na maganda at may mataas na uring
akda. Kaya't ang susunod na pagpili nila sa pinakamahusay na nobela ay sa
taong 1987. Ang La Tondefia, Inc. ay siya pa ring patuloy na tagapagtaguyod ng
Timpalak-Palanca.

KABANATA12: ANG PANITIKAN SA KASALUKUYAN

(Erlinda M. Santiago et.al)

✓ KALIGIRANG KASASAYAN
✓ ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN
16 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
✓ PANULAAN, AWITIN, SANAYSAY
✓ ANG MGA PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON
✓ MGA PAHAYAGAN AT IBA PANG BABASAHIN
✓ MGA MANUNULAT SA KASALUKUTYAN
✓ ANG TIMPALAK-PALANCA SA PANAHONG ITO
✓ PANUNURING PAMPANITIKAN

ANG PANITIKAN SA KASALUKUYA

KALIGIRANG KASAYSAYAN

Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na


nawala rin ng may labing-apat na taon. Sa loob ng apat na araw, mula noong
ika-21 ng Pebrero hanggang ika-25 nito ay namayani ang tinatawag na
UPeople's Power" o "Lakas ng Bayan."

➢ Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nagakgihan ng


mga mamamayan na tunay na tatak-Pilipino. Sa apat na
makasaysayang araw ay naroon ang magkahawak-kamay at balikat-
balikat na barikada, higaan sa kalye, pagsalubong ng rnga ngiti,
pagmamakaawa, pagsasabit ng mga bulaklak sa mga taong nasa
tangke na lulusob sana sa pinararatangang dalawang grebelde Enrile
Ramos" pagkat sumama na sa pangkat ng Pangulong Aquino.
➢ Muling naipamalas ng mga mamamayang Pilipino ang Samahang
Bayanihan tulad ng pagbabahagi ng pagkain at inumin, ang
pagbibigay-lunas sa mga nahihilo, ang pakikiisa ng mga tao upang
bumuo ng pulu-pulutong sa EDSA na papalit-palit sa mga grupong
naglalamay, at ang pagtatrapik ng mga sasakyan sa may Ortigas
Avenue rig mga seminarista at ng iba pa. Lumabas ang ganda ng pag-
uugaling Pilipino.
➢ Muling nasilayan ang pagtutulungan, pagmamglasakitan, pagkakaisa,
pagbibigayan, pagkamatiisin, pagiging makaibigan, pananalig sa
Panginoon o Dakilang Lumikha, pagmamahal sa bayan, pagsunod sa
batas, pag-unawa sa kapwa, at marami pang iba na iisa ang tibok ng

✓ ANG PANITIKAN SA KASALUKUYAN

Puso, iisa ang pulso, walang rehiyon, walang relihiyon, marunong man o
mangmang, mayaman man o mahirap. Sa panahong ito ayisinilang ang bagong
uring PILIPINO...ang Pilipinong marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at
marunong magmahal sa sariling bansa hindi lamang sa salita kundi sa tunay na
gawa. Atpara sa mga mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na
bagong Republika — "Ang Tunay na Bagong Republikang Pilipi- nas.

✓ ANG KALAGAYAN NG PANITIKAN SA PANAHONG ITO


17 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
Bagama't iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na Republikang
Pilipinas ay may mababakas nang pagbabago sa ating panitikan. At ang mga
pagbabagong ito ay madarama na sa ilangmga tula, awiting Pilipino, sa mga
pahayagan, sa mga sanaysay at talumpati, at maging sa mga programa sa
telebisiyon.

✓ ANG PANULAANG PILIPINO SA KASALUKUYAN

Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang


kakimiang pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata, ang
kanilang mga tuwirang pagpuri sa mga nanunungkulang naka{agawa ng
kabutihan sa bayan at panunuligsa naman sa mga tiwali ing gawa.
Tunghayan natin ang ilang halimbawa ng ating mga tula a kasalukuyan.

❖ GITING NG BAYAN ni Francisco soc. Rodrigo


❖ HIMALA NI BATHALA LUMAYA ANG MEDIA hango sa Taliban
abril16,1986)
❖ BAWASAN ANG AMORTISASYON Taliba May 12, 1986
❖ ALAMBENG MAY TINIK BOMBAG TUBIG AT USOK NA MALUPIT Remi
Alvarez Alva
✓ ANG AWITING PLIPINO SA KASALUKUYAN

Narito ang ilan sa mga awiting Pilipino na naririnig natin ngayon, at habang
inaawit ang mga ito sa telebisyon, ipinakikitâ naman ang mga makasaysayang
tagpong naganap sa sambayanang Pilipino na hinangaan ng sandaigdigan.
Ang mga awiting ito ay kasamang inialbum sa pamagat na:

• "Handog Ng Pilipino Sa Mundo.


