“Bumalik kay Jesus ang mga apostol at iniulat nila sa kanya
ang lahat ng kanilang ginawa at itinuro. Subalit napakaraming taong dumarating at umaalis, at hindi na nila makuhang kumain. Kaya't sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Magpunta tayo sa hindi mataong lugar upang makapagpahinga kayo nang kaunti.” Umalis nga silang sakay ng isang bangka, at nagpunta sa isang liblib na lugar..” Mark 6:30-32 Mabuti ba ang labis na paglilingkod sa Gawain ng Diyos? Sa ating pagsisikap na maging mabuting tagapamahala ng ating oras at mga talento, minsan nadarama nating maganda ang maging abala para sa Diyos. Sa ibang pagkakataon, nahihikayat tayong isipin na gagantimpalaan tayo ng Diyos sa ating abalang paglilingkod sa Kanya, ngunit nadidiskubre natin na sa ating pagiging abala para sa Diyos, nawawala ang ating buhay na koneksyon sa ating Manunubos. Ginagawa natin ang mga mabubuting bagay dahil sa kasanayan, hindi sa kapangyarihan ng Espiritu Santo. Tayo ay labis na abala at naliligtaan natin ang mga sandali sa buhay na tunay na mahalaga. Ang sobrang pagka-abala ay naglalagas ng ating espirituwal na kabuhayan. “Walang taong mapapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, sapagkat ang ginagawa ng Kautusan ay ang ipaalam sa tao na siya'y nagkasala.” ROMA 3:20 a P a g - a a l a • Labis n n g R e l a s y o n • P a g k a s i r a a l n g p a g l a g o a l a a t p a g b a g Resulta ng labis na • P a g k a w paglilingkod sa Diyos a m p a l a t a y s a pa n an g k a l i d a d n a • P a g b a b a n Pa g l i l i n g k o d l a y s a D i y o s • Pa g k a h i w a Pamamaraan upang maglingkod ng nararapat at naayon Diyos:
1. Unahin ang iyong relasyon sa Diyos
“Datapuwa't hanapin muna ninyo ang kaniyang kaharian, at ang kaniyang katuwiran; at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo.” Matthew 6:33 Pamamaraan upang maglingkod ng nararapat at naayon Diyos:
2. Magtakda ng makatotohanang mga
layunin “Iukol mo sa Panginoon ang iyong mga gawa, At ang iyong mga panukala ay matatatag.” Kawikaan 16:3 Pamamaraan upang maglingkod ng nararapat at naayon Diyos:
3. Magpahinga sandali at manatili sa
Panginoon “Magsiparito sa akin, kayong lahat na nangapapagal at nangabibigatang lubha, at kayo'y aking papagpapahingahin..” Mateo 11:28 Pamamaraan upang maglingkod ng nararapat at naayon Diyos:
4. Maglaan ng Panahon sa pamilya, kaibigan at
sa iglesya “Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng nakasanayan ng iba. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang Araw ng Panginoon.” Mga Hebreo 10:25 Pamamaraan upang maglingkod ng nararapat at naayon Diyos:
5. Maglingkod ng may Kasiyahan
“Mangaglingkod kayo na may kasayahan sa Panginoon; Magsilapit kayo sa kaniyang harapan na may awitan.” Mga Awit 100:2 “.Sa paglilingkod sa Diyos, mayroong kagalakan na hindi kayang ibigay ng anumang bagay sa mundo, isang kasiyahan na nagpupuno sa kaluluwa ng kapayapaan at kasiyahan. Ang pagnanais na maglingkod sa iba ay nagmumula sa pag-ibig ng Diyos sa puso. Kapag ito'y aktibo, tayo'y makakakita ng mga pagkakataon upang tumulong sa mga taong nasa paligid natin, na nagdudulot ng kasiyahan sa kanilang buhay pati na rin sa ating sarili. Ang tunay na paglilingkod ay hindi nakabibigat o nakapagpapagod; ito'y kasama ng isang gaan ng loob at pakiramdam ng kasiyahan na maaaring makuha lamang sa pamamagitan ng pagpapagal sa gawain ng Diyos nang may kagalakan.” Ministry of Healing, p. 366 Ellen G. White