You are on page 1of 3

Ang Mga Panganib ng Sariling Kasiyahan

I. Mapagmataas
Lucas 12:19
At sasabihin ko sa aking kaluluwa, Kaluluiwa,marami ka nang pag- aaring nakakamalig para
sa maraming tao; magpahinga ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka.
* Nakikita ang sarili bilang walang espirituwal na pangangailangan
1. Kabaliktaran ito ng sinasabi ng Panginoon.
Mateo 5:3 Mapapalad ang mga mapagpakumbabang- loob;sapagkat kanila ang kaharian ng
langit.
2. Ito ay kabaligtaran ng kababaang-loob; hindi nakikita ng isa ang kanyang sarili bilang
kailangang itaas.
3. Santiago 4:10 Magpakababa kayo sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.
• Hindi nakikita ang pangangailangan na magbago para sa mas mahusay
1. Hindi na kailangan ang pagsusuri sa sarili sa ganitong kaisipan.
2. 2 Corinto 13:5 Siyasatin ninyo ang inyong sarili, kung kayo’y nangasa pananampalataya;
subukin ninyo ang inyong sarili. Hindi baga ninyo nalalaman sa ganang inyong sarili, na si
Jesucristo ay nasa inyo/ maliban na nga kung kayo’y tinakwil na.
3. 2 corinto 7:10 Sapagka’t ang kalumbayan mula sa Dios ay gumagawa ng pagsisisi sa
ikaliligtas, na hindi ikalulungkot: datapwa’t ang kalumbayang ayon sa sanglibutan ay
ikakamamatay.
• Hahanap ng kapangyarihan at kontrol para "patatagin" ang kanyang sitwasyon.
1. Ito ay humahantong sa “ganoon nalang muna mentality”—espirituwal na pagwawalang-
kilos .
2. Panatilihin lamang ang mga bagay sa paraang sila.
3. Roma 12:1-2 Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin,
ako'y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal
at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba ninyo sa Diyos. 2 Huwag
kayong makiayon sa takbo ng mundong ito. Sa halip, hayaan ninyong baguhin ng Diyos ang
inyong pag-iisip upang maunawaan ninyo ang kanyang kalooban. Sa gayon, magagawa ninyo
kung ano ang mabuti, kalugud-lugod at ganap na kalooban ng Diyos.

II. Kasakiman

Lukas 12:15,18 15. At sinabi niya sa kanila, mangagmasid kayo at kayo’y mangag ingat sa lahat
ng kasakiman: sapagka’t ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik
niya.18. At sinabi niya, ito ang gagawin ko: igigiba ko ang aking mga bangan at gagaw ako ng
lalong malaki, at duon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pag- aari.

1. Ang kasakiman o kaimbutan ay isang makasariling saloobin sa mga ari-arian.

* Ito ay kabaligtaran ng diwa ng pagbibigay o grasya

*Mga Gawa 20:35 “ Lalo pang mapagall ang magbigay kaysa tumang
2. Ang gahaman ay nag-iimbak ng kung ano ang mayroon sila upang ang iba ay hindi makinabang
mula dito.

* Kawikaan 1:19 Ganyan ang lakad ng bawat sakim sa pakinabang, na nag aalis ng buhay bg mga
may-ari niyaon.

• Kawikaan 21:26 May nag iimbot sa kasakiman buong araw, ngunit ang matuwid ay nagbibigay at
hindi nagkakait.

3. Iniisip ng mga sakim na may nagawa sila sa pamamagitan lamang ng pag-iipon ng ibinigay.

III. Pagiging tamad

1. Naaapektuhan ang gawain sa simbahan.

* Nagiging tamad sa gawain ng Panginoon.

* Hinahayaan nilang iba na lang lagi ang nakilos sa mga gawain

* 2 Timoteo 2:15 Pagsikapan mong humarap na subok sa Diyos, manggagawang walang


anomang ikahihiya na gumamit na matuwid ng salita ng katotohanan.

• Hebreo 11: 6 at kung walang pananampalataya ay hindi maaring maging kalugod lugod sa
Kaniya, sapagkat ang lumalapit sa Dios ay dapat sumasampalataang may Dios at siya ang
tatanggap ng ganti sa mga sa kaniya’y nagsisihanap.

2. Nagbubunga ng pagpapaliban

* Pinagpapabukas na ang mga dapat na tapusin ngayon.

2 Corinto 6:2 Sapagkat sinabi Niya, sa panahong ukol kita’y pinakinggan, at sa araw ng
pagliligtas kita’y sinaklolohan, narito ngayon ang panahon ng ukol, narito ngayon ang araw ng
kaligtasan.

3. Hindi maagap

• Ang mga Kristiyano ay dapat na isang aktibong tao, hindi reaktibo

• 2 Pedro 1:10 Kaya mga kapatid, lalong pagsikapan ninyo na mangapanatag kayo sa pagkatawag
at pagkahirang sa inyo’ sapagkat kung gawin inyo ang mga bagay na ito ay hindi kayo
mangatitisod kailanman.

• Marcos 16:15 At sinabi niya sa kanila, magsiyaon kayo sa buong sanglbutan at inyong ipangaral
ang evangeliosa lahat ng kinapal.

• Mateo 28:20 na ituro sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na inutos ko sa inyo,
at narito, ako’y sumasainyong palagi hanggang sa katapusan ng sanglibutan.
• Kapag tayo ay nasisiyahan sa sarili, binubuksan natin ang ating sarili sa mga kasalanan ng 1)
Pagmamalaki, 2) Kasakiman, at 3) Katamaran.

You might also like