• " MAGKAISA Tito Sotto, Homer Flores E. dela Peña
• HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO (Jim Paredes)

✓ ANG SANAYSAY SA PANAHONG ITO

Maging sa mga sanaysay, damang-dama ang labis na katuwaan ng mga


Pilipino sa nakamit na bagong kalayaan. Tunghayan natin ang nilalaman ng ilan
sa mga sanaysay na narito.

PAG-IBIG LABAN SA TANGKE ni Teresita Sayo


BUKAS NA LIHAM ni Jocelyn M. David SUSI SA GANAP NA KALAYAAN
Manuel T. Salva Cruz Dikta ng Dayuhan ni Romulo Alenio Caralipio

✓ ANG MGA PROGRAMA SA RADYO AT TELEBISYON

18 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayagna ngmga tunay na niloloob
nang walang takot o pangamba ang mga tagapagsalita sa radyo at mga
lumalabas sa telebisyon.

Ang DZRH na isang istasyon ng radyo rito sa ating bansa ay kasalukuyang


tumataguyod sa isang programang “kabayan" na ang mga tao'y nabibigyan ng
kalayaang magsalita at magbigay ngkanikanilang opinyon o kurukuro!
Gayundin ang "People Power" na isa ring pagsasadula sa nakaraang apat na
araw na matahimik na rebolusyong naganap sa ating bansa. May ilan sa mga
dulang katat,wanang ipinalalabas sa telebisyon ang nagsasadula ng mga
nakaraan at kasalukuyang pang,rayari sa atingbansa. Kabilang sa mga ito ang
Chicks to Chicks, Eh, Kasi Babae, Sa Baryo Balimbing, at marami pang iba.

✓ ANG MGA PAHAYAGAN AT IBA PANG BABASAHIN

Maraming bagong pahayagan ang nagsulputan sa panahong ito. Kabilang ang

1.Midday Malaya,
2.Daily Inquirer,
3.Masa,
4.Daily Mirror,
5.Veritas,
6.Pilipino Ngayon, at iba pa.

Tungkol naman sa mga komiks, magasin, wala pa ring pagbabago sa


dami ng bilang ng mga ito subalit sa nilalaman, lalo na sa mga kuwentong Capos
ay mababasa na ang mga kuwentong may kaugnayan sa nakaraang
matahimik na rebolusyon.

✓ ANG MGA MANUNULAT SA KASALUKUYAN

Halos di na mabilang sa dami ang mga dati at baguhang manunulat na


nakapag-aambag ng malaki sa Panitikang Filipino sa Panahong ito. Maibibilang
sa ating mga kasalukuyang manunulat

Sina Ponciano Pineda, ang kasalukuyang Direktor ng Surian ng Wikang


Pambansa,
Isagani Cruz, Edgardo Reyes, Domingo LandiCho,
Ruth Mabanglo,
Lydia Gonzales, at marami pang iba. Ngunit isa sa ating rnga dakilang
manunulat ang kamakailan: lamang namatay.

Siya'y si Narciso del Rosario dating poetry columnist ng Balita na


namatay noong ika-31 ng Marso 1986 sa sakit sa puso, Ba gulang na 61.

MAIKLING TALAMBUIIAY ni Narciso del Rosario

19 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
(Ka Siso) Si Siso ny nagsimula sa larangan ng panulat, noong 1939 gumamitng
pen name on "Kabesang Siso" sa kanynng column na"Sa Labas ng Bakod." Ang
pen name na "Sisong Kantanod" ay una niyang ginamit, pahayagang "Bagong
Buhay." Bukod sa column na "Sundot Kalikot," si Ka Siso ay nakilala rin bilang isang
makabayang opinion writer sa kanyang column na "Alahoy! sa pahayagang
TALIBA. Si Ka Siso hanggang sa kanyangkamatayan ay isang radio commentator
sa DZBB. Dahil sa kanyang makabayang nanulat, si Ka Siso ay tumanggap ng
ilang awards at pagkilala, una noong 1963• nang tanggapin niya ang NPC
Journalism Award buhat sa ESSO. Dalawang beses siyang tumanggap ng
Catholic Mass Media Award, ang una ay noong 1983 at ang ikalawa ay nitong
March 1986, isang linggo bago siya namatay.

