You are on page 1of 9

Ayon sa pag-aaral sa medisina, ang huling nawawala sa isang tao

bago siya pumanaw ay ang kanyang pandinig. Kung kaya’t


masasabi nating mahalaga ang pandinig sa isang tao. Sapgkat ang
kanyang naririnig ay tinutugunan niya, maging ito ay tama o mali.
Napapasunnod ang tao sa kanyang naririnig. Lalo’t higit dapat
kapag narinig ng isang Kristyano ang Salita ng Diyos

a. Upang matuwid ang pamumuhay sa pamamagitan ng Salita


ng Diyos
b. Upang tunay tayong mapagpala ng Salita ng Diyos
19 Tandaan ninyo ito, mga kapatid kong minamahal: matuto
kayong makinig, dahan dahan sa pagsasalita at huwag agad
magagalit. 20 Sapagkat ang galit ay di nakatutulong sa tao upang
maging matuwid sa paningin ng Diyos. 21 Kaya’t talikdan ninyo
ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal, at
buong pagpapakumbabang tanggapin ang salita ng Diyos na
natanim sa inyong puso. Ito ang makapagliligtas sa inyo. 22
Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito’y pinakikinggan
lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong
mga sarili. (Santiago 1:19-22)
Sa Mateo 28:20 ay sinabi ng Panginoong Jesus na dapat “turuan
ang mga alagad na sumunod sa Kanyang mga ipinag-utos”. Sa
bawat pahina ng Bibliya ay matatagpuan ang mga katuruang dapat
matutunan lahat ng Kristyano. May tatlong dapat matutunan ang
mga kausap ni Santiago sa mga talatang ito.

Ang mga ito ay ang sumusunod:


1. Matutong makinig
2. Matutong tumalikod sa kasalanan
3. Matutong mamuhay ayon sa Salita ng Diyos
23 Sapagkat ang nakikinig lamang ng salita at hindi nagsasagawa
nito ay katulad ng isang taong humarap sa salamin 24 at umalis
matapos makita ang sarili. Agad nalilimutan ang kanyang ayos. 25
Ngunit ang nagsasaliksik at patuloy na nagsasagawa ng kautusang
sakdal at nagpapalaya sa tao – at hindi isang tagapakinig lamang
na pagkatapos ay nakalilimot – ang taong iyan ang pagpapalain ng
Diyos sa lahat niyang gawain.
Deut. 28:1-2, 15
1” Kung susundin lamang ninyo si Yahweh na inyong Diyos at
tutuparin ang kanyang mga utos, gagawin niya kayong
pinakadakila sa lahat ng mga bansa sa balat ng lupa.2
Mapapasainyo ang lahat ng mga pagpapalang ito kung susundin
ninyo ang Diyos ninyong si Yahweh.

15 “Subalit kung hindi kayo makikinig kay Yahweh na inyong Diyos


at hindi susunod sa kanyang mga utos at mga tuntunning
ibinibigat ko sa inyo ngayon, mangyayari sa inyo ang mga sumpang
ito:
Hagai 1:1-9
4 “Tama ba na nainirahan kayo sa mga magaganda at maayos na
bahay ngunit wasak na wasak ang aking Templo? 5 Hindi ba ninyo
napapansin ang mga nangyayarisa inyo? 6 Marami na kayong
naihasik ngunit kaunti lamang ang inyong ani. May mga pagkain
nga kayo ngunit kakaunti naman at hindi makabusog. May alak nga
kayong naiinom ngunit hindi naman sapat upang magbigat
kasiyahan. May damit nga kayong naisusuot ngunit giniginaw parin
kayo sa taglamig.Kumikita nga ang manggagawa ngunit
kinukulang pa rin siya.7 Alam niyo ba kung bakit ganyan ang
nangyayari?
8 Hindi ako nasisiyahan sa mga ginagawa ninyo. Kaya
pumunta kayo sa kagubatan at kumuha ng mga trosong
gagamitin sa muling pagtatayo ng Templo upang ako ay
masiyahan at doon ay mabigyan ng karangalan.9 “Umasa
kayong aani ng masagana ngunit kayo'y nabigo. At ang
kaunting ani na iniuwi ninyo ay akin pang isinambulat. Ginawa
ko iyan sa inyo sapagkat abalang-abala kayo sa pagpapaganda
ng inyong mga bahay samantalang ang Templo na aking
tahanan ay pinababayaan ninyong wasak.
Hindi sapat ang nakikinig lamang. Ito ay may kakambal na
pagsunod. Kung ito ay maigaganap ng sabay , tunay tayong
pinagpala ng Diyos. Mahalaga ang ating naririnig sa ating
pananalig.

Roma 10:17
17 Kaya’t ang pananamplataya ay bunga ng pakikinig at ang
pakikinig naman ay bunga ng pangangaral tungkol kay Cristo.

You might also like