ANG TIMPALAK-PALANCA SA KASALUKUYAN

Ang taunang pagbibigay gantimpala ng Timpalak- Palanca sa mga


pinakamahuhusay na akda sa larangan ng dula, tula, maikling kuwento, at
sanaysay ay patuloy pa rin, At ang pagbibigay-gawad para sa taong ito ay
ginanap sa Manila Peninsula Hotel noong Setyembre 4, 1986 saharap ng ating
kagalang-galang na Pangulong Corazon Aquino bilang panauhing
tagapagsalita. Ang interes ng Pangulong Aquino na lalong mapag-ibayo ang
pagtangkilik sa panitikan at kultura ng ating lahi ay kaniyang binanggit sa
kaniyang talumpati.

Higit na mataas ang halagang iginawad sa mga nagsipagwagi ngayon kaysa


noong mga nakaraang taon. At ang mga nagwagi sa iba't ibang larangan ay
ang mga sumusunod:

❖ Dula (lisahing Yugto)

Unang Gantimpala — "Bayan Mo" _ sinulat ni Bienvenido Noriega, Jr., na


nakatanggap ng P12,000.00.

Pangalawang Gantimpala — "Ang Mga Tatoo" Resurreccion akda ni Reynaldo


Duque na nakatanggap ng P7,000.00.

❖ Tula

Unang Gantimpala — "Panahon ng Pagpuksa "Pakikidigma" — ni Teodoro T.


Antonio

❖ Maikling Kuwento

Unang Gantimpala — "Ang Damo sa Fort Bonifacio" ni Cyrus Borja Sanaysay

Unang Gantimpala— "Si Edgardo Reyes" — ni Rogelio Mangahas

20 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
PANUNURING PAMPANITIKAN

Isa sa napakahalagang bagay na dapat ring matutuhan ng ating mga mag-


aaral ngayon ay ang panunuring pampanitikan. Mapahahalagahan lamang
natin nang lubos ang isang akda kung tayo'y may kinalaman sa pagsusuri nito.
Narito ang limang mahahalagang batayan ng panunuring inilahad ni Virgilio
Sagun sa kaniyang mabisang Panunuring Pampanitikan:

PORMALISTIKO

natutungkol sa panunuri ng kayarian ng akda kung kumbensyunal o makabago


o kaya'y tradisyonal o makaluma. Kumbensyunal o makabago ang kayarian ng
akda kung ito'y ginagamitan ng "flash back technique" o pagbabalik-gunita sa
nakaraang Ang daloy ng pangrayari sa akda ay nagsisimula sa gitna at
napagdurugtong ito sa pamamagitan ng pagbanggit sa nakaraan. Tradisyonal
o makaluma naman kung tuluytuloy ang pagkakalahad ng mga pangyayari na
nagsisimula sa pinaka-ugat ng mga pangyayari hanggang sa kawakasan nito.
Akma ang panunuring ito sa anumang akda, tulad sa maikling kuwento, nobela,
pelikula, at maging sa mga tula. Ang kayarian ng taludtod, sukatyat tugma ay
karagdagan lamang na isinasaalang-alang sa panunuri ng tula.

SOSYOLOHIKAL

Sa panunuring ito, ang binibigyang diin ay ang interaksyon ng mga tauhan


(lalo't ng pangunahing tauhan) sa kapwa at sa lipunan, ang sanhi ng
pagkakaroon ng mga ganoong PanUayari sa buhay, ang kanilang pakikibaka sa
lipunan, maging sa kanilang kabiguan o tagumpay.

SIKOLOHIKA

Ito ang panunuring ang diin ay naga pagta. talo ng kaisipan ng pangunahing
tauhan at ng iba pang tauhan 8a akda. Dito isinasaalang-alang ang
pagtitimbang-timbang 8a mga ikinikilos ng mga tauhan kung makatarungan o
hindi ang kanilang mga naging kapasyahan.

MORALISTIKO

BinibIigyang-diin sa panunuringito angkilog o asal ng pangunahing tauhan at ng


iba pang tauhan sa akda, kung kalugud-lugod o di kalugud-lugod sa mata ng
Diyos at sa tao. Sa madaling salita, sinusuri rito kung may moral o "immoral" na
mga panwayari.

21 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
ARKETIPAL

Ito ang panunuring nangangailangan ng masusing pag-aaral sa kabuuan ng


akda, sapagkat dito isinagaalang-alang ang pagbibigay ng pakahuluga n sa
mga simbolismo ng AKDA.SEDI

22 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
REPUBLIKA NG PILIPINAS
KOMISYON NG LALONG MATAAS NA EDUKASYON
SAMAR COLLEGES, INC.
Lungsod Catbalogan, Samar
Kolehiyo ng Edukasyon

MGA PAGSASANAY
ng
Pagtuturo-Pagkatuto
SA

Pagtuturo ng Filipino sa
Elementarya-2 Panitikan ng
Pilipinas
(PINAL)

INIHANDA NI:
ANALIZA O. EBIT,. LPT
Instruktor, CoEd

Pangalan:______________________________________________________________
Instruktor:______________________________________________________________
Kurso at Antas:__________________________________________________________
Oras at Araw:__________________________________________________________
Araw ng ipinasa: _______________________________________________________
Koda ng kurso:_________________________________________________________
Marka:________________________________________________________________

23 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
PAGSASANAY I . (Maikling Pagsusulit)

A. PANUTO: Talakayin ng maiksi at tumpak kung ano ang kalagayan ng dula


at awit sa bawat panahon na makikita sa sa talahanayan sa ibaba. Isulat
ang sagot sa loob ng talahanayan nang katumbas na panahon. (20
puntos)

Bagong Lipunan dula Ikatlong Republika Sa kasalukuyan


at awit dula at awit Dula at awit

24 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
B. PANUTO: Punan ang hinihingi sa talahanayan na makikita sa ibaba. Kung
kung sino ang may-akda at kung kanino ang akda na makikita sa
talahanayan Isulat sa loob ng talahanayan ang sagot:

Panahon ng bagong lipunan

May-akda/ Manunulat Obra /Naisulat/ Akda

Fredie Aguilar 1.

2. TL, Ako Sayo

Edgardo Reyes 3.

Rolando Tinio 4.

5. UP Repertory

6.
Insiang
7. Tales of Manuvu

8. Ako’y Isang Pinoy

Ponciano Pineda 9.

10. The Way We Were

t alegorya upang maparating ang mga mensahe sa taumb


PAGSASANAY II. (Maikling Pagsusulit)

A. PANUTO: Isa-isahin ang mga panunuring pampanitikan at ibigay ang


depinisyon nito. (3puntos) bawat isa .

Sagot:

25 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
B. PANUTO: Ipaliwanag ang iyong sariling hinuha tungkol sa mga piling saknong
ng mga tula at awitin.(5 puntos) bawat isa.

1. May samahan at ibigan, maayos at payapa


May sariling wika Tayo raw ito
Sa ante-panahon ng kolonyalismo.
Walang abogMula sa kanluran ang dayo'y sumapit
Ako ay hinamak, siya ay inapi, ikaw ay hinamig
Siniil ang laya, kinamkam ang yaman
Barangay ay binuwag Mga tala ay sinunog
(Pilipino : Isang Depinisyon: ni Ponciano B. P. Pineda Tula)

Sagot:

2. Ang gobyerno, ang relihiyon, ang ugali,


ang kultura Kinastila itong dila
Itong puso'y kinastila, Edukasyon ay hulog ng langit
Mula sa kanluran ang dayo'y sumapit
Ako ay hinamak, siya ay inapi,
ikaw ay hinamig Siniil ang laya,
kinamkam ang yaman Barangay ay binuwag
Mga tala ay sinunog Abakada'y
ibinawal Ipinasiyang mga mangmang
(halaw sa Tula) Pilipino: Isang Depinisyon: ni Ponciano B. P. Pineda)

Sagot:

26 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
3. Ewan ko ba kung bakit type kita/ di ka naman guwapo
Kahit malabo ang pagpili ko/
TL ako sa iyo
Panay kantyaw ng mga utol ka/
Dehing ka raw bagay sa kagandahan ang mata ko/ at na TL
(halaw sa kantang TL ako sayo ng pangkat Cinderella)

Sagot:

4. Nagdaan pa ang mga araw


At ang landas moy naligaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong "Anak, ba't ka nagkaganyan

(Halaw sa kantang “anak”)

Sagot:

27 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)
PAGSASANAY III. Maikling Pagsususlit

Pagsusuri sa isang akdang pampanitikan

A. PANUTO: Saliksikin ang akdang “ Sinag sa Karimlan “ ni Dionisio Salazar


Basahin ng maiigi at unawain pagkatapos ay suriin at ibigay ang mga
hinihinging kasagutan sa panunuring pampanitikan na mga susmusunod:

1. Buod
2. Pormalistiko
3. Sosyolohikal
4. Moralistiko
5. Sikolohikal
6. Arketipal

28 | M o d y u l
sa Panitikang Fil. 407 (Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya -2
/Ikalawang Semestre T.P. 2020 -2021)

You might also like